The Odious Doxy (Flight Atten...

By Blacckkfairry

18.5K 245 36

FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

16

230 3 0
By Blacckkfairry


"Gav, Ano yon? Bakit may ganon?"


Kanina pa kami nakatayo sa harapan ng corridor sa tapat ng room nila. Nakakunot ang noo ko na pinagmamasdan siya matapos nung ginawa niya kay Mark. Pero ang siraulo, hindi man lang yata natakot sakin dahil nakuha pa niyang tumawa ng mahina! Nakita ko pa kagatin niya ang pang ibaba niyang labi bago niya ialis ang paningin sakin at pagkatapos ay tumingin sa malayo.




"Gav, wag mo kong daanin sa ganyan mo.  Sagutin mo ko. At saka..." Naguguluhan ko na inalis rin ang paningin sa kanya bago sandaling lumingon sa kawalan. "Isa pa, hindi ba't sinabi mo sakin na kakagising mo lang kanina? Papaanong nandito ka na rin kaagad ng ganitong oras?"



"Ano yon? Anong ginaganon pinagsasabi mo?" Maang maangan na sagot niya sakin. Nasa malayo pa rin ang paningin at pawang pinipigilan nalang ang tumawa. "Wala naman akong ginawa. Nagpakilala siya. Nagpakilala lang rin ako."



"Hah!" Sarkastiko akong tumawa. "Really? Pero bakit ganon? parang hindi ganon ang dating sakin?"



Nagkibit balikat lang siya bago niya muling ibinalik ang paningin sakin. Nakangisi. "I don't know. Unless it's not my problem anymore."



"Fine! But you know what? I couldn't figure out why you suddenly acted like this." Pairap ko na inalis sa kanya ang paningin ko at mabilis ng tumalikod para maglakad pabalik sa building namin. Pero wala pa man din ilang segundo ay naramdaman ko na kaagad ang hawak niya sa palapulsuhan ko.


Hindi ako lumingon at nanatili lang na nakatalikod sa kanya.



"Sorry..." Tanging sabi lang niya bago niya binitawan ng tuluyan ang kamay ko. Nang lingunin ko siya ay parang bula nalang siyang nawala kaagad. Napangiwi nalang ako at minsan pa na bumuga ng isang malalim na buntong hininga bago nagpatuloy muli sa paglalakad.




Nilabas ko ang phone ko ng maramdaman kong mag vibrate iyon at mabasa ang chats nila Aiofe sa gc. Kanina pa pala nila ako hinahanap. Hindi na ako nagtagal pa at ganon nalang kabilis na binalik sa bulsa ang phone ko bago ako tuluyan na tumakbo. Hindi ko alam kung saan sila ngayon naroon kaya dumaretso na ako pabalik sa room. Umaasa na baka nandoon sila.




Napahawak ako sa sentido ko at halos bumagsak ang balikat ko ng pagkarating ko roon ay wala sila. Sa pangalawang pagkakataon ay nilabas ko muli ang phone ko para sana itext sila. Pero ganon nalang rin akong napapikit sandali ng hindi na iyon bumukas! Hays! kung minamalas ka nga naman!




"Saan ko na sila hahanapin nito?" Bulong na tanong ko sa sarili ko. "Tsk! Kasalanan to ni Gav e! Kung hindi lang niya ako hinatak kanina."



Sa huli wala na akong choice kung hindi tignan at ilabas nalang rin muli ang registration form ko para makita ko kung ano pa ba ang susunod namin na subject mamaya. Nang makuntento ay patakbo naman akong pumunta sa amphi theater dahil doon banda nakalocate ang room namin for the second subject. Tama nga ang desisyon ko dahil roon ko naabutan sila Aiofe na prenteng prente lang na nakaupo. Napatayo at kaagad rin siyang patakbong lumapit ng makita ako.




"Where did you go?" Nakakunot na tanong niya. Tumingin pa siya sa likuran na para bang may inaantay pa siya bukod sakin. I assume nalang na baka yung lalaki nanaman na tumulong sakin nung umuulan iyon.




"Ano...jan lang. Kinausap ko lang yung kaibigan ko." Sagot ko sa kanya at bahagyang umiwas ng tingin. Nananalangin na sana wala silang nakita sa nangyari kanina sa labas ng library.



"Totoo ba?" Silip niya pa sa mukha ko kaya wala sa sariling naitulak ko ang mukha niya papalayo sakin. Nanlaki rin ang mata ko kalaunan!



"Oh my! So-sorry! I just felt a little bit nervous that's why. But it wasn't my plan." Pagpapaliwanag ko.



She did not talk and just smile on me. "No! no! no! It's okay! I'm fine don't ya worry. I'm not that kind of people who easily become angry for doing something nonsense."




"Pero sorry pa rin." Paulit ulit ko pa rin na sabi sa kanya.



"So what's your plan?" Dinig ko na tanong ni Yvette kay Bea matapos kong maupo sa tabi nila. They're both talking serious. Bea wasn't looking at her because her eyes was busy focused in the sky. Mukhang doon nalang niya muna pinagpapahinga ang utak niya.



"Kanina pa yan silang dalawa nag uusap." Sulpot kaagad ni Chandria sa tabi ko. Tipid niya akong nginitian bago niya binuklat ang librong hawak niya. "At alam mo ba? Pinagalitan pa kami niyan ni Yvette kanina dahil maingay daw kami."



