Wicked Angel (Part Two) The T...

By DonaQuixote

2.9K 430 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... More

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE

51 6 9
By DonaQuixote

AUTHOR’S NOTE : And yes! It's me not you! I'm sorry for this late update. Miss ko pindutin 'PUBLISH' bottom HAHAHA. I know I know nagsasawa na kayo sa bawat sorry ko dahil lagi namang late ang update ko, 'wag kayong mag alala... AKO RIN HAHAHA.

-TATASHART💜

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
(Story Behind)

Angel's point of view

Marami na akong pinagdaanan. Makikita mo 'yon kung sino ako ngayon. Every wound that leave a scars, every pain that paint in my heart nababakas sa pagkatao ko.

Me, myself and I. Selfishness embrace my whole heart, body and soul. Wala akong pakialam sa iba basta okay ako, okay na  'yon. Me before the other.

Natuto akong lumaban. Nakatatak sa isip ko na kailangan sa bawat oras walang makakasakit saakin, hindi na kailanman mauulit ang nangyari dati at dapat kaya ko ang sarili ko.

Hindi rin mabilis nakukuha ang tiwala ko. Dadaan muna sila sa pagsubok na gawa gawa ko bago ko 'yon kusang ibagay sa ibang tao. I don't trust that easily.

They say, I have a angelic face but having a devil thought. Well, that's true. Kung nakangiti ako sa harap mo, sa kaloob looban ko pinapatay na kita sa isip ko.

Ibang iba ang paniniwala ko sa kumpara sa iba. Magiging malakas lang ako kung wala akong prinoprotektahan. Dahil kung may prinoprotektahan ako? May inaalala ako, mahina ako.

Natawa ako.

Pero 'yang paniniwalang pinanghahawakan ko sa kalahati ng buhay kong nabubuhay sa mundo biglang nawala sa isang iglap.

"Hoy! Angel! Dali na sumali ka na saamin! Ang pangit mo kabonding!" ngusong usal ni Gaio saakin.

"Mamaya na! Nagd-day dream pa ako!" tanggi ko.

"Si Chad nga sumali tapos ikaw? Hindi? Anong trip mo ah? Magpapasuyo ka kay Chad na nang away sayo?" mapanuksong saad ni Gaio.

Mabilis naman na sinipa ko siya sa paa.

"Gago! Hindi!"

"Sus!"

"Gaio! Isa! Kapag hindi ka tumigil babatukan kita!"

"Kunwaring galit pero nagpipigil na ngumiti!" asar niya pa bago tumakbo ng mabilis papalayo saakin.

Nang nakalayo na siya ay doon ko pinakawalan ang ngiting kanina pa gustong kumawala sa labi ko.

Ayokong sumali dahil gusto kong panoorin lang silang lahat na naglalaro mula rito sa kinatatayuan ko.

Pinanood ko silang lahat na parang batang naglalaro sa pool ng taya tayaan. Ang rule ng laro ay ulo ang tatayain at kung ilulubog mo ang ulo mo sa tubig hindi ka niya pwedeng tayain.

Natawa ako nang naging taya si Cole at tinataya niya si Gaio na inilubog agad ang ulo sa tubig. Mas natawa ako nang binantayan ni Cole si Gaio. Nang umahon ang ulo ni Gaio mula sa tubig dahil mukang naubusan na 'to ng hininga, malakas na pinalo ni Cole ang ulo ni Gaio sabay sigaw ng...

"Tag!"

Lahat sila ay agad na nagsitakbohan papalayo kay Gaio na siya ng taya.

Magiging malakas nga ba ako kung wala akong prinoprotektahan? Hindi. Mukang maling mali ang paniniwala kong 'yon dahil naging mas malakas ako nang ginusto ko silang protektahan.

Nagagawa ko ang lahat para sakanila.

Nagawa ko nga ba?

Mas ginusto ko na protektahan sila. Prinoprotektahan ko sila habang trinatraydor ko sila.

Napangiti ako nang makita ko ang Lola ni Carl na inaayos ang mga pagkaing dala namin sa mahabang mesa. Lumapit ako sakaniya.

"Hello po!" masiglang bati ko.

Nginitian naman ako ng matanda kahit na wala na siyang ngipin. "Oh? Apo.. Bakit hindi ka sumali sa kanila?"

