BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

By AshQian

75.1K 3.7K 199

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... More

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 5 - Unang Yugto

2.1K 120 6
By AshQian

Papatulog na si Aya nang pumasok sa loob ng kuwarto nila ni Aki ang tiyahin niya. Bitbit nito ang cellphone.

"Siya ang sinasabi ko sa iyo noong isang araw," anitong iniumang sa kanya ang larawan ng isang lalaki habang abala siya sa kanyang mukha sa harapan ng dresser. "Jimrexx Durano. Anak iyan ng dati kong amo roon sa Cebu. Mabait ang batang iyan at parang magulang na rin ang turing sa akin. Hindi ako tatanggihan kung hihingi ako ng pabor. Tingnan mo, magandang lalaki, 'di ba? May dugong Scottish iyan. Mestiza ang ina."

Pinagmasdan niya ang lalaki sa soft picture. Guwapo nga. Halatang may racial blood.

"Hindi po ba nakakahiya sa kanya? Siguradong may girlfriend iyan, Auntie."

"Girlfriend? Naku, marami!" pabirong sagot ni Rowena.

Nakitawa siya rito. Napag-usapan nilang magtiyahin na maghahanap ng lalaking ipapakilala kay Javier at aakong ama ni Aki. Palabas lang naman. Pero nagdadalawang-isip na siya kung itutuloy niya pagkatapos makitang kasundong-kasundo ng anak ang tunay nitong ama.

"Ano, tawagan ko na?" Mabilis na napindot ni Rowena ang numero ni Jimrexx Durano. Huli na nang tinangka niyang pigilan ang tiyahin.

Tinanggap ang tawag at nagrequest pa ng video call ang lalaki.

Topless ang Jimrexx na tumambad sa kanila. Mukhang kagagaling lamang sa shower. May distansiya ito mula sa camera at nagbubukas ng canned beer. May towel sa ulo nito na bumabagsak pababa sa siksik nitong mga balikat.

"Manang Wena, kumusta?" Bahagya nitong itinaas ang beer.

Iniumang ng Tiyahin niya ang camera sa kanya. Pilit naman siya umiiwas para hindi siya mahagip. Ano ba iyan, naglalagay na siya ng facial mask. Nakakahiya!

"Who's that?" natatawang tanong ng lalaki at pumito.

"Pamangkin ko, Rex, si Aya. Pasensya ka na sa abala ha?"

"No problem, anything?" Malaki ang boses nitong nag-register sa speaker ng cellphone at naalala niya ang tinig ni Javier. Mas mabigat ang bagsak pero swabe. May kakaibang hagod sa tainga.

"May hihingin sana kaming pabor sa iyo, anak, kung okay lang."

"Auntie, 'wag na lang..." pigil niya sa tiyahin.

"Sure, what is it?" tanong ni Jimrexx.

"Ito kasing pamangkin ko may malaking problema at naisip kong ikaw lang ang makatutulong." Hindi na niya naawat pa ang tiyahin.

"Basta ba hindi natin kailangang pumunta ng purgatoryo at manguha ng kaluluwa, takot kasi ako sa multo."

Nagtawanan sila. Gusto niya ang sense of humor ng lalaking ito. Pero sa tono pa lang ay halatang malikot pagdating sa girls.

"Ganito kasi iyon, Rex-"

Inagaw niya ang cellphone at hindi na alintanang mukha siyang nasubsob sa abo dahil sa kulay ng facial mask na nakabalot sa kanyang mukha.

"Hi, Rex, sorry talaga sa abala. Balak ko kasi sanang buksan ulit ang furniture shop ng Daddy ko. Ang kaso'y kulang ang capital ko. I'm looking for interested investors."

"Close the door, babe, just a sec, may kausap pa ako." Nakabaling ito sa kaliwang dako at tiyak niyang babae ang kinausap.

Wrong timing talaga. Naabala pa yata nila ang bonding moment nito sa girlfriend.

