I Almost Wished We Never Met...

By vampiremims

169K 2.9K 321

Almost... More

-

169K 2.9K 321
By vampiremims

----------

“Baka naman gusto mo kaming kausapin, Yuri? Kanina ka pa e!” naiinis na binato sa akin ni Carrie ang nilamukos niyang papel. “Ano ba?!” I looked at her sharply. Bastusan? Kitang may katext ako, mamamato? Iumpog ko kaya sa pader ‘to?

“Ganyan! Ikaw pa galit, Yuri?” gatong naman nung isa ko pang bestfriend na si Keizha. Tinignan ko lang din siya ng masama. Inaano ko ba sila?

“Kayo talagang dalawa… hindi niyo ba nakikita? Nagdadalaga na si Yuri!” inakbayan naman ako ni Kathleen. “Ano ba?” iginalaw-galaw ko ang balikat ko. Ang gugulo naman nitong mga ‘to e!

“Sino ba ‘yang katext mo at ayaw mong magpa-istorbo?” kinuha ni Carrie ang phone ko. “Akin na nga ‘yan!” tumayo ako pero hinarangan ako ni Keizha. “Aish!” I rolled my eyes. Kainis naman oh!

“Ayun! Si Hiro na naman ang katext!” padabog na ibinigay niya sa akin ang phone ko. “Sino ba ‘yang Hiro na ‘yan?” tanong sa akin ni Kathleen. “Kaibigan ko.” Sagot ko. I looked at my phone pero wala pa ding reply. Busy kaya siya?

“Kaibigan o ka-ibigan?” pang-aasar niya sa akin. “Kaibigan ko.” Sagot ko sakanya. “Whatever…” she smiled.

“Asus! May kaibigan bang titiyagain mong kausapin hanggang alas-kwatro ng madaling araw?” kontra na naman ni Keizha. Kontrabida talaga sa buhay ko ‘yan. “You can fool them, Yuri… but not me,” she added.

“I’m not trying to fool you. Magkaibigan lang naman kami ni Hiro e.” Sumandal ako sa upuan ko habang nakatitig sa phone ko. Ang tagal naman niya magreply. Nagtype ako ulit, ‘Busy ka ba?’ then I send it. Parang mali? Mukha akong naghihintay na girlfriend pero bahala na.

“Oh my gosh! Nagreply na siya!” hindi ko mapigilang mapa-impit na tili nung nakita kong may message from him. Nagtinginan naman sa amin ang mga kaklase ko.

“Nabaliw na naman siya.” Napailing nalang si Carrie.

“Kelan ba hindi baliw ‘yan?” tanong ni Keizha.

“Yaan niyo na, in love e.” Kathleen shrugged.

“Ang eepal niyo.” I rolled my eyes tapos nakangiti kong binalingan ang cellphone ko. Nagtext na siya!

‘Sorry. May kinausap lang ako. Nasa school ka na?’ – Hiro

‘It’s okay. I just got worried about you. Yeah, nasa school na ako. Ikaw?’ – Ako

‘Tinatamad nga akong pumasok e. Haha.’ – Hiro

‘Ikaw? Tinatamad? Kwento mo. Haha :D Pumasok ka, huy!’ – Ako

“Luh? Nababaliw na talaga siya…” narinig kong sabi ni Keizha. Nilingon ko siya. “Sige, Yuri… I-ngiti mo lang ‘yan. Mamaya, ipapasok ka na namin sa Mandaluyong!”

“Ikaw, hindi kita pinapakelaman sa lovelife mo ha? Wala akong sinasabi kay Kiel kaya manahimik ka diyan,” inirapan ko nalang siya. Kainis na bruha ‘to. Pasalamat siya mahal ko siya, kundi, itatakwil kong kaibigan ‘yan! Akala mo kung sinong matino, pagdating naman sa Cebuano niyang mahal, nababaliw din.

Dumating na ‘yung prof namin kaya obligado akong itago ang phone ko. Kainis naman si ma’am e! Pwede namang tamarin minsan! Pahinga, ganun! Nauudlot ang kilig ko e!

