Wicked Angel (Part Two) The T...

By DonaQuixote

2.9K 431 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... More

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN

54 5 1
By DonaQuixote

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN

(Reason behind)

Angel's point of view

Everything's happen for a reason... pero ang rason na ba 'yon makakatulong sa nabuong sitwasyon? Funny it's not.

Nangyari ang pag uusap naming 'yon dahil may rason at hindi 'yon nakatulong sa sitwasyon namin ngayon. Walang nagbago. Walang nabago.

Gusto ko siya pero gugulo lang ang lahat kapag pinagpatuloy ko siyang gustuhin pero hindi ko naman maialis sa akin na gusto ko siya kahit na mali.

Nasa isa akong mahirap na disesyon  na ang pagpipilian ay sarili ko, siya... sila.

Napatingin ako kay Chad na tahimik lang at nakikinig gaya ng dati habang maingay kaming nasa paligid.

I miss him...

Kahit na nakikita ko siya palagi. Kahit na nakakasabay ko pa siyang kumain ng umagahan, at hapunan... at kahit ngayong nasa cafeteria kami at sabay sabay kaming kumakain ng snack. Hindi ko maiwasang mangulila.

Gusto kong bumalik sa dati... 'yong dati na inaadmire ko lang ang kagwapohan niya, 'yong dati na libre pa ako kiligin sa simpleng gestures niya, 'yong dati na tamang selos lang ako kay Pia, 'yong dati na hindi ko alam na pareho pala kami ng nararamdaman sa isa't isa.

Pero malabo...

Bukas na ang exam. Bukas na matatapos ang paghihintay ko. Makakausap ko na siya.

"Angel malabs! Tuloy na natin 'yong ice cream house... please..." nakangusong pakiusap sa akin ni Gaio habang pabalik na kami n room.

"Bukas na lang."

"Na naman!" singhal niya.

Kumunot ang noo ko't nilingon siya, "oh? Ano? Kaya mo na?" nanghahamong tanong ko kaya mas lalong humaba ang nguso niya.

"Kahapon sabi mo bukas nalang tapos ngayon naman bukas na naman! Tsk!"

Napabuntong hininga ako. Sa itsura ni Gaio kunti na lang ay magtatampo na siya. Noong nakaraang araw pa niya ako kinukulit na pumunta ng ice cream house pero laging hindi natutuloy dahil lagi akong tinatamad na kumilos. Hindi hinahanap ng katawan ko 'yong nakasanayan ko na dati.

Huminto ako at hinarap siya. Nangingiting hinuli ko ang bibig niyang nakanguso at pinanggigilan 'yon. Cutie. Pero hindi 'yon nagtagal dahil malakas niyang tinampal ang kamay ko kaya napabitaw ako at ininda ang kamay.

"Sorry. Nauna ka naman e." aniya at hinuli ang kamay ko at sinuri 'yon.

"Totoo na 'to. Bukas na talaga." I'm not sure with my words but I need to say this to make him stopped.

Binitiwan niya ang kamay ko at itinaas ang hinliliit niya.

"Pangako?"

Umiling ako, "ang hirap magbitaw ng salitang pangako... pwedeng susubukan ko na lang?"

"Oh segi."

Buong araw ay nakinig ako sa klase. Hindi pwedeng papitiks pitiks na lang ako gaya no'ng una dahil kung hindi ako magseseryoso maiiwan ako panigurado. Sila Gaio, ang iba sa amin ay hindi halatang maaral pero kung titignan mo naman ang mga scores ay mapapatanong ka na lang kung may source ba sila. Nakakatawa.

Nang gabi naman ay sabay sabay kaming nag aral sa sala. Halata na gusto nilang makapasa. Ako rin naman pero ang atensyon ko ay minsan naagaw ni Chad na kaharap ko lang.

Ngayon lang nangyari 'to, ang sabay sabay kaming mag aral. Walang maingay. Lahat seryoso.

"Iyong lessons at key word ang aralin mo, 'di 'yong muka ni Chad,"

Malutong na mura ang lumabas sa bibig ko at halos mapatalon pa ako sa gulat nang may bumulong mismo sa tainga ko. Napatingin pa silang lahat sa akin. Inis na binalingan ko nang tingin ang katabi ko at hindi ko napigilan ang kamay ko at kusa 'yong umangat at binatukan ang lalaki na agad naman napadaing at nagreklamo.

