Reincarnated As One Of The Tr...

By theblackescaper

309K 14.9K 373

Isa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako... More

PROLOGUE
CHAPTER 1:THE ACCIDENT
CHAPTER2:THE BABY
Chapter 3:THE TRIPLETS VILLAIN
CHAPTER4:APPRENTICE
CHAPTER5: DUKE DIAMOND MANSION
CHAPTER 6: WEEK OF FOOLISHNESS
CHAPTER 7:THE SKY ANGER
SPECIAL CHAPTER 8:THE SHADOW
CHAPTER 9:THE LETTER
CHAPTER 10:THE ANNOUNCEMENT
CHAPTER 11: UNEXPECTED
CHAPTER 12:THE ILLEGITIMATE BROTHER
CHAPTER 13:MISSING
SPECIAL CHAPTER 14:HATRED
CHAPTER 15: ABDUCTED
CHAPTER 16: SLAVE TRADER'S
CHAPTER 17: BUYER
CHAPTER 18:PALACE
CHAPTER 19:THE CURSED PRINCE
CHAPTER 20:FRIENDS
CHAPTER 21:TRUTH
CHAPTER 22: GRAND TUTUER ROYAL
CHAPTER 23:DECISION
CHAPTER 24: CHANGES
CHAPTER 25:Académie Mystique de Cristal
CHAPTER 26:OPENING CEREMONY
CHAPTER 27:MAGIC AFFINITY TEST
CHAPTER 28:THE GIFT
CHAPTER 29: MESSAGE OR CURSE
CHAPTER 30: MYSTERIOUS BRACELET
CHAPTER 31:8 BEADS,8 CHANCES
CHAPTER 32:THE BATTLE
SPECIAL CHAPTER 33: THE PUPPET
CHAPTER 34: DONT JUDGE!
CHAPTER 35:COMBAT DUEL
CHAPTER 36:THE ANNOYING PRINCE
SPECIAL CHAPTER 37: TALE OF THE PERFECT PRINCE
CHAPTER 38: MISSION
CHAPTER 39:JOURNEY TO THE TEMPLE OF THE GREEN VALLEY
CHAPTER 41:THE MYSTERIOUS ANCIENT CLOCK
CHAPTER 43:WHY???
CHAPTER 44:WHAT IS HAPPENING?
CHAPTER 45:I'M BACK
CHAPTER 46:MYSTERY I
CHAPTER 47:MYSTERY II
CHAPTER 48: CLUE
CHAPTER 49:SMOKE
CHAPTER 50:THE GIRL WITH THE GOLDEN SHACKLES
CHAPTER 51:REASON
CHAPTER 52:THE TOWER
CHAPTER 53: THE THRONE IN THE CLOUDS
CHAPTER 54:DARKNESS
CHAPTER 55:CAVE
CHAPTER 56:THE WHITE AND BLACK BUTTERFLY
CHAPTER 57:THE LAST BEAD, THE LAST CHANCE
EPILOGUE
AUTHORS NOTE:

CHAPTER 40:THE RIDDLES

2K 137 9
By theblackescaper

Chapter 40:The Riddles

Ang Temple of the Dragons ay kilala rin sa tawag na the Volcanic Temple dahil ito ay ginawa sa mismong katawan ng isang malaking bulkan.

Ayon sa alamat ang Temple of the Dragons ay ginawa 3000 years ago para magbigay pugay sa diyos ng apoy na si Sappharius.

Ang diyos na si Sappharius ay isa sa mga diyos ng apat na elemento na bumubuo sa mundo.

Ginawa ang templo upang humingi ng tawad sa Diyos na si Sappharius dahil sa pagpatay at paghuli sa mga dragon.

Ang dragon ay ang simbolo ng kapangyarihan nya kung kaya't sa galit nya sa mga tao ay nagpaulan sya ng mga naglalakihang mga bulalakaw na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng kapaligiran.

Kung kaya't humingi sila ng tawad at gumawa ng isang templo na maaring maging tirahan ng mga dragon.

Sa ganoong paraan ay humupa ang galit ng diyos na si Sappharius kaya simula noon ay itinuring na itong Temple of the Dragons.

Hindi pa rin kami makapaniwala na makikita namin sa personal ang isang templo mila sa kilalang alamat.

