Afraid of Everyone's Eyes

By anjspace

98 14 24

Judgment is part of human nature. *** Chantria Mendoza, an ordinary freshman student trying to find where she... More

AOEE
Visuals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6

Chapter 5

9 1 0
By anjspace

Lunes, panibagong araw upang harapin at patuloy na tahakin ang daan na hindi ko alam kung talaga bang pinili ko o nagpaubaya lang ako kaya ako narito.

AB Filipino, hindi naman ganon kahirap sa umpisa ng klase ngunit sa bawat paglipas ng araw at mas tumatagal ako sa kursong ito ay pahirap nang pahirap. Sometimes we could hear gossip about our course, may iilan na minamaliit ang kurso na ito, ganoon din naman sa iba pang course kaya hindi ko na lang din pinapansin. But, I don't really know what's the difference and why it matters so much to them. For me, all college courses are equally challenging and it is a matter of survival. That it is more on trusting the process and relying on yourself, that it is a journey of each college students' hardship. I don't understand that instead of degrading a degree program, why don't they just study and focus on their course and goals.

"Okay lang, at least mas nakatataas ang course natin sa kanila."

Napabuga ako ng hangin nang mapadaan sa isang table sa cafeteria at narinig 'yon galing sa isang babae. Hindi ko alam kung anong kurso ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Bukod sa patuloy na pag-iwas ko kay Alexa at Timea, isa rin ang ganitong kaganapan na napansin ko rito sa DHU ngunit imbis na pansinin ay umaakto na lamang ako na walang alam sa nangyayari rito sa loob.

Umorder ako ng isang cup ng coffee at saglit na umupo muna sa isa sa mga bakanteng table. It's Monday at sinadya ko ang pumasok nang maaga dahil plano ko ang mag-aral bago ang klase ni Ms. Deacon. Ayaw ko nang maulit ang nangyari noong nakaraang meeting at kung kaya ng utak ko, aaralin ko ang lahat ng related topics.

Agad kong inubos ang kape 'tsaka agad na ring tumayo at umalis doon. Naglakad ako patungong library at nang makarating ay agad kong napansin na wala pang katao-tao bukod sa dalawang student assistant na napalingon sa akin nang makapasok ako.

"Good morning," mahina kong bati at bahagyang yumuko.

"Good morning, may sadya ka bang libro?" sagot ng isa sa akin sabay ngiti.

Nginitian din ako ng isang kasama nito bago nagsalita. "Hindi pa namin mapapahiram dahil wala pa ang librarian e,"

Agad naman akong umiling sa kanila. "Ah, no... magbabasa lang ako,"

Sabay silang tumango nang marinig ang sinabi ko 'tsaka sila muling bumalik sa mga ginagawa.

Muli akong naglakad at dumiretso sa bookshelves. I searched for any related books and when I found one, I immediately took it off the shelf bago dumiretso sa dulong bahagi kung saan ay nasanay akong walang tao kahit anong oras. Ngunit agad akong napahinto nang madatanan si Timea na tahimik na nag-aaral doon.

Inayos ko ang pagkakayakap sa isang makapal na libro na kakukuha ko lang. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako dahil ilang linggo na rin kaming hindi nag-uusap at nagtatanguan lang kapag nagkikita. I mean- ako lang ang tumatango dahil siya ay todo ngiti kapag nagkakasalubong kami sa daan o kahit sa loob ng classroom.

"Doon ka sa kabila,"

Halos mabitawan ko ang librong yakap nang may bumulong sa likod ko. Natataranta akong humarap sa kanya at napaatras sa gulat.

"Humanap ka ng ibang table, h'wag kung nasaan siya," dugtong niya.

Hindi pa ako nakakarecover sa gulat dahil ramdam ko pa ang bilis ng tibok ng puso ko nang marinig ko ang bahagyang pag-atras ng upuan, senyales na may tumayo mula sa pagkakaupo.