"Talaga ba?" Lumingon ako sa kanya at tumango lang siya. She was now busy focusing and reading the book. Nang wala na akong masabi pa ay tahimik nalang akong pinanuod siya. I thought I will be contented in that way pero hindi pala. Kaya sa huli ay tumayo ako at iniwanan saglit si Chandria para lumapit kila Aiofe.



"Uy! upo ka!" Senyas niya kaagad ng makita niya ako. "Bakit? bored ka doon? Kaya lumipat ka dito?"



Nagkibit balikat ako. "Maybe, I guess?" Pagkatapos ay tinignan ko agad ang ginagawa niya. Ganon nalang akong namangha ng makita ang patapos na niyang dina drawing.



"Siya nga pala bakit biglaan kang nawala kanina?" Saglit siyang tumigil sa pagkukulay niya at mapang asar akong tinignan. Dinuro niya pa ako ng color na hawak niya.



"Doon lang sa building ng kabilang department may kinausap lang." Ngiti ko sa kanya. I thought she was going to asked me again some random questions but I was so thankful and relieve at the same time when she was only nodded at me. Pero halata pa rin sa kanya ang pagsu suspetsa maging ang pagka curious.



Napapailing nalang akong natawa kay Aiofe ng mapansin ko na hindi mawala wala ang ngiti sa labi niya.



Naputol lang iyon ng hindi namin namalayan ang oras para pumasok na sa susunod na subject. We gathered and packing already our things at nagmadali ng maglakad. Sa totoo lang parang hindi na nga yata kami mapaghihiwalay ng mga bruhang to. Why? Because ever since na papasok kami sa room, not one subject but all, all of us are always seating beside in each other. Walang humihiwalay sa aming anim puwera lang kila Drake at Jin.




Our sitting arrangements we're so different when we're still in our first year college. It was not so close kasi may distansya bukod pa roon, it is so impossible to us na makapangopya. But still we're glad dahil hindi na kami mahihirapan pa na tumali talikod ng husto sa apat na sulok ng room just to see the others.



Our second year wasn't that on hard type but still we've do a lot of things and activities just to passed all the subjects. But when the time we enter the third doon ko masasabi na talagang ang dami na naming ginagawa as in.  Like now that we're busy thinking on how and where we should go for our internship.



Napagkasunduan namin na roon nalang kila Gianna rin na magkita kita since wala naman kaming pasok ngayong araw. Mabilis lang rin akong nag asikaso ng sarili ko. Nagsuot lang ako ng simpleng plain pastel shirt na tinernuhan ko ng black high waisted shorts at white shoes. Saglit ko pa na kinabit rin ang diamond earrings ko bago ko kinuha ang sling bag ko at lumabas sa kwarto.



Eksaktong pagkababa ko nakita ko sila mama at papa na nagmamadali na rin mag asikaso tulad ko. Maybe because they were both went to the company where my dad is the owner of it. And yes, my mom stop and doesn't work anymore to Gaviniel's family. Because dad doesn't want her to be suffer even though the work is not that so hard. But in the end, mom is already becomes my dad's assistant.



"Good Afternoon my darling!" Bungad na bati sakin ni dad ng makita niya ako.



Hindi ako nagsalita at nginitian lang siya. I don't know why but still I felt a little bit awkwardness even though he's already been started living with us in almost 2 years.



Umiwas ako at mabilis ng naglakad papunta sa kusina para kumain ng tanghalian dahil mamaya pa namang alas dos kami magkikita kita. The smile on my lips rose up when I saw the food that Tita Vangie made. It was caldereta that has a full of sauce. Sa sobrang sarap niyon ay hindi ko na rin alam kung nakailang balik na ako.



Nang matapos ako, kaagad ko na nilabas ang phone ko para itext sila Aiofe if they were on their way to Gianna's house. Pero makalipas ang ilang oras ay wala akong natanggap na reply that's why I decided to turn off my phone and already assumed that they were still in their house.



Tahimik ko na pinagmasdan ang apat na sulok ng bahay namin ng wala na akong magawa. Tahimik ko na tinignan maging ang mga kagamitan namin at wala sa sariling tipid na nangiti. Wala na kasi kami sa dati naming inuupahan na bahay. We already lived to an exclusive village and dad was the one who buy it to us. Ayaw niya na daw kasi kaming nahihirapan na pumalipat lipat ng bahay. Also because he wants us to lived in one house. Nakakatuwa lang rin dahil akala ko ay ihihiwalay niya sa amin si Tita Vangie pero dahil sa nakita niya kung gaano kabait si Tita ay isinama niya na rin ito samin.



Yung kwarto ko na maliit lang noon sa inuupahan naming bahay, ngayon mas dumoble na ang laki maging ang sarili ko na banyo may bathtub na. Yung tipo na nanghihiram lang rin ako ng sasakyan dati kay Kuya Harvey ngayon hindi na kailangan dahil binilhan na ako ni dad ng sarili ko.


Pero sa totoo lang, hindi ko naman hiniling ang lahat ng iyon. Lalong lalo na at hindi naman din iyon ang mahalaga sakin. Dahil ang sakin lang naman makita at makilala ko lang siya ay kuntento na ako.



"Sam, someone's calling you. Hindi mo ba yan sasagutin?"



Halos muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko ng bigla ko nalang marinig ang boses ni Kuya Harvey. Agad akong napaayos ng upo at mabilis siyang tiningala but he's now looking at my phone that's why I panicked and picked it up already.



