When Tears And Rain Collabora...

By Diwtty

1.1K 124 5

Status:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522 More

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
IttΚΌs

16

27 4 0
By Diwtty

Malakas ang ulan at ang tanging maririnig ay ang malakas na pag bagsak ng ulan. Sa subrang lakas ay nawalan ng kuryente kaya naman nakakapit ako sa aking kumot. Mag isa lang ako ngayon sa kwarto dahil inasikaso ni Dew si Lalaine. Baka daw kase madulas.

Umayos ako ng pag kakahiga. Sinusubukan kong matulog pero hindi ako makatulog man lang. Hindi ako mapakali sa bagay na hindi ko alam kung ano.

Ang bilis din ng tibok ng puso ko kahit hindi naman ako hinihingal.

Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako doon. Nag pop ang pangalan ni Janelle kaya mabilis kong inabot ang selpon ko kahit hindi ko naman talaga abot.

"Elle, Napatawag ka?" Tumayo ako at inalis ang kumot. "

"Ate, Pumunta ka dito sa bahay" Hearing Jonelle voice makes me nervous.

"Bakit?Asan si Janelle? Bakit hawak mo ang cellphone niy--"

"Pumunta ka na lang dito, ate" Pakatapos niyang sabihin iyon ay tinapos niya ang tawag kaya naman nag madali akong kumuha ng jacket sa closet at iniwan ang cellphone sa kama. Hindi ko pa alam kung anong nangyayari pero kailangan ko mag madali dahil mas lalo akong kinakabahan.

Pag labas sa kwarto ay kinuha ko ang susi ng kotse ko. Hindi na ako nakapag paalam pa kay Dew dahil sa subrang pag mamadali. Wala akong nasa isip kundi ang mag madali at mapuntahan ang kapatid ko. Nang makalabas ay kaagad kong nilapit ang kotse ko. Binuksan ko iyon saka tinakbo ang gate para buksan yun at makadaan na din ako.

"Jas! What are you doing?" Rinig kong sigaw ni Dew pero hindi ko iyon pinansin. Nag madali akong pumasok sa kotse at saka ipinaharorot iyon palabasng gate. Im sorry but my sister needs me, Dew.

Tumingin ako sa rare view mirror kung saan kita ko si Dew. Malungkot ang kanyang mukha na kinalungkot ko lalo.

"Asan si Janelle?" Kaagad na tanong ko ng makapasok ako sa bahay. Lahat sila ay malungkotna napalingon sa akin. Si papa ay nakaupo sa sofa habang hawak ang kanyang dibdib.

Lumapit ako sa kanya. "Pa, Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko.

Umiling siya at itinuro ang pinto ng kwarto ni Janelle. "M-mag p-papakamatay ang kapatid mo" Napatingin ako sa pinto na tinuturo niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatakbo papunta sa tinuturo niya. Sinubukan kong buksan iyon pero naka lock.

"Janelle, Its me, ate Jastine" Mahina at sapat lamang na sabi ko para marinig niya."Buksan mo ʼtong pinto" I didn't hear anything.

Naramdaman ko na lang ang pag lapit ni Papa
Kasabay ng pag hawak niya sa balikat ko. Lumingon ako sa kanya at kita ko ang subrang lungkot sa kanyang mga mata. Parang bigla tuloy akong nanghina.

"Ikaw lang ang pag asa ko, Anak" Tumulo ang luha niya sa kanyang nata kaya naman napakagat labi ako. Makita palang na umiiyak si papa ay parang talo na kaagad ako sa laban...parang nawawalan na ako ng lakas.

Dahan-dahan ay tumango ako sa kanya.Inihatid ko siya sa kanyang kwarto at pinahingi. Ako na lang ang gagawa ng paraan kung hindi naman ako kayang tulunga ni Ate. Bumalik ako sa harap ng kwarto ni Janelle. Nakalock parin iyon kaya naman kumatok ulit ako ng ilang beses.

"Janelle, Nakiki usap ako, buksan mo na ito"
Muli kong sinukang buksan ang pinto. Hindi parin mabuksan! Kunti na lang ay sasabog na ako sa subrang inis at halo-halong emosyong nararamdaman ko.

Hindi niya parin binuksan kaya naman kumuha ako ng bagay na pwedeng makasira sa pinto. Mabuti na lang ay gumana kaya nakapasok ako sa kwarto ni Janelle.

