Should I Sacrifice Our Friend...

By J-ForeverYours

10.9K 489 150

Palagi siyang nandyan para sayo, comfortable kayo sa isa't isa, maaari bang lumalim ang pagtingin mo sa tinut... More

Prologue
Chapter I : Back to School
Chapter II : I Miss You
Chapter III : Meeting Them
Chapter IV : Meet our new teacher
Chapter V : He's back
Chapter VI : White Lies?
Chapter VII : Say Whuuuttt?
Chapter VIII : Practice
Chapter IX : The Truth (part I)
Chapter X: The Truth (part 2) -- Jealous?
Chapter XI: Couple?
Chapter XII: I will protect you
Chapter XIII : Last update for 2012 (Conflicts?)
Chapter XIV: I cant afford to lose you
Chapter XVI: OhMy! What's happening?
Chapter XVII: Oh So Love 1 (Dylan & Nica)
Chapter XVII: Oh So Love 2 (Jace & Zoe)

Chapter XV: Zhander-Sofia // Nica-Dylan <3

367 22 4
By J-ForeverYours

A/N: Sorry for the late update guys :) Medyo naging busy eh.

Dedicated to Yam-Yam28.. Isa sa mga super-galing na author dito sa Wattpad :) Maganda na, magaling pa, hindi lang sa pag-gawa ng story, pati rin sa paggawa ng poem and songs :) Idol ko yan eh. Guys, read her story.. Girlfriend For Hire, [GFFH book 2] Officially His Girlfriend, Living together with my enemy, Along came this girl, and many more.. Just look at her works :)

NOTE: Guys, di ko alam kung bakit ayaw gumana nung video sa side -___- Click nio na lang muna yung external link ----> tomorrow ko na lang aayusin. Im in a hurry right now.

Chapter XV: Zhander-Sofia // Nica-Dylan <3

~~~~ ZHANDER's ~~~~

Totoo ba to? Nagbalik na ba talaga siya at magkikita kaming muli?

Nag-aayos na ko ngayon, para mamaya. Pero, mahal ko pa rin ba talaga siya? Sa puso ko, hindi ko alam. pero sa isip ko sinasabi nito na mahal ko pa siya. Sh*t bakit ba kasi siya bumalik pa. Nagmomove on na nga ako oh.

Kung nagtataka kayo kung sino yung tumawag sakin kagabi.. Siya si Sofia Anne Mendoza. Ex-girlfriend ko. Actually, ex na nga ba? Wala kasi kaming closure. Bigla na lang siyang umalis dito para sa pangarap niya. Someone offered her na magmodel sa France, and she actually accepted it without me knowing. Tapos tinitext or tinatawagan ko siya pero di niya sinasagot. Sagutin man, ang cold pa, tapos papatayin na lang bigla. Alam mo yung feeling na, parang hindi na kayo kahit kayo pa, kasi wala na siyang gana?

Iniisip ko dati baka pagod lang siya sa pictorials or rehearsals niya, pero hindi eh. Ayaw na niya talaga sakin, at yun ang pakiramdam ko.

She chose her dream over me and he ignored me during those years, pero bakit ngayon, bigla na lang siyang babalik at sasabihing mahal pa din niya ako. Totoo kaya yun?

Papunta na ko sa fave restau namin, kung san kami magme-meet ngayon.

Sa totoo lang kinakabahan ako. Di ko alam kung dahil ba gustong-gusto ko na siya makita o dahil may nararamdaman akong hindi magandang mangyayari...

But one thing for sure, habang hindi ko pa napapatunayang mahal ko pa talaga siya hanggang ngayon, I won't treat her the way I do before. I'll confront her. I'll tell her everything.

Well, it's her fault, leaving me there hanging & dumbfounded. Leaving me like an idiot without knowing any single piece of the reason.

~~~~ JULIANNE's ~~~~

"Sofi, di ko alam na ex mo pala to ah. And teka nga, i'm thankful na pumayag ka sa plano ko.. Pero bakit nga ba kita napapayag?" nakakapagtaka din kasi. alam nio na..

Remember nung pinahanap ko ang files ni Bluenica at Zhander? Napagalaman ko na yung ex ni Nica, eh yung Dylan na nakakasama na niya ulit ngayon, and nagulat ako ng makita kong ex pala nitong si Zhander ang pinsan ko. Kaya pinauwi ko siya dito sa Pilipinas.

