Wicked Angel (Part Two) The T...

Par DonaQuixote

2.9K 430 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... Plus

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT

37 6 1
Par DonaQuixote

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
(Be with)

Angel's point of view

Nang makarating ako sa bahay nila Rosh ay walang paligoy ligoy na sinabi niya sa akin ang kailangan niya sa akin.

Nakakapanibago.

"Talaga?" paninigurado ko.

Ngumisi 'to at tumango. "maybe I'm a jerk to you but I have my word." he shrugged.

"Ayoko." umiling ako't tumayo na.

He give me a deal. Maglalagay ako ng isang bomba sa kotse ng kakompitensiya niya sa atens'yon ng tatay niya, which is 'yong babae raw nito. At kapag nagawa ko 'yon hindi niya na ako guguluhin pa. Tapos na. Wala na akong koneksyon sa kaniya. 'Yong utang ko bayad na. Wala na akong utang na loob dahil nabayaran ko na.

Napakadali lang ng pinapagawa niya pero nagdadalawang isip ako, parang hindi ko kaya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

May mga mas malala pa akong nagawa noon para makasakit at makapatay ng tao pero ang taong ginagawan ko ng masasama ay masama. Siguro wala namang nagawa sa akin 'yong babae ni Tito Jack para tamnan ko ng bobma ang kotse niya.

Inosente siya, wala naman siyang ginawa sa akin. Kung kay Rosh naman ang usapan hindi naman siya nito sinasaktan o ginagalaw man lang ang tanging ginagawa nito ay mahalin si Tito Jack kaya nawawala ang atens'yon nito kay Rosh.

"Oh? That was bad... alam mo kayang kaya ko naman na gawin 'yong pinapagawa ko sayo." nanunuyang pahayag niya.

"Then do it! Sinasayang mo ang oras ko," hindi ko napigilang umirap.

"Binibigyan na kita ng magandang pagkakataon para makaalis sa pagkakatali mo sa akin. Papakawalan na kita. Pagkatapos ng gagawin mo ay kailan man wala ka ng koneksyon sa akin. Hindi na kita guguluhin."

I rarely trust his word. Hindi ako naniniwala na gagawin niya ang mga sinasabi niya at nagugulat na lang ako dahil ginawa niya na.

Tinignan ko siya at nakangisi na siya sa akin ngayon, alam niya nang panalo na siya. Napabuntong hininga naman ako.

"Pag iisipan ko,"

"That's good! Makipagkita ka na lang sa akin kapag nagkapagdesisyon ka na."

Matapos ang usapan naming 'yon ay umalis na ako.

Nakatulala lang ako ngayon habang nakaupo sa dati kong pwesto sa pool, nakalublub din ang mga paa ko sa tubig habang may katabing beer.

Ang dami ko na ngang iniisip ay dumagdag pa 'yon.

Nagdadalawang isip ako kanina at ayaw ko ng padalos dalos ako at pumayag na lang sa deal na 'yon. Hindi ko gusto 'yong gagawin ko sa deal pero gusto ko ang kapalit ng deal kapag nagawa ko 'yon.

Kapag nagawa ko 'yon wala na akong iisipin. Wala ng Rosh na ibubunyag ang katauhan ko kapag hindi ko nagagawa ang kaniyang gusto, wala ng Rosh na kokontrol at mang uutos sa akin. Magiging tahimik ang buhay ko kasama ang mga kaibigan ko.

Pero bago mangyari 'yon tataniman ko muna ng bomba ang kotse ng babae no Tito Jack para kay Rosh. Makakapanakit muna ako. At makakapatay ng tao na ang kasalanan lang na ginawa ay umibig sa maling tao, hindi direktang ako ang gagawa pero isa ako sa may pakana.

"Alam mo... you think to much."

Napangiti ako't nilingon ang lalaking tumabi sa akin at inagaw ang beer na hawak hawak ko.

"Iniisip ko lang kung pasado ba ako sa exam." palusot ko na lang.

"Kailan ka pa nagkapaki sa mga school stuff?"

"Mean." komento ko na lang at napairap. Natawa lang siya at nang matapos ang tawa niya hindi na nawala ang ngiti niya.

Napatitig ako sa kaniya. Ang saya niya at nahahawa ako.

"Bakit?" takang tanong niya na.

"Kunin mo akong ninang ng magiging anak niyo a?" naiusal ko na lang.

"You know?" nanlaki ang mga mata niya at tinuro pa ako.

Natawa ako't tumango bilang sagot. Hinablot ko ang beer na hawak niya at uminom ako roon.

"How?"

"Mahalaga pa ba 'yon? Basta masaya ako para sayo, para sa inyong dalawa. Congrats."

"I'm beyond happy. Noong nalaman ko nga ay natakot ako kasi inisip ko agad ang mangyayari sa hinaharap pero ang bilis bumalot sa akin 'yong saya."