"Totoo naman kasi..." bulong niya pa na hindi nakatakas sa pandinig ko kaya inambangan ko siya ng batuk pero bigla na lang niya akong hinarap at nginitian ng sobrang tamis.

Kung kusa na lang kumilos ang kamay ko kanina para batukan siya, ngayon naman kusa naman 'tong tumigil sa akmang pagbatuk sa lalaki dahil sa ngiti nito. Nahawa pa ako sa ngiti niyang 'yon.

"Ganda ng mood natin Cole ah?" usisa ko at hindi na nawala 'yong ngiti ko. Lumapit ako sa kaniya para marinig kung sakali ang sagot niya, "anong nangyari?" tanong ko sa boses na kaming dalawa lang ang makakarinig kahit na kaharap namin ang iba na busy na ulit sa pagbabasa at pagtatake note.

Nangiti lang 'to at tinignan ako't umiling saka niya uli tinuun ang atensyon niya sa binabasa.

"Madamot kang nilalang ka..." umiling iling ako't hindi na siya ginulo pero 'yong ngiti sa labi ko hindi na naalis.

Para bang sobrang saya ni Cole ngayon. Abot abot langit ang saya niya na akong nginitian niya lang ay nahawa.

Sino kayang nakapagpapasaya sa kaniya?

Muling nilingon ko si Cole at mukang napansin niya na nakatingin ako sa kaniya dahil lumingon din siya sa akin at para kaming tangang nangiti sa isa't isa. Ang ngiti kong 'yon ay naging tawa dahil may pakiramdam ako na masaya siya dahil sa babaeng mahal niya. Duh? Ang blooming niya rin kasi.

"Alam mo... halatang in love ka." bulong ko kay Cole at mahinang natawa. Akala ko ay iilingan niya uli ako pero nilingon niya ako't nginitian na naman.

"Sobra." tapos ay tumango tango pa siya.

"Hulog na hulog?" hindi ko mapigilang komento.

He grinned. "girlfriend ko na siya, matagal na kami pero crush ko pa rin."

I crunched my nose as I cringe. "Yuck. Corny."

Sumimangot si Cole at akmang sasagotin ako sa naging reaksyon ko ay inunahan siya ni Chad sa pagsasalita.

"Tahimik. Hindi lang kayo ang tao rito kaya pwede ba? Sa ibang lugar kayo maglandian."

Masamang tingin ang ginawad ko kay Chad pero hindi niya 'yon nakita dahil tutok siya sa ginagawa niya. Narinig ko naman ang pagtawa ng iba pero nang balingan ko sila ng tingin ay tatahimik sila at nagkunwaring nagbabasa. Si Cole naman ang binalingan ko pero sa halip na maoffense sa sinabi ni Chad ay natawa rin siya at umiiling iling na tumingin sa akin bago siya dumestansiya.

Landian? Nag uusap lang kami tapos landian? Putang ina.

Inayos ko ang gamit ko bago tumayo.

"Where are you going?"

"Mag aaral ako mag isa. Lalayuan ko na lang si Cole para hindi kami mag landian." note my sarcasm please.

Natawa ang ilan sa tinuran ko. Binalingan ko si Cole ng tingin na tatawa tawa lang. Ramdam ko rin ang tingin ni Chad pero hindi ko na siya tinignan pa.

Naglakad ako paalis sa sala. Napahinto na lang ako dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupuwesto.

Sa kwarto ko ang bagsak ko. Naupo ako sa study table ko at doon nag aral mag isa. Sa totoo lang masakit sa ulo mag aral pero wala akong magagawa.

Alas dos na ng umaga ako natapos. Hindi ko namamalayan ang oras. Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Dapat tulog na ako sa mga oras na 'to. Tumayo ako't nag inat. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba patungo sa kusina dahil nakaramdam ako ng uhaw, kumalam na rin ang sikmura ko.

Madilim, malamig na hangin ang yumakap sa akin at nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa paligid. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman kong pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagmamadaling binuksan ko ang ilaw at agad nakaramdam ng ginhawa.

Naghanda ako ng gatas at tinapay na siyang pang laman tiyan ko. Naupo ako at sinimulang kumain.

Bigla akong inantok matapos kong maubos ang gatas ko. Nagpakalumbaba ako at hindi ko na napigilang pumikit dahil bumigat na rin naman ang talukap ng mata ko.

Nagising ang diwa ko nang may maramdaman akong mainit na bagay sa pisngi ko. Minulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang muka ni Chad. Pareho kami ng pwesto, nakalumababa rin siya gaya ko pero nakaharap sa akin.

