BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

By AshQian

84.2K 4K 202

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... More

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 4- Unang Yugto

2.3K 113 3
By AshQian

Aya is holding the passbook, looking at the figures of the savings in it. Malaking halaga ang naroon at magandang ideya ang sinabi ni Rowena na gamitin ang pera sa pagtatayo ng negosyo. Pero paano kung magsasampa ng paternal custody si Javier, wala siyang perang magagamit para lumaban sa korte.

"Mama, we're going to be late!" apura ni Aki na banaag sa maaliwalas at inosenteng mukha ang excitement.

"Coming!" masigla niyang tugon at itinago sa chest drawer ng dresser ang passbook.

Hinintay siya ng anak sa labas ng pintuan at agad itong kumapit sa kamay niya. Magsisimba sila. Walking distance lang ang chapel kungsaan gaganapin ang misa para sa kapistahan ng Sacred Heart.

Ngayong araw ay pinagsuot niya ng komportableng pantalon ang anak at malambot na shirt. Ang mahaba nitong buhok ay tinali niya ng ponytail. Sa kabila ng pagpupumilit niyang magmukha itong babae, hindi pa rin maitatago ang hulma ng mukha nitong bawat pulgada ay minana sa ama. Even Aki's smile mirrored that of Javier's smug grin.

Ano nga ang sabi dati ng mga koliheyala? Javier's mega-killer smile has the ability to pull down hell of bikinis and cameltoe in the beach. Hindi niya masyadong pinansin noon ang lalaki kahit nagtatagpo naman ang landas nila dahil ang daming nagki-claim dito. He was not a hooker, but he is a unique type of player. Someone who will never compromise respect over pleasure.

"Hello, Aki! Is she your Mommy?" tanong ng ilang kabataan pagdating nila ng kapilya. Karamihan sa mga iyon ay babae. In different age brackets.

"Yes, she is my Mama!" masayang sagot ng bata at tumingala sa kanya.

Ngumiti siya ng matamis. Nagngitian din ang mga bata.

Puno na ang ang looban ng kapilya kaya pumuwesto sila sa extention na nilagyan ng malalaking tents. Most of the people here knew her by her popular screen name on tv. Hindi rin lingid sa mga ito ang pagkakukulong niya. Hindi maiwasan ang panghuhusga pero sa tulad niyang dumaan ng hatol laban sa buong bansa, balewala na ang opinyon ng iba.

"Ang ganda pa rin niya."

"Oo nga, parang hindi galing sa kulungan. Tingin ko mas gumanda pa lalo."

"Sayang talaga. Malayo na sana ang narating niya kung hindi siya nakulong. Sayang ang career niya sa showbiz, isa pa naman siya sa pinakamagagaling umarte."

"At marunong din siyang kumanta."

Nauulinigan niya ang mahihinang usapan buhat sa kanyang likuran. Hati ang nadarama niya. Tuwa at hiya. Niyapos niya ang anak na gumanti ng yakap sa kanya.

Nagsisimula na ang misa nang may lalaking naupo sa bakanteng silya sa tabi niya. Sinulyapan niya ito at natigagal nang makasalubong ang matalim nitong titig sa ilalim ng suot nitong itim na baseball cap.

Javier!

Nag-angat ng mukha si Aki na nakasubsob sa kanya at sumilip sa lalaki. Nakita niya kung paano kumislap ang mga mata ng bata. Malaking ngiti ang sumilay sa munti nitong labi at lumundag pababa. Natilihan siya nang umakyat ito kay Javier at nagpakandong.

Her heart sank. Her son left her just like that to seek comfort in his father's lap.

"Hey, bud!" Javier is smirking but his eyes are fighting to hide that unfamiliar emotion of pain and longing. Kumbinsido na ba talaga itong anak nito si Aki kahit wala siyang sinabi at wala itong katibayan?

"What are you doing here, Tito Jav?" pabulong na tanong ng bata.