"Andito naman ako. I'm one call away." I shrugged.

Wala akong balak na sabihin sa kaniya ang nasaksihan ko kanina dahil ayaw kong maghimasok at siguro naman ay magsasabi si Lesly kay Cole. Pero ang pangyayaring 'yon ang nagudyok sa akin na sabihin ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Sobrang swerte ko naman kung ganoon." nangingiting komento niya.

"Nakakahawa ang saya mo..." saad ko at huminga ng malalim at nilanghap ang medyo may kalamigang hangin dahil malalim na rin ang gabi. Gumaan ang pakiramdam ko. Nawala lahat ng iniisip ko. Nakatuun na lang 'to kay Cole na masaya dahil magiging ama na 'to.

"Na umabot sa puntong may nagselos at pinagkamalan tayong naglalandian." dagdag niya sa sinabi ko.

Gusto kong kontrahin ang sinabi niya pero nauwi kami sa sabay na pagtawa ng malakas.

Matapos naming tumawa ay katahimikan na ang bumalot sa amin. Nagbukas na lang ako ng isang beer at 'yon ang ininom at hindi na nakipag agawan kay Cole.

"I never dreamed of having a son with her... I never wish it. Alam mo 'yon? Mahal ko siya pero hindi ko gusto at hindi ako handa sa nangyari? Pero masaya ako... sobrang saya ko dahil sa wakas... magkakaroon na ako ng sariling pamilya na pinagkait sa akin noon." ang boses niya ay puno ng emosyon at ramdam ko ang saya doon.

Napangiti ako, "Masaya ako para sayo..."

I tapped his shoulder. Ngumiti ako at uminom uli. Katahimikan ang bumalot uli sa amin at tanging mahinang tunog ng pag ihip ng hangin ang maririnig at mga ensikto sa gabi.

"I was there when the night Chad confess his feeling for you..."

Naibuga ko ang alak na iniinom ko dahil sa gulat sa narinig.

"Seryoso?!" gulantang ko.

"It just like a deja vu..."

"Anong ibig mong sabihin?" may mga hindi pa ba ako nalalaman?

"Kilala mo naman na si Beatrice hindi ba? Naroon din ako noon nang umamin si Chad sa kaniya at naroon din si Justin..."

I was speechless and all I can do was nod and smile bitterly...

Akala ko sa akin lang.

May Beatrice pa lang nauna.

Meron naman talaga.

Si Beatrice muna sa lahat bago ako.

"Narinig ko rin lahat ng sinabi sayo ni Justin..."

"Is he telling the truth?" I asked.

Nag init bigla ang mga mata ko nang maalala ko lahat ng sinabi niya nang gabing 'yon. Tanda ko bawat salita, bahagi na 'yon ng puso ko at sobrang sakit pero kailan alagaan ko para alam ko ang lugar ko.

"Oo..." walang pag aalinlangang sagot nito sa akin.

Ramdam ko ang pagbagsak ng isang butil ng luha sa pisngi ko at mabilis kong tinuyo 'yon pero mabilis na sumunod naman ang iba. Napansin ni Cole ang pagluha ko pero hindi siya nagsalita bagkus ay inilapat niya ang kamay sa likod ko at marahang hinagod 'yon at inalo ako.

Napakagat ako sa ibabang labi at natawa na lang bigla. Sabi ko hindi na ako iiyak dahil do'n pero ito ako ngayon. Tinuyo ko ang luha at huminga ng malalim.

"Pero nagsisinungaling siya nang sabihin niya sayo na nakikita ni Chad si Beatrice sa katauhan mo kaya niya nasabing gusto ka niya." dahan dahan ang pananalita niya, pinapaintindi niya.

Natawa ako't inayos ang pigura ko, "ano ka ba! Don't comfort with lies." hinampas ko ba ang braso niya.

"I'm not lying." may diing saad niya at hinarap ako, tinignan ako ng seryoso na para bang sinasabi niya na makinig ako at maniwala sa sasabihin niya, "Chad do really like you, I don't know if it's only liking level. I see admiration in his eye every time he look at you, he was like looking at the moon he admired the most."

Muli, wala na naman akong mahagilap na salita kaya natahimik ako. Umawang ang labi ko at wala namang salitang naglakas loob na lumabas kaya itinikom ko 'to.

"It's mirrored you," dagdag pa niya.

"If you only do this just to give me hope, please, stop it... I'm starting to believe..."

"Then believe. Saksi ako sa pagbabago ng pagtitinginan niyong dalawa. Maaaring may ibang hindi nakakapansin pero ako? Napansin ko 'yon."

Nanatili kami sa ganoong pwesto namin. Nakatingin siya sa akin na para bang kinukumbinsi ako.

