Wicked Angel (Part Two) The T...

By DonaQuixote

2.9K 430 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... More

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX

46 9 4
By DonaQuixote

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
(Again)

Angel's point of view

Pagdating sa pag ibig hindi ikaw ang pipili ng taong mamahalin mo, hindi ikaw kundi ang puso mo.

Kung tinamaan ka, tinamaan ka. Kahit ilang ulit mong sabihin sa sarili mo na hindi pwede kung tinamaan ka, tinamaan ka. Kahit ilang ulit mong sabihin na bawal kung tinamaan ka, tinamaan ka. Kahit alam mong mali 'yang pag ibig na nararamdaman mo kung tinamaan ka, tinamaan ka. Wala kang magagawa kung 'yong puso mo na mismo ang kumilos para sayo kasi sa lahat ang puso mo pa rin ang siyang may kapangyarihan at siyang masusunod dahil naroon ang nararamdaman mo. Kahit ilang ulit mong isipin na hindi pwede, na hindi dapat na 'yong nararamdaman mo, mararamdaman at mararamdaman mo pa rin 'yan kasi 'yong utak mo ay hindi ang puso mo. Kaya nga may pagdadalawang isip dahil minsan magkaiba ang opinyon ng puso at utak mo.

Ngayon, sinasabi ng utak ko na mali dahil alam ko ang kakahinatnan nito pero iba naman ang nararamdaman at gusto ng puso ko na hindi mapigilan ang pag tibok ng mabilis dahil sobrang lapit ng taong gusto ko na kaaamin lang saakin kagabi na gusto rin ako.

"Wala pa lang akong ginagawa mukang nahuhulog ka na..."

Agad akong napaiwas ng tingin sa lalaking hindi ko alam na tinititigan ko na pala.

Naging tahimik ako buong byahe. Nakatingin lang ako sa daan at hindi na siya nilingon pa hanggang sa makarating kami sa school.

Nagmamadaling binuksan ko ang pinto at hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagtawa niya kaya napatigil ako.

Bakit nga uli ako nagmamadali?

Nilingon ko si Chad na may ngiting naglalaro sa labi niya, aliw na aliw sa kinikilos ko.

"Anong sinabi mo kanina? Ako? Nahuhulog? Sayo? Sa tingin mo mangyayari 'yon matapos lahat lahat ng nalaman ko tungkol sayo?" prangkang saad ko.

Napakagat labi ako at iniwas agad ang tingin sa lalaki nang nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya, nawala rin ang ngiti niya.

Bago pa ako makonsensiya ng sobra sa sinabi ko ay bumaba na ako sa kotse at mabilis na naglakad palayo roon.

"Tama lang 'yong ginawa mo," pangungumbinsi ko sa sarili ko habang naglalakad patungo sa room namin, "tama lang 'yon. Huwag ka ngang maguilty..."

Pero parang sobra naman 'ata 'yong sinabi ko?

Okay lang 'yon.

"Malabs! Kamusta? Anong pinag usapan niyo?" salubong na tanong saakin ni Gaio nang naupo na ako sa tabi niya.

Binatukan ko siya, "king na ka! Iniwan mo ako do'n!" singhal ko rito. Nakangusong humingi naman siya ng tawad sa ginawa niya.

"E! Wala akong magagawa! Kahit na ikaw kasi si Chad na 'yon, e." nakangusong usal pa niya.

Napabuntong hininga naman ako.

Anong sinabi mo kanina? Ako? Nahuhulog? Sayo? Sa tingin mo mangyayari 'yon matapos lahat lahat ng nalaman ko tungkol sayo?

Parang nag-echo sa utak ko ang sinabi ko kay Chad bago ko siya iniwanan kanina. Nasaktan ko ba siya sa sinabi kong 'yon? Malamang ay oo. Alam ko naman na oo dahil reaksyon niya pa lang no'n ay basa ko na. At alam ko naman na masasaktan siya ro'n pero sinabi ko pa rin dahil 'yon naman dapat e. Kailangan.

Kailangan nga ba?

Dapat nga ba?

Nagsisi ako bigla.

Hindi. Hindi 'yon Angel. Si Chad? Masasaktan? Malabo...

