Love You, Sunset

By pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... More

Chapter 1: Collision
Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 9: Kuya
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: Unit
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 16: Mommy
Chapter 17: Sister
Chapter 18: Message
Chapter 19: Dream
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Fear
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 26: Reverse
Chapter 27: Missed
Chapter 28: Back?
Chapter 29: Again
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 20: Artwork

57 6 2
By pink_opal_27

Mia's POV


September 15, 2023. A very important day for me. Itong araw ang grand opening ng gallery ko. Excited na akong maipakita sa buong mundo ang galing ko sa pagpipinta at pagdradraw. Echos lang. Basta ang mahalaga ay yung expression ko sa lahat ng mga painting. This gallery will not be possible without Mom na siya talagang nagtiwala sa akin.


In my three years of staying here in the Philippines ay kahit papaano ay nakagain na rin ako ng friends. Inimbitahan ko silang lahat pati siyempre sina Kuya and Ken.


Ito yata ang unang event na magkakasama sina Kuya at Ken. Naalala ko kasi nung unang linggo pa lang kami ni Ken. Di pa rin ako makapaniwala talaga na kami na ni Ken. Ang bilis ba? Nope. If naaalala niyo yung takbuhan namin sa fountain sa hospital garden, ilang months na rin kaming wala nun ni Bruno. Yes nakipagbreak na ako sa kanya nang unti-unti nagbago ang ugali niya. Ni hindi niya ako pinapaalis nang hindi siya kasama. Lagi siyang nakabantay sa akin, siguro dahil sa sobrang selos niya. Di ko na rin natiis, finally nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipagbreak sa kanya.


Tapos ayun, one year after nun, naging kami na ni Ken. And it was January 17, 2023 so mag-8 months na rin kami on the 17th.


Hindi boto si Kuya kay Ken noon una. Naalala ko nga kasi na parang ang lalim ng galit ni Kuya sa kanya. May times pa nga na nag-aaway pa kami ni Kuya dahil kay Ken.


Pero siguro nga, love conquers all. Charot! Actually, wala ngang nangyaring ligawan dati. Parang nafeel na lang namin ni Ken yung kakaibang saya and comfort sa isa't isa. Nafall na nga ata ako nang tuluyan sa kanya. Love language. This is how we express love, by doing the things that we love doing together. Panay nga kami vlog dito at doon tapos kinikeep namin yung mga videos for our memories. Hindi namin inuupload sa youtube, pero kapag nagipit in the future, baka HAHAHA.


Hanggang sa ayun, isang araw nagulat na lang ako paggising ko sa condo unit ko, nakangiti sa akin si Kuya tapos pagtalikod niya, si Ken na yung nakita ko, may hawak-hawak na bouquet of flowers and chocolates. Malaki ang ngiti ni Kuya, hindi pilit, kaya alam ko na super tanggap na niya si Ken for me.


Okay naparami na yata ang kwento ko. Back to present. Nagreready na ako for the opening of my gallery, re-opening I mean. Mahaba pang kwento kung sasabihin ko pa sa inyo kung bakit eh. Let's just put it that way.


Maya-maya nagsimula na ring dumating ang inimbitahan ko. Ken is a very influential doctor now, isa na rin siya sa mga top neurology doctors in the country. It was because he had an open cranial surgery, that was the first in the country. I'm very proud of him. At sa pagkainfluential niya, pati ako nadadamay. Nabalitaan ng media na magbubukas ang girlfriend niya ng gallery so heto na nga sila.


Buti na lang din at natapos na rin sa wakas ang COVID pandemic kaya kahit marami ang pumunta sa gallery re-opening ko ay okay lang, walang matiticketan ang IATF.


I am so nervous. First time ko ito. I keep on seeing the crowd downstairs who are waiting for me to welcome them when someone patted my back.


They are the boys in my life. Kuya and Ken. If you are asking about my dad, he's in Canada. He never talked to me once since Mom died. It seems na ako ang sinisisi niya sa aksidente ni Mom.