"H-Huh?" gulat na usal ko at hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa matandang kaharap ko.

"Ang 'ka ko, Bakit hindi ka sumali sakanila," dahan dahan ang pananalita niya na para bang isa akong tangang hindi makaintindi.

"Narinig ko . Pero ano uli 'yong sinabi niyo kani kanina lang po? Apo po ba 'yong narinig ko?"

"Ah 'yon? Bakit? Apo naman talaga kita," natawang usal niya, "Kayong lahat ay apo ko," turo ng matanda sa mga kasamahan kong naghahabolan.

Parang may yumakap sa puso dahil sa sinabi niya, lalo na nang tawagin niya akong apo kaya medyo nagulat ako.

Minsanan ko lang nakikita ang mga grandparents ko, bilang pa sa darili sa paa at kamay ko ang pagkakataong 'yon. Hindi ko alam kung tadhana ba na tuwing umuuwi sila sa bahay namin noon ay wala ako o sadyang tyinityimpo nila Mommy at Daddy na wala ako ng bahay.

And my grandparents never called me Apo.

"Bakit kung magsalita ka ay parang bago sayo 'yon?" usisa ng matanda saakin. Siguro kung ibang tao ito at hindi Lola ni Carl kanina ko pa 'to inirapan dahil sa tanong niya.

Privacy po... Alam niyo po ba 'yon?

"Nagulat lang po hehehe." tapos ay nagpilit ako ng ngiti at tinulungan na siya sa ginagawa niya.

Nang matapos na naming ayusin ng matanda 'yong pagkain ay nagpaalam na siya saakin pero bago 'yon ay sinabi niya na tawagin ko na raw sila para makakain na kami.

Pumameywang ako nang makalapit ako sakanila, "Hoy! Hindi kayo nagugutom? Ayaw niyo bang kumain?" tanong ko sakanila.

Agad naman silang nagsiahon sa tubig.

"Kainan na!"

"Woah! Sa wakas!"

"Gutom na kaya kami! Tsk."

Sunod na sunod ang mga bulong nila habang nag siunahan sa pagpwesto at pagkuha ng pagkain sa hapag.

Napailing nalang ako habang pinapanood ko silang nagsisimula ng magbabangayan.

"Hindi ka kakain?"

Napaigta ako sa gulat at agad na nilingon ang nagsalita sa likod ko. May dala dala na siyang pinggan na may laman ng pagkain. Malamang pinauna kasi siyang kumuha bago sila. Leader first. Amp.

"Mamaya na."

"Mauubosan ka," he chuckled.

I smirked. "Let see."

"Do you want me to get a food for you? Utusan mo lang ako gagawin ko,"

Muntik pa akong masamid sa sariling laway ko sa sinabi niya, hinarap ko siya at nakangisi siyang nakatingin saakin kaya mabilis na umiwas ako ng tingin. Napalunok ako sa uri ng pagkakatingin niya saakin, para akong kinikiliti.

"Seryoso?" paninigurado ko pero ang tingin ay wala sakaniya.

Nakita ko mula sa peripheral vision ko na tumango siya, "Yap. Utusan mo na 'ko. I'll do it... just for you," Sabi niya at ramdam ko rin ang pagpihit niya paharap saakin.

"May tinabi na akong 'akin,"

Kahit kinikilig ay kinalma ko ang sarili ko at umaktong normal lang saka ko hinarap si Chad na nakataas na ang kilay na nakatingin saakin.

"Alam ko naman na mauubusan ako, kaya nagtabi na ako." sabi ko at tumawa. Ganoon din siya.

Nang nakakuha na silang lahat ng kaniya kaniya nilang pagkain ay doon ko inilabas ang akin at nakisalo sakanila.

"Ayos Angel!"

"Nice one!"

"Hahaha nanigurado ang Angel natin!"

Natawa silang lahat kaya nahawa ako. Nauwi sa kwentohan ang pagkain namin ng tanghalian.

Nang magdidilim na ay nagsimula na silang gumawa ng apoy gamit ang mga kahoy na napulot nila sa paligid ng resort.

May mga pagkain kami at syempre hindi nawawala ang alak. Pero bago namin gawin ang gusto naming pagwawalwal ay kumain muna kami ng hapunan dahil ang sabi ng Lola ni Carl ay masama raw uminom kapag hindi kumain.

