Herrera Series 8: The Last He...

By KNJTHNDSME

275K 14.3K 1.2K

Alexa spent half of her life looking for her Mother's attention. She didn't understand why her Mother never p... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Filler
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44: Part 2
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
FILLER-SERA
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
A/N
SIDE STORY
SIDE STORY 2
SIDE STORY 3
Side Story 4

Chapter 16

4K 238 27
By KNJTHNDSME


Chapter 16

DAHIL hindi pa magaling ang paa ni Alexa ay nanatili muna siya sa bahay ni Nay Mina. Dalawang araw matapos siyang makalabas sa ospital ay hindi siya nakapagtrabaho. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit parang wala siyang gana.

It's been two days, yet Caleb never visit her. She knows that she shouldn't expect anything but..

Wyatt, Miko and Apollo visited her and gave her flowers and fruits. Why can't he? Kahit manlang sana presensya nito ay sapat na sa kanya. Pero hindi ito nagpakita.

Bumaling siya sa mga bulaklak na nasa mesa. Iba't ibang klase ng rosas ang naroon. But the pink and white roses that Wyatt gave stood up the most. It's very pretty.

If it's Caleb..

Napabuntong hininga siya. "What am I expecting from him, anyway? He's an asshole to begin with." Aniya saka humalukipkip. "Whatever. I am not going to talk to him."

"Malamang ay busy lang si sir Caleb." Singit ni Nay Mina na tiningnan ang temperatura niya. "May sinat ka na naman." Anito na may pag-aalala.

Dalawang araw matapos siyang makalabas sa ospital ay nag-leave muna ito sa mansyon upang maalagaan siya. Kahit hindi naman gano'n kalala ang nangyari sa kanya ay labis na nag-alala ang Nay Mina niya na tudo ang pag-aasikaso sa kanya. Parang katulad lang rin ng dati.

"Nay, responsibilidad niya ako. I mean, kahit manlang sana "kamusta" ay maibigay niya sa akin." Sinikap niyang hindi ipahalata ang pagtatampo niya. "He's my boss after all."

"Hayaan mo na." Ani Nay Mina na mukhang pilit na ipinipilit sa kanya na hindi mahalaga ang pagdalaw ng binata. "Ang mahalaga ay gumaling ka."

"Wala naman ho akong sakit."

"Anong wala?" Namamanghang ani nito. "Kakasabi ko lang na may sinat ka. Namamaga pa ang paa mo kaya hindi ka pa pwedeng maglakad. Mabuti nalang at mabait ang mayor at binilhan ka ng wheelchair."

Nang malaman ng mayor ang nangyari sa kanya, ay ito na ang nagpresinta na magbigay ng gamot at wheelchair at kung anu-ano pa sa kanya habang hindi pa niya kayang maglakad.

"Hmp! Syempre nagtrabaho ako sa ilalim ng anak niya, natural lang na bigyan nila ako ng compensation." Though this isn't enough.

"Ano gusto mo kainin?"

"Fruits." She pouted. "Iyong dinala ni Wyatt."

"Sige. Ipagbabalat kita."

"Salamat, Nay!"

Sinundan pa muna niya ng tingin ang ginang bago siya tumanaw sa labas ng bintana. Ang ngiti sa kanyang labi ay nawala nang maalala ang kanyang pamilya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nalaman ng mga ito ang nangyari sa kanya. Lalo na ang Lolo niya na tiyak na mag-aalala sa kanya.

But she remembered the last time they talked. It was bad and he said something bad to her. It hurt her no matter how she sees it. Kahit pa alam niyang hindi naman iyon ang ibig sabihin ng Lolo niya. Ngunit ang marinig iyon sa labi nito ay masakit sa kanya.

She knows his grandfather very well. Ever since she was young, her grandfather was the one who took care of them while their Mom was in a wreck. She knows how temperamental he is. And up until now, she is still scared of him.

She sighed.

Nasa ganoong sitwasyon siya nang marinig niya ang pagkatok ng pinto. Nasa silid siya ngunit bukas ang pinto kaya naman dinig niya iyon. Lalabas sana siya pero nakita niya ang Nay Mina niya na tumungo roon.

Babalik sana siya sa pagtanaw sa labas ngunit..

"Eros.."

Halos manigas siya sa kinauupuan nang marinig ang pangalan ng kuya niya.