Umiiyak siya at nakatakip ng kumot ang buo niyang katawan kahit subrang init naman ng panahon. Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan siya ng umiwas siya sa akin.

"Huwag mo akong hawakan! Kadiri ako! Nandidiri ako sa sarili ko!" Habang sinasabi niya iyon ay panay ang pag kurot niya ng sarili niya. Sa subrang pag kurot ay nag kasugat sugat na ang lahat ng katawan niya. May pasa din ang mukha niya na siguro ay ginawa niya din. "Kadiri ako.. Nakakadiri ako" Paulit ulit na wika niya.

"Elle, Ano bang nangyayari? Sabihin mo naman sakin" Sinubukan ko paring lumapit sa kanya kahit umiiwas siya. "Ate mo ako kaya sabihin mo kung anong problema mo" Galit siyang tumingin sa akin kaya natigil ako.

"Wala akong ate na hinahayaang babuyin ako! Lumayo ka sakin! Hindi kita ate!" Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag sasabi niya, basta ang alam ko lang ay kailangan ko siyang maintindihan dahil ayukong mag alala ng subra si papa.

Ayukong mag ka problema siya dahil takot ako na baka mas lumala lang ang sakit niya.

"Hinayaan mo akong babuyin ako.. Kahit nakikita mo naman ang ginagawa ng asawa mo, hinahayaan mo.. Sinubukan kong mag sumbong kahit alam mo naman na, pero wala kang ginawa... Hinayaan mong galawin ako ng asawa mo.. Ang sama mo ate at diring diri ako sa sarili ko....nakakadiri ako" Dahil sa sinabi niya ay napatakip ako ng bibig. Nasabi niya na ang gusto kong malaman at hindi ako makapaniwala sa pag amin niya.

"Si ate Jastine lang yung napupuntahan ko sa tuwing binababoy ako... Pero hindi ko din masabi dahil takot ako" Iyak siya ng iyak at wala akong magawa kundi ang tignan siya. Nanginginig ang tuhod at kamay ko. "Demonyo ka ate Jasmine.. Kayo ng asawa mo" Finally, nalapitan ko na din siya at nayakap ng mahigpit. We're both crying now.

Bakit ba nangyari ito sa kapatid ko?

Sa subrang pag iyak ay nakatulog siya. Inihiga ko siya sa kama niya at ginamot ang mga sugat niya. Pakatapos ay lumabas ako ng kwarto at binilinan ang lalaking kapatid ko na aalis lang ako saglit.

Kailangan kong makausap si ate. Kailangan ko siyang tanungin kung totoo ang mga pinagsasabi ni Janelle dahil kung totoo iyon, hindi ko alam kong kaya ko pa ba siyang tanggapin bilang ate.

Nang makasakay ako sa kotse ay saktong tumawag si Dew. Sinagot ko agad iyon dahil alam kong nag aalala din siya sa akin.

"tangina naman, Jastine! Kanina pa kita tinatawagan at ngayon mo lang nasagot? Nasaan ka ba? Umuwi ka na, gabi na" Sunod sunod na tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim saka nag salita. "Hindi ako uuwi, Dew" Mahinang sabi ko. "Kailangan ako ng kapatid ko, Uuwi ako bukas" Walang emosyong sabi ko.

"Kailangan din kita, Jas" Malungkot na sabi niya kaya naman napapikit ako.

"Bukas, Dew, Bukas" Pakatapos sabihin iyon ay tinapos ko kaagad ang tawag. Para kasing pag naririnig ko ang boses niya, parang mas lalo akong nanghihina. Oo, siya ang lakas ko, pero hindi ko alam kung bakit biglang hindi na.

Mabilis kong pinaharorot ang kotse ko papunta kila ate. Antok na antok na ako at ramdam ko ang pag ikot ng paningin ko. Hindi ko alam kung bakit kaya hinayaan ko na lang muna.

Pag karating sa bahay nila ay sarado na ang mga ilaw. Gabi na din kase at mabuti na lang tumila na ang ulan. Nag door bell ako ng ilang beses hanggang sa buksan iyon ni Ate kahit kitang kita ang inis sa kanyang mukha dahil yata naistorbo ko ang pag tulog niya.

"Ate" Walang emosyong wika ko.