"You know, sa mga kinukwento mo sakin about dun sa Nica at kay Ford, i concluded na magiging masaya siya at mahal niya si Nica. The way he acted based on your stories, hindi lang basta basta bestfriend ang tingin niya. I should know that. At ganun niya din ako tratuhin dati. Mahal ko siya. Through this years, wala pa akong minamahal muli kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko hahayaang mawala siya sakin. Oo, iniwan ko siya noon, pero hindi ko na hahayaan ulit mawala siya sakin. Unless, he please me to do so. At alam mong hindi ako basta basta susuko.."

"WHAT? Couz, Sofi, alam mo naman diba? Sinabi ko naman sayo na I'm doing it para marealize nila yung dapat nilang marealize.. Hindi para maging kayo ulit." peste naman tong babaeng to. Pagseselosin lang nasa utak ko eh. Iba yata pagkakaintindi neto. I'm being a good one here, but this girl sucks >.<

"Well, i've changed my mind. And I'm doing this to have him back." what the hell?

"What the hell are you saying?"

"I can't give you what you want, chance ko na to. So why should i let it pass through my hands?" pesteng IQ meron tong babae to ah.

"Sofi, pwede bang pag-isipan mo yang gagawin mo pwede ba? Ikaw na din ang may sabi na naconclude mo na mahal niya na si Nica, so what the heck will you do?"

"Yeah, i know. Oo. Pero babawiin ko ang pagmamahal na sakin naman talaga.." What the heck. Dapat yung plan B na lang pala ginawa ko. Peste tong pinsan ko. Asar ko to eh.

"You know what, I'm being a good citizen here. Psh. If that's what you want, I need to get you a ticket and go back to where you are from.." nakakaasar kase, sabi niya, she's glad daw na nagmamahal na daw ang ex niya. actually, wala nga pala silang closure.

"As if i'm going back. Dont worry my dear couz, I have also my plan before getting in here. While on i'm on the plane, i remembered that you told me, about that ex of Nica, named Dylan Alvarez.. He is a friend of mine.." so kung kaibigan nia?

"So, what are you trying to say huh? and how did you know him?"

"As I said, we became friends when he transfer to France, and fortunately, we became neighbors. So, i'm trying to say na, I can get my real property. Dylan loves Nica so much as far as I remember, at nakwento niya un sakin, but he doesn't mention any names, but according to your infos, 100% sure ako na siya ang tinutukoy ni Dy."

"Teka, Sofi huh? I know you're a bitch. Number one B*tch. But please stop it. I know you, alam ko yang iniisip mo. Kukuntsabahin mo si Dylan, you will help each other para makuha ang mahal nio talaga at mailayo si Zhander at Nica sa isa't isa." parang napaisip siya at nangiti.. "Hoy! Sofi, pagseselosin lang ang dapat mong gagawin, and put closure in your PAST relationship, hindi agawin.." pinagdiinan ko talaga yung past. ng maalala niya.

"You know what couz, i love your brains. Hindi talaga yung pakikipagtulungan kay Dy yung plano ko eh, dapat ako lang mag-isa gagawa ng paraan. Pero thanks to your idea. I've changed my plans.. Gotta go now. Bye couz.." Ay pesteng babae to. Iniwan ako. At tumakbo na agad papauntang kotse niya.

Oh no, wrong move Julianne. Pano na to? Psh. Sinira niya lahat ng plano ko at kailangan ko ngayon sila pabantayan para mangyari lang ang dapat talagang mangyayari.