Anong ginagawa nito sa bahay ng Nay Mina niya? Nasa isip lang niya ang mga ito at hindi niya akalain na bibisita ito sa kanya.

"Pasok ka, hijo." Malumanay ang boses ng ginang. Dinig niya ang tunog ng sapatos nito.

"Nasaan siya?"

"Sa kwarto."

Mas lumakas ang tunog ng sapatos na palapit sa kinaroroonan niya. Napalunok siya habang nakatingin sa pinto kung saan makikita niya ang kuya niya.

Nang makita niya ito ay inaasahan niyang seseromanan siya nito ngunit kaagad itong lumapit sa kanya at niyakap niya. Sa sobrang higpit ay nahirapan pa siyang huminga. "Thank God you're ok."

Naghalo halo ang emosyon niya. Masaya siya na makita ang kuya niya at nalulungkot dahil sa ganoong paraan pa sila nagkita. Pero nangibabaw ang kaligayahan sa puso niya dahil sa pangungulila niya sa mga ito.

She thought that if she could stay far away from them and live her life, she would get use to not see them for awhile. But now, she knew that she'll never be able to live without the presence of her siblings.

"Hindi ka ba galit sa akin?" Maiiyak niyang tanong rito.

"Bakit ako magagalit? I am rather worried of you. How can you not contact us when you got hurt?"

"Ayokong mag-alala kayo."

"Mas lalo kaming nag-alala." Lumuhod ito sa harap niya at hinaplos ang kanyang mukha. Kunot na kunot ang noo nito ngunit ang mga ekspresyon ay labis na nag-aalala. "You are my responsibility, remember? I told you, I'll be here whenever you need me."

"I am sorry."

"Look how pale you are."

"Inaalagaan naman ako ni Nay Mina."

Napabuntong hininga ito. "Alam ko. Pero kailangan mo paring ipaalam sa akin ang mga nangyayari sa'yo. Nasaan ang cellphone mo?"

"In my bag."

"Bring it with you whenever you go."

Tumango siya. "Alam ba nila ate Sera ang nangyari?"

Umiling ito saka muling bumuntong hininga. "I hate keeping secrets from her. But I know you don't want her to know."

"Thanks, kuya."

"I'll stay here for awhile."

"Paano si ate Rhianne at mga anak mo?"

"They're gonna be fine." Tumayo ito saka nagtungo sa kanyang likuran upang itulak siya palabas ng kwarto. "Alam nila na ikaw ang dadalawin ko."

Napasinghap siya nang makita ang mga dala nito na nasa sala at inaayos ni Nay Mina.

May mga pagkain, gamit at kung anu-ano pa na magagamit nila sa pang-araw araw.

"What is all this, kuya?"

"I know you don't want me to bring something. But, I can't help it. It's for Nay Mina."

"Sinabi ko rin na huwag na siyang magdala." Singit naman ni Nay Mina. "Pero heto at nagdala parin."

"Regalo ko para sa pag-aalaga mo kay Alexa."

"Hindi na alagain si Alexa. Sa totoo lang ay marunong naman siya sa gawaing bahay. Ayon nga lang, hindi niya bagay." Itinuro ni Nay Mina ang bakanteng silid. "Walang gumagamit diyan dahil wala naman ang anak ko, pwede mo gamitin kung mananatili ka rito."

"Salamat, Nay." Sambit ng kuya niya. "But I'll go out for awhile. Meron lang akong pupuntahan."

"Saan?" Kunot noong tanong niya.

"Aki and I are business partners now. I think rather than being a doctor. I should explore something in business." Saad nito saka tumingin sa salamin. "We will meet with his cousin in a resort in fifteen minutes."

"Oh, right. No wonder you're dressed up."

"I'll be back later." Dumukwang ang kuya niya upang gawaran siya ng halik sa noo. "You should go out to get some sun. You're pale." Anito bago tuluyang umalis.

MALALIM ang buntong hininga na pinakawalan ni Caleb habang nakatanaw sa asul na dagat. Hindi siya mapakali at gusto na niyang tumayo sa kanyang kinauupuan sa labis na pagkabagot.

Nasa bahay siya kanina at masayang sino-solo ang atensyon ni Scarlet nang guluhin siya ng tatlo niyang kaibigan. Pinilit siya nitong sumama dahil sa isa siya sa mga kasusyo ng mga ito sa bubuksang pub na malapit sa resort kung saan sila ngayon.