Ay! Ang dami nang nangyari, hindi pa ako nakakapagpakilala. Kinikilig kasi ako kay Hiro e! I’m Yuri Aisaka. Yes, half ako. Half human, half fairy! Kidding. Obviously, Japanese. Pero utang na loob… huwag niyo akong kakausapin sa Japanese. BAKERO lang ang alam ko! I’m 19 years old, 4th year college meaning konting kembot at cartwheel nalang, ga-graduate na ako. Sila naman ang mga kaibigan kong kasama ko sa lahat ng kalokohan ko sa buhay.

I have two bestfriends… si Carrie Gan at si Keizha Tiu. May mga lahi din. Half human, half engkanto. Ganun! Si Kathleen naman, seasonal ang pagiging bestfriends namin. Minsan may ibang group of friends ‘yan e. Pero close naman kami lalo na in times of problem, maaasahan din naman ‘yan.

Si Hiro… kinikilig naman ako kapag naririnig ko ang pangalan niya. Kahit nga isipin ko pa lang e! Hiro Choi. Nakilala ko siya dahil sa isang kaibigan. Well, recently lang naman… lagi kaming magka-usap, magkatext… I am enjoying his company. I know it’s stupid, but I think I do have a crush on him. Hindi kasi siya mahirap magustuhan. He’s sweet, gentleman and caring. Lagi niyang naipaparamdam na special ako sakanya. Nakakatuwa na nakakakilig talaga siya. May pagkamasungit nga lang pero nasasakyan ko naman.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko na naka-ipit sa notebook ko. Tinignan ko muna ang prof kong naka-upo lang naman sa harap bago ko tinignan ang message sa phone ko. 123, para-paraan. Baka si Hiro na ang nagtext e.

1 message from Hiro.

‘Oy! Mag-aral ng mabuti. Papasok na ako. Text text nalang.’

Napangiti naman ako. Patago akong nagreply sakanya. ‘Ingat ka. =)’

Nakangiti lang ako habang nagka-klase… well, hindi naman talaga nagka-klase e, may nagrereport tapos ‘yung prof ko, sitting pretty! May natututunan kami niyan. Sayang tuition! Lipat school! Ay hindi na pala pwede. Graduating na ako. Sayang naman kung lilipat pa ako. Mag-aadjust pa ako. Huwag nalang. Tiis ganda nalang.

“Anong nangyayari?” nagtayuan bigla sila Keizha, Carrie at Kathleen. “Groupings daw! Makinig ka kasi!” Carrie hissed. Hinarap nila ‘yung mga upuan sa akin. May mga ibang ka-group pa kami pero kaming apat ‘yung magkakatabi.

Binasa ko naman ‘yung papel na binigay sa akin ni Carrie. Tungkol sa babae noon at ngayon. Sino si Magdalena noon at ngayon… anong pinagkaiba nila… interesting. Napangiti ako habang binabasa ko ‘yung teksto.

“Huy! Kausap daw ni Nami si Hiro oh!” kinalabit ako ni Xairah na nasa tabi ko sa may gawing kanan. Napatingin naman ako kay Nami na may kausap nga sa phone.

“Sissams, sino ‘yan?” tanong ni Keizah. Sila kasi ni Nami ang mas close. Hindi ko alam kung bakit pero hindi kami ganun ka-click ni Nami.

“Si Hiro ‘yan?” tanong din ni Xiarah.

Ngumiti lang si Nami. Tinawagan siya ni Hiro? I looked at my phone. Kaya ba hindi na siya nagtext?

Biglang parang nawala ‘yung magandang mood ko. Seryoso… tinawagan ba talaga niya si Nami? I mean, yes… because of our group of friends, magkakilala sila. Hindi ko maiwasang malungkot.

“Anong nangyari sa’yo?” tanong ni Carrie sa akin. “Wala naman…” ngumiti ako ng tipid. Tinignan ko ‘yung phone ko pero wala namang text galing sakanya.

“Huwag mong sabihing namimiss mo agad, sasapakin kita,” she gave me a deadly glare. “Baliw. Inaantok kasi ako…” palusot ko. “Subukan mo naman kasing matulog ng maaga…” singit ni Keizha. “Maaga naman akong natutulog ah?” ngumiti ako.