"I came to see you," pabulong din ang sagot ni Javier.

"Why?"

"I was bored, and I missed you."

Tumawa si Aki. Tuwang-tuwa sa narinig. Kitang-kita ang pagkauhaw ng anak sa pagkakaroon ng ama at sinaklot ng lungkot ang puso niya. 
Hindi na siya nakapag-concentrate sa pakikinig sa misa. Wala siyang ibang ginawa kundi magmasid sa mag-ama. They're both unaware of the secret but the paternal connection between them is stronger than the truth she is holding and she was blown away.

Nagtapos ang misa at sila ang naging sentro ng nag-uusyusong mga mata ng mga tao. Dagli niya dinampot si Aki at kinarga. Mabilis na naglakad paalis.

"Mama? How about Tito Jav?" nagtatakang tanong ng bata.

"Just behind you, bud!"

Nagtagis siya ng ngipin sa pagpipigil ng sarili. Patawarin siya ng Diyos pero pakiramdam niya ay lalo lang siyang nagkasala. Gusto na niyang bugahan ng masasamang salita si Javier pero narito ang anak niya. Hindi magandang halimbawang makita nitong inaaway niya ang lalaking wala namang ginawa sa kanila.

Bumuntot sa kanila si Javier hanggang sa bahay. Si Rowena na kadarating lamang galing namalengke ay nagtatakang sumalubong. Bago pa naibuka ng tiyahin niya ang bibig nito'y nailipat na niya rito si Aki.

"Ipasok n'yo po muna sa loob ang bata, Auntie."

"S-sige," bantulot nitong tango at pumanhik ng bahay habang karga si Aki na naiiwan sa kanila ang nagtatanong na mga mata.

Gigil na hinarap niya si Javier. "Ano sa-"

"Stop cross-dressing my son, he is a boy not a girl," he cut her.

Naiiritang tumawa siya ng pagak. "Talaga lang ha? Ano bang karapatan mong turuan ako kung paano ko aalagaan ang anak ko!" singhal niyang nanggagalaiti.

"And you call yourself a good mother at that?" panunuya ng lalaking hindi natinag kahit apoy pa yata ang ibubuga niya.

"You know what, you're screwed! Sinong nagsabi sa iyong anak mo si Aki? Hindi porket magkamukha kayo ay ikaw na ang ama niya."

"Ito," itinuro nito ang puso. "Ito ang nagsasabi sa akin...sa ngayon."

"Mama?" sigaw ni Aki na tumakbo palabas ng bahay. Hinahabol ito ni Rowena.

Parehas silang natigil ni Javier sa bangayan at umayos. Pilit siyang ngumiti.

"Mama," yumapos sa kanya ang anak. "Don't be angry with Tito Jav! When we were there in your old home, he sent the a bad guy away."

"Ano?" Naguguluhang bumaling siya kay Javier. "May nangyari ba roon sa correctional na hindi ko alam?"

Gumalaw ang mga panga nito. "May sinagot na tawag sa cellphone ang tiyahin mo at naiwan si Aki sa upuan. Nilapitan siya ng isang police at tinanong kung bakit may bata roon. I understand it's part of the protocol, minors are not allowed but I got frustrated when that officer took it out on Aki. So, yeah, I threw him outside."

Her lips parted in disbelief. Ngayon may utang na loob pa siya sa lalaking ito? Nanlulumong tumingin siya kay Rowena na hindi rin malaman ang gagawin. Hindi na siya nakaangal nang hilahin ni Aki ang ama papasok sa loob ng bahay. Nagpupuyos ang loob na pinagbigyan na lamang niya ang anak.

Wala silang imikan ni Rowena sa kusina habang naghahanda ng tanghalian. Paminsan-paminsan ay tinutungo niya ang pinto at sinisilip ang dalawa na naglalaro sa sala.
Natutunaw ang puso niya nakikitang saya sa mukha ng bata habang kalaro si Javier.