I know, matibay ang pagmamahal nilang dalawa sa isa't isa. Nararamdaman ko, wag lang sanang masira dahil sa dalawang to.

~~~~ ZHANDER's ~~~~

"Hi Hon.." hahalikan niya sana ako sa labi, pero umiwas ako kaya sa pisngi niya ako nahalikan. "Let's take a sit" naupo na agad ako. Pinapakiramdam ko lang yung puso ko. Naupo na siya sa tapat ko.

"So, what's our business for today?" tanong ko agad sa kanya.

"Don't you miss me Hon? Let's order some food now?"

"Stop calling me Hon, you know what, I need your explanation. Don't you think it's kinda awkward talking like this, forgot what you have done to me? Iniwan mo lang ako basta basta at nagdesisyon ka ng walang pasapasabi.Nandun ka na, ok lang naman sakin diba? Kahit nasaktan ako. Inintindi kita. Inintindi ko ang rason mo, inisip ko na para sa ikabubuti mo. Pangarap mo yun eh, kaya susuportahan kita. Pero you are being cold to me, akala ko pagod ka lang sa pictorials mo, pero hindi eh, Iba ang pakiramdam ko, alam kong wala ka ng nararamdaman sakin nun, pinagpatuloy ko pa din kasi akala ko magiging maayos pa ang lahat. F*ck. Pero halos mamatay ako dahil sa akalang yan. Sinuportahan kita, nagpakat*nga ako. Naging manhid. Pero binaliwala pa din. Alam mo ba kung paano naging miserable ang buhay ko dito habang wala ka? Alam mo bang nakaranas ako ng car accident dahil sayo? Alam mo bang 3 months akong nasa coma? At dahil dun muntik na kong mamatay. Ni walang kinakausap kahit ang magulang ko. Naging malamig ang pakikitungo ko sa lahat. At halos ayaw na ayaw kong makakakita ng mga babae. Pero sinubukang kong lumaban hanggang huli. Lumipat ako ng school, naghanap ng bagong kaibigan, sinubukang kalimutan ang nakaraan. Ngayon, nakalimutan na kita, bigla kang babalik ng ganun ganun na lang? Na kung makapagsalita ka sakin sa harap ko, parang ayos lang tayo at walang nangyaring pang-iiwan. Sabagay. Sa lahat ng nangyari sakin habang wala ka, hindi mo alam. Sikat ka na nga pala eh. At sino nga ba ako para sayo? From the start naman talaga I'm just a no one to you right? Kaa-assess ko lang sa sarili ko habang papunta ako dito, ngayon, ayan, sinabi ko sayo lahat ng naramdaman, nasa isip at puso ko.. May magagawa ka pa? Do I miss you? Hindi. Ni hindi ko na nga sanang gusto pumunta dito. Pero pumunta pa din ako para malaman ang nararamdaman ko para sayo, and luckily, i found the answers. Thanks for your time, thanks for listening. Goodbye. Take care.." cool na sabi ko, sabay tayo, at lumabas. Sumakay na agad ako ng kotse at pinaharurot yun papunta sa bahay ng tropa.

Yes, may binili kame last year na bahay. Maliit yun actually, para lang may matambyan. Malapit lang yun sa school..

Grabe, ang haba pala ng nasabi ko -___- napagod ako dun ah. nakakauhaw.

Kanina lang pagkakita ko sa kanya, dun ko lang nalaman yung totoong nararamdaman ko sa kanya. Nung hinalikan niya ako, kahit sa pisngi lang yun, sobrang saya ko na dati, ngayon, hindi eh. Para na lang siyang ordinaryong tao para sakin. At hindi na siya yung dati kong kilala na fashionista, magandang pumorma, pero simple lang ang dating, at may pagka-conservative pa din. Ngayon, akala mo nagta-trabaho sa bar ang itsura -__- halos maghubad na sa damit niya. At ayoko sa ganung babae.

bahala siya. Mayaya na nga lang si Nica maggala.

pagdating ko sa tambayan.. hinanap ko agad si Nica.

"Pre, si Nica?" tanong ko kay Brian na cool lang sa pagkakaupo.

"Wala, umalis.. May lakad daw sila nung Dylan ba yun.." psh. What the? Kasama nanaman niya yun? Psh. Bahala na nga. Pupunta na lang ako sa mall.

~~~~ NICA's ~~~~

"Dylan Harriel! Pwede ba bagalan mo magpatakbo ng kotse? Ayoko pa mamatay noh!" Sigaw ko sa kanya..

"Haha. Oo na po. Pwede ba my princess, di ka pa rin nagbabago eh noh? Lakas pa rin ng boses mo .. Haha" ansaya niya masyado eh no.

"San ba kasi tayo pupunta?" kasi niyaya lang niya ako. tapos walang pasapasabi eh kung san na kame napadpad.

"We're going to eat lunch first my princess. Aren't you hungry?" english nanaman.

"Di ako nagbaon ng maraming english, kaya wag kang english ng english dyan." -3- edi kakain. sabe ko nga eh.

"Wag ka ngang magpout dyan, my princess. It attracts my lips to kiss yours.." O__O?

