Make You Stay (Book 2 of You...

By coralunaa

30.8K 1.2K 230

Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang... More

Make You Stay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 30

630 34 2
By coralunaa

Advance happy 300 reads MYS! Sa mangilan-ngilang tahimik ngunit masugid na naghihintay sa updates ko, maraming salamat po! Na-aapreciate ko talaga kayo, sobra.

~~~

Sinampal-sampal ko ang aking sarili nang makalabas ako sa kuwarto ni Vince. Halos mahilo ako kaya napasandal ako sa pintong kakasara ko lang.

"What the hell,"

Hinawakan ko ang aking labi at mariing pumikit. Parang sumakit ang ulo ko nang maalala ang nangyari. Why the hell did Vince say that?!

Bakit niya ako gustong halikan? At bakit parang gusto ko narin?!

Ah. This is a total madness. This shouldn't be entertained. Yes. This shouldn't be.

Vince doesn't like me, right? And I... I certainly can't like Vince. How... just how the fuck can I have feelings for him when I am fucking heartbroken for someone else?

"Ano ba, Claudine. Gumising ka. Gumising ka." bulong-bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko na alam kung papaano ko pa ilalarawan ang nararamdaman ako. Nalilito ako. I honestly don't know what I should feel and what I should not. Considering what I have been through and what I am currently going through, I seriously don't know what I am capable of feeling and what I am not! 

"Huy!"

Halos atakehin ako sa puso nang sumulpot bigla si Esmeralda. Her wide smile vanished when she saw me. 

"Anyare sa'yo dzai?" nag-angat siya ng kilay.

I don't know what the guilt I felt is for. Lumunok ako sabay iwas ng tingin.

"K-Kumain na ang kuya mo..." sabi ko nang wala akong ibang masabi.

Nakita ko mula sa aking peripheral vision ang pagkukrus niya ng kamay at paniningkit niya ng mata. Tila tinitimbang kung may mahihita sa inaasta ko.

"U-huh. Tapos? Anong nangyari sa inyong dalawa? Gumawa kayo ng kababalaghan ano-"

"Hindi ah! Wag ka ngang dirty-minded! Hinatiran ko lang siya ng oatmeal. Pinanood kumain tapos umalis na agad. Iyon lang!"

"Uyyy. Defensive masyado si mayora." 

Nagsimula siyang tumawa. Hindi ko naman magawang sumabay sa kanya dahil buntonghininga lang ang magagawa ko sa ngayon.

"Bakit mo hawak lips mo kanina? Omg..... wag mo sabahing.... Nag-kiss kayo no?!" 

Fuck. Bakit kailangan niya pa iyong makita?! Nakakahiya talaga! 

Sa kagustuhang isalba ang sarili, sinamaan ko ng tingin si Esme at nakita ko naman ang mata niyang eksaheradang nanlaki. 

"Ilusyon mo lang yan Esme. Bakit naman kami magki-kiss?" 

Eh kamuntikan na nga iyong kanina, Claudine! Ang galing mong artista! Grabe!

"Cuz you like each other?" sagot niya, ang tono'y nagpapahiwatig na bobo ako dahil tinanong ko pa.

Pilit kong itinago ang aking reaksyon, takot na baka mabigyan ko pa ng matibay na katibayan ang opinyon niya!

"Seriously? That's not gonna happen." 

Pinilit kong i-divert ang usapan sa pagtatanong tungkol sa ganap nila ni Richard kanina. Thankfully, it worked. Ang dali niya talagang ma-distract! Basta pagdating sa jowa, eh no?

"Was it awkward?" I asked, pertaining to their so-called love-making.

Namula siya at napalingon sa pintuan na nasa likuran ko. Na-gets ko siya kaagad. Oo nga pala at narito kami sa labas ng kuwarto ni Vince! Baka marinig niya! 

Umalis kami roon at dahil dala-dala ko ang pinagkainan ni Vince, sa kusina namin ipinagpatuloy ang kuwentuhan.

"Walang nagsalita sa'min! Grabe! Kulang nalang makarinig ako ng crickets! Mukhang nahiya rin siya, eh." 

"And then?"

"Tapos... yun. Kinausap ko siya. Nag-usap kami at napagkasunduan nalang din naming ipaalam kay kuya na kami na."

And that's what indeed happened in the afternoon. Nagpunta sa bahay si Richard para kausapin si Vince. 

"Miss,"

Natigilan ako nang marinig si Vince. Paalis ako ngayon habang si Esme naman ay nasa labas para sunduin si Richard. Lumunok muna ako ng dalawang beses bago siya hinarap.

Mataman siyang nakatitig sa'kin, dahilan para kumabog na naman ng husto ang dibdib ko. He looked pale but I think he's fine.