Ayaw sana niyang iwanan si Scarlet dahil mag-isa ito sa bahay. But Wyatt, Miko and Apollo was so excited for the new opportunity that has miraculously landed on them. He knows that Wyatt has a hot shot cousin who owns company in Manila, but he isn't the one they were so excited to meet. Apparently, the other businessman is way more of a big deal.

Isang malaki at kilalang tao na siyang dahilan kung bakit ang mga kaibigan niyang walang pakialam sa kasuotan ay ngayo'y presintableng tingnan.

They are in their suit and they're hair are comb properly. They even wear a strong perfume. Animo'y blind date ang kanilang pupuntahan.

Tuloy ay nasa kanila ang atensyon ng mga naroon sa loob ng restaurant, lalo na ang mga babae na mukhang interesado sa kanila.

He grunted annoyingly. "Anong oras sila darating? Mukhang nagmumukua tayong desperado. I think we can open a pub without their help. We have money!"

"It's not about money, Caleb." Sabi ni Wyatt. "It's about connection. We need someone who can back us up incase we went bankrupt. We need investors that has more knowledge about business. Iyong alam kung paano paikutin ang pera."

"Wyatt is right." Sabat naman ni Apollo. "I heard that Wyatt's cousin is really a professional businessman. He also got involved in some mafia thingy that cause his girlfriend to die—"

"You shouldn't bring that up when he is here." Sumama ang mukha ni Wyatt. "Up until now, hindi pa siya nakaka-move on. He is alright in the outside but he is dying in the inside. Atleast be mindful not to cross the line. We are here for business."

He tsked. "E kung gano'n nasaan na sila? We've been waiting here for one hour. I want to go home!"

"Chill, Caleb." Puna ni Apollo sa kanya. "This is a big catch. If you blow it, I will punch you."

"I will bury you alive." Segunda naman ni Miko na siyang loko loko sa kanila. "I heard the other guy has an empire of their own."

Wyatt chuckled. "He is a doctor. His grandfather has an empire. He is keeping his low profile because he doesn't want attention."

"Oh wow!" Buong paghangang hiyaw ni Miko dahilan para mapangiwi siya.

"Stop being a cringe, Miko. Parang hindi ka sanay na makarinig ng ganoong klase ng tao." Aniya pero hindi siya nito pinansin.

"Meron ba siyang apong babae? Like someone I can marry off to? Dude, I want to sleep in a pile of gold!"

"Well, unfortunately, all of his grand-daughter are already married—except for two." Malapad ang ngiting sagot ni Wyatt habang ang mga mata nito ay may kislap.

"Come on, man! Since your cousin and that  heir are friends, you must know them! Share the information, man!"

Hindi na nagsalita pa si Wyatt sa pamimilit na Miko. Tumayo si Wyatt na nakatanaw sa pinto dahilan para mapalingon rin sila.

Ang kaninang pagkairita na kanyang naramdaman ay biglang nawala. Napalunok siya sa presensya ng dalawang lalaki na naglalakad palapit sa kanila.

Damn! He said to his self.

Those two seems to be the definition of a greek God or something. The other man is taller than the other and is wearing a black polo that is unbotton. Under the polo is a white sando that fits his body perfectly. He is also wearing a black sunglasses and his hair are undercut and red. Even his beard are red. Sa kamay nito ay may tattoo ng isang ahas na may kutsilyong nakatarak sa bunbunan nito.

Napalunok siya nang maalala si Alexa.

And the other guy looked more professional. He is on his white long sleeve paired with a black slack pants and a black shoes. His hair is very neat and his face is clean. He shaved. He noticed that his eye color are very nice and he look foreign too. The guy is a bit taller than him but Caleb is more masculine than the man. But when it comes to face, probably the man is five step ahead of him.

"Do you think we overdid our clothes?" Dinig niyang bulong ni Apollo.

"I guess." Impit na tugon ni Miko.

Lumapit si Wyatt sa pinsan nito at nakipagkamay. "It's nice to see you again, kuya."

Ngumiti ang lalaki. "It's been awhile." Anito saka iminuwestra ang kasama nitong lalaki. "This is my friend, Eros Herrera."

"H-Herrera?!" Sabay na wika ni Apollo at Miko.