"Kiss ka dyan, tigilan mo nga ako." ngumiti lang siya, tapos bumaba sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Shall we?" nakalahad yung kamay siya. Kahit kelan talaga to, ang gentleman eh. Inabot ko na yung kamay niya at pumasok kami sa resto.

WOW *o* ang elegant tignan yet simple. Ang ganda ng aura ng buong resto.

"Love what you see?" tanong niya sakin, nginitian ko lang siya, sabay pagwelcome sa kanya ng mga staffs na nakakasalubong namin sa loob. Sobrang galang naman nila..

"Dylan." ~~~ "Please my princess, kahit ngayon lang, call me your prince again. Please?" tapos parang pleasing yung eyes na nakatingin sakin..

"Su-sure Dy, i mean My prince.." ngumiti siya. "My Prince, uhm, ang galang ng mga staffs dito, pagdadaan tayo, lagi silang nag-goodmorning sayo. Para namang ikaw may ari ng napakagandang resto na to.." natawa siya. Tapos, inalalayan niya ako sa pag-upo.

"I'm glad nagustuhan mo yung resto and its ambiance, hmm. yeah, dapat lang nila akong galangin, kung ayaw nilang mawalan ng trabaho.." nanlaki mata ko dun ah.

"s-so ikaw nga ang may ari nito?" tumango lang siya.. "Cool. I love in here. I guess pati naman yung food diba masarap?" gutom na kase ako eh.

"Dapat lang talaga my princess na magustuhan mo to, coz you are my inspiration while designing this. Actually, para sayo talaga to eh. Food addict :)"

"Ansama mo, naaalala mo pa un?" biglang may naglapag ng food sa table namin.. "Eh? Kuya, di pa po kami nagoorder.."

"Princess, pinahanda ko na yan bago pa man kita sinundo sa inyo." owww.

"Owkay. I'm sorry. Malay ko ba -3-"

"You're too cute my princess. Let's eat.."

"My princess, stay here. This is for you. Listen very well" sabay kindat sakin. At naglakad papunta sa stage..

"Good Morning everyone. Let me dedicate this song for that gorgeous girl in blue dress. Enjoy your foods"

[Play the youtube at the left.. Better if you will open that player in a new tab :) ----> isipin nio na lang boses ni Dylan yan :)]

Kinuha niya yung guitar at nag-upmisa ng tumugtog..

When I look into your eyes

It's like watching the night sky

Or a beautiful sunrise

Well there's so much they hold

Nakatingin lang siya ng daretso sa mata ko habang kumakanta siya.

And just like them old stars

I see that you've come so far

To be right where you are

How old is your soul?

Tinitignan ko lang din siya sa mata. It's like my eyes were being magnetized by his.

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up

And when you're needing your space

To do some navigating

I'll be here patiently waiting

To see what you find

Ramdam na ramdam ko yung kanta, at alam kong sa puso nanggagaling yung kanta. Ramdam mo yung pagka-sincere niya habang nakanta at nakatingin parin sa mata ko.

'Cause even the stars they burn

Some even fall to the earth

We've got a lot to learn

God knows we're worth it

No, I won't give up

I don't wanna be someone who walks away so easily

I'm here to stay and make the difference that I can make

Our differences they do a lot to teach us how to use the tools and gifts

We got yeah we got a lot at stake

And in the end,

You're still my friend at least we didn't tend

For us to work we didn't break, we didn't burn

We had to learn, how to bend without the world caving in

I had to learn what I got, and what I'm not

And who I am

You dont know how much I love you still. Ikaw pa lang ang nakakapagparamdam ng ganito sakin. Ikaw lang..

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up

I'm still looking up

I won't give up on us

God knows I'm tough, he knows

We got a lot to learn

God knows we're worth it

Nagflashback sa utak ko nung unang araw na nagkita ulit kami, at sinabing he wont give up on me. At mahal pa rin niya ako.

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up...

"I wont give up on you, on us. I'll do everything just to prove you how much I love you My Princess. God knows how important you are in my life.. I really do love you Bluenica.. Just let me court you again.."

Nagpalakpakan yung mga tao. Ang daming bulung-bungan na kesyo, ang sweet daw nung guy, mahal na mahal daw ako, ang gwapo daw ang galing pa daw kumanta, nakakakilig daw kami at kung anu anu pa. Wala na akong paki sa kanila.