"Sorry about that," he apologized. "Do you have a full presentation of your business proposal?"

"Gagawa pa lang ako."

"Better start making one now, and send it to my email, don't forget to include your bank details."

Ngumiti siya at tumango. "Thank you, I will do that."

Bago nag-expire ang signal ay nakita niya ang babaeng kumandong dito. Babaeng walang anumang saplot sa katawan.

Ibinalik niya kay Rowena ang cellphone at tumayo. Nagtungo sa kama kungsaan mahimbing na natutog si Aki.

"Akala ko ba...alam mo hindi kita maintindihan," angal ng tiyahin niya at nagmartsa palabas ng kuwarto.

***

"He's here! He's here!" Masaya at excited na lumulundag-lundag si Aki nang marinig ang busina ng sasakyan sa labas.

"Be still, Aki, hindi tayo matatapos!" awat niya sa anak habang ibinubutones ang puting short sleeves polo shirt nito. 

Kasalukuyan silang nagbibihis para pumasok ng school. Ang aga nitong gumising kanina at panay ang silip sa labas. Sabik na hinihintay si Javier. Kung hindi lang siya nangangambang maaring kunin ng lalaki sa kanya ang anak nila'y sasabihin na niya sa bata na si Javier ang Papa nito.

"Aki," natigilan siya nang kudlitan ni Aki ng halik ang pisngi niya.

"I love you, Mama!" sabi nitong nakangiti at yumakap sa kanya.

Nag-ulap ang mga mata ni Aya at mahigpit na niyapos ang anak. Napansin na naman yata ng bata ang pagkabalisa niya.

"Mama, can you make Tito Javier my Papa?" malambing nitong ungot.

She was stunned, breath is faltering. Anong sinabi ng anak niya? Ito ba ang kapalit ng halik at I love you nito? Piniga ng kirot ang puso niya. Bakit ganito ang anak niya? Isang araw pa lang naman nitong nakasama si Javier pero sobra na ang attachment nito sa lalaki. But then, what she knew about how paternal connection works?

"Please, Mama? I love Tito Javier! When we were there in your old home, he told me funny stories. He makes me laugh and happy."

"Ako ba hindi iyon nagagawa?" may hinampo niyang pakli.

"But you are different, you are my Mama."

Kung makikipagdebate siya ay mali-late na ito sa school. "Okay, Mama will think about it." Sinuklay niya ang mahaba nitong buhok at itinali ng ponytail. She started thinking of quitting cross-dressing Aki. It would be useless now that Javier almost knew the truth.

Kabubukas pa lang niya ng pinto'y tumakbo na ang bata palabas at dinaluhong ang ama. Nagpakarga. Hinamig niya ang sarili. A picture of them walking together in the park, holding each other's hands, a happy family, suddenly crossed her mind. Her heart tightened.

Javier's eyes drifted towards her. Nadepina ang bruskong kurba ng labi nito nang sumilay roon ang bahagyang ngiti. Anong ilusyon ba iyong niluluto ng utak niya? Sa kagustuhan niyang mapanatili sa kanyang piling ang anak kung saan-saan na lang nakararating ang kanyang isip.

"You should come with us," he suggested after putting Aki on the carseat. She can't believe he is this prepared, fixing the backseat of his luxury car for their son.

"Mama, come with us!" Kinambatan siya ng anak.

Binuksan ni Javier ang pinto sa front seat. He motioned her to get in. Nilinga muna niya si Rowena na nakatanaw sa kanila mula sa may bungad ng pintuan. Tumango ang tiyahin niya.

Pumasok siya sa loob ng sasakyan at si Javier ay lumigid patungo sa driver's seat.

"You're doing okay there, bud?" He adjusted the rear view mirror to get a clear access to their son at the back.

"Yes, I'm doing okay!" masiglang sagot ni Aki na itinaas ang dalawang maliliit at mapipintog na mga braso.