At hindi ko alam 'yon! Ganoon pala 'yon?

Sa loob kami ng bahay nila Carl kumain at hindi na sa labas.

Maingay sila habang kumakain habang ako naman ay inalala ang nangyari noong huling punta ko rito.

Napatingin ako kay Justin, nakatingin din pala siya saakin kaya nagtama ang mga mata namin. Ngumisi siya at makahulugan ang tingin niya. Nilabanan ko ang tingin niyang 'yon hanggang sa ako rin ang sumuko at umiwas ng tingin.

Mukang hindi lang ako ang nag aalala sa mga nangyari rito ah.

Naging tahimik si Justin nitong mga nakaraang araw at hindi na ako ginugulo o kinakausap tungkol sa nalaman niya, hindi niya na rin siya nagbibitaw ng mga makahulugang salita sa mga kasamahan namin kaya hindi ako kabado pagdating sakaniya. Pero magpapakampante ba ako? Baka maging isa siyang bulkan na bigla nalang sasabog kapag nagkataon.

"Mas masaya byahe namin! May seni! Hahaha Kasi si Chad at Angel kanina parang nag aaway na mag asawa!" kwento ni Gaio. Nagtawanan naman ang mga nakasama namin sa van at tumango tango pa.

Kumunot ang noo ko.

"Para kaming nasa seni, kulang nalang popcorn e!"

Alam mo 'yong pakiramdam na dapat galit ka pero mas nanaig ang kilig sa sistema mo? Gano'n na gano'n ang nararamdaman ko ngayon habang inaasar nila kami ni Chad. Nakakainis. Parang tanga.

Si Chad naman ay naiiling na nakangisi lang. Ako naman ay hindi ako kung anong gagawin. Babatukan ko ba si Gaio? Susuntokin sa muka? O ibabalibag? Hindi ako makapili kaya huminga ako ng malalim para maikalma ang sarili ko dahil baka magawa ko sakaniya lahat ng nasa pilian.

Nang matapos na kaming kumain ay dumeretso agad sila sa apoy na ginawa nila kanina.

Ako naman at sila Liza at Dana ay tinulungan ang matanda na magligpit ng pinagkainan namin.

Huminga ako ng malalim. Ito na 'yong hinihintay ko. Ang malaman ang kwento nila, ng grupo, at ng mga rules.

Sabay kaming tatlong naglakad patungo roon.

"You look so cute when you get nervous!" saad ni Dana kaya kunot noong nilingon ko siya. She's grinning.

Ako? Nervous?

Hindi naman kaba ang nararamdaman ko kundi excitement!

"Don't be nervous, maganda ang history ng grupo namin, I mean, natin. " ngising usal ni Liza.

"Sa pagkakakilala ko sayo, magugustuhan mo talaga ang history ng grupo natin," gatong pa ni Dana.

"Just don't judge Chad easily, hmm?" Sabi ni Liza na nakapagpatigil saakin sa pag lalakad.

Tumigil din si Dana at hinarap si Liza "It's up to Angel, Liza, we can't do anything about it." usal niya bago ako hinarap at nginitian.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para magtanong nang unahan na ako ni Dana, "Malalaman mo rin mamaya." then naglakad na uli sila, wala naman akong magagawa kaya sumunod nalang ako.

Nakapabilog na nakaupo silang lahat sa lapag habang nakaharap sa apoy. Nagkakasiyahan na sila. Umiinom sila habang nag iihaw ng barbeque sa apoy, ang iba naman ay marshmallow ang iniihaw.

Umupo ako sa tabi ni Chad dahil 'yon lang ang bakante. Ang katabi ko naman sa kabilang side ay si Cole.

Inabotan nila ako ng beer kaya kinuha ko 'yon at mabilis na ininom.

Nanatiling tikom ang bibig ko, Oo, ngayong gabi malalaman ko na ang lahat ng gusto kong malaman dahil 'yon ang nasa plano namin ni Chad. Ang tattoo-ng armour ang magiging dahilan ko at magbibigay ng karapatan saakin na malaman ang totoo, at ang kwento na gustong gusto kong malaman noon pa.

Noon, ito ang plano ko kasama si Rosh pero ngayon, 'akin nalang 'to, wala siyang kinalaman dahil ang malalaman ko ngayong gabi ay mananatili saakin at hindi kailanman makakarating kay Rosh.