Tapos bumalik na siya sa upuan namin at biglang may tumugtog na slow music.

"Can I ask you for a dance my princess?" then he lend his hand infront of me. syempre sino ba ako para tumanggi. Edi pumayag na. Choosy pa ba ko? Eh mahal ko to eh.

Habang nagsasayaw na kami, parang nahihiya naman ako sa kanya -___-

"My princess, about the song, every phrase, every words, that is a part of the lyrics that i've sang, i mean it. I really do. Lahat ng sinasabi ng kantang yun ang gusto kong sabihin sayo. I wont give up on us. Kahit ayaw mo, susubukan kong mapalapit pa rin sayo, kahit masaktan ako, makasama at maiparamdam ko lang sayo ang pagmamahal ko." naspeechless ako. ang tugtog ngayon, isa sa mga nasa ipod ko na memorize ko, Till I Found You by FreeStyle pero parang mali mali ng yung lyrics dahil yung sinasabi niya lang ang naririnig ko. Parang kami na lang yung tao dito. Wala kaming paki sa iba.

"Dy, uhm, My Prince, about the courting thing.." kasi naman nakakaloka eh. Ang haba ng hair ko ah :)

"Don't worry my Princess, you dont need to answer that, coz whether you like it or not, i'll court you. I'm just informing you :)" sabay smile ng napakalawak. Grabe, ansaya nia ah.

"Bat di mo ko patapusin noh?" nakakaloko kasi.

"Haha! I'm sorry. C'mon, continue now.." tapos tinignan lang niya ako..

"Hmm, Okay, about the courting thing, will you start it as soon as possible?" nangiti siya bigla..

"So, you mean..."

"Yeah. Pumapayag ako magpaligaw ULIT sayo. Pero dy, my prince, it's not a base na magiging tayo ulit ah. No assurance." tapos niyakap niya ko, i mean, mas napalapit yung katawan namin, kanina kasi may space pa between our body habang nagsasayaw, ngayon wala na. Kaya yumuko na lang ako sa balikat niya, tutal hanggang dun lang naman niya ako eh -.-"

Kasabay ng paghigpit niya sa pagkakayap niya sakin, "No problem my princess, basta ipaparamdam ko lang sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kaimportante. I love you my princess."

~~

Ngayon, nandito kami ni Dylan sa mall, specifically sa Ice skating rink.. Hobby namin kasi to eh.

Naglalaro laro lang kami, naghahabulan, para lang kaming baliw na nagtataya-tayaan sa rink..

Pero nung malapit na siya sakin, nawalan ako ng balanse sa pagkahawak ko sa kanya at nasama siya sa pagbagsak ko..

O_____O di inaasahang naglapat muli ang aming mga labi..

Napabalikwas naman siya ng tayo, at inalalayan ako.

"I'm sorry, my princess.. Di ko sinasadya.. Masakit ba likod mo? Ang tigas ng binagsakan mo, nadaganan pa kita. Tara na dun.." hinawakan niya yung kamay ko. Tapos nag-skate na kami palabas ng rink.

"Don't be sorry My prince, it's not your fault. It was just an accident. Oo. masakit talaga. Ang laki mo pang bumagsak sakin. Sa liit kong to, kamusta naman yun? Haha!.." totoo naman eh. ang sakit kaya..

"Haha! Ikaw kase eh.. I think, we need to go na sa cinema area, 4:35 na, malapit na magumpisa yung next showing ng movie na papanuorin natin."

nag-ayus na agad kami at naglakad na papunta sa cinema area, medyo malayo pa kasi yung from this part. Sobrang laki kasi nitong mall na to..

But seriously, I'm enjoying this day with him. Mas napapatunayan ko tuloy na hanggang ngayon mala ko pa rin siya.. Hindi siya nagbago. Ganun pa rin siya sakin.. Sana maging maayus ang lahat. Sana tama tong ginagawa ko ngayon.

