Love You, Sunset

By pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... More

Chapter 1: Collision
Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 9: Kuya
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: Unit
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 16: Mommy
Chapter 17: Sister
Chapter 19: Dream
Chapter 20: Artwork
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Fear
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 26: Reverse
Chapter 27: Missed
Chapter 28: Back?
Chapter 29: Again
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 18: Message

61 5 0
By pink_opal_27

Ken's POV


It is thursday today. I and Mia planned na magkikita kami to have our coffee sa favorite naming coffee shop sa tapat ng hospital. It's our deal kasi tinulungan niya ako sa tambak ng papers na kailangan kong ayusin dito sa office ko, mostly ay mga confidential files and records ng patients ko. Of course, confidential nga so yung hindi mismo yung mga records ng patients ko yung pinahawak ko sa kanya.


I gave Mia a ring. "Hello Mahal? Where are you?"


"Hi Mahal. On my way na rin Mahal. You missed me na?"


"Ughh Mahal bakit ka naman ganyan? Mas lalo mo akong pinapamahal sayo."


"Masanay ka na sa akin Mahal. Marami pa akong pampakilig sayo."


Todo-todong saya talaga ang naibibigay sa akin ni Mahal kahit marinig ko lang ang mga tawa niya, solve na solve na ako kahit super stressed ako buong araw.


"Sige Mahal. See you there. Ingat sa pagdadrive!"


"Of course Mahal. Plano ko pang mahalin ka forever"


"Naks Mahal, daming baon ah. Sigeee na, I can't wait to see you na."


"Hmmmm si Mahal talaga. Sige na, I'm on the intersection next to the hospital na. See yah. I love you!"


"Mas mahal kita!"


Iba talaga si Mia makapagpangiti. Kabababa ko pa lang ng telepono nang biglang may tumapik sa balikat ko.



"Oh Doc Ken, mukhang abot sa canteen yung ngiti mo ah, di lang sa tenga" natawa naman ako.


"Ikaw talaga Nurse Rose. I am just so happy. My heart is just so happy na I am wishing na wala namang mangyari na ikasisira namin ng Mahal ko."


"Naku naku Doc Ken. In love ka na masyado. Sige na po Doc, duty ko na eh. Regards na lang po kay Ma'am Mia."


"HAHAHA sige na sige na. Marami pa kayong aasikasuhing pasyente." si Nurse Rose talaga kahit kailan, promotor ng mga loveteam lovetam dito sa ospital. Pero in fairness naman sa mga pinagpepair niya, nagkakatotoo naman.






Naglalakad ako sa lobby ng ospital nang mapansin ko na tila may pinag-uusapan ang mga tao sa paligid. Mga nurses at mga kapwa kong doktor. Ang iilang pasyente at mga kamag-anak nila ay nakikisawsaw na rin sa kanila. Tinitingnan ko lang sila nang magring ang phone ko.


"Anak!" alam ko nang pag ganito ang boses ng Mommy ko. May problema.


"Hello Mommy?" nang marinig ko ang boses niyang nangiginig ay alam ko nang umiiyak ito. Pero bakit?


"Mommy? Umiiyak ka po ba? Bakit may nangyari ba? Anong problema?" napasunod-sunod tuloy ang tanong ko dahil sa kaba.


"Anak. Ginawa mo ba talaga yun? Aminin mo sa amin ng Daddy mo? Totoo ba?"


Anong ginawa ko? Hindi ko alam ang tinutukoy ng Mommy ko. Naririnig kong pinatatahan siya ng nakababatang kapatid ko kaya siya na muna ang kinausap ko.


"Kenneth, anong meron? Bakit umiiyak si Mommy?" tanong ko sa kapatid ko. Matagal bago ito nakasagot.


"Kuya, wala kang alam sa nangyayari? Chineck mo na ba FB mo? Viral ka Kuya."


Ako? Viral? Sa Tiktok videos ko ba? Ganoon ba talaga akong kapangit sumayaw para iyakan nila yung videos ko?