"Angel's having the armour tattoo now. That means she can ask us now a question and we will answer it truely." walang warning na anunsyo ni Chad sa lahat.

Makalipas ang ilang oras naming nakaupo at umiinom ay sinabi niya nalang bigla 'yon. Hindi ako handa at gaya nilang lahat maliban kay Chad at nabigla ako.

Ang maingay na paligid ay biglang tumahimik at ang mga mata nilang lahat ay natupok saakin. Napalunok ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako na ewan. Iba iba sila ng reaksyon. May mga matang nakatingin saakin ng buong galak, lalo na si Gaio na malaki pa ang ngiti saakin, may mga matang nakatingin saakin ng may pagtataka, lalo na ang mga mata ni Klein, kunot na kunot at nakatagilid ang ulo habang nakatingin sa'kin, para bang nagtatanong kung bakit, may mga matang nakatingin saakin na parang hindi ko deserve ang tattoo na 'yon, gaya nalang kung paano ako tignan ni Justin ngayon.

Ang buong akala ko ay magdidiwang sila sa malalaman pero nagkamali ako. Masyado akong nag expect kaya nadismaya ako.

Naging tahimik sila. Katahimikan ang namutawi sa paligid at ang tanging maririnig ko lang ay ang ingay ng mga insekto sa gabi.

Hindi ba nila gusto ang nangyari? Bakit ganoon na lamang ang reaksyon nila? Gusto kong magtanong kung bakit pero nanatili nalang akong hindi nagsalita habang nakatingin sakanila na hindi na ako matignan sa mata.

"Magtanong ka na. Sasagutin na namin." basag ni Cole sa katahimikan.

Inilibot ko ang paningin ko sakanila. Ramdam ko ang pag iinit ng mga mata ko kaya huminga ako ng malalim.

"Paano ko gagawin 'yon kung... mukang ayaw niyo naman 'tong nangyayari?" basag ang boses na sabi ko.

Naging matunog ang pagngisi ni Justin kaya tinuun ko ang paningin ko sakaniya.

"Is not that. Sa tingin mo ba... gusto pa naming sabihin sayo mismo 'yong mga gusto mong malaman? Hindi... alam mo kung bakit? We have a tragic story..."

Tumayo siya, kalmado ang muka niya, mahinahon na naglakad siya papalapit saakin. Nakatingin naman ang lahat sakaniya. Pinapanood siya,  hinihintay kung anong gagawin niya.

Nanlaki ang mata ko nang hinablot ang braso saka niya ako padarag na hinila patayo.

"Justin!" nang aawat na tawag nila sa pangalan niya pero umiling lang siya at iniyakap ang braso niya sa leeg ko at humakbang palayo sakanila kaya wala akong nagawa at humakbang din gaya niya.

Hinawakan ko ang braso niya na nakasakal ngayon sa leeg ko. Hindi na ako lumaban kahit kaya ko.

Sabi ko na. Isa siyang buklan na bigla nalang sasabog. Nag aamok na siya ngayon. Ang malala kaya niya akong patayin kung gugustuhin niya.

Dinumbol ng kaba ang dibdib ko sa bagay na maari niyang gawin, o sabihin.

"Wala kaming rule alam mo ba 'yon?" saad niya mula sa tainga ko.

Umiling ako. "Hindi..." bahagyang nakahinga rin ako ng maluwag dahil hindi ang pagbubunyag sa kasamaan ko ang sasabihin niya.

Amoy na amoy ko ang masangsang na amoy ng alak mula sa labi niya. Lasing siya.

"May mga namatay na kaming kasamahan dahil sa mga maduduming maglarong kalaban namin!" sigaw niya at binigyang diin ang salitang maduduming maglarong kalaban, alam ko na isa ako sa tinutukoy niya.

May namatay na silang kasamahan?

"Rule No. 1, Iwan mo kung hindi na kaya! Mas mahalaga ang marami kaysa sa iisa!"

Ang selfish ng disesyon na 'yon.

Bawat salitang binibitiwan niya ay may diin. Ramdam na ramdam ko ang bawat salita niya. Para bang matagal niya na 'yong kinikimkim.

"Justin, enough." mahinahong awat ni Chad sakaniya.