Hindi ako lumingon at nanatiling na kay Egon ang mga mata ko. Mula sa akin ay inilipat nito ang tingin niya sa taong katatayo lang sa likod. Ang kaninang seryoso at mapanganib na mga mata ay biglang pumungay. His face suddenly softened as he looked at Timea.

"Hey," marahan nitong sabi habang nakangiti bago ako nilampasan. "Good morning, you're early."

Muli kong inayos ang pagkakayakap sa libro bago humakbang nang hindi sila nililingon.

Kung ito ang gusto niya, gagawin ko basta hindi lang ako masangkot sa gulo na mayroon sila. I still can't understand but what else can I do? Wala akong alam sa kung ano ang nangyayari sa kanila at kung ano ba talaga ang totoo. Except for one thing... this time, I know that it's not about me, all of this has nothing to do with me.

Naglakad ako patungo sa kabilang bahagi at agad na nilapag sa malawak na mesa ang libro nang makitang malinis ito at walang ibang tao.

Ano ba ang mayroon kay Timea at pare-pareho nilang gusto na layuan ko ito? May pakiramdam ako na ang lahat ng ito ay tungkoI sa kanya. I am not her best friend and I am not close to her. Oo, at minsan kaming nagsama at naging maayos naman iyon ngunit lahat ng 'yon ay dahil lang sa presentation. Sa pagkakaalala ko ay huli kaming nagsama sa cafeteria ng university para i-celebrate ang successful presentation na kung saan din ay nangyari ang sagutan nila.

Bumuntong hininga ako at minasahe ang sentido bago sinimulang buklatin ang libro. Kinuha ko ang notes na nasa bag at tinignan iyon 'tsaka ako patuloy na naghanap ng mga related na topic sa libro. I also jot down every important topic at nang mangalay ay 'tsaka ko lang binitawan ang ballpen na hawak. I rested my back on the backrest of the library chair as I close my eyes and heave a deep sigh. Nanatili akong ganoon ng ilang minuto bago muling dumilat at umayos nang upo 'tsaka inisa-isang niligpit ang mga gamit sa lamesa nang biglang may nagsalita.

"I'm sorry..." simula niya 'tsaka ko narinig ang pagbuga niya nang mabigat na hininga. "Pasensya na talaga, h'wag mo na lang pansinin si Egon,"

Tumayo muna ako bago ko siya dahan-dahang hinarap. Hindi na rin ako nagtaka nang makita ko muli ang ngiti niya. Hindi ko alam kung ano ang sasagutin kaya ginala ko ang mata ko sa paligid. Ilang segundo ang lumipas at hindi ko na magawang ibalik ang tingin sa kanya.

"Wala na siya rito, umalis na." she said, taking a step forward kaya bigla akong napaatras na bahagya niyang ikinagulat.

Napatingin ako sa kanya. "Tim-"

"No," She snorted. "I mean... i-it's okay, Chantria. Pa-pagpasensyahan mo na talaga 'yon,"

Wala pa rin akong mahanap na tamang salita kaya tumango na lamang ako sa kanya bago muling humarap sa lamesa at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

I didn't mean to be rude to her. Ni hind ko sinasadya ang mapaatras nang tangkain niya akong lapitan dahil ako mismo ay nabibigla pa rin sa mga kaganapan. Honestly, I don't know what and how to react.

Pinakiramdaman ko lang siya nang mapansin na nakatayo pa rin siya roon at tila walang balak na umalis. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy. I then zippered my bag before I carried the book. I was ready to leave when she spoke again.

"Okay ka lang ba?"

Humigpit ang hawak ko sa libro sa narinig na tanong. Mula sa lamesa ay nag-angat ako ng tingin sa kanya at sa wakas nakahanap din ng maisasagot.

Ngumiti ako. "Hindi mo kailangang humingi ng pasensya, Tim, and yes I'm fine."