"Gaio," hinarap ko si Gaio, may itatanong sana ako kasi abala siya sa pagtitig sa kung saan, nakatingin siya ngayon sa labas, tulala siya ro'n kaya tinignan ko rin ang tinitignan niya. It was MG, with a teacher. Mukang kinakausap siya, bakas din sa muka ng babae na may problema. Tinignan ko si Gaio at agad kong nabasa ang pag aalala sa mata niya, "alam mo... hindi ko masasabi na hindi siya para sayo pero sana naman alam mo kung saan ka lulugar dahil hindi ikaw," sabi ko habang nakatingin sakaniya.

Nilingon niya ako at napatango. "alam ko, 'di ko lang tanggap." tapos ay mapaklang natawa siya, "Ano 'yon? Tinawag mo 'ko kanina, e." pag iiba niya ng usapan at ngumiti na, na parang walang lungkot na naramdaman kanina pero ang mga mata niya wala, e, hindi siya makapagtatago ng nararamdaman saakin.

"Ano... kunwari lang... kapag ba sinabi ko sayo na hindi kita gustong maging kaibigan kasi masama ka... anong magiging reaksyon mo?" tanong ko.

"Ako? Bakit? Ayaw mo ba akong maging kaibigan dahil masama ako? B-bakit? Mas masama ka naman keysa saakin ah! Baliktad! Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo!" madramang usal niya. Napatayo pa siya at lumayo saakin, 'yan tuloy ay nilingon siya ng mga kaklase namin.

Napapikit ako dahil sa inis.

"Kunwari lang nga! Putang ina nito..." nauubusang pasensiyang usal ko.

Tumawa siya at awkward na nakatingin saakin habang kinakamot ang ulo niya.

"Biro lang 'yon! Ito naman! Syempre... masasaktan ako ano pa nga ba!" 

Syempre.

"Ganito naman." para batang namang humarap saakin si Gaio, nakatingin siya saakin at handang handa na makinig sa ano mang sasabihin ko,  "kunwari lang a. Kunwari may gusto ka saakin, at inamin mo na 'yon saakin... tapos sinabi ko sayo na hindi ako magkakagusto sayo kasi alam ko na may mga ginawa kang masama. Anong mararamdaman mo?"

"Masakit 'yon. Sobra. Kunwari lang 'tong ginagawa natin pero... nasaktan ako, ang sakit." hindi ko alam kung seryoso ba si Gaio sa sinabi niya dahil nakalabi siya habang nakahawak pa sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya.

Agad na nakaramdam ang puso ko ng sakit. Bigla na lang kumabog 'yong puso ko at masakit 'yon sa dibdib.

"Pwede mo namang sabihin na hindi kita gusto ng direkta sa tao pero sinabi mo na hindi mo siya gusto dahil may masama siyang ginagawa? Aba! Masakit 'yon Angel!" kung magsalita si Gaio ay para siyang may pinaglalaban.

Tumayo ako bigla na kinagulat ni Gaio pero napaupo rin. Napayuko ako at napasabunot sa buhok ko.

"Problema mo?" tanong ni Gaio.

Umiling lang ako bilang sagot.

Bigla akong binalot ng guilt.

Bigla kung naalala kung paano siya nasaktan noong nalaman niya na may sama ng loob pala ang lahat sakaniya ang mga kaibigan niya.

Biglang sumulpot sa isip ko ang muka ni Chad na nasasaktan habang pinapakinggan niya ang mga sinasabi nila sakaniya.

Bigla na lang akong nasaktan din dahil alam ko na nasaktan ko siya.

Tumayo ako bigla na kinagulat na naman ni Gaio.

"Hoy! Tanga nito kanina ka pa ah! Nauulol ka na po?" tanong nito saakin pero hindi ko pinansin ang sinabi niya at mabilis na dinampot ko ang bag ko at lalabas na sana ng room namin nang dumating na ang unang subject teacher namin ngayong umaga.

"Where do you think your going? Ms. Benavidez?" tanong ng guro saakin nang makita niya ako.

"Aalis." sagot ko at nagmamadaling lumabas ng room. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag nila saakin dahil tuloy lang ako sa paglalakad palayo sa room.

Mabilis na tinahak ko ang daan patungo sa room nila Chad. Nagkaklase na sila nang maabotan ko. Hinanap ng mga mata ko si Chad at bahagya akong nakahinga ng maluwag nang makita ko siyang nakaupo habang nakikinig sa kanilang guro.