Inilad ni Eros ang kamay kay Miko at nagpakilala. Gano'n rin ang dalawa na mukhang hindi makapaniwala sa kaharap. Bumaling si Eros sa kanya ngunit ang ekpresyon nito ay biglang nag-iba. "I'd been dying to meet you, Mr. Montefalco."

Para siyang nilalamon ng buhay sa uri ng titig nito. At nang tanggapin niya ang kamay nito ay halos mapangiwi siya sa biglaang pagpisil nito sa kanyang kamay. The guy look intimidating aswell. Hindi niya alam pero tumayo ang balahibo ng kanang kamay niya.

Damn this guy! How can he be so strong? He is more masculine than Eros. "The pleasure is mine, Mr. Herrera. I heard so much about you from Wyatt." Pilit ang kanyang pag-ngiti.

"Well, you only heard a little or else you would be begging for my forgiveness right now." Anito na may ibig ipahiwatig.

What is he talking about?

"I heard your father is a mayor of a city."

"Yes."

"I see. I guess you'll enter politics too?"

Sumama ang kanyang tingin. "No."

"Is that so?" Tumango tango ito pero alam niyang hindi ito interesado. Binitawan nito ang kamay niya at madali niya iyong minasahe.

Sabay sabay silang umupo sa mahabang mesa at doon sinimulan ang business proposal. Muling nagtama ang mga mata nila ni Eros Herrera at hindi niya alam kung bakit para bang may tensyon na namumuo sa kanila kahit ngayon palang sila nagkakilala.

Umabot ng dalawang oras ang kanilang pag-uusap at lahat sila ay nagkasundo sa plano. Ngunit siya ay tahimik lang sa gitna ng kanilang pag-uusap.

Nang matapos sila ay napag-desisyunan nila na lisanin ang restaurant at magtungo sa isang bar upang uminom ng bahagya.

Sinadya niyang magpahuli upang iwasan si Eros ngunit halos mapapitlag siya nang magsalita ito sa likuran niya. Labis ang kaba na kanyang naramdaman habang hawak ang kanyang dibdib.

"Goodness! Are you a secret agent or something?! You scare the hell out of me!"

"I am glad my presence is affecting you." Walang emosyong anito. "I'll cut to the chase. I don't like you and I will never like you in the near future."

"I guess, the feeling is mutual." Kung anuman ang dahilan kung bakit ayaw siya nito ay wala siyang pakialam. "Let's just do business here, Mr. Herrera. I am just nice because I don't want to screw this up for my friends. Pero kung ako ang tatanungin, I couldn't care less if you invest or not to our business. I think we can survive without a penny from you."

Peke ang naging pagngiti nito. Lumayo ito sa kanya upang bigyan sila ng mahabang pagitan dahil sa namumuong tensyon. "We'll see about that, Mr. Montefalco. Business is fierce, you know? Doktor ako pero alam ko kung paano gumalaw sa mundo ng negosyo. You might not need a single penny from us now, but sooner or later, you'll see how business world work. I don't want to crush your pride right now since you act high and mighty, but please, don't come to me begging for something when the time comes."

"Are you saying you're not gonna invest? After all the talk back there?" Tiim ang bagang na aniya.

"Mag-iinvest ako. Pero hindi sa pangalan mo. You are just a co-founder. Wyatt and the rest seems to be more reliable."

"Looks like you are the type of person who judge first, huh?"

"I just want to see my money rolling, I guess." Kibit balikat na anito. "Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ayaw ko sa'yo. I am not saying this as a businessman. I am saying this because my guts told me so."

"What are you saying, man?" Inis na tanong niya. Kuyom na niya ang kanyang kamao dahil sa inis na nararamdaman sa kaharap. "I don't know what have I done to deserved such treatment. Whatever it is, I don't care. Just fuck off."

"I will. Huwag mong kakalimutan ang sinabi ko. I don't want you coming at me begging."

"Yeah, whatever!" Sambit niya saka iniwan na ito bago pa dumapo ang kanyang kamao sa matigas nitong pisngi. Sinikap niyang huwag magpaapekto sa sinabi nito dahil alam niyang may hangganan ang kanyang pasensya.

A/N: Pasensya na po sa mga nagtatanong sa akin, hindi ko po kayo masagot kasi sobrang busy po sa trabaho. Susubukan ko po magreply sainyo pero hindi po ako mangangako.

Salamat po sa pagbabasa at pasensya na po sa late update

Continue Reading

You'll Also Like

862K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...