"Why you did not answering my calls? Nakailang dial na ako dzai!" Panenermon na sabi kaagad ni Aiofe sakin matapos ko sagutin ang tawag niya. I heard some noise that's why I already assume that she's now walking downstairs kaya tumayo na rin ako at nagmadaling suotin ang sling bag ko. Narinig ko pa na may sinasabi si Kuya Harvey sakin pero hindi ko na iyon nagets pa at basta nalang siyang iniwanan roon.



"Ay nahiya naman ako sayo ah? Sorry ah? kasi kakatapos ko lang naman kumain." Pairap akong bumaling sa kawalan ng makalabas na ako sa bahay at abalang hinahanap ang susi ng kotse ko. "Isa pa, kayo kaya tong hindi nagre reply. I was texting all of you pero walang response! Jusme! Ano kaya yon?"




"Oh! easy ka lang girl. I was only asking you. Masyado mo namang sineseryoso kaagad!" Natatawang sabi pa niya. "Kahit kailan talaga ang taray mo!"




"Tss! Matagal na akong mataray alam n'yo yan pero mas mataray nga lang sakin si Chands." Mabilis ko na nilipat sa kabilang tainga ko ang phone ko ng mahanap ko na ang susi ng kotse ko. When I went already inside, I just throw my sling bag on the shutgon seat and put my phone above the dashboard bago ko sinimulang buksan ang makina ng sasakyan. While still talking to her.


"Nasa biyahe ka na ba?" She asked again.


"Yeah. Paalis pa lang. Is Bea going ba?"


"I don't know. Wait I'll call her."



"Okay. But you should be careful and take care! See you later! Bye!" I playfully said and doing some cutie pose even though she will not seeing it.



"Got it! But you should also. Labyu bye!" She ended the call after.



Buong biyahe ko papunta kila Gianna ay tahimik lang ako. Pero ng ma bored ako ay kaagad ko rin na binuksan ang music player ko at nagpatugtog ng KPOP songs. KPOP songs na impluwensya ni Bea. Impluwensya niya na nakapagpa adik sakin na manuod na rin at mapuyat ng husto sa kapapanuod ng mga kdrama.



Sumasabay lang ako sa bawat beat ng tugtog hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas at narating ko na ang bahay nila Gianna. I thought I was the first who will be there pero hindi because I already saw Aiofe's car. Ang bilis naman niya yata nakapunta kaagad dito?




Matapos ko maiparada ng maayos ang sasakyan ko. Minsan ko pa na chineck ang lahat ng gamit maging ang lahat ng pintuan bago ako tuluyan na naglakad papalapit sa gate para pindutin ang doorbell. Kaagad akong ngumiti ng makita ko na may lumabas ng yaya para papasukin ako.



"Ay hello! Ang ganda mo naman! Isa ka rin ba sa mga kaklase ni Gianna?" Tanong niya kaagad sakin matapos niya akong pagbuksan ng pinto. Nakangiti at pawang ganon nalang kataas ang energy na meron siya.



"Hello rin po! Opo ako nga po. Pero nasaan po sila?" Maingat at nakangiti ko siyang tinignan.



"Ay siya halika at naroon na sila sa loob." Nagulat ako ng bigla nalang niya akong hatakin kaagad para samahan at alalayan na pumasok sa loob. Na awkward-an tuloy ako sa kanya. But still I smile a bit until we reach the living room area where I saw Gianna, Bea, and Aiofe who are now busy to chitchat on each other about anything.




Muli pa akong nagpasalamat muna kay manang bago ako humarap sa kanila at pasadyang umubo which was the reason why I already caught their attention. Nung una wala pang kumikilos sa kanila para tumayo but after a few seconds, halos kulang nalang matumba na ako sa kinatatayuan ko dahil sa paraan ng pagyakap na ginawa nila sakin.



"Ano ba yan? para naman akong nanggaling sa ibang bansa." Inis ko sila na tinulak palayo bago ko mabilis na inayos ang damit ko.



"Ito kasi e!" angil at agad na paninisi ni Aiofe sa dalawa.



"Anong ako? e ikaw nga tong nauna nahawa lang kami!" palusot rin na sagot ni Bea sa kanya bago siya naglakad papalapit sakin para agad akong akayin paupo sa sofa na naroon.




Sinilip at nilingon ko pa ng minsan si Aiofe na ngayon ay parang nakakita ng multo sa gulat na inasta sa kanya ni Bea. Na para bang hindi siya makapaniwala na gaganunin siya nito. Wala sa sariling natawa tuloy ako at pasimpleng pinagmasdan si Bea na ngayon ay tahimik ng nangangalkal ng phone niya.



Sa totoo lang, ako rin nagulat sa inasta ni Bea but it doesn't mean that I have a problem to her in terms of her attitude towards on us. Ang sakin lang natutuwa ako and at the same time I saw her progress on how she changed herself slowly to communicate to the other people who surrounded on her. Even though the truth behind of it was, Even she tried her best, Still I saw to her that she might thinking if the things that she'll doing right now is right or wrong.



But as for now and as what I see to her, I'm so proud. Because she tried and tried and never give up to cope, bring up, and change herself to be one of the best of herself. Isa pa sa kinatutuwa ko sa kanya ay yung sa amin lang siya nagiging ganito kabibo ng sobra. Hindi tulad na kapag nasa room kami, hindi siya makikipag participate na maki ingay samin but when it comes to laughing into something, game na game siya.