"Kaya mo yan, baby sis!" pagpapakalma sa akin ni Kuya dahil alam niya ata na sobra na akong kabado dito.


"Yes definitely Kuya. Mom is in my dress. She will guide me, I'm sure"


"I love you, my Mia"


Ken suddenly gave me a smack on my lips. And it sent me shivers, as well as comfort.


I decided to go down na para batiin ang lahat. Everyone was praising me for my beautiful artworks. The media interviewed me and Ken as well. Halos lahat ng artworks ko ay nasold out. My heart is so happy.






Patapos na kami sa paglilinis ng venue after the event when a black car stopped at the entrance.


"Sir, I'm so sorry but katatapos lang po ng opening namin"


He is an old rich man, beside him is a fine young lady na parang gatas na ata sa sobrang puti, it's Arra. Hindi man lang ako pinansin ng lolong ito and his eyes are just fixed on a painting.


"You painted this?" he finally uttered some words pero parang may balak ata siyang bilhin itong painting na hindi kasama sa selling items ko.


Agad naman akong pumunta sa painting na iyon. "Yes Sir, but I'm sorry po. Hindi ko po yan binebenta"


He stared at me. He is looking for something in my eyes and I don't know what.


Nang marinig yata ni Ken at Kuya na may mga taong dumating ay agad silang bumaba.


"Kennie!" aniya ni Arra "Sorry nahuli kami sa opening ng gallery"


"Ate. Thank you sa pagpunta!" kiniss ko siya sa cheeks pero bakit parang pilit naman ang ngiti nito. Akala ko okay na sa kanyang maging friends kami.



Naramdaman kong mabagal ang paglalakad ni Kuya mula sa hagdan. Matalim ang tingin niya sa old rich man na ito. Nang makalapit sa amin ay bigla niya akong hinila papunta sa likuran niya.


"Long time no see, young boy!" bati ng old rich man kay Kuya. Bakas sa mukha ni Kuya ang halo-halong emosyon ng galit, kaba. at pagkamuhi. Galit si Kuya pero bakit? First time ko lang naman nakita itong si Lolo.


"Hindi pa ba sapat sayo ang lahat? Wag na wag mong lalapitan ang kapatid ko kundi makakapatay na talaga ako ng tao!" buong lakas na sigaw ni Kuya kay Lolo inaawat ko siya kasi respeto naman sana sa matanda.


Lumapit na rin si Ken sa amin. Mukhang namumukhaan din niya si Lolo.


"Kayo po yung guardian noon ni Ms.Joanna, tama ba?" tanong ni Ken.


"Nice to meet you again, young man!"


Bumaling ng tingin si Ken kay Arra. Mukhang nakuha naman agad ni Arra ang tanong ni Ken.



Ken's POV


"Yes magkakilala kami. Lolo ko siya, may paternal grandfather." sambit ni Arra.


"Kung lolo mo siya, malamang ay kamag-anak mo rin si Joanna?" tanong ko sa kanya.


"Joanna? Ahh oo, naadmit na nga din pala siya sa ospital niyo no. Yes pinsan ko siya. Actually tatlong girls nga kami noon na halos magkakaedad na magpipinsan pero fate played eh, we lost her."


Nagulat naman ako nang hinila ni Kuya Martin si Mia papalabas ng gallery. Mukhang nagmamadaling lumabas pero si Mia ay patuloy na nagsosorry sa matanda dahil sa inasal ng kuya niya sa harapan nila kanina.


Nagpaalam naman ako kay Arra na susundan ko lang sila sa labas. Isang tipid na ngiti ang ibinigay sa akin at isang pagyukod naman ang iginawad ko sa lolo niya, tanda ng respeto ko bago magpaalam.



Arra's POV


"Sige ingat kayo!" pagpapaalam ko kay Ken.


Si Lolo ay nakatingin pa din sa painting na nakasabit sa wall. Ito lang ang nag-iisang artwork na medyo malungkot ang tema. Kahit ito ang may pinakamaraming ilaw na nakatapat ay maaaninag mo pa rin ang kadiliman ng emosyong mayroon ang pintor.


"Hey Lo, let's go?" pagkalabit ko kay Lola pero nakatitig pa din siya sa painting.


Bahagya naman siyang lumingon sa akin at nagtanong, "Do you know that girl? That Mia?"


"I don't know her personally. But Ken maybe of help. You want me to ask him?" but I won't ever ask him about her. Not this time. And not any other time.


"No it's fine. Malalaman at malalaman ko rin 'yan"


"Oh well, you have an ace card nga pala. I always forget about it"


I chuckled a bit. Ang galing lang ni Lolo. Nagmana nga ata ako sa kanya.


"What's important to me is this painting." saad ni Lolo habang hinahaplos-haplos ang painting na yun.


"Why Lo? You really loved that painting huh?" hey mas magaling pa rin akong magpaint than her.


Tinitigan ko lang ang painting. Wala namang special about dito. I always see this theme sa mga galleries na napuntahan na rin namin nina Lolo at Joanna before so there's nothing new? A setting sun, a mango tree, and two kids playing with the butterflies.


"Let's go." hayy salamat naman Lolo, naisipan mo na ring umuwi after 30 minutes na pagtitig mo diyan sa painting na yan. "I should get it no matter what" pahabol pa nga niya.





Mia's POV


Hayy naku naman talaga itong boyfriend ko ang sweet sweet. Sana lang di siya magbago tulad ni......ay wag na, baka malasin pa ang magandang araw ko ngayon. I'm so blessed today kasi naging successful ang launching ko ng Mia Memoirs ko, gallery ko yun share ko lang.


Ang tagal naman ni Ken Chan, lalamukin na ata ako sa garden na ito. Sabi ko naman kasi sa kanya na sa loob na lang kami ng resto kumain pero ayaw niya. Mas romantic daw kasi dito sa garden tapos marami pang mga ilaw. Tumingala ako sa may bandang taas. Lagi kayang may pailaw dito sa Asian resto na ito? Sa tuwing nadaan kasi ako dito pag bumibili ako ng pagkain para kay Mommy ay either morning o kaya after lunch kaya di ko alam na may ganito sa gabi. Or meron nga ba talaga?


Lumapit sa akin ang isang crew at inihain na ang wine at appetizer. Maganda rin siyang babae. Magkahawig nga kami eh. HAHAHA eh kasi naman siyempre ang ganda-ganda ko kaya kaya magkahawig kami.


"Excuse me Ma'am. I'm Joanna, your crew for tonight. Here is your wine and appetizer. Is your date not around yet?"


"Hello Joanna" pagbati ko naman sa kanya pagtingala ko. "Thank you ha. Pero I think parating na din 'yun. Malapit na siguro 'yun."


"Okay Ma'am just call me if you need anything"

Continue Reading

You'll Also Like

21.7K 710 28
Unicode ငယ်ကိုအရမ်းမုန်းတာပဲလားမမမုန်း သဲငယ် ငါ့ဘဝမှာမင်းကိုအမုန်းဆုံးပဲ တစ်သက်လုံးမုန်းန...
44.4K 2.2K 200
All Wong Xue Guo ever wanted was her parent's attention on her. She had done all that she could do to get it, only for her attempts to be futile. Jus...
191K 20.3K 56
"කේතු දන්නවද මම කේතුට කොච්චරක් ආදරෙයි කියල ?" "හැමතිස්සෙම වචනෙන් නොකිව්වත් සර්ගෙ ඇස් මගේ ඇස් එක්ක පැටලෙනකොට ඒ දිලිසෙන ඇස්වලින් මට පේනවා සර් මට කොච්...
13.9K 1.3K 86
" දන්නවද අභී..! එයා හරියට වැස්සක් වගේ...!" " වැස්සක් !?...'' '' ඔව් වැස්සක්...එයාගෙ ආදරෙත් හරියට වැස්සක් වගේ...කාලයක් මාව ඒ වැස්සෙන් තෙම්මලා....එයා ය...