Ang tagal promosiso sa utak ko na hinahaplos niya ang pisngi ko dahil napatitig pa ako sa kaniya bago ko 'yon napagtanto. Mabilis na napatayo ako at inayos ang siguradong magulong buhok ko.

"A-Ano..." umiwas ako ng tingin nang hindi niya inalis ang tingin sa akin, at ang sasabihin ko pa sana ay tinangay na ng hangin. "Good morning.." bati ko at nagpeke ng tawa at muling tinignan siya. Hindi pa rin siya nagbabago ng puwesto niya.

"Why you slept here?" tanong niya, walang paki sa pagbati ko sa kaniya, hindi pa rin nagkakahiwalay ang magkakonekta naming mata. Para rin akong kinuryente dahil sa boses niyang kay ganda.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakita ko na pasikat na ang araw. Napatingin din ako sa sahig nang mapansin ko ang puttng kumot sa sahig. Mukang ipinatong 'yon sa akin ni Chad at nahulog kanina nang tumayo ako, hindi ko napansin. Pinulot ko 'yon at ipinulupot sa katawan ko. Malamig e.

"Angel,"

Napaigta ako't napatingin kay Chad nang banggitin niya ang pangalan ko sa nauubusang pasensiyang tono.

"A-Ano?"

"I said, why you slept here? Parang wala ka namang kwarto."

"Hindi ko naman ginusto. Basta namalayan ko na lang na alas dos na ng umaga tapos bigla akong nauhaw at ginutom kaya lumabas ako tapos biglang nakatulog na lang ako diyan." pagpapaliwanag ko.

Bakit nga ba ako nagpapaliwanag?

"Uhm.. segi diyan ka na. Good morning ulit." hindi ko na siya hinayaang sumagot sa akin dahil agad na tinalikuran ko siya't naglakad papalayo sa kaniya.

Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Huminga ako nang malalim para ikalma ang nagwawala kong puso.

Nagtungo na ako sa kwarto ko at ginawa ang nakasanayan kong gawin kada umaga. Naligo na ako't nagbihis bago bumaba at naabotan ko na sila sa hapag at kompleto na.

"Magandang umaga sa lahat!" bati ko sa kanilang lahat na parang walang nangyari.

"Mas maganda ka pa sa umaga..."

Malaki ang ngiting tinignan ko si Cole nang sabihin niya 'yon. Maganda rin ang ngiti niya, hindi nagbago, gaya pa rin kagabi.

Napatingin kaming lahat kay Chad nang padabog niyang binitiwan ang hawak niyang kubiyertus at tumayo.

"I have to go." usal niya habang ang tingin ay nasa sa akin.

"So? Hindi ko tinatanong."

"I'm not talking to you,"

"Aba—" hindi na natuloy ang sasabihin ko nang nagsimula na siyang maglakad.

Mahinang tawa ng lahat ang narinig ko at tumigil lang sila nang awatin na sila ni Cole dahil nakita niyang kunti na lang ay sasabog na ako

Nang matapos kong kumain ay sinamahan ko pa si Gaio na maghugas ng plato dahil siya ang naatasan ngayon na mag hugas ng pinggan. Tutal ay sa kaniya naman ako sasabay kung kaya tinulungan ko na siya.

"Ice cream house tayo mamaya..." paalala nito sa akin nang makarating na kami sa school. Tumango tango naman ako bilang sagot.

Nag usap lang kami habang naglalakad patungo sa room. Nagulat pa ako nang makasalubong namin sila Chad, Cole at Justin. Pero ang mas nakakagulat ay hindi nila ako pinansin at si Gaio lang... si Gaio lang ang sinabihan nila ng "Good luck Gaio!"

Masama ang loob ko nang makarating kami sa room habang si Gaio naman ay tawa nang tawa.

"Ice cream house tayo mamaya..." bulong na paalala ni Gaio nang nasa room na kami at naabotan na namin na nagsisimula na ang exam.

Tumango na lang uli ako.

Binigyan kami ng isang oras kada isang subject. Hindi madali pero kinakaya ko naman mabuti na lang at nag aral ako kaya naman hindi ako nahirapan.

Ilang ulit kong binabasa ang mga tanong at binabasa ko nang maayos ang pagpipiliang sagot bago ako nagsasagot.

Iniisip ko na lang ang magiging future ko kung sakali...