“Umaga na ‘yun uy! 5 am? Tapos may pasok ng 8 am? Adik ka nang babae ka.” Umiling-iling si Keizha. “Okay lang naman ako e,” I smiled again.

“Diyan nga ako bilib sa’yo e. Wala ka nang tulog halos pero ang grades mo, okay pa din lahat. Wala ka pa ding bagsak. Paano mo ginagawa ‘yan?” tanong ni Carrie.

“Gabi-gabi, nagpupunta ako sa bahay ni sir at…”

“Gagu!” – Carrie

“Sira-ulo ka talaga.” – Keizha

Natawa naman ako. Nagiging biruan na namin ang ganung bagay. “Seriously, hindi ko din alam. Nadadaan sa eyebags ‘yan e,” ani ko.

“Wala ka ngang eyebags e, samantalang tatlong taon ka ng puyat!” reklamo ni Keizha. “Grabe ka. Dalawa lang,” natatawa kong sagot.

Ganun lang ang nangyayari sa amin sa loob ng buong maghapon. Papasok ang prof, makikinig kami kunwari tapos magkukwentuhan. I'm always checking my phone kung may message from him. Hindi naman kasi siya pala-GM katulad ko.

‘Uwian niyo na?’  text ko sakanya. Nakatambay kami sa bahay nila Carrie dahil maaga nagpauwi ang prof namin at ayaw pa namin magsi-uwi.

‘Not yet. But my head is killing me so I’m on my way home. You?’ reply niya.

‘Yeah, kanina pa actually. Pero tambay pa ako. Haha.’ Sagot ko.

‘Tambay pa. Umuwi ka na. Anong oras na oh? Baka wala kang masakyan mamaya.’

‘Eh di maglalakad? Hahaha. Joke. Meron ‘yan, tiwala lang.’

‘Ge. Push mo ‘yan.’

Natawa ako sa reply niya. I can’t imagine him saying that ‘Push mo ‘yan’ using Vice Ganda’s tone.

“Hala! Nababaliw na talaga si Yuri!” sigaw ni Keizha.

“Sobra ka! Hindi pwedeng kinikilig lang, Kei?” natatawang sabi ni Carrie. “Maihi ka diyan, Yuri ha?”

“Ewan ko sa inyong dalawa!” I rolled my eyes at binalingan ko ang katext ko.

‘Hahahaha! Push mo ‘yan? Where did you learn that?’

‘I heard it from my classmate. Bakit? Haha. Pinagtatawanan mo ‘ko.’

‘Hindi kaya. Haha. Hindi ko lang maimagine na sasabihin mo ‘yung word na ‘yun. Natuwa lang akong jologs ka din.’

‘So ipu-push ko pa? =) Haha.’

‘Sige, push mo lang. Hahaha.’

‘Pinagtatawanan mo talaga ako. =(‘

‘Hindi kayaaa. Hahaha. Iba ang natatawa sa natutuwa. Natutuwa ako sa’yo. =)’

‘Weh? Haha. Oo nalang ako.’

‘Ayaw niya maniwala =(‘

‘Naniniwala na nga e. Sige na, natutuwa ka lang. Haha.’

“Maawa ka, Yuri! Kung may nakikita kang hindi namin nakikita, sabihin mo na, please?” hinawakan ni Keizha ang kamay ko.

“Ano ba? Ang baliw mo ha?” natatawa kong binawi ang kamay ko. “Hayaan mo na nga kasi, Kei. In love. Intindihin, okay?” Carrie smiled. Nginitian ko naman si Carrie. “Kamusta na ba ang Mactan Shrine, Kei?” tanong niya dito.

“Nasa Cebu pa din,” sagot ni Kei.

“Eh si Kiel?” tanong ko. Nagtinginan naman kami ni Carrie. “Aaaaay!” kinilig bigla si Kei. If there’s one thing na magpapabaliw sa babaeng ‘yan, si Kiel lang naman. Well, hindi kami close ni Kiel. KJ kasi ‘yun. Hindi marunong sumakay sa trip ng may trip. Bahala siya. Pero feeling ko naman, he's nice. Kailangan nga lang niyang alagaan si Kei kung hindi, naku! Gagawin ko siyang danggit!

