The Bad Boy's Love (Published...

By blue_maiden

88.2M 2.1M 751K

[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo... More

Prologue
Chapter 1: City of love
Chapter 2: Dream or love?
Chapter 3: J's Graduation
Chapter 4: And she's back
Chapter 5: Long time no see
Chapter 6: Papa Jeydon
Chapter 7: Inuman session
Chapter 8: Going back
Chapter 9: The party
Chapter 10: Hello wedding bells
Chapter 11: Under the moon
Chapter 12: Job hunting
Chapter 13: First Night
Chapter 14: If only
Chapter 15: For a change
Chapter 16: Bridal Shower
Chapter 17: Dark past
Chapter 18: One step closer
Chaptet 19: Stag Party
Chapter 20: Changes
Chapter 21: Hold on
Chapter 22: Day to Forever
Chapter 23: The Wedding
Chapter 24: Secret House
Chapter 25: Premonition
Chapter 26: Best Friends
Chapter 27: Sayang
Chapter 28: Hindi itinadhana
Chapter 29: Welcome
Chapter 30: Bye Jeydon
Chapter 31: Durian
Chapter 32: In laws
Chapter 33: Hongkong Part 1
Chapter 34: Hongkong Part 2
Chapter 35: My boo
Chapter 36: Come back home
Chapter 37: Welcome home
Chapter 38: Someone like you (Part 1)
Chapter 39: Someone like you (Part 2)
Chapter 41: Being a daddy
Chapter 42: The Player's wedding
Chapter 43: The Fighter's battle
Chapter 44: Rest in Peace.
Chapter 45: Goodbye and Hello
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note
TFBBAM BOX SET PRE-ORDER

Chapter 40: He's coming

1.4M 42.2K 12K
By blue_maiden

Jeydon's point of view.

"PUWEDE BA LUMABAS ka muna dito?" tanong ni Candice. Sa boses pa lang niya halatang iritang irita siya sa akin. Nakita ko na 'to. Oo ilang buwan nang ganito. Napabuntong hininga na lang ako at saka ako lumabas ng kwarto. Hindi ko na alam kung ano bang dapat gawin. Siguro kailangan ko na lang sanayin ang sarili ko.

Dumiretso ako sa sala para humiga sa sofa namin. Tinawagan ko agad si Marky.

"Kie! Help!" bungad ko agad.

"Ano na namang nangyari?" tanong niya na parang alam na niya kung anong nangyari. "Ayaw ka na naman bang kausapin ni Candice?" tanong niya.

"May bago ba?" pagbibiro ko na lang sa kaniya. "Palagi naman eh, hindi ko nga alam kung asawa pa rin turing niya sa 'kin." Napabuntong hininga na lang ulit ako.

Hindi na siya nagulat sa sinabi ko dahil halos dalawang buwan nang ganito sa 'kin si Candice. Sabi nila baka raw pinaglilihian lang ako kaya hinahayaan ko na lang kaso nakakapagod din pala. Buti na lang palaging nandiyan si Marky at si Sabrina.

"Ayaw na naman niya akong kausapin. Nagsusungit na naman pre," frustrated kong sabi. "Nahihirapan na talaga 'ko. Pinakain ko lang naman siya ng malunggay soup kasi makakabuti daw sa kaniya 'yon, pero mas gusto niya kumain ng ice cream." Napatitig na lang ako sa kisame habang kinakalma ko ang sarili ko.

"Jaydee, konting tiis pa. Ilang araw na lang naman lalabas na ang anak n'yo. Ngayong week na 'yong due date niya, hindi ba? Papunta na kami diyan ni Sabrina," sagot niya. Narinig ko nga 'yong boses ni Sab.

"Pasensya na sa abala, Kie. Ang laki ko ng pabigat sa inyo ni Sab," frustrated ko pa ring sabi.

"Sira. Wala 'yon. Para saan pa at mag-best friend tayo?" masaya niyang sabi. "Sige na. We'll be there in thirty minutes."

Kinain ko na lang 'yong pagkain na niluto ko. Naiintindihan ko naman si Candice. Baka naglilihi lang talaga siya sa 'kin at baka dahil sa kondisyon niya kaya sobrang sensitibo niya. Sabi rin sa 'kin ni Mom at Mama gano'n daw talaga 'yong ibang babae. Hindi ko lang minsan maiwasan na mahirapan. Sa lahat na lang ata ng ginagawa ko mali para sa kaniya. Ako 'yong taong walang pasensya, pero natutunan ko na lang habaan 'yon para kay Candice. Gano'n naman dapat ang asawa, understanding.