Pagbukas ko ng fb ay sabog sabog yung notifications at messages ko. Tiningnan ko isa-isa ang mga messages.



Tol, hindi ganyan ang pagkakakilala ko. Anong nangyari?



Totoo ba? Hindi mo naman siguro ipagpapalit ang pinangarap mong propesyon para lang sa pera diba?



Pre, high school classmates tayo noon. Alam kong mabait ka kaya sana hindi totoo yung nakasulat sa post na 'yun.



Kennie, have you seen the post already? My God, padami nang padami yung negative comments. Please sana mag-open ka na ng messages mo para mabasa mo 'to. Ito yung link nung post, di pa naman tinuturn down yung post, please do check it.



Agad kong tinawagan ang huli kong nakitang message.


"Arra.... Anong sinasabi mo sa message mo?


"Kennie" alalang sambit niya "Please tingnan mo yung sinend kong link sa'yo. Bakit ka kasi di nagbubukas ng fb kahit off-duty ka."


"Wait. Wait naguguluhan talaga ako. Teka check ko muna. Don't hang up ah."


On going yung call ko with Arra when I checked the link that she sent, and the post reads as this:






K E N C H A N. Doktor pa naman siyang naturingan pero di siya marunong magprioritize ng mga patients niya. Kawawa yung nanay na namatay sa kahihintay na mabigyan ng atensyon sa ER habang ang hambog na doktor na 'yan, sino ang inuna, 'yung hindi pa kritikal ang kondisyon? Pinabayaan niya yung nanay sa ER, dapat irevoke 'yung license niyan. Balita ko may dalawang anak na naiwan 'yung nanay kawawa naman. Hindi siya dapat maging doktor! Papatayin lang niya lahat ng pasyente!






Nanginginig ang buo kong katawan habang binabasa ang post. Teka, kailan 'to? Hindi ko alam yung tinutukoy niya pero I am 100% sure na lahat ng pasyente inaalagaan ko at wala akong napapabayaan. At lalong wala akong pinapatay!


"Kennie?" nagulat ako nang may magsalita sa muntikan ko nang mabitawan na telepono. Nalimutan kong ongoing pa yung call ko with Arra. "Hey, did you see the post already? Di mo naman ginawa yan diba?"


"Hindi ko alam Arra. Hindi ko talaga alam. Pero wala akong maalala na may napabayaan ako na nanay sa ER."


Mangiyak-ngiyak ako kasi reputasyon ko at malamang ng ospital na ito ang binabahiran nila nang hindi maganda.


"Doc Ken, pinapatawag po kayo sa conference hall." paglapit sa akin ni Doc Adrian. "I saw it. I know it's not true. I hope maayos na agad."


"Salamat. I hope so nga Doc Adrian dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko. Sige punta na akong conference hall."


Ito na nga sinasabi ko. Malamang nakarating na sa admin yung issue sa viral post na kumalat. Patay tayo nito pero wala naman akong kasalanan, ang alam ko, kaya dapat ay di ako matakot. I was walking to the conference hall when my phone rang.


Mahal.


Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Mahal. Baka mahalata lang niyang may pinoproblema ako. Di ko na lang sinagot muna ang tawag at constantly pinapatay ang call kahit ilang ulit na siyang tumatawag. I have no choice, I need to fix all of these first bago ako humarap sa kanya ulit.


Then, a notification popped up.


Mahal, where are you na? I'm here na sa cafe.....


I'm just here. Waiting for you. I love you.....


I love you din Mahal but lemme fix myself first.


Pagpasok ng conference hall, sigaw agad ang ibinungad sa akin ni Doc Steve.


"My God Ken! What's the meaning of this post? Kailan ito nangyari?"


Medyo nanginginig na ako sa kinatatayuan ko kaya naisipan kong umupo muna.


"Doc Steve, honestly, I don't have any idea kung sinong pasyente ba tinutukoy ng post at kung kailan."