"Dahan dahan lang ang pagpasok sa loob. Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa pagpasok natin" bilin sa amin ni Philip.

Dahan dahan kaming lumakad palapit sa templo habang palapit kami ng palapit ay natanaw namin ang isang tulay na kailangan naming tawirin.

"Safe ba yan?"tanong agad ni Ace.

"Sandali titignan ko"kumuha ako ng bato at binato sa tulay katulad ng mga napapanood ko dati sa mga palabas.

Nami-miss ko talaga ang manood ng TV pagwala akong ginagawang mga project sa bahay.

Nang nakita kong hindi naman nasira ang tulay.

"Sa palagay ko ay safe naman ang tulay at hindi agad agas na masisira"pagkukumbinsi ko sa kanila.

Sa palagay ko kinukumbinsi ko rin ang sarili ko dahil ngayon lang ako makakaranas na tumawid sa tulay na gawa sa baging mas sanay ako sa flyover.

"Sinong mauuna?"tanong ni Chielsea sa amin.

Nagkatinginan kaming lahat na para bang nagtuturuan ko sino ang mauuna sa pagtawid.

"Ako na ang mauuna" sabay na sabi ni Prince Royce at Prince Nathan.

"Sige ikaw na ang mauna"sabay rin nilang sabing dalawa.

Nagkatinginan sila na para bang inihintay kong sino ang mauuna na magsalita sa kanilang dalawa.

"Sabay na lang kayong tumawid na dalawa"biglang sabi ni Lucas.

Napatango naman silang dalawa at sabay na tumawid sa tulay ng makarating na sila sa dulo ay nakahinga na kaming ng maluwag.

"Sa palagay ko mas maganda na hatiin sa dalawang grupo ang pagtawid natin dahil hindi tayo sigurado kong gaano lang kabigat ang kaya ng tulay"suhestyon ni Prince Nigel.

"Tama ka sa sinabi mo ang gawin natin. Mauna si Lucas,Ako at Si Ate Daisy. Samantalang kayong tatlo naman ni Chielsea at ni Philip ang sabay sa pagtawid" sabi ni Ace.

"Per-"aangal pa sana si Chielsea pero agad syang pinutol sa pagsasalita ni Prince Nigel.

"Sang ayon din ako sa sinabi mo" nakangiti nyang sabi sa amin.

"Tara na Ate Daisy mauna na tayong tumawid" agad na tawag sa akin ni Ace.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili at mawala ang kaba.

Hinawakan ko na ang kamay ni Ace at dahan na naglakad papunta sa tulay

'Wag kang titingin sa ibaba'bulong ko sa sarili habang patuloy sa pagtawid.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating na ako sa dulo at nawala agad ang lahat ng takot ko.

Masyado kasing malalim ang bangin na nasa ilalim ng tulay hindi mo matanaw kung gaano ito kalalim dahil natatakpan ito ng mga ulap.

Pinagmasdan kong tumawid sila Chielsea habang nasa kalagitnaan sila ay nakita kong may ibinulong si Prince Nigel kay Chielsea na nakapag pahinto sa kanya sa paglalakad.

Pagkatapos ay wala sa sariling tumawid sa tulay si Chielsea kaya pagkarating nya dito ay agad akong nagtanong.

"Ayos ka lang?"alalang tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako"pilit nyang ngiti sa akin.

Hindi na ako nag usisa dahil alam kong hindi rin naman nya sasabihin kong ano ang kanyang problema.

Nang malapit na kami sa pintuan mg templo ay may biglang humarang sa harapan namin.

"Bawal kayong pumasok!!!"

Nagulat kami sa paglitaw ng isang dwarf sa harapan namin.

Nakasuot sya ng isang damit na gawa sa dahon at ang kanyang short ay gawa sa balat ng hayop.

Ang kanyang sumbrero at oanyang sapatos ay gawa rin sa naglalakihang mga berdeng dahon.
"Sino ka naman at bakit mo kami sinusundan?"usisa ni Chielsea.

"Ako si Billy ang tagapagbantay ng buong Green Valley at responsibilidad kong bantayan ang sinumang tao na pumapasok sa Green Valley" seryosong sagot nya sa amin.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin?"tanong ni Ace.