Hapon nang matapos na namin ang buong exam. Hindi mahirap pero hindi rin naman madali. Nakakapagod pero iba 'yong pakiramdam... parang napagod ka pero sa may sense naman na bagay. Nakakagaan ng loob. Ngayon resulta na lang ang hihintayin.

"I deserve a treat!" usal ni Gaio habang ito... hinihila ako papasok sa kotse niya.

"Oo naman! Ako rin!" sigaw ko rin.

Naging masaya ang byahe namin patungo sa ice cream house ni Gaio. Ang usapan namin ay kung anong isinagot namin sa mga tanong. May mga sagot na mag kaiba kami, may mga sagot na magkapareho kami. Pero pakiramdam ko mas tama 'yong isinagot niya na magkaiba kami keysa sa isinagot ko.

"Kapag ako talaga nakapasa!"

Nilingon ko siya, "ano?" tanong ko.

"Magsasaya ako!" sigaw na sagot niya. Halatang masaya dahil tapos na ang paghihirap niya.

"Eh kapag hindi?"

Bumusangot siya at umastang nag iisip at nagulat ako nang tumawa siya, "magsasaya pa rin ako!"

"Bakit naman?" kunot noong tanong ko. Magsasaya pa rin siya? Kung iba 'yan umiyak na.

"Kasi 'yon ang kauna unahang bagsak ko sa buong buhay ko!" tapos ay tumawa pa siya.

Napailing na lamang ako sa sinabi niya.

Ako? Siguro naman makakapasa ako. Nag aral ako e.

Nakarating kami sa ice cream house at sobrang ligalig ni Gaio! Pagtapak pa lang niya sa loob ay sumigaw na siya ng "yes! sa wakas!" usal niya kaya naman napatingin lahat ng costumer maging mga crew ng ice cream house sa kaniya at sa akin.

"Hindi ko kilala 'yan." umiiling na sabi ko at iniwan siya do'n at naghanap ng pupuwestuhan.

"Ang sama mo.." ngusong usal nito at naupo sa katabi kong upuan.

"Ang ingay mo.." panggagaya ko sa tono niya kaya mas lalong humaba ang nguso niya.

"Masaya ako e!" sigaw na naman niya.

"Ako rin e!" sabi ko rin na kinatawa ni Gaio pero mabilis na natigil 'yon dahil binatukan ko siya at sinamaan ng tingin. "pero hindi naman ako tangang sisigaw na lang! Tsk." asik ko.

Gaya ng nakasanayan namin ni Gaio tuwing nasa mood siya at masaya! In-order niya lahat ng flavors na meron at pinagsaluhan namin 'yon.

Napapantistikuhang binalingan ko ng tingin si Gaio nang marinig ko ang tawa niya.

"Bakit?" tanong ko rito.

"Wala. Naalala ko lang no'ng nagwala ka no'n sa pinuntahan natin na ice cream house matapos kitang halikan."

Nagsalubong ang kilay ko. Huminga ako ng malalim para kumalma. Good mood ako e.

"Oo na lang." 'yan ang huling salita na lumabas sa bibig ko dahil pareho kaming natahimik at nagsaya sa pagkain.

Magdidilim na nang matapos kami. Inaya niya ako mall kaya naman hindi na ako tumanggi pa. May bibilhin daw kasi siya saglit kaya nandito lang ako sa labas, sa tabi ng kotse at hinihintay siya.

"Huh? Si Lesly ba 'yon?" tanong ko sa sarili ko nang makita ko ang pamilyar na pigura ng babae. Kababa lang nito sa kotse. Nilapitan ko siya ng konti para masigurong si Lesly nga 'yon at tama nga ako! Siya nga 'yon! Ang girlfriend ni Cole!

Napatigil ako sa akmang paglapit sa kaniya dahil bumaba rin sa kotse ang isang babae. Kumunot ang noo ko nang makita ko na galit ang muka ng babae habang tinutulak tulak ang umiiyak na si Lesly.

Hindi ko naririnig ang sinasabi nila pero unang tingin pa lang naman nalaman ko nang nag kakasagutan at sakitan sila.

Papanoorin ko lang sana sila pero parang isang malaking paggising sa akin na tulungan ang babae nang makita ko na hinahawakan niya ang tiyan niya na para bang may prenoprotektahan.

Mabilis na lumapit ako sa kanila at agad na tinulak palayo ang babaeng may katandaan na kay Lesly.

