Arra's POV
"Lolo, itutuloy pa rin ba natin? Wag na lang kaya?"
Nasa likod ako ngayon ni Lolo na nakaharap sa bintana. We are talking about matters mula kanina pang umaga habang nagbrebreakfast and now he's with his favorite wine.
Humarap siya sa akin at tiningnan ako nang matalim. "All through these years, you still want him? Seriously Arra?"
"He's my best friend. Yes, I agreed with your plan before kasi sobra akong nagalit sa kanya because all this time, hindi ko pa rin makuha yung same attention na binibigay niya kay Rita noon."
Mukhang lalo siyang nagalit sa akin. Lumapit siya sa akin. Itinaas ni Lolo ang hawak niyang wine glass at bigla na lamang ibinato ito sa wall, dahilan parang magsplatter all over his office ang natapong wine doon with the pieces of the glass.
"What the.....hanggang ngayon inggit pa rin sa kapatid mo ang nandiyan sa'yo? Matagal na siyang wala pero pinagseselosan mo pa rin siya!!!!"
"She's alive!"
Nagulat si Lolo sa sinabi ko. Medyo nagsisi ako sa nabanggit ko. This is not yet the right time.
"Ano???" ngayon naman ay niyuyugyog ni Lolo ang balikat ko habang mahigpit itong nakahawak.
"It's hurting" pagmamakaawa ko dahil mukhang ayaw bitawan ako ni Lolo. Nanginginig ang buo kong katawan.
"Repeat what you said? Buhay si Rita?"
Ayokong bumalik si Rita sa buhay namin, sa buhay ko. I stood firm. "That's exactly the reaction that I was waiting for. And hindi nga ako nagkamali, kahit ilang years nang wala ang kapatid ko, siya pa rin ang gusto mong hanapin, it's as if siya lang ang anak ni Dad."
Binitawan niya ako nang patapon na kamuntikan na akong napaupo sa sahig.
"The moment that you'll utter that joke in front of me again, I'll cut you off from our surname!!"
Tumalikod na siya sa akin at muling humarap sa bintana.
"Leave!" utos niya sa akin. "I said leave!!" nang maramdaman niyang hindi pa ako kumikilos. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan pero pinilit kong lumabas ng office niya at nag-aktong parang walang nangyari.
Mas lalong sumidhi ang galit ko sa kapatid ko. Hindi ko na hahayaang makabalik pa si Rita sa buhay namin. Minsan nang sumaya ang relationship namin ni Lolo and I know na anytime magbabago ulit yun once na makita nilang buhay si Rita. I had made the act before, I can always do that again.
Ken's POV
"Hello? Arra?"
Nagulat ako na may isang pamilyar na number ang nagregister as calling sa phone ko.
"Hey. You missed me?" sabi sa kabilang linya. "Punta ka sa lounge, I'm here."
"Wow talaga naman. Tapos na yung vacation mo?"
"Yeah, I wanted to go back to being the best neurosurgeon in the world"
Mga ilang buwan na din na hindi nagduduty si Arra. Akala ko nga bumalik na ng ibang bansa at doon na nagpractice eh pero nagbakasyon lang naman pala sa Boracay. Buti na lang din at medyo maluwag na ang restrictions ng IATF.
Pagpasok ko ng lounge ay sinalubong ako agad ni Arra at kumapit sa leeg ko.
"Doc Arraaaa......aray ko" bulalas ko dahil sa gulat.
"Ano ka ba. Wala naman ibang tao dito kundi tayo lang, wag na mag Doc. Ang pormal naman kasi eh."
"Hala not following the rules."
Ngayon ay masaya kaming nagkakape sa pantry. Maraming napagkwentuhan mula nung nagbakasyon siya at hanggang sa naikwento ko na nga yung tungkol kay Mia.
"Arra.... may girlfriend na 'tong bestfriend mo" buong ngiti kong bungad.
"Weh? Ikaw magkakagirlfriend. Eh ako nga matagal nang nanliligaw sa'yo, di mo masagot tapos ngayon may girlfriend ka na?" anong sinasabi nito? hahahah
Kumunot ang noo ko. "Patawa talaga 'tong bestfriend ko. May girlfriend na nga ako and it's nearly six months nang kami."
"Talaga? Maniwala? Patingin nga ng picture niyo together?"
Buti na lang nakapag first monthsary na kami so may picture na akong maipapakita, di tulad noon sa condo niya, noong panahong di pa naman kami.
"Ito oh." sabay abot sa phone ko sa kanya.
Arra's POV
Nagulat ako sa photo. Di ako pwedeng magkamali. Siya yun. Siyang-siya talaga.
"Who is she?" maingat kong tanong.
"Love of my life. She's Mia Sarmiento."
Mia Sarmiento? Now she's using other name, but why?
Biglang tumunog ang phone ni Ken at nagregister ang pangalang Mahal. Nag-excuse siya parang sagutin ang telepono.
"Ahh oo mahal. Andito ako sa lounge ngayon. Dali, papakilala ko bestfriend ko sayo." narinig kong huli niyang sambit sa telepono bago niya ito ibaba.
Hindi pa ako ready na harapin siya. I tried na magpaalam na pero nag-insist si Ken na magstay ako. No choice ako basta pagdating talaga kay Ken.
Pagbukas ng pinto ay sinalubong siya ni Ken ng isang halik sa lips. Kainggit.
"Mahal, halika papakilala ko bestfriend ko sayo."
Hinatak niya sa Mia papalapit sa akin. Hindi ako pwedeng magpahalata.
"Hi." napilitan na akong mag-angat ng tingin sa kanya. "Oh you!" sabi niya.
"Mahal, si Arra pala bestfriend ko. Wait you know her?"
Ngumiti naman si Mia sa kanya.
"Uhm yes. Sa Asian resto right?" pagbaling niya sa akin. "So Arra is your name. I'm Mia by the way. Nice to meet you, Sunrise."
Nagulat ako sa sinabi niya. Sunrise? Nakikilala niya ba ako. Rita calls me Sunrise before 'coz she's the Sunset.
"S-sunrise? You called me Sunrise?" kabado kong tanong sa kanya.
"Yes. Diba you told me that you love sunrise more than sunsets. So I called you Sunrise and I might be the Sunset, I guess?" ang ganda ng ngiti niya habang sinasabi ito. Sure ako, she knows me plainly because she just met me at that restaurant.
"Wait. Asian resto? You mean the same Asian resto na favorite nating puntahan?" pagbaling ni Ken kay Mia.
"Yes. I was just waiting for Kuya there when I suddenly bumped into her." pertaining to me "Sorry pala ulit. Since childhood bestfriend pala kayo nitong boyfriend ko, soooo friends?" inilahad niya sa akin ang kamay niya para makipagshakehands. Kabado man ang loob ko ay iniabot ko rin ang kamay ko.
Dahil medyo naawkward at naiinggit na ako sa sweetness nitong dalawa ay tuluyan na akong nagpaalam na umalis.
Pagkalabas ko ng lounge ay agad kong kinuha ang phone ko at may tinawagan.
"Hello?"
"Ohh bigla-bigla ka namang tumatawag" sabi sa kabilang linya.
"Are you ready for the heat wave? I'm damn so ready!"
"Game!"
Excited ako sa mga susunod na mangyayari. I will never ever let you to be happy while I lived all these years in misery and hungry for acceptance ni Lolo. I'll make sure of that, my baby Sis!
-------
A/N Sorry sa very late update.
-------
SNEAK PEEK SA NEXT CHAPTER?
Mag-uumpisa na po ang gulo.