"Huhh seriously Ken!!! Hindi mo matandaan o sadyang kinalimutan mo lang?!!"


"No Doc Steve. Promise, I really don't know what they're talking about." naiiyak na talaga ako nang tuluyan. Di ko na kinakaya ang pagbibintang nila. Nag-aalala ako na baka maging grounds ito for a medical negligence. However, I should stand firm because as far as I know, malinis ang konsensya ko.


Biglang tumahimik ang kapaligiran. Walang imik rin ang iba pang admin staff pero lahat sila ay matalim ang titig sa akin.


Pikit-mata akong nagtanong, "Doc Steve, will I lose my license?" I hope not.


"Aba ewan ko sa pamilyang inagrabyado mo!!! Problema mo 'yan"


Lumapit ako kay Doc Steve. I knelt on my knees, pleading him to help me.


"Fineee!! You're suspended!"


Nanlaki ang mga mata ko, "Suspended?"


"Oh bakit ayaw mo ng suspended lang? You said you did not do it diba and you are firm with your statement, then the admin should investigate this internally kung meron ba talagang basis ang post na 'yun."


Nagulat ako sa sinabi ni Doc Steve pero nagpapasalamat ako kasi at least suspended lang.


"Pero how long Doc Steve is my suspension?"


"One month. No external communications."


"No external communications?" okay lang yung one month na suspension pero yung no communications? Parang di ko kaya? Kunot akong tumingin sa mga mata ni Doc Steve.


"Ken, even with your girlfriend. That's my only condition of not exposing further about your case. If you'll fail to follow my condition, then everything's over."


Masakit man pero kailangan kong tanggapin. One month lang naman diba? One month lang naman. One month kong hindi makikita ni makakausap man lang ang mahal ko.






Mia's POV


"Kuya talaga bang tinuloy mo 'yung plano mo?"


Nandito si Kuya ngayon sa unit ko. Tinawagan ko siya kanina to clarify things.


"Kuya, diba I told you na hindi na natin itutuloy yung plano? I told that I'll wait for him na lang,"


"Seriously talaga Mia. Hindi na ikaw yung Mia na kapatid kong nasa Canada na handang gawin ang lahat para lang mahanap ang justice for Mom."


"No Kuya!" tumayo siya sa pagkakaupo sa counter stool at pumunta sa kwarto niya. Sinundan ko naman siya.


"Maybe because hindi ka namin kadugo kaya madali lang sa'yo ang lahat, mabilis ka niyang nabago."


Lumapit ako sa kanya kahit nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa bintana, hawak-hawak ang wine glass. Akma na sana akong hahakbang nang magsalita siyang muli


"Look behind you." nagtaka naman ako pero ginawa ko na rin. There it was. Our happy family photo. "I'll just remind you kung sino talaga ang pamilya mo at kung sino ang dapat mong kampihan."


Naiiyak ako. True sila ang pamilyang kinalakhan ko na kahit hindi nila ako kadugo ay sobra nila akong minahal pero sadya yata talagang mapaglaro ang tadhana. Bakit ba hindi nila ako maintindihan? Bakit ba kailangan pang mamili.


I was gonna step out of Kuya's room when he spoke again, "I did not do it. I am not that bad to hurt my baby sis."


Tuluyan na akong napaiyak, hagulgol na nga to be exact. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at sinara ang pintuan. I enabled the lock.


"I did not do it. I am not that bad to hurt my baby sis....."

Continue Reading

You'll Also Like

288 50 14
Two different people. Two different feelings. Two different ways of loving. Two different hearts. Start: August 03, 2023 End: --
44.4K 2.2K 200
All Wong Xue Guo ever wanted was her parent's attention on her. She had done all that she could do to get it, only for her attempts to be futile. Jus...
518K 10.3K 53
The Romano family always had one saying 'Family over anything' Which they stuck to, especially after the disappearance of their youngest daughter...
2.7K 97 14
Discontinued. Feel free to read and come up with a creative plot twists and ending. [contains mature language]