"Dahil gusto kong malaman ang pakay nyo sa pagpunta dito sa Green Valley. At ngayon ay nalaman ko na ang pakay nyo ay ang templo. Kailangan ko kayong pigilan sa pagpasok sa loob"

"Wag mong sabihin ikaw ang gate keeper ng templo"excited na tanong ni Chielsea.

"Tama ka nga ako ang gatekeeper ng templong ito. Upang mabuksan ang pintuan ay kailangan nyong sagutin ang limang bugtong na aking itatanong. Nais nyo bang sagutin ang mga bugging?"

"At ano ang kapalit kapag hindi nasagot ang mga bugtong?"agad na tanong ni Lucas.

"Sa bawat isang bugtong ang kapalit ay ang buhay ng isa sa inyo"nakakatakot na ngiti nya sa amin.

Nanlaki ang mga mata namin sa narinig namin kaya agad kaming nagpulong kung ano ang dapat namin gawin.

"Ano ang gagawin natin Ate Daisy?"kinakabahang tanong sa akin ni Ace.

"Masyadong malaki ang hinihinging kapalit sa pagsagot sa mga bugtong pero ito lang ang natatanging paraan para makapasok tayo sa loob at magawa ang ating misyon"

Napatango naman sila sa akin dahil alam namin na para makumpleto ang aming kailangan namin itong gawin.

"Pumapayag na kami"sagot namin sa kanya.

"Magaling! Ipapaliwanag ko sa inyo ang mga dapat nyong malaman sa pagsagot sa mga bugtong. Una ang bawat isa sa limang bugtong ay magbubukas ng limang kandado ng pintuan ng templo kaya kailangan masagot ng tama ang bawat bugtong"

Napatingin kami sa malaking pintuan ng templo ngayon lang namin napansin ang limang kandado na nasa pintuan.

"Ikalawa bibigyan ko kayo ng tatlong pagkakataon na magkamali sa bawat isang bugtong na aking itatanong. Handa na ba kayong sagutin ang limang bugtong?"

"Handa na po kami"desididong sagot naming pito.

"Ang unang bugtong Ano ang nakakatakbo pero hindi nakakalakad, may bibig pero hindi nakakapagsalita, may ulo pero hindi nakakatango, merong higaan pero hindi natutulog?"

Agad kaming napaisip sa bugtong mas mahirap pala ito sa inaakala namin.

'Nakakatakbo pero hindi nakalakad'

Iniisip ko ang ibig sabihin ng katagang ito at kung anong bagay ang pwedeng itulad dito.

"Kabayo!"biglang sigaw ni Ace.

Agad na umiling naman agad si Billy.

"Wag tayong mapadalus dalos"sabi sa amin ni Prince Royce.

"Ilog"wala sa sariling sabi ni Chielsea.

Nagulat kami dahil biglang tumunog ang gate at natanggal ang isang kandado.

"Magaling! Nasagot nyo ang unang bugtong"

Halatang hindi makapaniwala si Chielsea na tumama ang sagot nya.

"Paano mo nalaman na ilog ang sagot?"usisa ni Lucas.

"Dahil ang agos ng ilog ay nakakatakbo pero hindi nakakalakad. At ang ilog ay parang hulma ng isang bibig pero hindi nagsasalita. May higaan pero hindi nakatutulog tinutukoy nito ang lupa sa ilalim ng ilog."napatango naman kami sa paliwanag nya.

"Ang ikalawa ay 'Palagi akong gutom at agad na mamatay pag hindi pinapakain, ang kahit anong hahawakan ko ay agad na magiging pula, Ano ako?"

"Apoy" sagot agad ni Philip.

Agad na tumunog  ang pintuan at nawala ang ikalawang kandado.

"Ang galing mo Philip" nakangiting sabi ni Ace.

"Paano mo agad na nalaman ang sagot Philip"takang tanong ni Prince Nigel.

"Simple lang dahil ang kapangyarihan ko ay apoy" nginitian na lamang namin sya.

"Ang ikatlo'Meron akong Ilog pero walang tubig,merong bundok pero walang bato at mayroong bayan pero walang gusali.Ano ako?"

"Mapa!"biglang sigaw ni Ace.