Nilampasan ko na siya matapos no'n dahil unti-unti na rin dumadami ang tao sa loob. Ibinalik ko muna ang libro sa kinalalagyan nito 'tsaka diretsong naglakad na hindi nililingon ang pinanggalingan hanggang sa tuluyan na akong makalabas doon.

I can feel my heart beating so fast kaya huminto muna ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib.

Maayos naman ang inakto ko hindi ba? Wala namang masama sa pinakita ko at maayos ko rin siyang sinagot maliban nga lang sa pag-atras ko nang lalapit sana siya.

Bumuga ako ng hangin. "It's okay, Tria..."

Nagpalipas pa ako ng ilang minuto na nakatayo lang doon. Hindi ko na rin alam kung ilang beses akong nagpakawala nang malalalim na hininga bago muling naglakad. Lutang na tinahak ko ang hagdanan pababa.

Class time hasn't started yet pero parang gusto ko na lang umuwi at matulog. Mahigit isang buwan pa lang simula noong nagsimula ang klase at isa-isa ko silang nakilala. Naaalala ko na ang tanging goal ko lang noon ay ang mag-aral at ang makahanap ng mga kaibigan na sasamahan akong i-survive ang kursong ito. Ni minsan ay hindi ko naisip na magkakaroon ng ganitong pangyayari, I mean... it's possible but never did I imagine that I would be one of those who would experience this kind of situation.

Pinilig ko ang ulo ko at muli na namang bumuntong hininga. Isang hakbang na lang sa hagdan at tuluyan na akong makakaba ngunit bago ko pa man gawin iyon ay laking gulat ko nang mapadaan mismo sa harapan ko si Papa. I blinked multiple times before I could react. Agad din naman akong humakbang nang makabawi sa pagkagulat.

"Pa?" I called when I saw him entering the teachers' office... again?

What is he doing here?

Tuluyan na siyang nakapasok sa loob at nanatili akong nakatayo habang nakakunot ang noo. Ngayon, sigurado na ako na si Papa ang nakita ko hindi gaya noong nakaraan na nagdadalawang isip pa ako. And speaking of which... bigla ko ring naalala yung message niya sa akin noong mismong araw na tinanong ko siya kung pumunta ba siya rito. He replied and said that he was busy kaya bakit siya pupunta kung wala naman din siyang gagawin dito. For no apparent reason, I suddenly felt bizarre lalo na nang maalala ko rin ang mismong gabi kung saan ay nakita ko si Mama na umiiyak.

"I don't want to hurt her with the truth." That's what I heard before shutting the door of their room.

Ni hindi ko siya nagawang lapitan no'n at tanungin kung ano ba ang nangyayari dahil hindi ko alam kung tama bang gawin ko 'yon sa ganoong klaseng sitwasyon. So I stepped back and instead of asking what was going on that night, I went straight to my room. Pinilit ko ang sarili na matulog ngunit ilang minuto lang ang lumilipas ay muli na naman akong nagigising na may bigat sa nararamdaman.

I tilted my head and sigh deeply. Binigyan ko pa ng isang tingin ang pinto ng office kung saan pumasok si Papa bago ako tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng building.

This time I am sure of what I saw.

Dumiretso ako sa CLA building at agad na pumasok sa room na hindi tinitignan ang kahit na sino sa loob. Wala pa rin naman ang professor sa harapan kaya kampante ako na hindi binibigyan ng pansin ang kahit na sino. Nang makaupo ay agad kong inilabas ang cellphone at nagtipa ng mensahe kay Mama but I ended up deleting it, gano'n din kay Papa hanggang sa pumasok na nga si Ms. Deacon na may malaking ngiti sa labi.

"Good morning, Ms. Deacon," bati ng isang kaklaseng kong lalaki na nakaupo sa harapan.

At dahil nasa harapan din si Alexa ay hindi nakaiwas sa akin ang saglit na panglingon nito sa direksyon ng lalaki bago muling ibinalik ang mata sa harapan.