Nakatayo lang ako malapit sa room nila at pinanood ang simpleng galaw niya. Ang mata ko ay hindi ko inalis sakaniya at pinanood ko lang siya hanggang sa matapos ang klase nila at nagbreak time na. Papasok na sana ako sa room nila para kausapin siya pero napatigil ako nang bigla tumayo siya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang makita ko siyang tumayo ay agad akong nagtago sa likod ng pinto nilang nakabukas.

Nakikita ko siya ngayon. Nasa harap ko lang siya, sa mismong harap ng pinto kong saan ako nakatago. Nakasilip ako at nakita ko na may tinitipa siya sa phone niya at kalaunan lang no'n ay may papalapit na babae sa gawi niya.

Hindi ko alam kung namalik mata lang ba ako nang makita ko kung paanong ang bagsak na balikat niya ay umayos at ang medyo messy hair niya ay inayos niya nang makita ang babae.

Sinalubong niya ang babae. Pinanood ko lang sila hanggang sa umalis na sila.

"Anong ginagawa mo?" naiinis na tanong ko sa sarili ko.

Pumunta ako rito kasi...

Bakit nga ba ako pumunta rito?

Hindi ko na maalala.

Umalis ako sa likod ng pinto at nagulat ako nang muka agad ni Justin ang sumalubong saakin. Bahagyang nanlaki rin ang mga mata niya nang makita ako.

"What are you doing here?" he asked.

"Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko rito..." matamlay na sagot ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"If you're looking for Chad—"

"Wala siya," putol ko sa sasabihin niya.

"Yup. Bakit? Magda-date ba kayo?" seryosong tanong niya.

"Sira!" singhal ko lang at nilayasan na siya.

Nang mga sumunod na araw ay hindi man lang ako pinansin ni Chad. Maging pagtapon lang ng sulyap ay hindi niya ginawa. Tuwing magkakasalubong kami ay hindi man lang niya ako tinitignan at dinadaanan lang na parang hangin. Naging multo ako sakaniya.

Hindi rin ako makaramdam ng pagkairita sa inaasta niya dahil dapat lang naman na iwasan niya ako matapos ang lahat. Matapos niyang umamin...

Kaso baliktad. Ako dapat ang umiiwas, e. Ako dapat pero inunahan niya ako kaya segi, siya na ang umiwas. Siya na lang!

"Taliwas sa nangyari nang gabing 'yon ang nangyayari ngayon. Anong nangyayari?" natatawang tanong ni Justin at naupo sa tabi ko at pinunta rin ang paa sa tubig gaya ko.

Hindi ko alam at napangiti ako nang makita ko siyang tumawa. Umawang ang labi niya at tumikhim bago umiwas ng tingin saakin.

Ngayon na lang uli nangyari 'to. Ang pag uusap namin ng nakaupo habang umiinom ng alak sa gilid ng pool.

Kaso nang aasar nga lang siya. Tsk.

"May nasabi ako..." sagot ko at tumunga sa beer na iniinom.

"You rejected him?"

"Hindi pero parang ganoon na rin." sagot ko at muling napatawa siya. Kumunot ang noo ko sa inasta niya.

"Hindi ko alam pero ang saya ko sa mga nakikita ko," natatawang saad niya. Nilingon ko siya at nakita ko na naiiling na natawa na naman siya bago siya uminom sa alak na iniinom ko.

"Ako rin masaya. Ngayon mo na lang uli ako kinausap ng ganito... 'yong tipong walang pagbabanta, 'yong parang wala lang... gaya ng dati. Masaya ako, masayang masaya." tapos ay nagpakawala ako ng mabigat na hininga.

Totoo ang sinabi ko. Walang halong kimikal.

"Don't be. You why I'm happy? Because you two didn't work as I expect."

"H-Huh?" nagugulat na nilingon ko siya. Natawa na naman siya.

"Akala ko talaga magiging sweet kayo sa isa't isa matapos niyang umamin sayo na gusto ka niya... dahil alam ko naman na gusto mo rin siya... pero mali ako, taliwas sa iniisip ko ang nangyari kaya masaya ako, sobrang saya ko... dahil kapag nangyari 'yong iniisip ko..." he paused. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sakaniya. Inilapit niya ng bahagya ang muka niya saakin. Ang mga mata niyang mapupungay ay tinitigan ako, "hindi ko kaya... mamamatay ako sa sobrang selos. Gusto ko lang niya, ako? Mahal kita..." ang mga mata niya ay may sari saring emosyon, wala akong mabasa, hindi ko matukoy kung anong para saakin.