"Jeydon?" Tumayo agad ako no'ng marinig ko ang boses nila Marky. Pinagbuksan ko agad sila ng pinto. "Kaya pa? You look stressed," bungad ni Sabrina. Ngumiti na lang ako sa kaniya.

Pumasok sila sa loob ng bahay. Si Sab, dumiretso sa kwarto ni Candice dala dala 'yong malunggay soup na niluto ko.

Huminga muna akona ng malalim. Sab's right, I'm freaking stressed but I don't mind as long as it's because of my wife. Kahit magmukha pa akong pangit dahil sa pagiging stressed ko.

"Kaya mo pa?" tanong ni Kie.

"May hindi ba ako kakayanin para kay Candice?" Inayos ko ang buhok ko. "You know I love her so much so I will do everything for her," determinado kong sabi. "Hindi ko lang kasi alam 'yong gagawin ko ngayon. Ayaw niya talaga ako kausapin."

Napatingin sa 'kin si Marky na may seryosong mukha pero hindi nagtagal napangiti siya bigla.

"Kilala kita, kaya alam kong madali kang sumuko at mawalan ng pasensya sa isang baga,y pero kailanman hindi mo sinukuan si Candice. Hanga din ako sa pagmamahal mo sa kaniya. Eto 'yong pagmamahal na hindi mo na makikita basta basta," dagdag niya.

Napangiti na lang ako. "Wala eh, tinamaan talaga ako sa kaniya, kaya kahit ano kaya kong gawin para sa kaniya."

"Masaya ako para sa 'yo. Ang laki ng pinagbago mo. You're mature enough now to handle this kind of things." Napangiti ako. "Hindi ka na 'yong isip-batang si Jeydon."

"Alam mo dati, hangang hanga ako sa maturity mo. Sa ating apat, kahit si Charles ang pinakamatanda, ikaw naman 'yong pinaka-mature at taga-ayos ng mga problema." Napangiti na naman ako sa mga alaala namin dati. Yong mga kalokohan namin. "Ang maturity pala talaga wala sa edad."

"You just need to realize your priorities," nakangiti niyang sabi.

"Jeydon!" sigaw ni Sab. "Marky! Jeydon!"

Tumakbo agad ako papunta sa kwarto namin. Nakita ko si Candice na naupo sa sahig at may dugong umaagos sa paa niya. Bumilis agad ang tibok ng puso ko at hindi ko na maiwasan na mataranta.

"Jeydon, dalhin natin si Candice sa hospital!" sigaw ni Marky na kahit papaano nagpakalma sa 'kin.

Binuhat ko agad si Candice na halatang nakakaramdam ng matinding sakit. Nasasaktan ako sa nakikita ko, pero mas naisip ko ang pagdala sa kaniya sa hospital. Nauna sila Marky sa kotse at sumunod kami.

"Candice, nandito lang ako," sambit ko.

Hindi siya nagsasalita, pero nakakapit lang siya sa 'kin nang mahigpit. Naririnig ko ang ingay na dala ng sakit na nararamdaman niya. Hinawakan ko na lang ng mahigpit ang kamay niya. "Kahit anong mangyari, nandito lang ako sa tabi mo. Kaya mo 'yan."

Mabilis pero maingat na nag-drive si Marky papunta sa hospital. Wala pang bente minutos ay nasa hospital na kami. Tinakbo agad namin si Candice sa emergency room pero hindi ako umalis sa tabi niya.

"I-check n'yo kung ilang cm na 'yan," sabi ng doktor ni Candice. "Kapag 10 cm, ready na tayo."

Tiningnan si Candice ng nurse at sumenyas siya na ready nang manganak si Candice. Hinubaran siya at pinalitan ng damit. Sa kaba ko, tahimik lang din ako kagaya ni Candice, pero nakikita ko 'yong sakit na nararamdaman niya. Sobrang nag-aalala ako sa kaniya, sa nararamdaman niya ngayon. Ano kayang pakiramdam niya? Natatakot ba siya? Kung ano man 'yon, hindi ko binitawan ang kamay niya.