"Tungkol sa nangyari kanina-"

"Ah! Wala yun. Let's just forget it." taranta kong pigil.

There's no way we'll talk about that! It's fucking awkward! Mahihimatay yata ako!

Umawang ang kanyang labi at pumungay lalo ang kanyang mga mata. Hindi ko mabasa ang mata niya. Punong-puno ito ng emosyong hindi ko mapangalanan.

"Pero-"

"Kuya," 

Nakahinga ako ng maluwag nang sumingit si Esme. Kasama niya na si Richard na mukhang kabado. 

"May sasabihin kami..." 

Buti nalang naagaw nila ang atensyon ni Vince. His eyes were glancing at me, tho.

"Uh, labas lang ako." 

Lalabas ako para bigyan sila ng privacy. Naengganyo rin kase akong makita ang dagat at malanghap ang hangin sa labas.

"Saan ka?" kunot-noong tanong ni Vince.

Natuon ang atensyon nina Esme at Richard sa'kin. Binigyan ko naman sila ng tipid na ngiti.

"Dyan lang," 

Vince stared at me for a couple of seconds, like he's contemplating. He licked his lower lip before nodding.

Sapo ko ang aking dibdib nang makalabas ng bahay. Mabuti nalang at unti-unti akong narelax nang makapaglakad na sa buhanginan. At hindi gaya nung unang araw ko rito sa Isla Verde, na-appreciate ko na nang mabuti ang ganda ng isla. 

The white sand looked clean. Ang tubig namang naglalaro sa asul at berde na nagiging puti kapag tumatama sa buhangin ay nakakahalina.

Nilingon ko ang linya kung saan nagtatagpo ang kalupaan ng mundo at ang kalangitan. Sa kalagitnaan ng tuwa, sumingit na naman ang kalungkutan, bagay na hindi ko man gustuhin, sadyang nangyayari. 

It's unfair how everytime I try to move forward, something would always hold me back. Maybe this is the price I pay? For turning my back on my reality? For running away from what was meant for me to face? Kase gustuhin ko man talagang magkaroon ng tuloy-tuloy na kapayapaan, dinadalaw parin ako ng pangungulila. 

Everytime I think about home, I wonder.... kailan kaya ako makakauwi? Kailan ako uuwi? Kailan ba dapat ako umuwi? 

Am I... healed already? Is my stay here... enough? Can I... go back already?

Did I made the right decision in the first place? Was it worthy to trade the time for this island? Tama bang nagbakasakali pa ako sa islang 'to?

Ayokong manghinayang sa oras na iginugol ko sa islang 'to dahil aaminin kong kahit papaano, nakalimot ako. Kahit sa konting pagkakataon, panaka-naka kong nakakalimutan ang mapait kong nakaraan. Kahit sa konting pagkakataon, nalasap ko ang saya. I just... don't want to regret doing something that made me happy. 

Kaya lang, sapat ba na naging masaya ako? Ito ba ang hanap ko? Hindi ba... narito ako para sa kalinawan? 

Yes this island made me happy pero bakit ganoon... bakit... parang imbes na malinawan... bakit lalo lang ata akong nalito? Posible nga kayang... magkagusto ako kay Vince gayong... hindi ko magawang kalimutan si Blue?

Posible nga kayang tumibok ang puso ko sa iba gayong... wasak ito? 

Did Vince... really reached his way to my broken heart? Is that even possible?

"Ate ganda! Ate ganda!"

Nilipad ng hangin ang mga iniisip ko nang marinig ang maligayang tawag ng mga bata sa'kin. I saw them flashing their teeths to me as they show the cute little seashells. 

"Kayo kumuha niyan?" I asked lightly.

Patakbo silang lumapit sa'kin at nag-unahan sa pagsagot. They looked like the typical beach kids with their bronze skins. There were four of them, all boys.

"Opo! Pinulot lang po namin sa gilid ng mga bato." 

Itinuro pa ng isang bata ang pinanggalingan nila. Dulo ata iyon ng isla. Hindi gaya sa parteng kinatatayuan namin, kapansin-pansin ang naiibang kulay ng buhangin doon. Hindi na maputi at sa tingin ko'y mabato. Marami ang nandoon at mukhang namumulot ng seashells.

"Gusto niyo pong subukan?" sabik na tanong nung isa.

Ngumiti ako at agarang tumango.

"Sige ba!"

Sabay-sabay kaming pumunta sa mabatong bahagi ng isla. Pinanood ko kung papaano nila kinukuha ang mga shell at madali lang naman pala. Dumidikit lang kase ang mga ito sa bato. The dark-grey and brown shells were sharply conical. They had smooth appearance, patterned with dark spiral lines.