“Uy! 6:30 na pala… uwi na tayo?” aya ko kay Keizha. “Oo nga, tatlong sakay pa ako e,” sagot niya. “Ako dalawa lang,” I smiled.

“Hatid ko na kayo…” lumabas na kami ng bahay nila Carrie at nagpunta sa sakayan. Naunang sumakay sa akin si Keizha. “Ingat ka!” we waved to her. Hinatid naman ako ni Carrie sa sasakyan ko.

“Bukas ha?” paalala niya sa akin. “Oo na. Sige, bye!” tumawid na ako para makasakay.

Quarter to seven na. I need to be home before seven thirty. Kaso… wala naman akong masakyan. Kainis!

I took my phone at naghanap nalang ako ng makakatext.

‘Kainis. Puno lahat ng jeep. Hindi na po ako uuwi. Tambay LRT nalang. Hahaha!

Carrie, thanks.

Kei, ingat ka sa pag-uwi!

Text? =)

G.
#Yuri’

Nagsend ako ng GM sa mga tao sa phonebook ko. Para naman hindi ako mainip habang binibilang ko ang jeep na puno dito sa kalsada. My gosh! Ganun ba karami ang nakatira sa QC at puno lahat ng sasakyan ko?

Nagvibrate naman ang cellphone ko.

‘Nasan ka?’ – Kuya

Hindi nalang ako nagreply. Pauwi na din naman ako. Mamaya nalang ang sermon para live.

‘Uy, ingat ka ha?’ – Hiro.

Napangiti naman ako.

‘Oo naman. =)’ sagot ko. Mamahalin mo pa ako e. Gusto ko sana idagdag pero huwag nalang.

‘Tambay pa. Sabi sa’yo e. Tss. -.-‘

‘Hahaha. Masaya e :P’

‘Ewan sa’yo. Baliw ka.’

‘Tagal na po :P’

‘Nakasakay ka na?’

‘Hindi pa din. Walang jeep. Puno lahat =(‘

‘Tiwala lang diba? :P’

‘Hahahaha! Oo. Tiwala lang :D’

Ilang minuto na rin kaming magkausap ng makita kong may jeep na maluwag na. Sumakay na ako agad. Tsaka ko lang napansin na ako lang pala mag-isa sa jeep na babae.

‘Nakasakay na ako! Yey! :P’ text ko kay Hiro.

‘Nagtetext ka sa loob ng jeep? Ayos ‘yan -.-‘

‘Sanay na e. Hahaha. Ang kengkoy. Ako lang mag-isang babae dito. :D’

‘Puro lalaki kasama mo? Natuwa ka pa ah? -.-‘

‘Mukha naman silang harmless :D’

‘Tss.’

‘Smile! :P’

‘Ingat ka ah?’

‘Oo naman! :D’

Nakauwi ako ng bahay ng matiwasay. Hindi naman ako pinagalitan ng kuya ko. Hindi niya ako nakita. Nag-ninja moves ako e.

Like the usual, magkausap kami ni Hiro hanggang madaling araw. As in tulog na lahat ng tao, kaming dalawa, buhay na buhay pa.

‘I like Nami. She’s pretty cool.’

Natigilan ako ng mabasa ko ang text niya. Si Nami? Well, I can’t blame him kung magugustuhan niya si Nami. Maganda naman talaga si Nami. Marami ang nagkaka-crush sakanya sa school. Matalino pa. I am nothing compared to her.

‘Talaga?’ sagot ko. Pakiramdam ko, nawala lahat ng energy ko sa katawan.

‘Yeah. Hahaha. She’s cute. Nakakatuwa siyang kausap.’

So ako, hindi? Okay.

Minabuti kong huwag nalang magreply sakanya. Pumasok ako ng school at nanahimik.

“Problema mo?” tanong sa akin ni Kei. “Wala,” walang energy kong sagot.

“Si Hiro ba? Bakit? Basted ka?” tanong ni Carrie.

“Niligawan ko ba?” tinitigan ko siya ng masama.

“Hindi pero mukhang nafriendzoned ka,” natatawang sagot niya.