Akmang lalapit siya pero hinigpitan ni Justin ang pagkakasakal niya sa leeg ko, senyales na kapag lumapit pa ang lalaki ay hindi lang 'to ang aabotin ko.

Huminto si Chad at nag aalalang tinignan ako. Ngumiti ako para sabihin ayos lang. Hindi naman sobrang higpit ng pagkakasakal niya.

"Ang dami dami naming rule na sinusunod! Rule No. 2! Follow the leader! Shuta! Dahil sa pagsunod namin sakaniya nalagasan kami!"

Parang hinanakit na ni Justin kay Chad ang sinasabi niya at hindi ang history ng grupo sa sinasabi niya ngayon.

"Justin..."

"Ano Chad? Akala mo ba madaling kalimutan ang ginawa mong pag uutos saamin noon na umatras at iwan si Russ?!" tapos ay sarkastikong tumawa si Justin at ramdam ko ang pag iling niya.

Nagulat ako sa nalaman.

Ang iba naman ay napamura nalang dahil sa nangyayari at ang iba naman ay nababakas ang sakit sa mga mata.

"Rule No. 3, Be the weapon not the armour! Shuta! Paano kami magiging sandata kung 'yong taong proprotektahan namin iiwan din lang natin!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng hikbing narinig ko at nakita ko si Liza na nakayakap na ngayon kay Dana na hindi na maipinta ang muka habang nakatingin kay Justin.

Parang libo libong kutsilyo ang tumusok sa puso nang makita ko ang sunod sunod na luhang umagos mula sa mata ni Gaio. Ang sakit makitang nasasaktan siya. Ang sakit makitang nasasaktan sila.

"Si Gaio!" gamit ang isang kamay ni Justin, tinuro niya ang umiiyak na si Gaio, "Alam mo ba na ilang beses siyang naglasing kasi... kasi sinisisi niya ang sarili niya! Rule No. 4! Kill the one you need to kill! Chad kaibigan niya 'yong inutos mong patayin niya dahil akala mo espeya 'to! Dahil sa punyetang akala mo... nawalan siya... pero 'yong akala mong 'yon maling mali."

Napatingin ako kay Chad at nakita ko kung paanong bumalatay ang sakit sa mata niya. Para akong dinudurog sa nakita ko. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko para kay Gaio kanina ay dumoble pa. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito at sa hindi ko maintindhan... parang mas nasasaktan ako para sakaniya.

Nasasaktan ako para sakanilang lahat.

Ang mga mata nila ay sinabi na lahat ng nararamdaman nila at para akong dinudurog.

"Justin please? Please stop this..." gumaralgal na boses na sabi ko.

"No! Gusto mo 'to 'di ba? Gusto mong malaman ang history ng grupo! Gusto mong malaman ang dahilan ng mga rule na sinusunod mo! Ito na! Sinasabi ko na! Tapos pinapatigil mo? Tangina!"

"Not this way... You're hurting them. You're hurting me." usal ko sa mahinahong boses at hinawakan muli ang braso niyang nakasakal saakin. "Your drunk Justin, you're not in the right mind right now, so please? please stop this."

"I don't want." usal ni Justin at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag iling niya at pag hinga niya.

Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa kagustuhan kong malaman ang history ng grupo.

It's hurt them... damn much!

"Akala ko ba naiintindihan niyo ako,"

Nilingon ko si Chad nang magsalita siya at nakita ko kung paanong nawalan siya ng balanse at napaatras dahil sa pang hihina.

"Oo Chad! Naiintindihan ka namin pero 'yong sakit? Putang ina! Kaibigan natin 'yon tapos iniwan natin! Ano nga uli 'yon Chad?" tumawa siya, "Atras! Rule No. 2 follow the leader! Follow me! Iwan niyo na si Russ! Rule No. 1 Iwan mo kung hindi na kaya! Kahit dahil natin siya! Mamatay pa rin siya!" usal ni Justin at mukang 'yon ang sinabi ni Chad noon, at ginaya pa nito ang boses niya kuno pati ang tuno niya.

Nakita kong tuluyang tumulo ang isang butil ng luha sa mata ni Chad na namumula na.