Sumabog ang swabeng halakhak ni Javier habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Nilingon niya ang anak na tuwang-tuwa sa car seat at namaga ang pakiramdam dahil sa awa. Noon lang niya napansin na may kasamang laruan na naroon. Collectors Robot na bagong-bago, kaya hindi na mapuknat ang tawa at saya sa mukha ng bata.

"Look, Mama, I have new toys!" pagmamalaki nitong ibinandera ang dalawang laruan na magkakaiba ang kulay. Asul at pula. Marahil ay nasa 12 inches ang sukat at malamang din ay libo-libo ang halaga niyon.

"I brought snacks for him," nagsalita si Javier.

Nasa backseat din ang sinabi nitong snacks. Nakapaloob sa puting paper bag.

"Saan mo binili?"

"I cooked. He told me yesterday his favorite cheese pancakes, and mango pudding?"

"Marunong ka?"

"Just a few tricks on youtube." Muli itong sumulyap sa rear view.

Si Aki sa likod ay wiling-wili na sa mga laruan.

For that morning alone, he recorded plenty of pogi points on her. The car seat, the toys, and the snacks. Him being a hands-on father. What else this guy has to show her? Alam naman niyang sa simula pa lang ay magiging mabuti itong ama pero hindi niya inaasahan na ganito ito.

"Can you try it? Just to know if it passed Aki's taste preference."

Tumango siya. Bumaling sa likod. "Anak, paki-abot mo nga kay Mama iyang paper bag."

"Okay," nakangiting dinampot iyon ng bata at ibinigay sa kanya.

Dalawang balot ng disposable foil nasa loob. Binuksan niya ang isa. Kumuha ng isang pirasong cheese pancake at tinikman iyon. Not too sweet, and the cheese is tasty. Masarap.

Nagthumbs-up siya.

Sunod niyang tinikman ang mango pudding. The mango blended with the honey. Balanse rin ang tamis. Hindi masakit sa lalamunan.

"Magugustuhan niya ito."

Umaliwalas ang mukha nito at tumango. Sinulyapan na naman ang anak nila na para bang natatakot maglaho si Aki.

Mabagal at maingat ang pagpapatakbo nito ng sasakyan kaya inabot sila ng twenty minutes bago sinapit ang school ni Aki. Padre Pio Montessori is one of the exclusive schools in the municipality of Barbara. Ito rin ang pinakamalapit sa tinitirhan nila.

Bumaba siya matapos nitong maiparada ng maayos ang sasakyan. Hinango nito ang bata mula sa car seat, habang nilikom niya ang mga gamit ng anak. Ang bag nito at snacks.

"Can I bring these?" Binitbit ni Aki ang mga laruan.

"No," iling niya.

Tumingin ang bata kay Javier, naghahanap ng kakampi. Umuklo ang lalaki at hinaplos ang ulo ng anak nila.

"Good boys listen to their Mamas. You're a good boy, aren't you?"

Tumango ang bata kahit nakasimangot. Ibinalik nito sa loob ng sasakyan ang mga laruan.

"Tito Jav, you're a good boy too, aren't you?"

"Uh-huh, I think I am."

"Then you would listen to Mama if she wants you to be my Papa?"

Inosenteng nagpapalipat-lipat ang mga mata ng bata sa kanilang dalawa ni Javier na hindi nakahuma.

Continue Reading

You'll Also Like

246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.4M 60.1K 39
Eros Phileo Herrera has a three priority in life, family, his patient and chasing bad guys. He don't do party, bar hoping or even bedding woman, spec...
85.6K 4.2K 31
He is a talisman bullet in the organization. Vhendice Queruben Andromida. A menacing commander no one dares to trifle with. But one unfortunate encou...
968K 22.1K 36
She was a Princess and Angelo's queen. But everything changed because of that accident. She's not that princess anymore. But Angelo will do everythi...