Along With The Billion Stars

By menainary

38 7 0

Si Olivia Janis Arevalo ay isang matapang, at palaban na babae. Ngunit isang trahedya ang magbabago sa kanyan... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6 : Part 1
Chapter 6 : Part 2
Chapter 7

Chapter 2

6 1 0
By menainary

"Oliv, tawag ka ni Mrs. Sanchez", napatigil ako dahil sa narinig ko. Sabi ko sa kanya huwag na huwag na niya akong tatawagin. Dahil wala akong pakeelam sa mga taong kagaya niya. Napahilamos ako sa sarili kong mukha bago naglakad patungo sa opisina niya.

"Ano na naman ba ito?" galit na bungad ko sa kanya.

"Ganyan ka ba bumati sa mas nakakataas at nakakatanda sayo?" pabalik niyang tanong.

"Pinatawag kita dahil ikaw na ang bagong head nurse na iaasign ko." sambit nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ayaw ko,  dahil aalis din ako sa hospital na ito! At kung sakali man, maaabot ko ang pwestong iyon dahil sa may abilidad ako, hindi dahil tinutulungan niyo ako" madiin na sambit ko.

"Hindi sapat ang abilidad, Olivia. Kailangan mo din ng kaunting tulong", mapakla akong napatawa dahil sa sinabi niya.

"Tulong? hindi ko kailangan ang tulong mo! Hindi mo ba naiisip ang mga pinaggagawa niyo noon? at ngayon sasabihin niyong tulong? wala akong pakeelam sa mga posisyon o mga perang yan!" nanggagaliiti kong sambit sa kanya.

"Oh sige, magresign ka na at lumipat ng ibang hospital" ngumiti pa ito na tila hinahamon niya ako na hindi ko kayang gawin iyon.

Napahinga ako ng malalim,at pilit na bumabalik ang mga alaalang kasindungis ng pagkatao  niya.

"Olivia, magbihis ka ng sexy na damit alam mo na, baka matuwa iyong bisita ko at sabi niya bibigyan niya daw ako ng magandang posisyon sa hospital niya kaya ikaw galingan mo!"

"Pero bakit po?" inosenteng tanong ko.

"Sabi po ni mama, huwag daw po akong sasama sa inyo"

"At bakit, aber? ako ang nag-aalaga sa'yo ngayon kaya susundin mo lahat ng sasabihin ko!" naluluha na ako dahil sa takot. Takot dahil sa mga galit niyang tingin sa akin kapag may pinipilit siyang bagay na ayaw kong gawin.

"Ayaw ko po sa inyo, g-gusto ko kay mama! " umiiyak na sambit ko.

"Hindi kayo mabubuhay ng nanay mo, at ako kaya ko, kaya pumasok ka na doon at magbihis!" sigaw nito sa akin.

Tumayo ako papuntang kwarto, pero napatigil ako ng pumasok si mama na parang may hinahanap. At ng makita niya ako agad niya akong niyakap. Agad niya rin akong binitawan at humarap siya kay lola.

" Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Tangina ma, anak ko yan!Tapos idadamay niyo sa pambubugaw niyo! Buti na lang at nalaman ko ito kay Ate Esang!" galit na galit si mama na para bang handa na  siyang lumusob sa isang gyera.

"Pati ako nadamay niyo noon dahil lang sa walang kakwenta kwentang kagustuhan niyo sa pera! At yung anak ko naman? Pwes hinding hindi niyo yan magagawa dahil aalis na kami."

"Hoy Janica, dapat nga magpasalamat ka dahil tinutulungan ko kayo, kung hindi dahil sa akin, hindi mo mararanasan ang karangyaan!" sigaw na sumbat ng lola ko.

"Sa inyo na ang karangyaan niyo!" madiin na sambit ni mama.

At habang lumalaki ako, dun ko nalaman na muntik na akong naging biktima ng pambubugaw. At dun sa palabas ni nanay? Si lola ang may kagagawan. Walang kamalay malay si nanay noon na ganoon ang mangyayari sa kanya. Binantaan siya noon ni lola na kapag hindi niya  gagawin iyon ay ilalayo niya si nanay kay tatay. Sanggol pa lang ako ng mangyari yon, at pera ang dahilan ng lahat ng iyon.

At ng makapasok ako sa ospital na ito, nalaman ko na asawa ng may-ari ng hospital na ito si lola. Gusto ko noon na umalis at lumipat ng ibang hospital pero malubha na ang karamdaman ni tatay kaya kailangan namin ng malaking halaga ng pera. Hindi alam nina nanay na sa hospital ng nanay niya ako nagtatrabaho. Ang sabi ko sa sarili ko noon, hanggang dalawang taon lang ako dito at siguro ito na ang oras para tapusin ito.

"Sa tingin niyo, hindi ko kayang umalis sa hospital na ito?  pwes bukas na bukas magre-resign na ako! " matalim ang tingin na ipinukaw ko sa kanya. Bahagya pa siyang natigilan dahil sa sinabi ko.

Mabilis akong umalis at naglakad palayo.

"May nangyari ba? Bakit ganyan mukha mo?" nagtatakang tanong ni Ella.

"Wala namang bago" ngumiti ako ng mapakla habang inaayos ang mga gamit ko.

"Tutuloy ka bukas sa event?" tanong nito

"Hindi na, wala akong  pangrenta ng gown, mas mabuti na lang na ibili ko ng gamot ni tatay."  malungkot na saad ko, pero sa loob ko gusto kong pumunta dahil ngayon ko lang mararanasan ang ganitong okasyon.

"Hoy gaga! never natin na experience yung mga ganyan ganyan, ngayon lang naman eh" pamimilit nito.