"Bakit ka nakatingin ka sakin? May dumi ba ako sa mukha?" Nakangunot at mabilis na napaayos ng upo si Bea ng makita niya akong nakatingin ng daretso sa kanya. Wala pa man din akong sinasabi ay basta nalang siyang naglabas ng salamin para tignan ang mukha niya.



"Wala. I just wanted to stare at your face." I simply said to her while smiling and playfully touching her hair. "Ang ganda mo kasi."



Hindi siya kaagad nakapagsalita at parang naestatwang bigla. Bukod pa roon wala sa sariling natuwa ako ng makita ko ang pamumula ng pisngi niya.



"Ayown naman pala e!" Mapang asar na pang gagatong rin kaagad ni Gianna. Dahan dahan pa siyang tumayo para lang silipin ang mukha nito.


"Hoy gaga kayo! Wag ninyong ginaganyan si Bea. Baby natin yan." Singit at seryoso kunwari na sabi ni Aiofe bago niya pabirong niyakap si Bea.



Nagpatuloy pa ang kabaliwan namin na iyon at natigil lang nung dumating na sila Yvette at Chandria na may dalang parehas na fastfood. Saglit pa nilang ibinaba muna iyon sa mesa bago lumapit sa amin para makipagbeso.



"Kanina pa kayo rito?" Tanong sakin ni Chandria matapos niyang kumalas sa yakap.



"Not at all. Mas nauna sakin sila Aiofe at Bea." Nakangiting sagot ko.



Gianna's mom and dad wasn't here right now, that's why we're all allowed to be loud but not as too much. Napagkasunduan na rin namin na dito nalang sa sala nila mag usap usap dahil baka wala mawalang bahala lang ang pagkikita namin at may chance na mauwi sa movie marathon.


"So ano ng balak natin? Saan tayo mag intern?" Tanong ni Chandria habang abala na nag scroll sa phone niya.


"Kailan ba start ng intern?" curious na tanong naman ni Bea.


"Next week na." Sagot ko.


"Tapos wala pa tayong naiisip na company kung saan pwede mag intern?" Angil ni Yvette. Mukhang nawala nanaman siya sa kaagad sa mood.



Dahan dahan na hinaplos ni Gianna ang likuran niya at pabirong humiga sa balikat niya. Nagpapacute at basta nalang niyang hinawakan ang baba nito. "Anyare? bakit bigla ka nanaman nabadtrip?" Malambing na tanong niya.



"Wala yon." Masungit na sabi pa niya. Agad tuloy kaming nagkatinginan lahat. Nagtataka sa biglaang inasta niya. "Ang sakin ang pinakamahalaga ngayon ay kung saan tayo mag iintern tapos."



Walang nakapagsalita sa amin matapos niyon. Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't-isa at dahan dahan siyang tinignan. Ang ingay na nabuo namin kanina ay parang bula nalang rin kaagad na nawala. Napuno rin ng katahimikan maging ang buong sakop ng sala.



Basta nalang rin kaming nataranta at wala sa sariling nagsikilos ng makita namin siyang yumuko at magsimulang umiyak. Pero dahil hindi ko alam kung papaano siyang patatahanin ay natahimik nalang ako sa isang tabi at pinanuod siyang aluhin nila Aiofe.



May naririnig kami na sinasabi pa niya pero hindi naman namin iyon ganon maintindihan ng maayos. Napalunok ako at bahagyang napakagat palihim sa aking labi bago pabuntong huminga ng malalim. Ang usapan namin magkikita kami para mapag usapan ang internship. Pero bakit ganito? may iyakan palang ganap?



"Sorry guys! Hindi ko dapat ginawa iyon. I'm so so sorry talaga!" She sincerely apologizing to us while slowly wiping her tears. Kitang kita ang pamumula ng kanyang ilong.



"Alam mo Yvette, kung ano man yang iniiyak mo at kung alam mong mabigat na," Umayos na ako ng upo at dahan dahan siyang nilingon. Basta ko nalang na kinuha ang kamay niya at wala sa sariling nginitian siya. "I think tama lang yang ginawa mo. Kasi if you still keep on it to yourself, mas lalo lang sisikip yan." Turo ko sa mismong dibdib niya.



"Sa totoo lang rin, yung nararamdaman mo ngayon, Naramdaman ko yan." Wala sa sariling dugtong ko pa. Kita ko sa mga mata nila ang pagkagulat sa mga sinasabi ko. Pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang pumasok sa isip ko na i-share sa kanila ito. Tahimik lang silang nakatingin sakin. Nag aantay sa susunod ko pa na sasabihin.



Tumawa pa ako ng minsan ng makita ko ang mga itsura nila. Pero bigo ako sa plano ko na mapasunod sila. Siguro nga ganon nalang sila ka curious tungkol sakin that's why I'm willing to share it to all of them.



"Papaano?" Puno ng pagtataka ang mukha ni Yvette.



"When my mom lied to me about my dad." Daretsong sagot ko at dahan dahan silang tinignan isa-isa. Doon ay bigla ko nalang naalala muli ang lahat. "Ever since I was a child, I still remember the word that she was always saying to me about my dad. Na wala na raw ito that's why I keep it from my mind up until I know everything."



