REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

124K 7.6K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 37

1.8K 128 59
By spirit_blossom

"Ba't ba hindi ka makakasama mamaya? Sayang naman!" Si Ma'am Grace.

"Hindi po kasi ako pinayagan ng boyfriend ko, ma'am."

"Nakapagpaalam ka na ba uli ngayon? Try mo ulit. Nandu'n naman kami ni Harold, 'no! Samin ka lang dumikit. Sige na! Gusto ka kasi namin makasama," pamimilit pa rin ni ma'am.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at mahinang pinisil ito. Nangungumbinsi ang mga mata.

"Subukan ko po," ngiti ko at sa huli tumango siya, pero sinabihan rin ako agad na aasahan niya.

Biyernes. Puro tungkol sa mamaya na lang ang naririnig ko sa loob ng department. Mapa-rito sa puwesto namin, o maging du'n sa kabila, lahat pinag-uusapan na ang mga gagawin sa despedida ni Brennon. Hindi na nga halos nagtrabaho ang iba nu'ng sumapit ang hapon tulad nina ma'am at sir. Sobrang excited sila para sa mamaya lalo na nu'ng malamang gaganapin pala ang party sa isa sa mga sikat na club sa QC.

"Grabe pala 'yang si Brennon! Maraming connection. First time ko pa lang makakapasok du'n!" pag-iba na ng topic ni ma'am.

I don't, though. Familiar na sa akin 'yung pangalan kasi nakailang punta na kami roon ni Ava. Noong mga panahong maliligalig pa kami. Noong mga wala pang kani-kaniyang boyfriend. Isa sa mga pinakadinudumog na club sa city kaya nagulat ako na kakilala pala ng pamilya ni Brennon ang owner nu'n.

"Nakapunta ka na ba ro'n, Rhian?" Usisa naman ni sir. Hindi na talaga sila nagt-trabaho at nasa gilid na lang ang mga dokumento.

"Opo, sir. Siguro tatlo or apat na."

"Talaga? Galing naman!"

"Harold, tanga-tanga mo talaga! Tatanungin mo pa 'yang baby girl natin eh tingnan mo naman aura-han! Isang liberated modern pa-girl," biro ni ma'am.

"Grabe ka sa liberated, ma'am! Para namang ang wild ko," pabirong irap ko.

Nagtawanan kami. Hindi naman ako na-offend sa sinabi ni ma'am. Nasanay na rin ako kahit papaano sa mga ganitong usapan sa ilang linggong pamamalagi ko sa department. Minsan, may mga bagay pala talagang napag-uusapan sa propesyonal na mundo na parang wala lamang. Normal lang na tsikahan. Love life, gender preferences, sex. Talk about professionalism.

"Sige, free-spirited na lang pala. Iba din! Babaeng-babae datingan natin du'n baby girl," mapagbiro akong kiniliti ni ma'am sa tagiliran ko.

Hindi pa man din nakakalipas ng ilang minuto nang may gusto na namang pag-usapan si ma'am.

"Nag-seseks ba kayo ng boyfriend mo?" tanong bigla ni ma'am!

Nagulat ako! Napaurong ako palayo sa kaniya!

"M-ma'am, 'nu ba namang tanong 'yan." Umiwas ako ng tingin. Uminit agad ang mga pisngi ko.

"Dali na!" sabi naman ni ma'am tsaka lalong lumapit sa akin.

Hindi na ko makakaurong kasi nasa gilid ko na si sir. Nahihiya naman akong paurungin siya kasi naglalaro siya ng mobile game. Napasagot na lang tuloy ako.

"H-hindi pa po."

"Ba't ilang taon na ba kayong magjowa?"

Napaisip ako. Napagtanto ko bigla na sa susunod na linggo mag-iisang buwan na pala kami ni Gino. Oh, my. That fast.

"Uhm, malapit pa lang po sa one month."

Ang buong akala ko tatantanan na ko nu'n ni ma'am. Na maiisip niya na ang aga pa namin para sa mga tanong niya. But she instead she pursued; more determined than she was a minute ago.

"Gaga, puede na 'yun. Lapit na palang mag-isang buwan, eh." sabi niya.

Oh, my god.

"Ba't ikaw ba Grace? Nu'ng kayo ng jowa mo ilang buwan muna bago may nangyari," pagsali sa amin ni sir maski nasa cellphone pa rin ang mga mata niya.

Humagikhik si ma'am. "Ikaw talaga, Harold. Parang hindi mo naman ako kilala kung gaano ako kahinhin! First date namin, tanga."