Nagtagal ang titig niya sa binata. Mula nang pasukin niya ang showbiz, nakasanayan na niya ang bahain ng gwapo at mga macho sa industriya. Javier can be one of them but he has this different touch of rough beauty that is oozing to the edge. His dark complexion outshone those male models she knew. Manly eyebrows with thickness carved perfectly. An imperious nose, and lips contoured in rigid lust and vigor.

Hindi niya napaghandaan ang biglang paglingon ng lalaki sa kanyang direksiyon. Huling-huli siya nito. Daig pa niya ang nalatigo ng kidlat. Tumakbo siya pabalik sa kanyang tiyahin at nagsalin ng tubig na maiinom sa malinis na baso. Hiningal siya kahit na nabuhusan na niya ng malamig na likido ang kanyang lalamunan.

"Anong nangyari sa iyo?"

"Wala po, Auntie."

Tinulungan niya ang tiyahin na ihain ang mga pagkain sa hapag. Ito na rin ang tumawag sa mag-ama. Karga ni Javier si Aki nang dumulog sa mesa ang dalawa. Magkatabi ang mga ito at hindi na rin siya nakialam. Pagkatapos magdasal ay nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ni Aki. Natulala na lang siya nang ibigay iyon ng bata kay Javier.

"Here too, Mama!" nakangiti nitong iniumang sa kanya ang isa pang pinggan, pinalalagyan din ng pagkain.

May nag-aalburutong enerhiya sa sikmura niya nang mapansing nakatitig sa kanya si Javier. Muntik na tuloy matapon sa kamay niya ang sabaw sa bowl. Maagap na nahawakan ng lalaki ang braso niya at sinangga nito ang puwit ng soup bowl kahit umuusok pa sa init ang sabaw ng tinulang manok.

Tahimik silang dalawa ni Rowena habang kumakain at panay lang ang tinginan. Nag-iingay naman si Aki na kung anu-anong ikinukuwento kay Javier. Wiling-wili sa pakikinig ang lalaki. Tinusok niya sa tinidor ang malambot na laman ng manok at isinubo kay Aki, saktong sinubuan din ito ni Javier. Saglit munang nahinto ang bata, palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Pagkuwa'y malutong na tumawa. Pati tiyahin niya ay nakitawa.

Buong maghapon doon si Javier. Hindi na nakapag-afternoon nap si Aki. Siya naman ay nakabantay lang sa dalawa. Umalis lang siya para maghanda ng snacks.

"I'll take you to school tomorrow, how about that?" sabi ni Javier sa nakasimangot na batang kinakamot ang ilong. Ganito ito kapag naiinis at gustong umiyak. Latag na ang dilim nang magpaalam ang lalaki.

"Pwede ba huwag mong paasahin ang anak ko?" sikmat niyang hinaplos ang mapintog na mga pisngi ng anak at hinagkan ito sa noo.

"I'm not, my house is over there, the fifth one. We're neighbors actually," kumindat si Javier at ngumisi. "You can pay me a surprise visit anytime of the night, I won't resist."

Nanlaki ang mga mata niya at wala sa sariling tinanaw ang bahay na itinuro nito.

Continue Reading

You'll Also Like

39.8K 1K 36
Noong nakilala ni Bella Marieh si Engr. John Nigel Alvarez sa mismong birthday party ng kanyang kuya Lorenzo ay nagsimula nang nagulo ang tahimik niy...
I SEE YOU By BelittleMe

General Fiction

1.2M 26.9K 41
She is having a huge crush with him all her college life. She just wanted him to notice her... He is a snob and a hundred percent jackass. He hates...
84.2K 4.5K 46
Xierraluna Mandaya, princess of Mandaya Tribe is destined to be an offering to their god. Pero isang aksidente ang nangyari na nag-iwan ng pangit na...
1M 28.6K 38
Gray Pereira doesn't believe in the word love. Eversince his mother died, he already kick his self out of the existence of love - the word he hates t...