"Ginagawa po namin itong kwintas, ate." pagbabahagi ng isang dalagita.

Hindi lang bata ang mga kasama ko, marami ring mga dalaga at binata. They seemed so fond of collecting the shells. At parang ang dali nalang para sa kanila kahit na may iilang matulis na bato.

"Hindi ito niluluto?" 

"Niluluto rin po. Madali lang yan lutuin. Ihuhulog lang sa kumukulong tubig." 

Tumango-tango ako at nakinig sa iilan sa kanila habang namumulot ng shell. Magaan ang usapan namin, tungkol lang sa mga nakukuha nilang lamang dagat sa islang 'to. 

This is one of the things that this island has taught me. To open up your heart to new activities and especially to socializing to other people. Noon pa man, hindi na talaga ako iyong tipong mahilig makisalamuha. Isip-isip ko kase, bakit pa ako mangongolekta ng mga taong sasaksakin ako sa huli? Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko kung ganoon ang mindset ko. Kase di ba? Sarili ko ngang ama, niloko ako? Ang mama ko? Iyong ibang tao pa ba kaya?

My trust issues got worse when Blue cheated on me. You see, hirap akong magtiwala. Parang ang hirap naring magbukas ng puso, sa mapa-platonic o romantic love man. Gayunpaman, ipinarealize ng mga simpleng tao sa islang 'to sa'kin na gaano man karami ang walanghiya sa mundo, mayroon parin namang natitirang matino. That if you only seek for the light despite how dark it is, the light will show. That if you only try to see the good in people, you will start to appreciate the goodness that radiates within. 

Ah. If only positive thoughts manifest faster than negativities, I would have finally felt enlightened. Kung sana rin madali lang intindihin ang lahat, matagal na siguro akong nanirahan ng tahimik at totoong masaya.

"Hala si Lorna!"

Nagkaroon ng maliit at biglaang komosyon nang dumating ang isang may katandaang babae. She looked like she's in her early 50s. Kulot na kulot ang nakalugay na buhok. Unlike the other women in this island, she's wearing a mini flowy skirt and white off-shoulder top.

"Musugmat nasad na. Hagoi!" 

Hindi ko maintindihan kung bakit tila problemado ang mga dalaga habang mukhang takot naman ang mga bata. Some even ran away.

"Ikaw gipangita ana Ran. Uli nalang."

"Randy! Naku ikaw na bata ka! Masusunog yang balat mo! Hindi ba sinabi kong wag kang magbibilad?"

Itinuro niya ang batang lalaking katabi ko. Natahimik bigla ang mga nagsasalita kanina.

"My... hindi naman na po mainit."

"Anong hindi?! Hala, uwi!"

Hinawakan ng isang dalagita ang aking braso kaya napalingon ako.

"Tara na po ate,"

Nag-angat ako ng kilay at umiling. Why are they so scared? And why is this woman scaring the shit out of these kids?

"Nay... tinatakot niyo ho ang mga bata." sabi ko.

Ang lakas-lakas kase ng boses niya. 

"Naku ate, huwag niyo na po yang patulan-"

"No. It's okay." 

Nilingon ko siya saglit at nginitian bago bumaling ulit sa babaeng masama na ang tingin sa'kin.

"At sino ka naman para tawagin akong Nanay? Anak ba kita, ha?! At bakit Nanay? Mommy ang tawag sa'kin ng mga anak ko!" she sounded mad.

I stayed calm kahit na medyo nawe-weirduhan ako sa kanya. Magsasalita na sana ako nang tanungin niya ako tungkol sa isang bagay na wala namang kakonek-konek sa nangyayari.

"Ikaw ba ang nababalitang asawa ni Vincent Sarmiento?" 

She looked more relaxed after asking that. Tinitigan niyang mabuti ang aking mukha. 

Asawa? Where the hell did she get that?

"Hindi po. Nakikituloy lang po ako sa kanila. Wala po kaming relasyon."

Nagulat ako nang ngumisi siya bigla. I can't believe her mood changed that fast! 

"At sinong niloko mo?"

"Po?"

"Sa una ay makikituloy ka kunwari pero sa huli ay magpapabuntis ka. Hindi ba?" 

Awtomatikong umangat ang kilay ko sa kanyang paratang. Mukha namang natuwa siya sa aking reaksyon.

"Katulad ka noong kaibigan ko, eh. Namasukang kasambahay pero nagpabuntis sa amo. Palibhasa kase alam niyang hindi makaka-anak ang amo niyang lalaki sa asawa neto kaya hayun siya at kumaringkeng. Yumaman nga, eh. Naging kabit nga lang. Pero at least, yumaman, di ba?" ngumisi siya.