Basta ang alam ko sa ngayon, masaya ako ng dahil sayo My Prince.

~~~~ ZHANDER's ~~~~

Peste, san ba magandang pumunta. Hirap namang gumala ng walang kasama oh. Peste din kasi yung Brian na yun, wala namang ginagawa eh ayaw pa kong samahan..

Naglalakad lakad lang ako dito.. T-teka.. Si Nicababes ba yun? Pero parang may humahabol sa kanya.. Takte, anu yun? Nagtatakbuhan sa rink. Psh. Nakakaasar ah.

Lumapit lang ako, pero ang ikinagulat ko. Bigla silang nawalan ng balance at nahalikan niya si Nica. SA LABI. Bwiset. Parang gusto ko pumasok sa loob at hatakin si Nica sa kanya, Pero mukang ayus naman sila. Nagtatawanan pa nga sila eh.. Nakaka-asar. Sinundan ko lang sila, pero parang papunta sinehan. Manunuod pa sila ah. Nakita ko silang palapit na sa cinema 5..

Tinignan ko yun at horror movie pa talaga ah. Maka-chansing lang kay Nica.. Humanda kayo sakin.

Pumila agad ako sa bilihan ng ticket.

"One ticket for that movie in cinema 5, that will start at 5:45 pm, now.." sabay lapag ko ng 500 peso bill.

"Sorry sir, but the seats are all reserved. Tickets were already sold out. Next showing na lang po sir ang pwedeng niyong bilhin for that movie, at 6:20 pm." what? pano ko sila masusundan dun?

"What? Can't you do something to this? I can pay any amount basta makakuha lang ako ng ticket ng makapasok dun.." nagiinit ulo ko ah.

"Sir, i'm sorry but we dont have any choice. May you please excuse us sir, we need to proceed to our next customer." nagwalk-out na ko. Nakaka-asar eh. Badtrip naman. Pano na to?

"Ticket oh. Wala na kong planong pumasok, naawa naman kasi ako sayo eh. Talagang gagawin mo ang lahat makapasok ka lang dun. Psh. Pathetic.."

Pesteng babae to..

"Hoy! Salamat sa ticket ah. Pero hindi ako pathetic, Julianne, tigilan mo ako ah. Hindi ko tatangihan tong ticket dahil kailangan ko talagang sundan yung bestfriend ko dun. Next time na ko babawi." Tapos sabay abot ko sa kanya ng 500 peso bill then tumakbo na ko sa cinema 5.

"Hey, Hon, you're here. Bakit ka naman nagmamadali?" takte, bakit to napunta dito.. Lalong nag-init yung ulo ko. Baka makita kasi kami ni Nica, tapos isipin girlfriend ko to..

Bigla na lang puro flash ng camera ang nakikita ko, sobrang liwanag, tapos ang daming lumalapit samin, ang daming kung anu-anung tanong.. Di ko maintindihan, basta siya sumasagot lang. Peste, sikat nga pala tong babaeng to..

"Yes, he's my boyfriend.." O___O anu? boyfriend daw? ako? kapal naman?

("Can we request a kiss?") sabi ng media..

"Ofcourse.." O__________O peste, ayoko lang masira ang reputasyon niya, pero kanina ko pa siya balak itulak dahil ayokong mapalapit ulit sa kanya. nababadtrip ako. Well, it's our second kiss simula kanina, pero wala na talaga eh. Wala na yung spark. Hindi ko na siya mahal. Sigurado ako dun.

"Thank you also, can we go now? Manunuod pa kami ng movie eh.." sabay kapit ulit sa braso ko at inaya na ko pumasok sa loob kaso ang nasa harap ko ngayon. Hindi pwede to. Bakit? Akala ko pumasok na sila sa loob.

"Ah, eh. Hi Zhander.." Naglakad na siya papalapit dun sa paglalagyan nung card, movie pass, para makapasok.

"Nica.." tumingin siya sakin at nginitian niya ako, pero parang ang fake ng ngiti niya, hindi kagaya ng ngiti niya na nakita ko habang nasa rink sila kanina nung Dylan na yun. Pero parang nasasaktan siya? Aish. Asa pa ko diba? Pumasok na silang tuluyan sa loob.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Sorry. Lame update and sorry kung may Typos. May pasok pa bukas.

Tomorrow ko na lang din ie-edit kung may errors man.

I need to sleep na. Goodnight :)

Dont forget to VOTE.COMMENT.ADD ON YOUR READING LIST.BE A FAN.

OPEN DEDICATION TAYO. JUST POST ON MY MESSAGE BOARD ABOUT IT, IF YOU WANT.

.

-- 01/13/13 @10:59 pm ~~~

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...