"I witnessed the changes. Chad's love Pia, really, he was obsessed at the point that he got you as his fake girlfriend that to make sure that Pia love him too like he was to her, but then, his plan doesn't work as he planned. He was fall... to you."

Ayaw kong tanggapin ang mga sinasabi niya pero habang binabalikan ko ang mga araw na biglang nagbago si Chad ng pakikitungo sa akin unti unti akong naniniwala.

"And I'm telling you this because I want to enlighten you that Chad's love you as you, not seeing Beatrice to you."

'Yon ang huling salita niya bago siya nagpaalam sa akin at pumasok na sa loob. Naiwan ako rito at tulala.

Remembering Cole'a word make me feel at cloud nine.

At habang iniisip ko ang maaaring mangyari sa pagitan namin ni Chad dahil sa nararamdaman namin, nakapagdisesiyon ako agad.

I texted Rosh that I agree with the deal. Agad naman ang naging pagtugon niya at sinabi ang lokasyong pero sinabi ko na magkita muna kami.

I'm on my way now. Tulog na ang lahat nang umalis ako sa bahay. Sa hide out ng Red x gang ko mas piniling makipagkita.

"Ang bilis naman 'atang magbago ng isip mo?" Rosh grinning from ear to ear while looking at me.

"Bigyan mo ako ng magandang dahilan para tamnan ko ng bomba ang kotse ng sinasabi mong babae." sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Nasabi ko na sayo lahat."

Napaisip ako.

Pwedeng sarili ko naman uli ang isipin ko? Pwede bang maging makasarili uli ako? Pwede bang kaligayahan ko rin ang isaalang alang ko? Dahil kapag natapos na 'to hindi na ako uulit. Matatapos na.

"Payag ako."

Sumilay ang ngiting tagumpay ni Rosh, nagulat ako nang tumayo siya't niyakap ako. "thank you!" usal niya at bakas ang kasiyahan sa boses niya.

Mabilis ko naman siyang tinulak palayo.

"Bata pa lang ako lagi kong tinatanong kung sino ang mama ko pero walang sagot si Daddy, lagi 'yon pero nang magkaroon siya ng ibang babae sa buhay niya, no'ng dumating ang babaeng 'yon hindi naman ako natuwa dahil hindi naman niya ako tinuring na anak, naging kaagaw ko pa siya sa kakiting na nga lang atens'yon na binibigay sa akin ni Daddy..."

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagkwekwento siya. I never meet his mother, I also don't know her face even her name, same with Rosh pero habang nagkwekwento siya at may malamlam na mga mata... hindi ako makaramdam ng simpatiya sa kaniya. Deserve niya naman, gago siya e.

"Kaya gusto ko siyang mamatay. Wala na akong ina, mawawalan na naman ako ng ama, hindi ako papayag." umiling iling pa siya.

"Sayo na lang Mama ko,"

"Bwesit ka!" natatawang usal niya.

"Ayaw mo no'n? Libre!"

Ginawa ko ang plano niya. Naging utusan niya ako, naging sunod sunuran ako sa mga salita niya at ito na ang huling pagkakataon...

Suot ko ang itim na hoodie at pants na malaki upang kung sakali na mahagip ako ng CCTV ay hindi ako makilala. Nagkamaskara rin ako.

Binigay niya sa akin ang address ng condo na tinutuluyan ng babaeng 'yon kaya pinuntahan ko agad 'yon at hinanap ang kotse niya.

Madilim, alas dos pa lang ng madaling araw kaya walang taong nagkalat. Takot ako sa multo at alam ko sa mga oras na 'to ko sila makikita pero sa pagkakataong 'to mas takot ako sa sarili ko dahil may gagawin akong masama at malala keysa sa nagagawa ng multo sa tao. Maliit na ilaw lang ang gamit ko pero sanay at batak na ako sa mga gawaing ganito ay hindi na ako nagkamali at nadapa pa sa dilim. May guard na naglilibot at mabilis naman ako nakakilos at nakapagtago.

Hinahanap ko ang kotse na tatamnan ko ng bobma at kailangang ilawan ko pa ang mga plaka para makita ito.

Sa sandaling nakita ko ang kotse na tinutukoy niya ay natigilan ako.

"Gagawin ko ba talaga?" tanong ko sa sarili ko at naupo sa sahig at tinitigan ang plaka ng kotse.

Para sa ikatatahimik ko na ikakawasak ng ibang tao...

"Ito naman ako noon e... Ginagawa ko naman 'to noon e... Kaya ko naman 'to noon e..." reklamo ko sa sarili ko at para akong maiiyak dahil bigla na naman akong nagdalawang isip kahit na nakabuo na ako ng desisyon kanina.

Narito na ako... ito na ako.