"J-Justin..."

Nawala bigla ang mga emosyon sa mata niya at tinignan ako ng seryoso.

"Pero traydor ka pa rin. Ang grupo ang mas importante saakin," saad niya at umalis na.

Napabuntong hininga ako at inubos ang natitirang alak.

Ang gulo naman no'n.

Ang gulo gulo.

Hindi ko siya maintindihan. Wala akong maintindihan. Putang ina naman.

Nang gabing din 'yon matapos naming mag usap ay lumabas ako ng bahay at pumunta ng bar. Inaliw ko ang sarili ko ng alak. Kasabay ng malamig na hangin ng gabi ako'y nag isip habang naglalakad sa gilid ng kalsada, inaaliw ang sarili sa katahimikan ng gabi, ninanamnam ang saglit na mag isa.

Hindi ko alam kung anong ini-emo ko. Basta ang alam ko gusto ko ng oras para sa sarili ko.

Isang linggo ang lumipas na ganoon ang sitwasyon, alam mo 'yon? lahat ng tanong na nabuo sa utak ko matapos ang lahat lahat ng nangyari at nalaman ay nanatili na lang sa utak ko. Lahat ng ano 'yon? bakit ganoon? ganiyan? ay sinulo ko, hindi ako nagtanong pa sa kanila kahit na kating kati akong malaman ang lahat.

May mga bagay talaga na malalaman ko sa tamang oras. At maghihintay ako sa tamang oras na  'yon.

"It's not my story to tell. Si Chad ang magdidisesyon kung sasabihin niya sayo o hindi." ani Cole.

Napabuntong hininga ako. Gusto malaman ang lahat lahat. Gusto ko sagutin nila ako agad agad sa mga itatanong ko. Pinapakita ko pa nga 'yong tattoo ko bilang alas pero ayaw pa rin nila at pare pareho silang lahat ng isinasagot saakin.

Nababadtrip ako pero gaya nga nang sabi ko, may tamang oras ang lahat pero hindi rin 'yon ngayon dahil sa sitwasyon namin ni Chad.

After the confess incident he's treatment to me was literally change. Ang tatag niya, hindi niya man lang ako tinaponan ng tingin, kahit nakaw man lang o sulyap lang ay wala.

Other was questioning his treatment on me and he just staring at them and magsasalita lang uli siya kapag hindi na ako 'yong topic. Justin was laughing at me. Nakakaasar siya pero nakangiti naman siya kaya okay lang.

I don't know why I here. I don't know why myself take me here. I don't why I'm following Chad.

Nasa bar isang bar siya at may mga kasamang mga babae. Yes! Mga kasi dalawa. Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi hindi si Pia ang kasama niya o maiinis ako kasi dalawa naman ang babaeng kasama niya.

"Another vodka nga!" inis na sabi ko sa bartender dahil naiinis ako. Naiinis ako.

Binigay ko na ang bayad ko. Aalis na ako sa lugar na 'to dahil dilikado ang inis na nararamdaman ko. Naiirita ako sa dalawang babaeng 'yon na humahaplos kay Chad. Naiirita ako sa mga ngisi ni Chad kasi nag eenjoy siya. Naiirita ako at nangangati ang mga kamao ko at baka makagawa ako ng eskandalo at magsaya sa pagsapak sa muka nila, mahirap na kasi matagal ng walang natatamaang muka ang kamao ko, baka manggigil ako dilikado.

"Angel!"

Pero bago pa man ako makahakbang palabas sa pinto ng bar ay may pamilyar na boses akong narinig. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan tumibok ng mabilis ang puso ko.

Marupok ka Angel?

Huminga ako ng malalim at hinarap ang lalaki na ngayon ay nakapamulsa habang naglalakad papalapit saakin. Napasinghap ako nang makalapit siya ay hinawakan niya ako sa kamay at iginaya palabas ng bar. Naging sunod sunuran lang ako hanggang sa huminto siya at hinarap.

"Sinusundan mo ako?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa naging direkta siya sa punto niya.

"Hindi." simpling sagot ko kahit na maraming salita na naglalaro sa utak ko pero hindi lang ang pinakasafe.

"Sinungaling."

Nahigit ko ang hininga ko sa uri ng pagkakatingin niya. Matapos ang mahigit isang linggo na hindi niya ako tinignan para niya naman akong tutunawin ngayon. Nakakatunaw ang mga mata niya.