Bawat lingon ko sa kanila isa-isa habang nagsasalita ako, hindi ko maiwasan ang mangiti ng tipid. Yumuko ako at wala sa sariling sarkastiko na tumawa. "I don't know if I still needed to continue and share it to you guys." Muli ko na inangat ang paningin ko at daretso silang tinignan. "Dahil ang ipinunta naman natin dito ay tungkol sa papasukan natin na company for internship."



Nakita ko ng mangunot kaagad ang noo ni Chandria. Nanlaki ang mata ko ng kasunod niyon ay naramdaman ko nalang na pitikin niya ang noo ko! Tuloy, ang kaninang tahimik at seryosong paligid ay kaagad ng napalitan ng malakas nilang tawanan.



Masama ko siyang tinignan habang hawak hawak ang noo ko. Ang sakit non ah?!


"Sino ba kasi nagsabi sayong i-share mo yung tungkol sayo?" Nakangiwing sabi niya bago pabirong umirap sa ere.



Ginantihan ko siya. Umirap din ako at padabog na sumimsim sandali sa tea na hawak ko bago siya tinignan ng daretso. "Wala! Bakit? Share ko lang. Palibhasa kasi hindi mo naranasan." Pabulong ko nalang na sinabi yung sa dulo.


"Hoy! ano ba yan! tigilan na nga ninyo yan! Ang mabuti pa kumain nalang muna tayo." Pagpapatigil at singit ni Aiofe sa aming lahat. Siya na rin ang nangunang magbukas ng mga pagkain.



Sa huli, wala na rin kaming nagawa kung hindi ang sundin siya. Maingay kami na kumain at nagsimulang manuod ng kdrama movies. Nakakaloka nga lang rin dahil kanya kanya na silang hanap ng kanilang pwesto. Merong nakahiga sa sofa, nakaupo sa sahig with matching unan at meron din sitting pretty na nakaupo sa single sofa.



Habang abala ang lahat sa pamimili ng panunuorin, nilabas ko muna ang phone ko para kumuha ng litrato. Ugaling ugali ko kasi iyon na kahit saan ako magpunta kumukuha ako ng litrato para i highlights sa IG account ko.



"Guys? can we had take a picture?" Pag aaya ko sa kanila ng hindi ako makuntento.


Tumingin lahat sila kaagad sakin at sabay sabay na tumango. Ang iba ay excited pa tulad ni Aiofe na tinodo pa ang pag aayos sa buhok niya na akala mo naman ay magpo-photo shoot siya.


"Okay! ayos na!" Sabi ko pa ng makapwesto na kaming lahat. "hana, dul, set! say cheese!"



Halos nakailang kuha rin kami ng litrato sa katuwaan naming lahat. Pero halos ganon nalang rin sumakit ang aming mga tiyan ng isa-isa na namin i-preview ang lahat ng na captured.




Sa unang litrato, lahat kami ay nakatingin na sa camera at nakangiti puwera lang kay Gianna na nakuhaang nagsasalita pa. Habang sa pangalawa naman na kuha, Aiofe and Chandria both talking again into each other. Nakakatawa lang rin dahil eksaktong nakuhaan silang parehong nakanguso.



Marami pa iyon pero tinigil na namin dahil sa sobrang pananakit na ng tiyan namin pare pareho katatawa.


"Tangina nyo! Anong mukha yon?" Tawang tawa pa rin na sagot ni Gianna habang nakahawak pa rin sa tiyan niya.


"Gagi ka! Tama naman na!" Pagmamakaawa naman na ni Chandria.


"Hoy mga gaga! tigil na ayan na oh nag start na yung palabas." Pagpapatigil at strikto ko na sabi sa kanila.



Lahat kami ay naging concentrate sa panunuod lalo na nung ang scene sa palabas ay nagkita na yung babae at lalaki. I don't know why but I felt the butterflies in my stomach. Sa kilig ko hindi ko na naiwasan pang maitakip ang unan sa mukha ko. Pakiramdam ko tuloy ang pula pula na kaagad ng mukha ko!



Mas lalo pang nanlaki ang mata ko at nagulat sa sumunod na scene. Parang nanumbalik sa akin ang nangyari sa library sa aming tatlo nila Mark at Gaviniel. Eksaktong eksakto rin kung ano ang ginawa sakin mismo ni Gav matapos umalis ni Mark.


"What the heck." Wala sa sariling naiusal ko.


"Doon pa rin ako sa una." Makahulugang dinig ko na sabi ni Gianna. Nang lingunin ko siya ay tutok na tutok lang siya sa pinanunuod.


"Bakit naman?" halata sa boses ni Bea ang pagka dismayado. Maybe she was voting to the second male lead. "Eh mukha ngang hindi mapagkakatiwalaan yung una."



"Awts! Sa bagay! You had a point pero kasi di ba? Kung titignan mo on all of the scenes, mas laging nandyan for her yung pangalawa kaysa sa nauna?" Mas makahulugang sabi ni Chandria.



Tahimik lang akong nakinig sa kanila. Hindi ko alam kung makikisali pa ba ako sa pagtatalo nila kung sino ba ang karapat dapat sa babae. I was also happy because in their thoughts, I learned anything more about love.



"Ikaw? ano thoughts mo at saan ka boto?"



Nagulat ako at wala sa sariling napaayos ng upo matapos ko maramdaman ang dunggol sakin ni Aiofe. Patong patong ang kanyang braso sa hita ko.