Kumurap-kurap ako. Ano ba ang pinagsasasabi ng babaeng ito?!

"Ang ganda nga nun eh, kaya nga mabilis siyang nakalandi. Magkahawig nga kayo."

She placed her fingers on her chin. Ipinilig niya pa ang kanyang ulo. Sinipat niya ako mulo ulo hanggang paa. What the fuck?

"May kilala ka bang nanlandi ng asawa ng may asawa para makaahon sa kahirapan?"

Akmang lalapit sa akin ang mga bata nang senyasan ko silang manatili at huwag nang makialam. This woman seemed to lack attention kaya eto at nagpapansin. Hindi matino ang dating ng mga salita niya.

"Wala-"

"Kalokohan. Huwag mo sabihing hindi mo kilala si Clare?"

Namilog ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ni Mommy. Natuod ako sa aking kinatatayuan at ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo. Why the hell...

"Nanay mo, di ba? Nanay mong maganda. Makinis. Maraming nabibihag. Pero malandi. Nagpabuntis sa may asawa para hindi na maghirap pa. Magaling. Mukhang nagmana ka pa sa kanya-"

"What the fuck?! Anong alam mo?" 

I wanted to move my hands to slap her real hard but I just couldn't lift a finger! Isa pa, ayokong mag-eskandalo sa harap ng mga bata! Kahit na nanginginig ang aking kamay at nanlalamig ang aking sistema. 

"Oh? Bakit mukhang galit ka? Nakakagalit ba ang katotohanan? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah." ngumuso siya.

I balled my fist. Kilala niya ang Mommy ko pero hindi niya ako mabibilog! Naaapektuhan ako pero hindi ako magpapadala sa kasinungalingan niya!

"Hindi kasambahay si Mommy! She worked as financial adviser! Naging kabit siya, oo, pero hindi niya intensyon iyon! Pinaniwala siyang walang asawa si Dad-"

"At naniwala ka naman? Paano magiging financial adviser ang nanay mo gayong ni elementary ay hindi niya natapos? Maganda lang siya pero wala siyang alam! Boba siya. Kaya nga pumayag maging kirida, hindi ba? Pumayag siya. Hindi siya pinaniwala dahil umpisa pa lang, alam niya nang may asawa ang tatay mo."

"Lorna! Tama na! Ano ka ba?" saway ng isang kakarating lang na lalaki.

"Tiyo ang tagal niyo! Si ate na naman ang pinupuntirya niya!"

"Baliw talaga!"

Yumuko ako at mariing pumikit. Sumasakit ang ulo ko. Alam kong hindi dapat ako naaapektuhan dahil hindi ko naman kilala ang babaeng ito pero hindi ko maiwasan! Kung makapagsalita siya, akala mo kilalang-kilala niya si Mommy! And I can't deny that her confidence is deceiving!

"Tatay inaway niya po si ate ganda!"

"Opo. Ang sama niya!"

Ginatungan pa iyon ng ibang mga nakasaksi sa sagutan namin nung babae. Hiyang-hiya naman iyong lalaki at halos hindi na maipinta ang itsura niya nang magtama ang paningin namin.

"Naku ganoon ba? Ma'am pasensya na po kayo rito sa asawa ko." 

Ang babae ay ni hindi man lang talaga natinag. Sa halip ay tumawa lang siya na parang wala siyang nasabi! Makes me wonder more if she's thinking straight! If she's sane! 

"May sakit sa utak si Lorna, Ma'am. Pasensya na talaga. Huwag nyo nalang po siyang pansinin. Wala na ho siya sa katinuan."

"Baliw siya, ate ganda!"

"Baliw! Baliw! Baliw!"

"Hindi ako baliw! Sinabi ko lang ang totoo! Kilala ko ang nanay niya! Si Clare, di ba? Kaibigan ko-"

"Manahimik ka na! Iuuwi na kita! Nakakahiya ka talaga kahit kailan!"

Humingi pang muli ng paumanhin ang lalaki bago inakay paalis ang kanyang asawa. 

Hindi ko na nakita pa ang babae pero rinig na rinig ko parin ang mga sinabi niya. Tumatak ito sa isip ko. At nag-iwan ng isang malaking tandang pananong!

Who is she? Who is she to my mother? Posible bang totoo ang sinabi niya? Ano ang alam niya? At ano ang totoo?

Sa sobrang pagiging okupado ko, hindi ko namalayang tulala na pala akong naglalakad pabalik kina Vince.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 31.6K 53
Lorelei Sandoval is an accounting student who hates law. She always failed in this subject, but one day she learns to love what she hates when she me...
435K 5.9K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
83.9K 4.3K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
90.2K 5.2K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.