Nagbalak akong kumalas sa pagkakasakal saakin ni Justin saakin pero mas hinigpitan niya ang sakal niya saakin kaya napaubo ako. Nakita ko pa kung paanong nag alala at ginustong lumapit ng mga kasamahan namin dahil sa nakita nila.

I want to hug Chad right now! Baka sakaling mawala kahit kaunti ang sakit na dinadala niya ngayon. Kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya at gusto ko siyang yakapin dahil ramdam ko rin ang sakit na 'yon.

"Justin pakiusap tumigil ka na." hindi na napigil ni Cole na magsalita.

"Shut up Cole! Hindi lang ako nakakaramdam ng sakit! Alam kong kayo rin! Ikaw! Ikaw! Ikaw! Lahat kayo!" tinuro ni Justin ang lahat ng narito, "Satingin niyo ba hindi ko alam na nagsosolo ang iba sainyo para mailabas ang mga sama ng loob niyo?!"

Ang tingin ko ay nanatili lang kay Chad at para akong kinakapos ng hininga dahil nakita ko ang iisang butil ng luha lang kanina ay sunod sunod na. Tumalikod siya saakin nang makita niyang nakatingin ako sakaniya pero hindi nakatakas saakin ang pag taas baba ng balikat niya.

"Justin tumigil ka na!" gigil na sigaw ni Klein.

Tinignan ko siya at kitang kita ko kung paano katindi ang galit niya, kitang kita ko kung paanong kinuyom niya ang mga kamao niya at humakbang patungo sa gawi namin.

Hinigpitan lalo ni Justin ang pagkakasakal saakin kaya muling napaubo ako, "Stop right there." usal niya pa dahil hindi inalala ni Klein kahit na patayin ako ni Justin kung lalapit pa siya dahil dere-deretso lang 'to sa paglalakad patungo sa gawi namin.

"Tumigil ka na!"

"Oh shut up Klein! Parang hindi naman sumama ang loob mo nang patayin mo mismo ang kaibigan mo dahil lang nagmahal ito,"

Napatigil si Klein sa paglalakad. "Fuck you!" mariing usal niya.

"Yeah. Fuck me. It is funny? That we're all understand Chad! We do our best to understand him pero ang hirap pa rin hindi masaktan!"

"Tumigil ka na..." ang pagalit na tono ni Klein ay napalitan ng mahinang boses... Parang suko na siya at pagod na, nasasaktan na.

"Rule No. 5, walang talo talo! Dahil lang sa may mahal na iba 'yong taong mahal mo ginawa mo 'yang ikalimang rule na 'yan at ang malala! Pinapatay mo si Augustus kay Klein na siyang pinakaclose niya saatin!"

Mahinang hikbi at malulutong na mura ang narinig ko sa paligid. Gusto kong magulat sa mga narinig ko, gusto ko ring magalit kay Chad dahil ang mga disesyon niyang 'yon ay mga makasariling disesyon pero... makasariling disesyon nga ba?

Naalala ko ang sinabi ni Liza kanina lang na huwag kong husgahan si Chad ng ganoon kadali dahil lang sa nalaman.

Baka may dahilan ang lahat ng narinig at nalaman ko... pero 'yong panghuli ay hindi mo mainuha ang magiging dahilan niya kung sakali.

"Chad..." usal ko sa pangalan ng lalaking wala na ngayong emosyon habang nakatingin na pala saakin.

Bakit ganoon? Gusto ko siyang tanongin kung bakit pero... nanaig saakin ang damayan at yakapin siya.

"Makasarili ka... Lahat nalang ng disesyon mo nakabase kung anong dulot no'n sayo! Nagmahal lang naman si Beatrice pero pinapatay mo ang taong mahal niya sa harap niya!"

Beatrice?

Kung ganoon ang Beatrice na 'yon, 'yong babaeng narinig kong pinag uusapan nila noon ay babaeng minahal noon na Chad?

Na sinasabi nilang kamukha ko?

----
YOUR VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! THANK YOU SAYO NG HARD AT I LOVE YOU ALL EXTREMELY!!😘💕

Continue Reading

You'll Also Like

153K 879 27
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
56.8K 2.4K 21
"Show me somethin' different once, I come from where there's no love." COPYRIGHT 23. #1 ATLANTA 05/01/2024 🏆
Riptide By V

Teen Fiction

329K 8.4K 118
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
50.6K 1.1K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...