"Titignan ko kung may pangrenta ako ng gown" ngumiti ako ng tipid saka siya tinalikuran.

Habang naglalakad sa hallway, nakita ko si Erika, yung tsismosang kaaway ko kahapon, bitbit ang sanggol niyang anak. Oo, madalas ko siyang nakakaaway, pero kahit kailan hindi ko binibring-up ang baby niya. Kaklase ko siya mula elementary hanggang college, dahil pareho kami ng kursong kinuha noon. Pero tumigil din siya sa pag-aaral dahil iniwan siya ng boyfriend niya, dinamdam niya masyado. Pagkatapos ng isang buwan, nalaman lang niya na buntis siya. Pero nung makagraduate ako, lagi na niya akong nilalait at inaaway.

Bandang alas otso na nang magpaalam ako sa mga katrabaho ko. Malungkot akong umuwi dahil hindi ako makakapunta sa anniversary ng hospital bukas, idagdag mo pa na kailangan kong magresign at maghanap ng ibang hospital na pagtatrabahuan.

Madilim na sa loob ng bahay ng makarating ako. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na ibinagsak ang katawan ko. Habang nagmumuni sa loob, may napansin akong isang box sa ibabaw ng study table ko. Agad ko itong kinuha at binuksan. Nagulat ako ng makitang isa pala itong gown.
Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang card.

Anak, tumuloy ka bukas ha? huwag na huwag mong hahadlangan ang mga bagay na gusto mong gawin dahil lang sa amin.

Mahal na mahal ka namin, anak.
Ps. Kay Ella namin nalaman anak hihi..

Fr: Tatay and Nanay

Unti unting tumulo ang mga luha ko, agad kong niyakap ang gown at umiyak. Siguro kung papipiliin ako ng magulang sa susunod kong buhay, sila lang ang tanging pipiliin ko.

--

Tanghali pa lang ay pinaghahanda na ako ni nanay, sobrang saya niya nung isinuot ko na ang binili nilang gown ni tatay. Jusme, hindi rin sila tumitigil sa pagkuha ng pictures. Siguro isang daan na ang mga litrato ko.

(Imagine na ito yung gown ni Olivia)

Pagkarating sa venue agad akong sinalubong ni Ella.
"Puchangimang yawa ka Olivia, ang ganda mo!" may kinikilig pang nalalaman ang babaitang ito.

Iniflip ko ang buhok ko tsaka kumindat sa kanya.

Masaya akong nakikipagkwentuhan kay Ella ng maalala ko si machoy.

"Nakaduty si machoy?"

"Ah hindi mo alam? wala na siya sa trabaho." nagulat ako sa narinig ko.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"Bakit ganyan itsura mo? Hindi ka ba natutuwa na wala na siya?"

Bigla kong naalala ang mga sinabi ng matandang iyon. Agad kong nilibot ang paningin ko, at agad na tumama ang tingin ko sa kanya. Ito na ang oras!

"Ella, dito ka muna, may pupuntahan lang ako saglit"

"Ha? s-sige." napansin ko ang pagtataka sa mga mata ni Ella kaya umalis na lang ako agad para maiwasan ang mga tanong niya.

Mabilis akong naglakad papunta sa matanda. Huminto ako sa tabi niya at kinuha ang resignation letter sa bulsa ng short pant sa loob ng gown ko. At padabog kong nilagay ang resignation letter sa harap niya. Napansin ko ang gulat sa mga mata niya pero umalis ako agad para hindi makagawa ng atensyon.

Bago pa ako makalabas sa venue ay umulan na, napangiti ako dahil laging nariyan ang ulan sa tuwing kailangan ko ng karamay.

Masaya kong sinalubong ang ulan sa kabila ng mga problemang dinaranas ko. Siguro iniisip ng mga tao na baliw ako. Sino ba namang kasing tao ang naliligo sa ulan ng nakagown, ha?

Agad kong tinawagan si nanay para mahawaan ko naman sila ng bonggang mood ko ngayon.

"Nay! uuwi na ako, ano bang gusto niyong pasalubong?" masayang tanong ko kay nanay.

"Ay jusmeyo kang bata ka, napakalakas ng ulan! umuwi ka na lang at hayaan mo na ang pasalubong dahil busog pa kami, anak", napatawa ako ng mahina dahil sa pag-aalala nito.

"Masaya ako ngayon at dahil diyan ibibili ko kayo ng Jollibee"

"Ikaw talagang bata ka, ikaw na ang bahala basta umuwi ka agad"

"Okayy nanay ko, nandito na ako sa tapat ng Jollibee at tatawid na lang ako ng kalsada"

"Oh sige mag-iingat ka pauwi ha?" napangiti ako, ay jusme napakaswerte ko dahil meron akong nanay na katulad niya. Napatingin ako sa traffic signal light, at ng makitang pula na ito ay nakisabay na ako sa mga ibang tao na tumawid sa pedestrian lane, pero nagpahuli ako dahil masyado na silang marami sa unahan.

"I love you nay, kayo ni tata-"

Nanghina ako dahil sa malakas na pwersang tumama sa katawan ko. Napalutang ako sa ere at bumagsak ng napakalakas. Dahan dahan akong tumingin  sa paligid ko at isang sasakyan ang nasa harap ko. Unti unting nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko na din maigalaw ang katawan ko. Naririnig ko din na nagsisigawan ang mga tao pero hindi malinaw sa akin kung ano ang mga sinisigaw nila. Ramdam na ramdam ko na ang lungkot ng bawat butil ng ulan na tumatama sa akin.

At kasabay ng galit ng kalangitan ang unti unting pagpikit ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 69.3K 29
After a disastrous first season in London, Rose Wilde finds herself torn between two men who love her -- but who both hide secrets that could ruin he...