“Ewan!” yumuko nalang ako sa desk ko at pumikit.

“Hi, Yuri. Carrie, Sissams…” lumapit sa amin si Nami. Nag-angat naman ako ng ulo. Maganda talaga siya. I sighed. Ano nga bang laban ko? Simple lang ako kumpara sakanya.

“Hello…” bati ko. Sumandal nalang ako sa upuan ko dahil nakakabastos naman kung yuyuko ako ulit.

“Hi,” bati ni Carrie dito. Gaya ko, hindi din sila close ni Nami.

“Puyat ka din?” tanong sakanya ni Keizha. “Oo e. May kausap kasi ako…” she smiled.

Bigla namang nanikip ang dibdib ko. Kausap niya kaya si Hiro? Sinabi ni Hiro na gusto niya si Nami… imposibleng hindi sila nag-uusap.

“Sino?” tanong ni Carrie sabay lingon sa akin. I shrugged.

“Si Hiro… nakakatuwa pala siyang kausap?” she smiled at us. “Pala-kwento…” tapos lumingon siya sa akin.

“Yeah…” I nodded. Mas lalo akong nawalan ng gana. Gusto ko lang, matulog. Ayoko munang mag-isip.

Nag-usap usap pa sila. Sumasali lang ako kapag nagtatanong sila o kapag binabanggit ang pangalan ko. Wala talaga kong ganang dumaldal o ano pa man.

Ilang linggo na din nung nakilala ko si Hiro. He’s sweet and nice and charming and he’s really a gentleman. Nakakatuwa siya. Siguro, kung may mapapalapit sakanyang babae, mafafall din talaga sakanya. And I’m falling for him. Pinipigilan ko pero ‘yun ang nararamdaman ko.

‘Okay ka lang ba?’ he texted me.

‘Yeah. Why?’ tanong ko.

‘You sure? Parang hindi e. May problema ba?’ tanong niya.

‘Wala naman.’

‘Come on, Yuri. Tell me. Okay ka lang ba?’

Nagseselos ako. Nagseselos ako sa nangyayari… sa mga sinasabi niya tungkol kay Nami… nagseselos ako pero alam kong wala akong karapatan. Nagseselos akong may iba kang kausap.

‘Okay lang ako.’

‘Sigurado ka? I can be your hero, remember?’

Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng malungkot.  You’re my hero… but you’re also the villain. Nasasaktan mo ako ng hindi mo alam.

‘Nagseselos ako.’ Huli na para bawiin ko pa ang text ko dahil nasend ko na. “Hala! Shit!” Napakagat ako sa labi ko. Bakit nagsend?!

‘Nagseselos ka? Kanino? Kay Nami ba?’ tanong niya.

Hala. Hala. Hala. Paano ‘to? Aamin na ba ako?

‘Oo.’

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

‘Bakit ka nagseselos kay Nami?’

Halos hindi na ako humihinga ng mabasa ko ang text niya. Bakit nga ba? Kasi mahal kita? At nasasaktan ako ng dahil siya ang gusto mo?

‘Because I thought were closer than anyone else. Hindi pala.’

‘Ano ka ba? Close tayo.’

‘Oo nalang.’

‘Sige, goodnight. Maaga pa pasok ko bukas e.’

‘Night’

Hindi ko naiwasang maluha ng dahil sa nangyari. Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Naramdaman kong naging cold siya bigla. Iniwasan niya ako.

Everything has changed since that night.

Nawala na ‘yung good morning messages niya. Nawala na ‘yung nagagalit kapag late ako sa school. Nawala na ‘yung nagagalit kapag nagpupuyat ako… nawala na siya.

“Are you okay?” tanong sa akin ni Carrie.

“Yeah, I’m fine…” ngumiti ako ng tipid sakanya.

“Mahal mo talaga, ano?” hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ako kumibo pero bigla namang tumulo ang luha ko. “Ang tanga-tanga ko…”

“Lahat naman tayo may kanya-kanyang version ng katangahan e. Kaya mo ‘yan…”

“Ang sakit lang. Magmu-move on ako… hindi naman naging kami. Umasa lang ako…” I wiped my tears away.