Hindi ako nakapagsalita kaagad at mabagal na pino proseso sa utak ko ang sinabi niya. "Ha?"



"Ha?" Panggagaya niya sa tono ko. Lumapit pa siya ng minsan para silipin ang mukha ko. Mas nagulat pa ako ng sumunod niyon ay pinisil niyang bigla ang pisngi ko. "Are you still with us pa ba?"



"Oo naman." Masungit na sambit ko kaagad sa kanya at pagkatapos ay mabilis ko na hinampas ang kamay niya. 



"We? talaga ba? baka mamaya iba na pala ang nasa isip mo?" Tulak niya pa sakin sabay akbay.



"A-ano bang sinasabi mo?" Nautal na sabi ko at mabilis na umiwas ng tingin.



"Hala! OMG! Nakita n'yo yon?" Pang aasar pa na tanong niya kila Chandria.



Hindi ko na siya pinansin at nag concentrate na lang sa pinanunuod namin. Tumayo na rin ako at lumipat ng upuan para makalayo sa kanila. Mabuti nalang at biglaan din na tumunog ang phone ko dahilan para makatakas sa patuloy na pag iingay at pang aasar nila.



Noong Sabado ay nag aya ulit sila na lumabas kami but that time it wasn't all about to hanging out. Kung hindi para maghanap na mismo ng kompanya kung saan kami papasok for internship. Pero sa kasawiang palad, hindi kami ganon na na blessed ni God na maging magkakasama. Sa unang kompanya na napuntahan namin ang natanggap lang halos ay sila Gianna at Yvette. Habang sa pangalawa naman ay sina Chandria at Bea. Swerte pa nga nila dahil sa kompanya pa nila Chandria sila napunta kahit na ang totoo niyon ay ayaw ni Chandria doon.



Sa huli masaya pa rin naman ako dahil si Aiofe ang makakasama ko. Yon nga lang hindi ako ganon kasanay na may maingay akong makakasama for the first time.



"So ayan! Tapos na ang paghihirap natin para maghanap ng pag iinternship-an." Masayang sabi ni Aiofe habang naka angkla ang braso niya sa braso ko. Ginabi na kasi kami kakahanap at ngayon ay naglalakad nalang kami para maghanap ng kakainan. Since ang last na kain namin ay kanina pang umaga.


I thought they were looking for a normal restaurant for us. Pero nagkamali ako ng tumigil sila sa harapan ng isang resto bar. Napangiwi ako at mabilis na napaiwas ng tingin. Nahihiya dahil nakasuot pa man din kami ng uniform ngayon.



"Hoy? Mga loka loka kayo! Pagkain hanap natin hindi fafa!" batok kaagad ni Yvette kila Gianna habang nakataas na ang kilay. Paano kasi halos matengga na kaagad ang mga ito sa kinatatayuan nila.



"Kaya nga! Tinitignan lang naman namin yung ano..." lingon sa amin ni Aiofe. Napatigil siya sa sinasabi at hindi na iyon naituloy pa.



"Yung ano?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.



"Baka lalaki nanaman," Pabulong pero pabiro na sabi ni Bea dahilan para marinig naming lahat iyon. Napamaang siya at ganon nalang kaagad na nag peace sign sa amin habang nakangiti.



Akmang aambaan na sana rin siya kaagad ni Gianna pero hindi natuloy dahil sa pagharang ko sa kanilang dalawa. Pinanlakihan ko ng mata si Bea at sandali pa siyang binalaan bago nilingon si Gianna na ngayon ay masama na kaagad kung makatingin.



"It's just for fun Gianna. Don't think it too serious." Pagpapakalma ko sa kanya. Hindi ko na siya pinagsalita pa at mabilis na hinatak papalayo.



Natigilan kami sa paglalakad ng bigla nalang may bumangga sakin. Umawang ang labi ko at ganon nalang kabilis na bumitaw sandali kay Gianna para habulin yung lalaki na nakabangga sakin.



Akmang handa ko na sana siyang hawakan sa balikat niya ng bigla nalang siyang humarap. Halos ganon nalang rin ako kabilis na napalunok ng makita na kaibigan pala iyon ni Mark.



Wala sa sariling umayos tuloy kaagad ako ng tayo at awkward siyang nginitian. I heard him laugh a bit pero natigil rin ng saglit pa siyang lumingon muli sa likuran ko. Maybe to see my friends.



"So you're with your friends?" Nakangiting bungad na tanong niya. While slowly biting his lips and fixing his hair. Nananatili lang siyang nakatingin sa mga kaibigan ko.



"Yeah! Nakikita mo naman di'ba?" Nakakunot ang noo at sarkastiko na sagot ko sa kanya. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"



"Nothing. I just had a fun. Para makatakas man lang kahit saglit sa dami ng problema." Nagulat pa ako ng bigla nalang niyang pabirong pisilin ang pisngi ko. He's not changed at all. Babaero pa rin till now!




Dahan dahan akong tumango. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi niya o hindi. Dahil sa wala na rin akong masabi pa sa kanya ay nagdesisyon na akong magpaalam.



"Sino yon?" Nagtatakang tanong kaagad ni Aiofe. Tinignan pa niya ng minsan ang lalaki na para bang gusto na niya kaagad makasapak.



Natawa ako at basta nalang hinagod ang kanyang likuran. Ganon rin ang iba. "Siya yung kaibigan ni Mark. Naalala n'yo pa ba nung first year tayo?" Pagtatanong ko pa sa kanila.