Mabigat ang loob ko nang ginawa ko ang pagkabit ng bomba sa ilalim ng kotse bago nagmamadaling umalis.

Bumalik ako sa hide out ni Rosh at naabotan kong wala na siya roon. Binalik ko lang ang dati kong ayos kanina at agad na umalis doon at naghintay pa ako ng ilang minuto bago may dumaang taxi kaya pinara ko 'to.

Tulala lang ako buong byahe.

Sa oras na pindotin ni Rosh ang connector ng bomba ay matatapos na ang lahat.

"Saan ka galing?"

Napaigta ako nang makapasok ako sa bahay ay agad na may nagsalita sa kung saan sa dilim kasunod no'n ang pagsakop ng liwanag sa paligid.

Hinanap ko agad ang nagsalita at nakita ko siya sa tabi ng switch. Matiim ang pagkakatingin niya sa akin na para bang kailangan kong maipaliwanag dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay pagdududahan niya ako.

"Bar." sagot ko.

Naglakad na patungo sa kwarto ko pero tinawag niya ako kaya nahinto ako't napatingin sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

Nagkonekta ang mata namin at sumikdo ng mabilis ang puso ko.

Lumapit siya sa akin at wala sa sariling napaatras ako. Napahinto siya nang makita ang naging reaksyon ko sa paglapit niya. Napakagat labi siya at sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

"Wala..." umiling siya at humakbang siya paatras palayo sa akin kahit na ang layo niya na.

"Chad sandali lang..." awat ko nang makita na hahakbang na siya palayo.

At parang napigtas ang pagtitimpi niya nang sabihin ko 'yon dahil inisang hakbang niya ang pagitan naming dalawa at kinulong ako sa bisig niya.

Nakaramdam ako ng ginhawa. Lahat ng iniisip ko sa isang iglap ay nawala. Lahat ng pag aalinlangan ko tinangay ng hangin at iniintindi na ang lalaking yakap yakap ko na.

"Damn..." he uttered. Ang mahigpit na yakap niya ay na mas humigpit pa na para bang kakawala ako sa kaniya. Isiniksik niya ang muka niya sa leeg ko. "can we talk?" ang boses niya ay mahina pero bakas ang pakikiusap.

Hindi ko siya sinagot at niyakap ko lang siya pabalik.

"Gusto ko nang matapos 'to... gusto ko nang sabihin sayo lahat ng gusto mong malaman... gusto ko nang malinawan ka..." ang bawat salita niya ay parang hirap niya ng bigkasin. Nasasaktan ako kasi kahit hindi ko makita ang muka niya alam kong bakas ang sakit dito base sa tono niya. Ito na naman ako at nasasaktan na parang puso ko ang puso niya.

Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinila ko siya payuko upang magpantay ang muka namin at agad naman siyang nagpatianod habang ang mga mata niya sa akin nakatutok.

Idinikit ko ang noo naming dalawa, pumikit ako dahil sa nararamdaman kong tuwa, kaharap ko ngayon 'yong lalaking kahapon sa kaniya nangungulila.

Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa labi ko, ramdam na ramdam ko ang mabagal at mabigat na pag hinga nito. Iminulat ko ang mga mata ko at sinalubong ang nangungusap niyang mga mata.

"Chad..." bigkas ko sa pangalan niya at ngumiti sa hindi ko alam na dahilan. "alam mo bang gusto ko na ring malinawan sa lahat. May mga bagay na nagpapagulo sa utak ko at ang mga sasabihin mo lang din ang makapag-aayos no'n."

"Alam ko... alam ko," tumango tango siya.

Tumagal kami sa ganoong pwesto. Sa ganoong pwesto naging masaya ako, 'yong puso ko ay parang nakikipagkarira dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

Habang nasa ganoong pwesto kami ay sinabi sa akin ni Chad na may pupuntahan kami. Ang tagal na nagproseso sa utak ko ang nangyari at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa byahe kasama ang lalaki.

"Saan tayo pupunta? Bakit lalayo pa tayo e mag uusap lang naman tayo? Bakit may mga naka impake na akong damit agad agad? Teka! Plinano mo ba 'to?!" sunod sunod na ang mga tanong ko habang ang lalaki namang nasa driver seat ay nakangiti lang, aliw na aliw sa reaksyon ko.

Nilingon niya ako, "just wait and relax, honey," then, he winked.

Natahimik ako. Ano nga uli 'yong sabi niya? Honey?

_
Your votes and comments are highly appreciated! Thank you sayo ng hard! I love you all extremely!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

The Class Prince Par I.J Hidee

Roman pour Adolescents

13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
234K 6.9K 50
we young & turnt ho.
Riptide Par V

Roman pour Adolescents

329K 8.4K 118
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
22.5K 99 17
naughty girl with naughty professor. story is kind of new and interesting. read it to enjoy it!