“Paasa kasi siya.”

“No. He’s not. He’s just being nice pero nag-assume lang ako ng meaning ‘nung mga bagay na ‘yun… Alam ko naman na sa simula pa lang, he’ll never like me. Pero umaasa ako ng konti…”

“Everything will be fine, Yuri…” lumapit sa amin si Kei. “I hope so, Kei.”

Wala pa ding pinagbago. ‘Yung closeness naming dalawa ni Hiro, tuluyan ng nawala… Hindi na niya ako kinakausap. Hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Itext ko man siya, magrereply siya pero sobrang cold.

“I miss you, Hiro…” nasa rooftop ako ng school namin at nagpapahangin. Wala akong gustong maka-usap kahit na sino. Ilang araw na din simula nung iniwasan niya ako at ako sakanya.

“I almost wished we never met, Hiro…” naglandas na naman ang luha sa pisngi ko. “Pero hindi pwede e… kasi kahit masakit, masaya akong nakilala kita. Masaya akong naging parte ka ng buhay ko. Masaya akong kahit konting oras lang, naramdaman kong mahalaga ako sa’yo… I love you and I’m so stupid for feeling this towards you,” napayuko ako at tahimik na umiyak.

Namimiss ko na talaga siya. Pero kailangan ko na din lumayo.

“Yuri!” narinig ko ang pagsigaw ni Keizha. “Bakit?” my voice was a bit hoarse dahil na din sa pag-iyak.

“Anong nangyari sa’yo? Alam mo na ba kaya ka umiiyak?” tanong ni Carrie.

“Alam ang alin?” kumunot ang noo ko.

“Si Hiro… nasa hospital siya.”

“Ano?” pinanlamigan ako ng katawan sa narinig ko. Si Hiro… anong nangyari?

“Papunta daw siya dito ng mabunggo ang kotse niya. Tinatawagan ka nila kanina pa dahil ikaw ang laman ng logs niya sa phone but you’re not answering your phone…”

“Wait… si Hiro… what happened?” tuluyan ng bumagsak ang luha ko. “Naaksidente siya? Anong ibig niyong sabihin?! Kamusta na siya?”

“50-50 siya, Yuri…” hinawakan ni Keizha ang kamay ko.

“No… hindi totoo ‘yan!” Hindi ako naniniwalang 50-50 si Hiro. “Carrie, puntahan natin siya, please?” humahagulgol kong sabi sa kaibigan. “Please?”

Okay lang naman kung hindi kami e… Pero bakit kailangan niyang maaksidente? Bakit kailangan niyang mag-agaw buhay? No. Please? Hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya.

Nagmamadali naman kaming pumuntang tatlo sa hospital na pinagdalhan sakanya. Naroon ang mga magulang niya. Nakita ko din doon si Nami.

“Nami…” tawag sakanya ni Kei.

“Kei…” bigla namang umiyak si Nami at niyakap ang kaibigan.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa loob ng isang kwarto kung saan nakahiga si Hiro at may mga aparatong nakadikit sa katawan.

“Hiro…” hindi ko maiwasan ang mapaluha na naman. “Okay lang naman kung hindi ako ‘yung magustuhan mo e. Pero please, gumising ka? Lumaban ka… Hindi ko kaya kung mamamatay ka.”

“Ikaw ba si Yuri?” lumapit sa akin ang ina ni Hiro. Nagpunas muna ako ng luha. “Opo.”

“Lagi kang nakukwento ng anak ko. Masaya siya kapag nababanggit niya ang pangalan mo…” ngumiti sa akin ang ginang pero bakas ang luha sa mga mata nito. “Ibinigay sa akin ng nurse ‘to kanina. Nakita daw nilang hawak ni Hiro… it’s for you.” Iniabot niya sa akin ang isang papel na may bahid pa ng dugo.

Yuri.

Nakasulat sa labas ng tiniklop na papel. Binuksan ko naman ito at binasa ang sulat.

Hey, sorry for acting weird after you told me that you’re jealous. I actually don’t know how I’ll react to that. You’re the closest to me, Yuri. It’s just that, it’s not the right time for us, maybe? I’m still committed. I don’t want you to get hurt or what. You’re important to me. It’s painful to see you’re hurting. I’ve known you as a bubbly and lively kind of girl so it disturbs me to see you so serious and you’re not even talking knowing how talkative you are.