"Good morning," she greeted back and smiled at him bago niya inangat ang tingin sa lahat at binigyan kami ng isang matamis na ngiti. "Magandang umaga sa lahat,"

"Magandang umaga, Miss," we greeted in unison.

Ngumiti siya at binagsak ang mata sa table kung saan niya pinatong ang makapal na papel na dala niya nang pumasok siya rito. I noticed how some of my classmates gasped and bowed their heads. I also look down and noticed that my fingers are trembling.

"Result is out," she started so I lifted my gaze. She looked at us, one by one as if trying to read our minds. "Based on your expressions, I assume you already know about it."

Malamang, dahil sinabi niya naman sa amin noong huli naming meeting at bukod doon ay alam kong hindi lang ako ang naghihintay sa magiging resulta ng long quiz.

Muli niyang tinignan ang mga papel sa mesa. "Akala ko bilang lang sa daliri ang mga hindi makakapasa,"

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya ngunit pinili ko ang kumalma kahit na napupuno na ako ng takot sa maaaring maging resulta. Narinig ko rin ang bulungan ng ilan at may iilan din na napamura na lamang, tila alam na nila kung ano ang resulta ng mga papel nila.

Ms. Deacon cleared her throat 'tsaka niya kinuha ang isang papel na hindi ko alam kung kanino. Ipinagpapalagay ko na rin na ito ang nakakuha ng mataas na marka dahil papel niya ang nasa unahan.

"Five mistakes, Ms. Hernandez," Sabay lahad niya ng papel kay Alexa na nakaupo sa harapan. "Not bad,"

Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko ang walang ganang pag-angat ng tingin ni Alexa kay Ms. Deacon 'tsaka niya inabot ang papel na binibigay nito.

"Malamang bago pa natin malaman na may long quiz ay nauna na siya dahil kapatid niya si Miss," bulong ng katabi ko, tumango naman ang isa na nasa kanan niya bilang pagsang-ayon. "Hindi na nakapagtataka,"

Hindi makapaniwalang nilingon ko sila. Seriously? Ganoon ba talaga kababaw ang pag-iisip nila? Napansin ako ng babaeng tumango at hindi nakaligtas sa akin ang bahagya niyang pagsiko sa katabi namin na tila ba alam niya kung bakit ko sila tinitignan. Agad din naman akong nilingon ng katabi ko 'tsaka siya ngumiti at inayos ang buhok sa likod ng tainga bago muling tumingin sa harapan na tila ba wala siyang sinabi na maaaring lumikha ng gulo.

"Lima lang ang nakapasa sa klase na ito,"

Muli akong tumingin kay Ms. Deacon nang magsalita muli ito. Hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog ng dibdib ko. Kahit na mukhang imposible ay hindi ko maiwasang hindi umasa na sana isa ako roon sa limang nakapasa ngunit nang isa-isa niyang tawagin ang mga pangalan ay kulang na lang mahulog ako sa kinauupuan nang hindi ko narinig ang pangalan ko.

Gusto kong magprotesta at tanungin bakit ngunit alam ko naman na hindi lahat ng sagot ko ay siguradong tama.

Isa-isang ibinalik ni Ms. Deacon ang mga papers namin at nang nasa harapan ko na siya, inabot ko sa nanginginig na mga kamay ang papel na nilahad niya. Naramdam ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata nang makitang wala akong nakuhang kahit isang tamang sagot sa enumeration part, ito ang dahilan kaya hindi ko man lang naabot ang passing score.

Natapos ang oras ng klase niya na iba't ibang bulungan ang naririnig ko galing sa mga kaklase. May iilan na gaya ko ay hindi makapaniwala, may ibang pilit na iniintindi ang papel at tinitignan isa-isa kung bakit ganoon ang naging tamang sagot, ang ilan naman ay tila walang pakialam. Hindi na rin ako nag-aksaya ng minuto na tignan ang grupo ni Alexa dahil alam ko pare-pareho silang may ngiti sa labi ngayon dahil silang lima ang nakapasa.