First date? First date nila tapos ganu'n na agad? Naalala ko bigla kung ano ba ang mga naganap sa first date namin ni Gino. Bukod sa panonood namin ng sine, pagkain sa buffet restaurant, pagbili niya sa akin ng dress, pagiging official namin – nagkaroon lang naman kami ng kaunting pagtatalo kasi nga nahuli kami ni manang sa kotse.

Napaandar bigla isip ko. That Gino & I were actually doing it. His bare, moreno naked body against mine, fair and naked, too. Napamulahan agad ako.

Nakakahiya!

"Iba na lang pag-chikahan natin, ma'am." pakiusap ko pero ang pursigido talaga sa ganito ni ma'am.

"Naghalikan na kayo?" Umiling ako ng mabilis.

"H-hindi pa."

"Utot mo, 'teh! Sa itsura mong 'yan? I mean, ang mestiza ng datingan mo, baby girl. Naku, kung ako tomboy maya't maya kitang nilalaplap!"

Napatakip ako ng mga tainga! Nakakaloka mga naririnig ko!

Hindi na ko bago sa ganu'ng bagay. I've done that lots of times. Nagsisisi ako sa mga nauna pero hindi sa mga beses na ginagawa namin iyon ni Gino. Even so, I would never ever let myself divulging that to any person. I don't kiss-and-tell. Si Ava nga hindi alam ang mga pinaggagawa kong kagagahan dati.

"Nag-c-cuddle kayo?" Tanong na naman ni ma'am. I sighed.

"Ma'am, last na po 'to, ha? Yes. Parati. Malambing po boyfriend ko."

"Naku, hindi ka ba naaawa sa boyfriend mo? Panigurado laging flag ceremony 'yun, tapos hindi mo man lang pinagbibigyan. Napaka-brutal mo naman, baby girl."

Hindi na ako sumagot. I just told her that will be my last answer to this topic. Nakakaloka. Siguro napansin rin ni ma'am na ayoko nga talaga sa usapang ganiyan kaya tumuon naman siya sa ka-trabaho.

"Harold, ikaw ba? Pag cinu-cuddle mo girlfriend mo hindi ka nagagalit?"

Hindi ko alam kung namatay lang ba ang hero ni sir sa nilalaro niya pero nabuhos ang buong atensyon niya sa amin sa tanong na iyon. He lowered his cellphone and answered.

"Nagagalit, siempre. Lalo na nu'ng mga kabataan ko. Teenage years hanggang twenties. Minsan, nagkakasagian lang mga balat namin. Naku, nagiging maginoo na!"

"Tumatayo pag nakakakita ng babae!" paggatong ni ma'am.

Nagtawanan ang mga mentors ko. Natahimik naman ako sa gitna nila. Nagkakasundo talaga sila sa ganiyan.

Ganu'n ba si Gino? Napakaraming beses na naming naglalambingan pero ni minsan nga parang hindi ko naman nararamdaman sa kaniya ang ganiyan. I mean, nararamdaman ko sa kaniya; lalo na pag nasa pagitan niya ako kasi sumasagi sa akin; pero hindi ko nararamdaman sa kaniya ang kagustuhan niyang gawin namin. Bukod sa mga maruruming biro, hindi niya na ako binibigyan ng motibo.

Hindi kaya ayaw niyang gawin sa akin?

Siguro. Judging from before he had done it easily with Stephanie. Hindi ko man sila nakita ng aktwal pero hindi naman ako pinanganak kahapon para maging tanga. Naninikip na naman puso ko pag nababalikan ko. Nakakaramdam rin ng selos.

Ugh.

Straight si Gino. Mas prefer niya talaga iyong mga mauumbok ang dibdib pati magaganda ang kurba ng balakang. While I have that feminine looks to offer, I cannot give those he preferred. Yet. Oo, nagbubuhat na talaga ako ng sariling bangko kasi, nac-conscious ako.

Humanda ka lang talaga sa akin pag naluto na ko ng mga hormones ko! Hindi kita pagbibigyan araw-araw! Pagsisisihan mo, Maginoo!

Masama tuloy ang mood ko buong hapon hanggang sa mag-uwian. Hindi pa naman kami di-diretso du'n sa club na sinasabi ni Brennon kasi maaga pa. Nag-decide na lang ang karamihan na umuwi muna. Magkikita na lang sa mall na malapit doon bago magkakasabay na pumunta. Besides, I haven't even told Gino about that again.