I miss you, Yuri. I do. I’ll fix everything and if the right time for us comes, I hope you’re still there for me. Take care, okay? Huwag ka na din magpapalate sa school. Huwag kang magpupuyat. Matulog ka na ng maaga. Huwag mo na din aawayin ang guard sa school niyo. Huwag ka na din tatambay pa para makauwi ka ng maaga. Huwag ka na din sasakay sa jeep na ikaw lang ang babae, baka mapano ka. Huwag ka na din magtext sa jeep. Safety first. Huwag kang pasaway, okay? =)

Much love,

Hiro

Lalo naman akong napaiyak ng mabasa ko ang message niya.

“Hiro… gumising ka na… promise, hindi na ako magpupuyat. Hindi ko na aawayin si Manong Guard. Uuwi na ako ng maaga, matutulog na ako ng maaga, papasok na ako on time… gumising ka na. Hiro naman e…”

“Yuri…” lumapit sa akin si Nami.

“He likes you…” bulong niya sa akin. “Pero hindi pa pwede. Ikaw ang lagi naming topic. He’s happy kapag ikaw ang pinag-uusapan namin.”

“Nami…”

“He never called me. Wala pa siyang tinatawagang babae maliban sa’yo. He tried to call you kanina… Kaya ikaw din ang tinawagan ng mga nakakita sa aksidente. But you’re not answering your phone kaya ako ang tinawagan nila ng makita nila ang pangalan ko…”

Hindi ako nagsalita. Tumingin lang ako kay Hiro na nasa loob ng kwarto.

“I like him, too… pero alam kong ikaw ang gusto niya. I hope magising na siya.” Tinignan niya din si Hiro.

“I hope so…” bulong ko.

Maya-maya, biglang nagtaakbuhan ang mga nurse at doctor sa kwarto ni Hiro.

“Anong nangyayari?” tanong ko sa isang nurse.

“Bumababa po ang heart rate niya…” pumasok silang lahat sa loob ng kwarto. I saw his parents crying. Si Nami din ay umiiyak.

“Hiro…” I whispered. The doctor started pumping in his chest.

“Hiro…” hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. No, please.

“Anak…” his mom cried. Niyakap naman siya ng dad ni Hiro.

“Yuri…” lumapit sa akin si Keizha at Carrie. “Si Hiro…” hawak-hawak ko ng mahigpit ang sulat niya. Lumaban ka, Hiro. Lumaban ka…

Naglakad ako palapit sakanya. Nanlalabo ang paningin ko. Iyak at ang tunong ng mga equipments ang naririnig ko.

“Hiro…”

Then I heard the line turned flat.

Nanlamig ang buong katawan ko.

No.

Hiro.

Hindi pwede.

Mahal na mahal kita.

“Time of death… 3:08 pm. I’m sorry.” Yumuko ang doctor at hinawakan sa balikat ang ina ni Hiro.

Narinig ko ang malakas na pag-iyak ng ina ni Hiro.

Wala na siya? No. Hindi pwede. Hindi.

Hiro… Bakit mo ‘ko iniwan?

Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang kamay niya. “Mahal na mahal kita e. Bakit mo ako iniwan? Hiro... ang daya mo naman e…” I whispered. Hindi ko napigilan mapahagulgol. Wala na siya.

I almost wish we never met because of the pain I’m feeling right now. But I can’t, because this pain reminds me that you’re real. That I fell in love with you. It’s hard. I have to let you go, but I need to. I should.

We had the right love at the wrong time. Oh, I wished you met me first. Sandaling panahon lang ang nagkaroon tayo, but I’ll treasure every moment of it. Every single moment of it.

Hinalikan ko ang kamay niya. “I love you… I really do.”

I almost wished I never met him… but I’m glad that I met him. He changed me into someone better. I’ll see you soon, my love. I love you, forever. Until we meet again...

Continue Reading

You'll Also Like

27M 716K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
1.5M 36.5K 41
Walong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silan...
6M 265K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...