I put my head in my hands as I bowed down. Pigil ko ang sariling hindi maiyak dahil may dalawang subject pa na susunod bago ang lunch break kaya napakurap-kurap na lamang ako habang nagpapakawala nang malalalim na hininga. Nagpaalam si Ms. Deacon at hindi gaya kanina na lahat kami ay masiglang bumati sa kanya, ngayon ay kalahati yata ng klase ay nanatiling tahimik.

Inaasahan ko naman na ang resulta. Noong araw pa lang nang natapos ang quiz at pinasa ang papel ay alam ko na na hindi malabong bumagsak ako. I didn't study and I wasn't ready for the long quiz kaya hindi imposible ang magfail but I expect at least a passing mark.

I smile sadly. The negative effects of expectations huh?

Lutang ako sa mga sumunod na subject hanggang sa sumapit ang lunch break ay tila wala ako sa sarili. Dumiretso ako sa cafeteria at kung sa ibang pagkakataon lang ito ay gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa unang pagkakataon ay nawalan ako ng pakialam sa mga mata ng mga taong naroon.

Umorder ako at tahimik na kumain sa isang sulok, hindi ako nag-aangat ng tingin sa kahit na sinong dumadaan sa tabi ng table ko hanggang sa natapos akong kumain at tatayo na sana nang may umupo sa harapang upuan ko and the moment I lifted my gaze, hindi na ako nagulat sa presensya at seryosong mga mata niya sa akin.

"I'm really not in the mood for your shit today, Egon." I said in dismissed. I stood up and he did the same so I faced him again. "Please h'wag mo muna akong guluhin,"

Ayaw kong maubusan ng pasensya sa kanya lalo na ngayon na hindi maganda ang naging simula ng araw ko dahil din mismo sa kanya at dagdagan pa ang resulta ng long quiz. 'Tsaka ano na naman ba ang plano niya? Ginagawa ko naman ang gusto niya kahit hindi ko alam kung ano ang dahilan nila.

Nilampasan ko siya ngunit agad niyang nahuli ang braso ko. Napasinghap ako at pinigilan ang sarili na h'wag siyang sigawan. Ilang segundo akong nanatiling nakatalikod sa kanya dahil pinapakalma ko muna ang sarili bago ko siya hinarap sa pangatlong pagkakataon. I was ready to repeat the words I had said to him when I saw Maverick standing behind him.

Oh wow! Nice timing huh? Ano, dadagdag din siya sa bilang ng mga taong gusto na layuan ko si Timea?

"Let her go," he said, eyes on me.

What?

"Egon, let her go," ulit nito at nilipat ang tingin sa lalaking hawak pa rin ako sa braso. "Timea needs you,"

Tila naman isa itong password sa pandinig ni Egon, unti-unti niyang binitawan ang braso ko at dali-daling umalis. Bumagsak ang mga mata ko sa braso ko na namumula, hindi ko man lang naramdaman ang higpit nang pagkakahawak niya.

"I'm sorry for that,"

Muli akong nag-angat ng tingin sa lalaking nakatayo pa rin sa harapan ko. Nasa namumulang braso ko ang mga mata niya bago siya nag-angat ng tingin sa akin. Sinalubong ng nag-aalala niyang mga mata ang mga mata kong puno ng pagtataka.

"Just..." he breathed heavily. "Just please avoid him. Kung kaya mong umiwas, umiwas ka na lang para wala nang gulo,"

Hindi ko alam ngunit bigla akong natawa. It's a laugh without humor. Ano? Lahat na lang ba ng tao sa DHU ay kailangan kong iwasan para sa sariling kagustuhan nila?

Kumunot ang noo niya dahil sa pagtawa ko kaya huminga ako nang malalim 'tsaka tumalikod bago nagsalita. "Naglolokohan ba kayo? Kung oo, pwes hindi ko gustong makisama." Saka ako naglakad paalis na hindi siya nililingon.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...