"Ay we? Siya na yon?" Hindi makapaniwalang sabi naman ni Chandria matapos niyang alalahanin ang nakaraan. Akmang lalabas pa sana siya ulit ng resto pero hindi na natuloy dahil sa paghatak at pagpigil sa kanya ni Yvette.



"Hindi ko naman ie-entertain e." Pagdadahilan pa niya.



"Lol! wag ako! Halika na. Nase sence ko na hindi ka mapapasaya non kaya tumigil ka." Pag protekta naman kaagad sa kanya ni Yvette. Papaano naman kasi ay hindi siya pinansin ni Drake kanina sa room.



Matapos namin makahanap ng upuan ay kaagad na akong tumayo at sumunod kay Aiofe para umorder ng makakain namin. Kami na rin ang pumili ng pagkain since wala na kaming oras pa para mag isip ng kakainin. Kaming dalawa na rin ang sumagot sa pagkain dahil sila Chandria at Gianna naman ang gumastos ng pamasahe namin papunta. Mamaya naman pauwi si Yvette.



Dahil sa gutom na naranasan namin, wala ng naglakas loob pa na gumawa ng ingay. Lahat kami ay nagkaroon ng kanya kanyang mundo. Akala ko pa nga pagkatapos namin kumain ay magpapahinga lang kami saglit para makauwi na rin kaagad. Pero nasira iyon ng maakit sila ng videoke!




Halos mapatakip ako sa mukha ko ng magsimula na silang magsikanta. Parang gusto ko nalang rin na umalis kaagad dahil sa kabaliwan na pinag gagawa nila. Jusko! Ano ba tong pinasok ko? Sila pa ba ang mga kaibigan ko lord?



Mas iniwas ko pa ang paningin ko ng makita ko na napapatingin na halos ang lahat sa kanila puwera lang sa amin ni Bea na tahimik lang na nakaupo at pinanunuod sila. Kasalukuyan kasi silang nasa stage at kumakanta habang gumagawa ng mga extra pang movements.



"Umiinom ka?" Nagugulat na tanong ni Bea ng lingunin niya ako.



"Oo. Bakit? Ikaw?" Sinubukan ko ibigay sa kanya ang bote ng soju na hawak ko pero kaagad niyang iniiwas ang magkabila niyang mga kamay.



"Hindi! Hindi ako umiinom." Tipid niya nalang akong nginitian at pagkatapos ay mabilis na niyang ibinalik muli ang paningin kila Chandria na hanggang ngayon ay nasa stage pa rin.



Tumawa ako at wala sa sariling humiga sa balikat niya. Sumimsim pa muna ulit ako sa soju na hawak ko. "Bakit ganon? Bakit hindi ka umiinom?"



"Wala lang. Maybe dahil hindi siya ganon na maganda sa katawan natin?" Patanong na sagot niya.


"Such a baby." Natatawang sabi ko.



Tumawa lang din siya at hindi na nagsalita. Patuloy lang kami sa panunuod sa mga kaibigan namin hanggang sa napagod na ang iba at isa isa ng bumaba. Puwera lang kay Gianna na nagpaiwan para masolo ang stage.



"Uminom siya?" Tanong sakin ni Yvette matapos makalapit sa amin habang dahan dahan siyang nagpupunas ng pawis niya. Sinenyas si Bea na ngayon ay tahimik ng nag scroll sa phone niya.



Umiling ako. "Hindi. Hindi daw niya alam mag nomi."



"Eh ikaw? Ano? Lasing na?" Umupo siya sa tabi ko at mabilis na kumuha ng sarili niyang soju.



Tumawa ako at sa pangalawang pagkakataon ay umiling ulit. "Hindi ah! Ayos pa ako."



"Talaga lang huh?" Tango tango niyang nginisihan ako bago niya kinalansag ang bote sa boteng hawak ko at uminom.



Sa katuwaan namin masyado, hindi na namin ganon pa namalayan ang oras. Hindi ako masyadong uminom hindi dahil sa KJ ako o ano. I'm not drink too much because I was looking and focus to other girls who's now enjoying the single moment that their doing right now.



Halos mahirapan kaming dalawa ni Bea na buhatin ang apat nang mawala na ang mga ito ng tuluyan sa mga sarili nila. Si Gianna bagsak na bagsak na. Si Yvette kung ano ano na ang nasasabi. Si Chandria knock out na sobra. While Aiofe still had fun. Hindi siya matigil tigil sa katatawa na may kasama pang pagpapasalamat!



"Bey? Ano kaya mo pa ba?" Nag aalala na tanong ko sa kanya habang akbay akbay niya sila Chandria at Gianna.


"Hindi na. Ang bigat nila." Reklamo na niya.


Mabuti nalang rin at may nakita akong bench sa daraanan namin dahilan para hatakin namin sila papunta roon. Habang bantay ni Bea ang apat, agad ko ng nilabas ang phone ko para pumunta sa contacts at maghanap ng pwedeng sumundo sa amin.



Sa kaka scroll ko para humanap, eksaktong huminto iyon sa pangalan nila Gaviniel at Mark. Palihim akong bumuntong hininga pa muna at nag isip kung dapat ko ba silang tawagan pareho para lang magpasundo at maihatid na ang mga kaibigan ko o wag nalang.