Nakauwi na kami. Nakakain na ng dinner. Hindi ko pa rin pinapansin ang damuho. Si Gino naman itong kulit ng kulit sa amin mula pa nu'ng nasa kotse. Nakailang patay-sindi na nga rin ang cellphone ko nu'ng kinagabihan sa mga messages and calls niya pero hinahayaan ko lang sa nightstand ko. Siguro mga pang-sampung ring iyon ng phone ko bago ko marinig ang pagbukas ng pintuan ng cuarto ko.

Umalon ang kutson.

"Mahal."

Hindi ako umimik. Nakaunan ang ulo ko sa mga kamay at nakaharap ang higa sa direksyon ng bintana. Hindi pa nagtagal at umalos na naman ang kutson. Naramdaman ko ang magaspang niyang palad na humawak sa braso ko.

"Hindi ka namamansin, ah. Problema?" tanong niya.

Nagkibit ako ng balikat.

Tumawa siya ng mahina. "Hulaan ko ba? Sige, uh, may gusto kang bilhin sa mall?"

Napairap ako! So many guesses and that was the very first one that had crossed his savage mind. Napaka-materialistic ko pa rin ba?

"Hm, may gusto kang kainin?" Umiling ako.

Naglilihi ba ko? Naglilihi sa kaniya puwede siguro!

"Naubos na skincare mo?" Umiling ako. "Naubos na mga make-up?" Umiling na naman ako. "Nagtatampo? Nagseselos?" Umiling uli.

I heard him sigh after questions. Umalon uli ang kutson ko at sunod kong naramdaman ang mainit na paghinga ni Gino sa kanang tainga ko.

"Nakuha ko na. Nireregla," malokong bulong ng damuho.

"Si Gino nakakainis naman kung anu-anong pinagsasabi, 'no!" sita ko sa kaniya tsaka patagilid na tiningnan siya sa ibabaw ko.

Umalingawngaw ang maaligasgas niyang tawa. "Oh, tamo! Nagsusungit pa!"

"Ikaw kaya turukan ko ng hormones!"

Hindi ko na siya pinansin. Pinabayaan ko na siyang tumawa ng tumawa sa gilid. Hindi rin naman nagtagal nang tumahimik na uli ang silid ko. Muli, umalon na naman ang kutson pero sa pagkakataong iyon, mas mauga. Humiga rin marahil ang damuho.

Nakatalikod man ako sa kaniya pero nararamdaman ko ang singaw na dulot ng katawan ni Gino. Naka-aircon naman pero parang humihinto ang lamig pagdating sa likuran. Nakatalikod ako kaya hindi ko alam kung ano bang suot ngayon ni Gino. But judging from his usual attire during bedtime, I bet he's wearing a clean sando and boxer shorts.

He smelled so fresh. Naaamoy ko ang gamit na sabon niya maski nakatuon ako rito sa bintana. Gino placed his legs on mine. Tumakbo agad ng matulin ang puso ko lalo na nang mabagal niyang kinikiskis sa legs ko ang kaniya.

Nakakakiliti ang mabuhok na binti niya..

"Mahal.." tila ba kinuryente ako ng baritono niyang boses.

Huminga siya ng malalalim at ilang ulit na binigkas ang tawagan namin sa tainga ko. Then, he did it. He slid his veiny left arm beneath the mattress. Tumiklop iyon pagkatapos sanhi para lalong mapadikit ang katawan ko sa kaniya. Nasa ilalim ko ang isa niya habang ang isa naman masikap na hinanap ang kanan kong kamay. Gino held my right hand from above. His hold was firm.

"Mahal.." bulong uli niya.

Gumalaw na naman sa mga binti ko ang mabigat at mabuhok niyang binti na nakapatong. Nakasuot ako ng silk short pajamas kaya nararamdaman ko lahat. Every move of his legs feels like kissing by a foreign sensation inside. Hindi pa kasama roon ang pagdampi ng mga mainit niyang paghinga sa likuran ng leeg ko.

"Harap ka sakin.."

Humarap ako. Hindi sa sumunod ako kundi dahil siya mismo ang nagharap sa akin ng walang kahirap-hirap. Bumungad agad sa paningin ko ang guwapo niyang mukha; ang magandang labi, matangos na ilong, mga mala-uling na mata.

"Nagtatampo ka ba?" tanong niyang parang paos, parang kakagising lamang.