"Jeydon..." mahina niyang sambit. "'Wag mo akong iiwan . . . 'Wag mo akong bibitawan.."

"Oo, asawa ko, hindi kita iiwan. Nandito lang ako, kaya 'wag kang mag-alala," nakangiti kong sabi. Hindi ko pinakita sa kaniya 'yong kaba at takot na nararamdaman ko para hindi siya mahawa sa nararamdaman ko ngayon. "Kaya mo 'yan. Ikaw pa."

Napangiti ako no'ng makita ko siyang ngumiti sa 'kin. Kahit papaano naging kalmado ako.

"Okay, Candice, itaas mo ang tuhod at ilagay mo sa dalawang paa mo 'yong kamay mo. Doon ka kumapit para kumuha ng lakas. Kapag sinabi kong umire ka, ire ha," paalala ng doktor niya. Bumitaw siya sa 'kin pagkatapos humawak siya sa paa niya habang nakataas ang mga tuhod niya.

"Jeydon, dito ka lang, 'di ba?" nag-aalala niyang tanong. Tumango lang ako at hinawakan ko 'yong balikat niya.

"Okay eto na. Candice, ire!"

Umire si Candice, isang maingay na pag ire. Hindi ko inalis 'yong pagkakahawak sa balikat niya.

"Candice, 'wag mong lagyan ng ingay 'yong pag-ire mo!" sigaw ni doktora. "Isa pa!"

"Paano ako iire na walang ingay?" nanghihina niyang sabi. "Jeydon..."

"Kunin mo 'yong pwersa mo sa paa mo. Para ka lang dumudumi," sambit ko. "Kaya mo 'yan, asawa ko, isipin mo lalabas na ang anak natin."

Nakatatlo pang ire si Candice ng lumabas ang ulo ng anak namin. Nakuha naman agad ni Candice ang tamang pag-ire. Nahirapan siya pero kita mo ang pagkadeterminado niya para mailabas nang maayos ang anak namin. Pareho kaming nakahinga nang malalim no'ng marinig na namin ang iyak ng anak naming—si Dwayne.

"It's a boy!" masayang sigaw ng doktor.

Kinuha siya ng nurse habang iyak siya ng iyak. Hindi ko maiwasan na maiyak sa tuwa. Eto na 'yon. Dinala siya ng nurse sa gilid para linisin.

"Candice, lalabas na 'yong inunan mo. 'Wag kang iire, ha?" Hinawakan ko na ang kamay ni Candice. Nakikita ko sa mukha niya na gusto niyang umire pa pero binulungan ko siya para pigilan ang sarili niya. Pakiramdam ko mas nahirapan siya ngayon kaysa kanina. "Okay na. Magpahinga ka muna. Congratulations sa inyo," masayang sabi ni doktora.

Dinala si Candice sa gilid kung saan siya magpapahinga bago siya ilipat sa kwarto niya. Inilapit sa amin ng nurse ang anak namin habang pinapainom siya sa maliit na bote ng gatas.

"Ang gwapo po ang anak n'yo, ang tangos ng ilong at saka tisoy," sambit ng nurse.

Lumapit ako at dahan-dahan kong kinuha si Dwayne sa nurse. Matagal na akong nag-practice mag-buhat ng baby kada pumupunta si Ate Jaycee sa foundation na binuo niya para sa mga babies.

Ang haba ng pilikmata niya. Mamula-mula pa siya at ang puti niya. Kamukhang kamukha ko siya—siguro konti kay Candice.

"Hi Dwayne, manang-mana ka sa tatay mo. Ang gwapo mo rin katulad ni tatay," masaya kong sabi. Hindi pagsidlan ang saya ko ngayon. Kakaibang pakiramdam. "Eto si Mommy mo, o." Inilapit ko si Dwayne kay Candice.

"Hi Dwayne, anak," mahina pero masaya niyang sabi. "Napakapogi mo, manang-mana ka sa tatay mo."

Pinagmasdan ko lang silang dalawa. Abot tainga na 'yong ngiti ko. Nakaramdam ako ng fulfillment sa sarili ko. Ang asawa ko at ang anak ko sa tabi ko. Ang saya saya at sa wakas, tatay na ako.


Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
59.6K 1.3K 25
Jansport High School is opened once again and this time Cody and his friends are out to save the souls of students from their fears. Will they be abl...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
196K 7.6K 5
One summer camp before someone goes to New York...