"Aba! Bastos ka! Sino ka naman!? Wala kang karapatan na makisali sa gulo naming mag ina!" singhal ng babae sa akin. Napangisi ako. Ina pala.

"Sinasaktan mo siya e." simpleng sagot ko at mabilis kong tinago si Lesly sa likod ko at matapang na sinalubong ang babae.

Hinawakan ko sa braso ang babae upang pigilan sa akmang pagsugod niya kay Lesly at pagbabaliwala sa akin.

"Tumabi ka diyang impakta ka!" nanggagalaiting sigaw ng babae at pilit akong hinahawi upang maabot ang babae sa likod ko't masaktan.

"Ayaw ko nga." nang aasar na usal ko na mas lalong nagpasinlab sa gigil ng babae.

"Lesly! Kalimutan mo ng may ina ka pa! Simula sa araw na 'to! Hindi na kita anak!" pagtatapos ng matandang babae sa usapan. Mukang pagod nang makipagpatentiro sa akin. Malalalim ang hinga niyang umalis sa harap ko at sumakay sa kotse at umalis.

Hinarap ko si Lesly na ngayon ay nanghihinang napaupo sa sahig. Umupo ako para magpantay kami.

"Okay ka lang?"

"Do I look like okay to you?" mataray na sagot niya kahit na umiiyak na 'to at nanghihina.

"Bahala ka nga. Mataray ka." inis na sabi ko. Tumayo ako pero hindi ko naman siya kayang iwan sa kalagayan niya at sa nakita ko kanina. Napabuntong hininga na lang ako at tinulungan siyang tumayo at iniupo sa malapit na bench.

Napatingin ako sa tiyan niya na hawak hawak niya pa rin. Napangiti ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Kaya pala masaya si Cole," wala sa sariling usal ko.

"H-Huh?" maang maangang usal niya.

Natawa ako, "ilang buwan na 'yan?" tanong ko na lang at tinignan ang tiyan niya.

Ang medyo kunot noong itsura niya ay umaliwalas at bigla na lang siyang ngumiti at hinaplos ang tiyan niya.

"8 weeks pa lang." sagot niya. At ang mataray niyang boses ay naging mahinhin, na para bang ayaw niyang magtaray dahil baka marinig 'yon ng bata sa sinapupunan niya.

"Wow... congrats..." naiusal ko na lang.

"I hated child... but still, it's a blessing." usal niya at hinaplos haplos ang tiyan niya.

"Pero tinalikuran ka na ng ina mo, paano na 'yan?" hindi ko mapigilang komento.

"I'm with Cole,"

Napangiti na lang ako sa tinuran niya.

Hindi na kami nakapag usap pa nang dumating bigla si Gaio. Nag paalam din agad si Lesly kaya deretso uwi na kami. Todo busangot naman si Gaio dahil hindi niya nalaman ang usapan namin ni Lesly.

Hindi pa man kami nakakarating nang bahay ay nakatanggap ako ng text kaya naman agad kong cheneck ang phone ko at bigla akong nakaramdam ng inis nang mapagsino ko 'to.

"Hinto!" sigaw ko bigla at sa gulat siguro ni Gaio ay naapakan niya ang break kaya nahinto kami bigla. Muntik pa nga akong mauntog dahil hindi ako naka set belt.

"Sira ulo! Bakit ba bigla ka na lang sumigaw diyan! Mabuti na lang at wala tayong kasunod."

"Bababa ako," at 'yon nga ang ginawa ko. Bumaba ako at mabilis na naglakad palayo sa kotse na 'yon at pumara ng taxi.

"Sa'n tayo, Miss?" tanong ng driver

"Rose Village, Montclair Residence,"

---
Your votes and comments are highly appreciated! Thank you sayo ng hard! I love you all extremely!

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 210K 21
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
4.4M 95.5K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
Lucent By ads ❀

Teen Fiction

332K 7.6K 27
book 1 of the windows of the soul duology ✿ ✿ ✿ lucent: softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for so...
476K 11.9K 49
𝘌𝘷𝘦𝘳𝘺𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘬, 𝘴𝘢𝘺, 𝘢𝘯𝘥 𝘥𝘰 𝘩𝘢𝘴 𝘤𝘰𝘯𝘴𝘦𝘲𝘶𝘦𝘯𝘤𝘦𝘴 𝘧𝘰𝘳 𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦𝘭𝘷𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘧𝘰𝘳 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘴.