4 Dark Kings

De micmiclet

9.6K 616 162

Hidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life o... Mais

4 DARK KINGS
PROLOGUE
Dark 1: Revised Mission
Dark 2: Meet
Dark 3: The Past
Dark 4: Plans
Dark 5: Profiling
Dark 6: Not Powerful Enough
Dark 7: Work
Dark 8: Your Choice
Dark 9: Success
Dark 10: Protect
Dark 11: Suspicious
Dark 12: To Germany
Dark 13: Doomed
Dark 14: Temporarily Out
Dark 15: Powerless
Dark 16: Never
Dark 17: Mission
Dark 18: Secret Revolt
Dark 19: Dark Kings
Dark 20: Darkness
Dark 21: School Year
Dark 22: Bitch
Dark 23: Rules
Dark 24: Questions
Dark 25: Hoodie
Dark 26: Speed, Locations, And Routes
Dark 27: Bullying
Dark 28: Battles
Dark 29: Mystic Ruffians
Dark 30: Mistake
Dark 31: Strong
Dark 32: Hatred
Dark 33: Fun
Dark 35: Realizations
Dark 36: Played And Planned
Dark 37: Confused
Dark 38: Punch
Dark 39: Personal Favor
Dark 40: Plot
Dark 41: Engaged
Dark 42: Asawa Ko
Dark 43: S2X
Dark 44: Hotel
Dark 45: Name
Dark 46: Unfair
Dark 47: Many Things
Dark 48: Weakness And Strength
Dark 49: Cook
Dark 50: Traitor
Dark 51: Kaye's Best Friend
Dark 52: Protect Her
Dark 53: Cup Of Coffee
Dark 54: Alex
Dark 55: Library
Dark 56: Scripted
Dark 57: Real Strength
Dark 58: Cruise Ship
Dark 59: If You Only
Dark 60: Evidence
Dark 61: Fire And Blood
Dark 62: Breakdown
Dark 63: Operation Starts
Last Chapter
EPILOGUE
Special Chapter #1: Demeter
Special Chapter #2: Wall
Special Chapter #3: Elysian Tribe
Special Chapter #4: Marriage First

Dark 34: Get me out

91 7 0
De micmiclet

Stephen's POV

"Masyado silang mabilis. Nakakainis!"

Padabog kong binuksan ang pinto at kaagad na sumalampak sa sofa. Tinignan lang naman ako no'ng dalawa habang dumiretso sa kusina si Giovanni.

"Calm down, Stephen. It's already expected anyway," sabi ni Ethan.

Napairap lang ako.

Nauna kasing umalis ang Queens kanina sa HP at binalak namin silang sundan pagkatapos no'n. Pero mukhang nahalata nila kami at inutakan sa daan.

Halos magpaikot-ikot na nga kami sa area na ito para lang mailigaw nila kami. Syempre hindi ako nagpatalo pero sa huli, we still lost them.

Napairap ako ulit habang inaalala iyon. Tama naman si Ethan na expected na namin iyon. Demon and Fear are both champions in racing at pareho pa silang street smarts katulad ko kaya sure na talo talaga kami.

Kaya ko naman manalo at kung tutuusin, kaya ko din naman iyon. Pero ano bang laban ng isa sa dalawa? Tapos van pa iyong dina-drive ko at laki-laki no'n.

Fuck talaga.

Bumalik naman si Giovanni dito sa sala at inabutan ako ng tubig.

"Uminom ka muna, pampakalma."

Kaagad ko iyong kinuha at isang lagok lang na ininom. Inabot ko iyon kay Giovanni at sumandal sa sofa.

"Kuhanan mo pa ako ng isa."

"Ang galing mo naman," sabi niya. "Sapat na iyong isa. Kung gusto mo pa, ikaw na kumuha."

"Kapre!"

"Giovanni nga ang pangalan ko! Hindi Kapre!"

Inirapan ko lang siya bago inagaw iyong baso sa kamay niya at nagmartsa papuntang kusina. Kusa niya akong aabutan ng tubig tapos kapag nanghingi ako, ayaw niya.

Naka-shabu yata 'yon eh.

Binuksan ko iyong ref sa kusina at kinuha iyong isang buong pitsel sa loob. Hindi na ako gumamit ng baso at kaagad na uminom doon.

Ayos ito para kumalma naman ako kahit kaunti lang. Nakakainis na nga ang heiresses, tapos nakakainis din ang Queens.

Tapos kung iisa nga sila? Fuck. Hindi ko na lang alam at baka maatake ako sa puso at mamatay nang maaga.

Napatingin naman ako kay Black nang pumasok siya. He looked at me at sa iniinom ko kaya napakunot noo ako.

"Gusto mo din?"

Inabot ko sa kanya iyong pitsel pero walang kaemo-emosyon niya lang akong tinignan.

"Yuck."

Napanganga na lang ako habang umalis na siya ng kusina.

"Napaka-attitude mo talaga, Bato! Kung ayaw mo, edi huwag!"

Nakakainis na nga ang heiresses at Queens, tapos nakakainis din ang Kings. Ano bang klaseng kamalasan 'to para sa napakagwapong tulad ko?

---

Friday na ngayon at dahil absent kami kahapon, kinailangan naming maghanda ng excuse letter. Pero syempre si Ethan na ang bahala doon.

Kaya naman na niya iyon.

Katatapos lang naming mag-rounds sa GCU at ngayon, papunta na kami sa classroom namin. Hinihiling ko nga habang papunta kami doon na sana wala ang heiresses.

Dagdag sakit sa ulo lang kasi ang mga babaeng iyon.

Pero kung minamalas ka nga naman, nandoon na sila nang dumating kami. But they look serious kaya mukhang seryoso din ang usapan nila.

Mukhang hindi naman nila kami napansin kaya napangisi ako. Pumunta ako sa likuran nila at bahagya pang yumuko.

"Serious much?"

Kaagad silang napalingon at halatang nagulat sila. Halos matawa na lang ako dahil sa panlalaki ng mga mata nila.

Kumunot naman ang noo ni Alex at nagpameywang pa pagkatapos tumayo.

"Paki mo ba?"

"Galit kaagad? Nagtatanong lang naman."

"Tanong your face."

Ngumisi ako. "My face is handsome, hindi tanong."

"Oh really? Where?"

"Everywhere."

"Pffft...Para kayong magjowang may LQ."

Sabay naman kaming napatingin kay Kiana dahil sa sinabi niya. Mukhang natatawa pa nga siya kaya nagkatinginan kami ni Alex at sabay pang sumigaw.

"Never!"

"Destiny daw ang dalawang taong sabay magsalita."

"Yuck!"

Mas lalo lang siyang natawa. Fuck. Sa kakatawa niya, nagsisimula na akong isipin na baliw ang babaeng ito.

"Umupo ka na, Alex. Hayaan mo na 'yan. May saltik lang talaga 'yang mga 'yan."

Inirapan lang naman ako ni Alex pagkatapos iyon sabihin ni Kaye. Halos masira nga iyong upuan dahil sa marahas niyang pag-upo.

Mukhang napikon ko siya, ah? Galing ko talaga!

"Sinong may saltik?"

Napatingin naman kami kay Kapre na kunot noong nagtanong. Tignan niyo 'to. Nagsalita lang si Kaye, sumabat na din.

"Ako?"

He smirked. "Okay."

Umirap lang naman si Kaye habang nanatiling tahimik si Yumi. Ngumiti lang naman si Kiana habang nagkibit balikat ako at umupo na din.

Mabuti naman at mukhang ayaw na nila ng gulo. Panira lang sa araw ang mga pangit na ito eh.

Maya-maya pa, dumating na din iyong teacher namin. Pero pinalabas niya din kami ng room at pinapunta sa gym dahil magba-volleyball daw kami.

P.E pala namin ngayon. Tsk.

Dahil nasa back row kaming apat kasama ang Queens, halos sabay-sabay kaming tumayo. Nagkatinginan pa kaming walo and in a snap, nahanap ko na lang ang sarili kong nakikipag-unahan sa kanila sa paglabas.

Aba syempre. Kahit mga babae ito, hindi ako magpapatalo.

Napadaing naman ako nang itulak ni Alex ang mukha ko sa may pinto. Nauntog tuloy ang noo ko kaya bahagyang natawa sila Ethan.

Mumurahin ko pa lang sana ang babaeng iyon nang hilahin na ako ni Giovanni.

"Just let it go, Stephen," sabi ni Ethan. "It will just start a fight."

"Nakita niyo 'yon? Tinulak niyo iyong gwapo kong mukha! Kaya huwag mo akong sabihan ng let it go, let it go dahil hindi ako si Elsa!"

Binatukan naman ako ni Giovanni so I glared at him.

"Umayos ka nga. Para kang bata."

"At least gwapo."

"If you want to kill each other, do that after our P.E. Nahuhuli na tayo."

Nagsamaan lang kami ng tingin ni Giovanni pagkatapos iyong sabihin ni Ethan. Mukhang nakaalis na kasi silang lahat kasama na din ang heiresses at kami na lang ang natira dito.

Napatingin naman kami kay Black nang tumikhim siya.

"Tell me if you need some knives later. I'll give you some."

After that, nilagpasan na niya kami at lumabas na. Halos mapanganga na lang kami sa weirdness ng lalaking iyon.

Tao pa ba 'yon?

"Come on."

Lumabas na din kami para sumunod sa mga kaklase namin sa gym. Sinabayan namin sa paglalakad si Black pero hindi pa man din kami gaanong nakakalayo nang biglang may humarang sa daan namin.

Napakunot noo kami nang makita si Ehra Bitch. Bahagyang nakayuko ang ulo niya at mukhang kinakabahan siya na ewan.

Natatae ba siya?

"C-can I talk to you?"

"It's already class hours, Ehra," sabi ni Ethan. "What are you still doing here?"

"Please. I need to talk to y-you."

"But—"

"Please!"

Muntik na akong mapaatras nang tumaas ang boses niya. Pero mas nagulat ako dahil pag-angat ng ulo niya, nakita namin ang ilang galos dito.

Nang tignan ko ang katawan niya, may ilang sugat din siya. Para din siyang naiiyak at nanginginig ang mga tuhod niya.

Ano bang nangyari sa babaeng 'to?

"Siguro pwede tayong mag-usap sa office ni Ethan," sabi ni Giovanni. "'Di ba, Ethan?"

Ethan looks like he is hesitating at first pero maigi siyang tinignan ni Giovanni na para bang kinukumbinsi ito. Sa huli, napabuntong hininga na lang si Ethan bago kami sinensyasan na sumunod.

Sinara ni Black ang pinto pagkapasok namin sa office ni Ethan. Magtatanong pa lang sana kami pero bigla nang lumahod si Ehra Bitch.

"What are you—"

"P-Please get me out of here."

Napakunot noo ako. "Hoy, ano bang sinasabi mo? Atsaka tumayo ka nga—"

"I need to get out of here! Please! I know you can do it! P-please...I can't stay here anymore. Please!"

Napaawang na lang ang mga labi namin nang magsimula siyang umiyak habang nagmamakaawa. Teka, ano bang problema ng babaeng ito?

"Ehra, what are you talking about?" tanong ni Ethan. "And why are you telling us to get you out of here? Explain it first."

"P-please..."

Para namang hindi na makahinga ang babaeng ito dahil sa tindi ng pag-iyak niya. Kaya naman lumapit na sa kanya si Giovanni at pumantay sa kanya.

"Ehra, look at me," malumanay na sabi ni Kapre. "Kumalma ka muna. Take a deep breath and exhale."

At si Bitch, sumunod naman. Nanatili lang kaming tahimik habang pinapakalma siya ni Giovanni at tinatapik-tapik pa nito ang likod niya.

Muntik pa nga akong mapakunot noo eh. Akala ko ba si Kaye gusto nito?

Nang kalmado na siya, tumingin siya sa amin at humugot ng malalim na hininga.

"J-just two days ago, I received a message that the guard of GCU will be murdered. But the sender warned me not to tell it to anyone and come to GCU alone. Ang sabi niya he'll let him go kung pupunta ako."

Kumunot ang noo ko. "At pumunta ka naman?"

"Yes."

Ay tanga.

"Gabi iyon and when I arrived here, wala iyong guard sa may gate kaya nag-alala ako. I entered the campus and roamed around when ninjas suddenly attacked me."

Nagkatinginan kaming apat at mukhang pare-pareho kami ng iniisip. She was attacked by Secret Society.

"T-they hurt me," sabi niya at napalunok. "But the Queens suddenly arrived and they saved me."

"Q-Queens?"

Tumango siya sa tanong ni Giovanni kaya muli kaming nagkatinginan. Ano namang ginagawa ng Queens sa GCU?

"They killed those ninjas. But Blood's mask suddenly fell and I found out who they were."

"W-what?"

Mas lumapit kami sa kanya dahil sa sinabi niya. Kung kilala na niya ngayon ang Queens, masasabi niya sa amin kung sila nga talaga ang heiresses.

"Who are they?"

Hindi siya nakasagot kaagad sa tanong ni Black.

"Are they the heiresses?"

Umiling siya kaya natigilan kami. Hindi ang heiresses?

"N-no. I don't know them and that was the first time I saw their faces," sabi niya. "But they threatened me that if I ever say anything about them, they'll kill me. So please get me out of here. I'm in danger until nandito ako and I'm sure susubukan ulit akong patayin ng mga ninja na 'yon. So please! I badly want to go back to Batangas. Please..."

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. I'm not convinced pero sa nakikita ko, mukhang masyado siyang na-trauma sa nangyari.

Somehow, naaawa din ako sa kanya.

"They sent a message to you to lure you out. I don't think they only wanted to kill you," biglang sabi ni Black. "Tell me, did something happened before that? Did they took anything from you or did they make you do anything for them?"

Natahimik naman si Ehra at mukhang napaisip. Pagkatapos ay umiling siya.

"No. But they took my phone."

"Your phone?"

"Kinuha nila sa akin before they started hurting me. I don't know if the Queens were able to kill all of them pero wala na iyong phone ko dito sa GCU kinabukasan."

Natahimik kami. Halata namang ang cellphone niya ang talagang pakay nila. Pero bakit?

"B-but you'll help me, right?" tanong ni Ehra. "You'll help me to get out of here, right? I told you everything I know! Tutulungan niyo naman ako, 'di ba?"

Nagkatinginan kami. At alam kong pare-pareho naming alam na wala kaming magagawa.

"I'm sorry to say this but we can't help you," Ethan said.

"W-what? But why?!"

"To get you out of here, we need your father and Head's approval. And that's almost impossible since they were the ones who sent you here," sabi ni Black. "And I know you are aware that our positions are lower than them."

"But at least you can try!"

Nagsimulang manubig ang mga mata niya at nag-iwas lang kami ng tingin. She then looked at Giovanni na ngayon ay nasa tabi pa din niya.

"Giovanni?"

"I'm sorry."

Napaawang na lang ang labi niya at napakuyom na lang ako ng kamao. Seeing Bitch like this fuels my anger towards DO.

Wala namang may ibang kasalanan nito kung hindi sila. Kung hindi lang sana sila gumagamit ng mga tao para sa sarili nilang kagustuhan, walang mga taong magdudusa katulad namin at ni Ehra.

Sa huli, tumayo na lang si Ehra at walang imik na lumabas. We can feel her disappointment pero wala kaming magagawa.

Gwapo lang ako, hindi makapangyarihan. Siguro kung kasing tapang lang kami ng heiresses na kayang sagot-sagutin ang mga magulang nila, baka noon pa lang minura ko na si Head at ang iba pa.

Pero hindi eh. Hindi iyon gano'n kadali sa mga katulad namin na buong buhay ay nasa ibaba lang nila.

At mukhang hanggang doon na lang kami habang buhay.

Continue lendo

Você também vai gostar

2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
24.7K 738 57
"I needed you, i needed you around and you weren't there." PS:Images from Pinterest.
52.6K 2.9K 45
PURPLE EYES TRILOGY BOOK 3 During the mission of the royalties with their friends in mortal word, they saw once again the girl with purple eyes wh...
167K 5.7K 55
She lived a normal life for 18 years. Until one day, she discovered that she's different from everyone around her. That she's a Mermaid and she has...