Lumunok siya at pilit na ngumiti. "J-jastine" Bakit ka nauutal ate? Takot ka ba? Gusto ko sanang sabihin pero mas pinili kong maging kalmado. "Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na, Jas"

"Kailangan kitang makausap" Sabi ko at saka pumasok sa loob kahit hindi naman niya ako pinapapasok. "Totoo ba?" Tanong ko ng humarap ako sa kanya.

Kita ang kaba sa kanyang mata. "Ang alin?"

"Totoo bang binababoy ng asawa mo ang kapatid natin?!" Hindi ko na napigilang hindi mapasigaw. Subra na yung galit na nararamdaman ko at kunti na lang ay handa ng sumabog. "Gago ka ate, kapatid natin yun, ate ka tapos ganon lang? Hayop kayo"

"Hindi ko alam ang pinag sasabi mo!" Akmang papasok na siya sa loob ng bahay niya ng hilain ko ang kamay niya pabalik. "Bitawan mo ako" Galit niyang sabi.

"Kakasuhan ko ang asawa mo at isasama kita" Binitawan ko ang kamay niya at saka tinalikuran siya. Pero hindi pa man tuluyang nakatalikod ay nag salita siya.

"at ipapanalo ko iyon hanggang sa maubusan ka ng pera, Jas"

Hindi ako umuwi ng gabing iyon dahil sa sakit na naratamdaman. Pakiramdam ko yung pamilyang matagal kong iniingatan ay unti-unti ng nasisira. Tulala akong pumasok sa bahay at hindi pinansin si Lalaine na nakaupo sa sofa habang kumakain. Dalawang araw akong hindi nakauwi dahil gusto kong mapag isa. Alam kong subrang saya niya ng wala ako dahil nasolo niya si Dew.

"Bakit ka pa umuwi?" Napatingin ako kay Dew. Pulang pula ang mata niya dahil yata sa subrang pag iyak.

Lumapit ako sa kanya at sinubukang hawakan pero lumayo siya sa akin. "Hindi ka na sana bumalik, Jas" Tinalikuran niya ako saka pumasok sa kwarto. Naiwan akong natulala at nag iisip.

Anong nangyayari?

Kahit madaming katanungan sa isip ay nakapag linis parin ako ng sarili ko. Kailangan kong bumalik sa bahay dahil kailangan ako ng kapatid ko. Kailangan ako ni papa at ng pamilya ko.

Wala akong ginawa kundi ang asikasuhin sila dahil mas mabuti na iyon kesa naman ang iwan sila. Ngayon na kailangan nila ako ay gusto kong iparamdam sa kanila na nandito lang ako.

Nag sampa na din ako ng kaso sa ate ko at sa asawa niya. Hindi iyon alam ni papa dahil ayukong dagdagan pa ang problema niya. Lagi ko din siyang sinasamahan sa pag che'check up at si Janelle naman ay okay okay na kahit papaano. Si Jonelle ay sinabihan kong mag aral ng mabuti dahil in the near future ay kakailanganin ko siya.

Si Dew?

Lumalayo na sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Lagi siyang busy sa trabaho at sa pag aalalaga kay Lalaine. Wala na akong panahon pang maiinggit sa kanya dahil saakin parin naman si Dew. Pero sa akin parin ba talaga siya?

Ang bilis lumipas ng panahon. Dalawang buwan ang lumipas ng wala akong ginawa kundi ang alagaan ang pamilya ko. Umuuwi parin naman ako kay Dew pero bihira na lang dahil gabi gabi ay umiiyak parin si Janelle.

"Kapag nawala ako, gusto kong huwag kang umiyak" Minsa ay nasabi sa akin ni Janelle.

Tinaasan ko siya ng kilay at handa ng paluin ang braso niya ng umiwas siya.

"Mauuna ako sayo dahil matanda ako sayo, Janelle" Kahit pabiro lang iyon na sabi ko ay totoo naman.

"Huwag kang umiyak dahil malulungkot ako lalo, Ate" Dahil sa sinabi niya ay naluha ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Kapag gusto mong umiyak pero ayaw mo naman, huminga ka lang ng malalim at tumingala sa langit." Nang gabing iyon ay nag usap kami ng nag usap. Nasa itaas pa kami ng bubong noon habang tinitignan ang mga bituing may sarisariling liwanag na ibinibigay.

Continue Reading

You'll Also Like

32.3K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
23.3K 623 11
Meet Jalal(jkj)the criminal man
336K 19.4K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
15.6K 461 30
Aryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from that past, she's acting like a numb and...