"Hindi ako nagsisinungaling." pagtanggi ko na lang. Wala akong masabing matino baka mahuli pa niya ako lalo.

"Hindi ako tanga para hindi ko malaman na nakasunod ka, Angel. Anong kailangan mo?" pailalim ang pagtingin niya saakin. Humakbang pa siya papalapit pero nagpakatatag ako't nanatili sa kinatatayuan ko.

Matapang na sinalubong ko ang tingin niya, "wala." sagot ko.

"Wala? Sigurado ka?" humakbang na naman siya papalapit.

"Oo."

"Pero iba ang sinasabi ng mga mata mong nakatitig saakin,"

Napasinghap ako't napaiwas nang tingin. Humakbang din ako papalayo sakaniya na kinangisi niya.

"Angel—"

"Kailangan kong malaman ang totoo!" I cut his word. "Kailangan kong makumpirma ang lahat, kailangan ko ng paliwanag, kailangan ko ng mga sagot sa lahat ng ano at bakit na katanongan ko at... " I paused and catch my breath. "kailangan kita..."

"Kailangan mo ako? Kaya ka ngayon narito dahil kailangan mo ako? Ganoon?" his voice is full of sarcasm. He look at me like I was a big joke to him and laugh while combing his hair with his hands.

Hindi

Hindi naman 'yon ang dahilan. Gusto ko lang naman malaman kung anong ginagawa niya, kung saan siya pumupunta kapag umaalis siya, kung sinong kasama niya, 'yon lang. Pero nagtanong siya kung anong kailangan ko, sinabi ko. At ngayon mali siya ng iniisip dahil base sa boses niya, kaya ko siya sinusundan dahil may kailangan ako sakaniya pero hindi... hindi naman. Desperada lang ako sa mga sagot.

"Akala ko naman kaya mo ako sinusundan kasi..." hindi niya na tinuloy pa ang sasabihin niya at tinignan lang ako saka siya umiling.

Napahinga ako ng malalim. Lagi na lang nasa maling pagkakataon ang lahat. Lagi na lang ako nakagagawa ng maling desisyon, desisyong ako lang ang makikinabang... makasarili na naman ako.

Mali ako.

Mali na naman ako.

Nasaktan ko na naman ba siya sa sinabi ko?

Hindi ko alam.

Wala akong alam.

Hindi. Alam ko. Bulag bulagan lang ako. Nasaktan siya. Nasasaktan siya. Bawat salita ko ba sinasaksak siya? Hindi ko alam pero nasasaktan siya. Alam ko ang mali ko hindi ko lang 'yon maamin sa sarili ko.

"Fine. Tanongin mo ako, sasagotin ko. Pagkatapos ng exam gagawin natin 'yan pero... sa ngayon 'wag muna kasi hindi ko alam kung anong mangyayari kapag ngayon na tayo mag uusap baka... mawala lahat ng laman ng utak ko kakaisip kung anong iniisip mo, kung anong mararamdaman mo..."

Tinignan ko siya sa mata at nakikita ko ang pagod sa mga 'to. Napatango ako. Napatango na lang ako.

"Akala ko talaga sinusundan mo ako kasi curious ka sa ginagawa ko... akala ko lang pala. Ganito pala ang nararamdaman ni Gaio noong inakala niya na sinusundan siya ng babaeng gusto niya... natawa pa nga ako noong nagkwekwento siya pero ngayon ramdam ko na kung anong nararamdaman niya. Sakit pala."

My lips parted. Gusto kong magsalita pero umiling na lang ang nagawa ko dahil walang salitang lumabas sa bibig ko.

Natawa siya. Tawa na mapakla.

"Segi, alis na 'ko." paalam niya at tinuro pa ang bar at tinalikuran ako.

Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong maipaliwanag na tama ang iniisip niya at nagsisinungaling ako pero hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita.

'Yong mga mata niya... parang sinasabi na 'wag na akong magsalita kasi masasaktan ko lang siya.

'Yong mga mata niya nangungusap at sinasabing pagod siya.

Pagod siya?

Saan? Kanino?

Saakin?

___
Your vote and comments are highly appreciated! Thank you sayo ng hard! I love you all extremely!

Continue Reading

You'll Also Like

986K 22.3K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
955K 84.1K 38
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
1.1M 60.7K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
4.1M 88.1K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...