"Alam mo Ac-"sesermunan sana ni Lucas si Ace dahil sa padalus dalos nyang pag sagot.

Bang biglang marinig nya ang pagtunog ulit ng pintuan at nawala ang ikatlong kandado.

"Ikaw-"hindi makapaniwalang sambit ni Lucas.

"Hanga ka na sa akin ngayon" pang aasar nya kay Lucas.

"Paano mo nalaman ang sagot Ace?" hindi pa rin makapaniwala si Lucas na tama ang sagot ni Ace.

"Simple lang dahil hawak ko ang mapa"pagpapakita nya kay Lucas ng mapa na hawak hawak nya.

Kitang kita ang mapanlokong nyang ngiti na halatang na nang aasar.

Hindi pa sana sya titigil sa pang aasar kung hindi nya narinig si Billy.

"Ikaapat 'Nakakasakit pero hindi gumagalaw at nakakalason pero hindi hinahawakan. Hawak nya ang katotohanan at ang kasinungalingan pero hindi inuhusgahan base sa kanyang laki. Ano kami?"

Pahirap ng pahirap ang bugtong sigurado ako na ang huling bugtong ang pinakamahirap sa lahat.

"Di kaya Libro ang sagot?" Bulong sa amin ni Lucas.

"Sige subukan mong sabihin"sabi ko sa kanya at agad din syang sumunod sa akin.

"Libro!"pero walang nangyari.

"Mali ang iyong kasagutan" agad na sabi ni Billy.

"Salita!"sabay na sabi ni Prince Royce at Prince Nathan.

Nagkatinginan sila pero natigil din iyon ng tumunog ang pintuan at nawala ang ikaapat na kandado.

"Magaling nasagot nyo ang isa sa mga mahirap na katanungan. Ito na ang ikalimang bugtong 'Pagmaraming beses itong ginamit, Mas marami ang naiiwan. Ano sila?"

Mas kaunti ang salitang ginamit sa paglalarawan kaya mas mahirap maintindihan ang kasagutan.

"Pambura" kompyansang sagot ni Lucas pero hindi pa rin gumalaw ang pinto kaya mali ang kanyang sagot.

"Tubig"sunod naman na sabi ni Prince Nigel pero mali rin ang naging sagot nya.

"Lupa"sagot rin Ace pero mali rin ang naging sagot nya.

Mas lalo kaming kinabahan dahil hindi na kami pwedeng magkamali sa susunod namin na isasagot.

"Bibigyan ko kayo ng 30 na minuto para isipin ang sagot sa aking bugtong" nakangiti nyang sabi sa amin.

"Ano ang isasagot natin?"Tarantang sabi sa akin ni Chielsea at pabalik balik na naglakad.

'Pagmaraming beses itong ginamit, Mas marami ang naiiwan. Ano sila?'

"Chielsea itigil mo nga yang ginagawa mo" iritang sabi ni Ace.

Napalingon naman ako kay Chielsea at tinitignan ang ginagawa nya.

May naisip ako habang nakatingin sa mga paa nya.

"Limang minuto na lang ang natitira sa inyo"

Mas lalo kaming kinabahan pero nag aalangan ako sa sagot ko dahil hindi ako sigurado.

"5.....

4....

3...

2..

"Hakbang!" Hindi siguradong sigaw ko kaya ipinikit ko ang aking mga mata.

Habang nakapikit ang aking mata ay narinig ko ang pagtunog ng pintuan.

Kaya sinilip ko at nagulat ako dahil nawala ang ikalimang kandado ng pinto.

Dahan dahan na itong nag bukas.

"Magaling nasagot nyo ang aking limang bugtong. Maari na kayong pumasok pero pakakatandaan na...

'Hindi lahat ng mukhang totoo ay totoo at hindi lahat ng hindi totoo ay hindi totoo'

•••
Thanks for reading my story!
Please vote and comment (^v^)















Continue Reading

You'll Also Like

39.4K 5.2K 118
Kenni and Snow died together by felling from a rooftop building while fighting with each other. At the same time they both were reincarnated in a dif...
16K 451 23
Waking up pregnant, Freya has to tell this shocking news to his boss slash the father of her child. But the only problem is, he is getting married to...
69.2K 4.4K 23
She can't remember anything.