"Sam, ano may natawagan ka na ba?" Tumaas kaagad ang balikat ko sa gulat ng hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala si Bea. Akmang lilingon na sana siya sa phone ko ng mabilis ko na pinatay sandali ang screen. "Wala?" Nagtataka pa na dagdag niya



"Hindi ah! Meron na. Papunta na." Simpleng sabi ko lang sa kanya habang awkward siyang nginitian. "Doon ka na." Tulak ko na rin kaagad sa kanya pabalik kila Aiofe na mga tulog na.


Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na tinawagan si Gaviniel since siya ang mas malapit at close ko. Pagpindot ko sa numero niya, wala pa man isang ring ay nasagot na niya.


"Oh hey!" Bungad na bati niya.



"Hi!" Kaagad na nasabi ko. Hindi ko alam kung papaano sisimulan sabihin sa kanya ang pagpapasundo na ife favor ko. Mariin ako na napakagat pa sa labi ko.



"Bakit napatawag? Miss mo nanaman ba ako?" Pang aasar at maloko na sabi pa niya. I heard nothing right now so I was thinking na he's already in his room.



"Ang kapal mo naman! Hindi no!" Angil ko sa kanya at saglit na nilingon muli sila Bea. "I had a favor sana." Straight to the point na sunod na sabi ko.


"Spill it."



"E baka matutulog ka na?" Paninigurado ko. Baka kasi mamaya matutulog na pala siya tapos eksaktong manghihingi pa ako ng tulong ngayong dis oras na ng gabi. Hindi ba parang nakakahiya?


"Seriously? Tanungin nga kita? Kailan ba ako natulog ng maaga? At isa pa kailan kita tinanggihan? Never pa hindi ba? Kaya sabihin mo na kung ano yan." Sunod sunod na sabi niya.


"Loko to! Baka naman ano.."


"Ano?" Panggagaya pa niya sa boses ko.


"Alam mo na,"


Rinig ko na tumawa siya kaagad sa kabilang linya dahilan para sumama saglit ang tingin ko sa kung saan.


"Sabihin mo na kasi." Seryoso na ang kanyang tono.


"Pasundo ako." Napapikit ako matapos sabihin iyon.


"Saan naman?"


"Ano kasi..Yung mga kaibigan ko nag pass out na. Then wala na kaming mahanap na gr-"


"Okay. Wait for me then, Text me the location magbibihis lang ako." Inunahan na niya ako.



Hindi ko na rin natapos pa ang dapat at sunod ko pa na sasabihin ng bigla nalang niyang ibinaba ang tawag. Kaya sa huli, pabuntong hininga nalang akong napatingin sa screen ng phone ko. Pagkatapos ay pasuray akong naglakad pabalik kila Bea. Na tulad nila Aiofe ay nakatulog na rin habang nakadekwatro at nakahawak ang magkabila niyang mga kamay sa sling bag na suot niya.




"Sam," Napakunot ang noo ko ng maramdaman ko na may umuuyog sa balikat ko. Pagmulat ko, kaagad akong napaayos ng upo matapos makita ang mukha ni Gaviniel. "Sorry kung natagalan ako ng kaonti." Pabulong at nakangisi na sabi pa niya habang mabagal niyang kinakamot ang kanyang batok.



Matunog akong tumawa at pabiro siyang hinampas. "Ano ka ba? Wala yon, okay lang. Ako na nga tong nang abala e tapos magagalit pa ako?"




"At kailan ka naman naging abala sakin aber?" Gulat akong napalayo sa kanya ng bigla nalang niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Hmm?" pahabol pa niyang sinabi. Naroon ang pang aasar na tono.




Sa inis ko ay mabilis ko na tinulak ang mukha niya papalayo sakin at mabilis na tumayo. "Siraulo ka talaga kahit kailan!"




"Bakit namumula ka?" Nang aasar pa na sabi niya dahilan para mas manlaki pa ang mata ko at mabilis na tumalikod. "Naniwala ka naman kaagad! Nag jo joke lang ako e."



"Ewan ko sayo!" Tanging nasabi ko nalang at mabilis ng naglakad papalapit kila Gianna. "Tulungan mo na'ko dito."



"Ito na nga e." Natatawang sabi niya at naglakad na papalapit sakin.



Nagulat pa ako ng makitang ibang sasakyan ang dinala niya ngayon. It was a black uber. Malaki kaya kasyang kasya talaga kaming lahat. Una naming binuhat si Gianna na nag amoy alak na. Kasunod sila Yvette, Aiofe at ang iba pa.


"Sam? Sino siya?"


Halos malubog ako sa kinauupuan ko at mapalunok ng pagpasok ko sa shutgon seat ay nakita kong gising na si Bea. Saglit niya lang akong tinignan bago mabilis na nilipat ang paningin kay Gaviniel na ngayon ay tahimik lang siyang sinalubong ng ngiti sa rear mirror habang pabiro na kumakaway.

Napayuko ako at wala sa sariling palihim na napakagat sa labi.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

38M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
1.1K 50 4
Part 3 of 'Toss A Coin | Geralt of Rivia X OC | The Witcher FF' -Focus on 'The Witcher Season 3'
10.8K 543 10
Two brainless young adults from the 21st century get thrown back in the past, into a whole new world. And nowhere other than the Victorian Era... In...
754K 107K 39
Yaduvanshi Series #3 it is a book under yaduvanshi series. But it could be read as standalone too. Nitya Raghavendra is a telugu businesswoman earnin...