Before I could even answer, Gino dominated my lips. Nahuli ko na lang ang sariling inaangkin ng labi niya. Mabagal iyon at nang-iimbita. He started it that way and seconds after, he can no longer seem to hold his temper. Gino leveled the pacing of his carnal invitation.

Umikot siya ng bahagya at sa isang iglap nasa itaas niya na ako. Napakalas ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa nagulat ako na nakapatong na sa kaniya. O sa gusto ko siyang makitang nasa ganitong puwesto. He was such a sight. Gino and his lean chest underneath those clean, white sando.

"Nagtatampo ka.. hm?" malambing niyang tanong sa ilalim ko.

Hindi pa pa rin ako umimik. Inabot ni Gino ang mga hibla ng buhok ko at inipit sa gilid ng kaliwa kong tainga. Hinawakan niya ang pisngi ko pagkatapos at minuestra akong bumalik sa kaniya. Muli, sinakop na naman ako ng halik ni Gino.

Naghahanap ng suporta, napa-patong ang isang kamay ko sa matigas at maumbok niyang tiyan. I was surprised because after that, Gino retaliated his own. Naglakbay ang isang kamay niya sa likod ko habang ang nasa pisngi ko naman lumipat sa harap ko. Paibaba ang tungo ng nasa likuran ko habang paitaas naman ang gapang ng nasa harap.

Napatigil ako nang magkasabay niyang pinisil iyon!

"G-Gino.. mmmh!" I was supposed to be telling him something but a foreign tone escaped, instead.

"Sayin' somethin', princess?"

I failed to answer that rough, tempting voice. Nanghihina ang katawan at isip ko sa pakiramdam ng magaspang niyang palad sa mga maseselang bahagi ko. Gino must have mistook that for a no because he resumed kissing me. Bumangon siya at habang nakaupo siya ay ako naman itong nakaupo sa kaniya.

Doon ko naramdaman.

Gino was hard underneath that checkered boxers. Natakot akong kumilos sa kadahilang parang mataba iyon at malusog at kung masagi ko baka kung ano nang mangyari sa amin sumunod. But he was by that time determined. Naramdaman kong umurong ang lower body niya. Nangkikiskis gamit iyon na para bang sinusuri kung hanggang saan ba at kung kakayanin ko ng buo.

Nanghihina ko siyang sinabihan. "Do it."

Right then and there, the expression in his eyes changed. Nawala ang nag-aalab na emosyon sa mga mala-uling na mata at tila natupok.

"Shit."

"B-bakit?" Tanong ko. Mabilis niyang inalis ang dalawang kamay sa mga parte ng katawan ko. Hindi pa din ako nakaka-recover nang ibinaba ako ni Gino sa tuktok ng kutson.

"Tngina." Tumungo siya sa gilid at naghilamos ng mukha gamit ang mga palad.

I don't understand..

"Gino."

"Pasensiya na, mahal. H-hindi ko sadya. H-hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip ko kanina. Tngina," mura niya.

Nalilito man pero pilit ko siyang pinahinahon. "Gino, it's ok."

"Hindi, mahal. Hindi 'yun ok kasi sinamantala kita! Hindi ka pa handa sa mga ganu'n. Hindi ko dapat ginagawa sayo 'yon!"

"Nagpadala ako sa sarili ko," nagmura na naman siya pagkatapos.

But I am!

"Gino, believe me, it's ok. Stop feeling guilty about it," pagpapakalma ko pero ang konsensiya sa mga mala-uling niyang mata ay mas matindi para mapahinahon ko.

Bumuga siya ng hangin. Inabot niya ang likod ng aking ulo at pinatakan ako ng matagal na halik sa noo. Bumaling sa akin pagkatapos na parang nahihiya sa nangyari.

"Sorry."

"Gino!" tawag ko kaso mabilis na umalis ang damuho sa silid ko.

Napasubsob naman ako sa kutson nang isarado niya ang pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 248 17
In the heart of a close-knit town, where love and support flowed like a gentle river, lived a transwoman named Asia. She was a beacon of warmth and k...
28.9K 1.4K 51
Frank Matthew Fernandez is a vocalist in a famous band in their school. He's gay. Yes, he's in his last year in highschool when he realized that he's...
17.4K 1.3K 30
May mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na makakapagpabago sa takbo ng ating buhay. Totoo talaga na may mga taong mawawala sa agos ng atin...
48.2K 1.7K 57
Del Mundo Series # 1 Because the Gomez family's company went bankrupt, they agreed to marry their only son to a transgender, Agustina Del Mundo. --- ...