Afraid of Everyone's Eyes

By anjspace

98 14 24

Judgment is part of human nature. *** Chantria Mendoza, an ordinary freshman student trying to find where she... More

AOEE
Visuals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 3

5 1 1
By anjspace

Matapos ang pangyayaring iyon ay sinubukan kong gawing kumportable ang sarili na kasama sila. Magkasama kami tuwing break at vacant time ganoon din sa tuwing kakain. Umaga rin kahapon na kung saan ay hinintay nila ako sa labas ng university at sabay-sabay kaming pumasok.

So far, sa ilang araw na kasama ko sila ay wala naman naging problema. But of course since I am new, hindi maiwasang paulit-ulit akong tanungin ni Jenina --iyong tahimik sa grupo-- kung kumportable ba ako na kasama sila at wala akong ibang nagiging sagot kundi ang ngitian siya at tumango.

When it comes to friendship, alam ko na ang layo ko sa mga tipo ni Alexa ngunit sinusubukan ko namang makibagay at makisabay. Yung grupo ni Alexa ay yung tipong kilala ng halos kalahati ng campus o hindi kaya kilala sa buong college building at gaya ni Jenina, hindi ako gano'ng klaseng estudyante. Palaisipan pa rin sa akin bakit ginusto akong maging kaibigan ni Alexa. I tried to asked Jenina about it but she just shrugged her shoulders. Hindi ko na rin siya kinulit matapos 'yon dahil inaamin ko na sa kanilang lima ay mas komportable ako na katabi siya sa tuwing magkakasama kami.

Sa kaunting oras pa lamang na nakakasama ko sila ay napag-alaman ko na magpinsan sila ni Alexa at magkasama na sila simula grade school hanggang sa nagcollege. Iyon ang naging dahilan para bitawan ko ang tanong kung bakit sa grupo ni Alexa siya sumasama kahit na halata na magkaiba ang personality nila.

To be honest, it's hard... but in order to survive this journey, alam ko na kailangan ko ng makakasama.

Pasimple akong bumuga ng hangin nang pinindot ko ang remote at lumabas ang huling slide ng presentation namin ni Timea. Finally, it's over! Pasimple kong nilingon ang katabi ko at nakita na tila wala lang sa kanya ang nangyari. Malaki ang ngiti nito sa mga kaklase namin ganoon din kay Doc. Gutierez.

How could she do that?

Binalik ko ang tingin sa harapan nang mapansin na mula sa pagkakaupo ay tumayo si Doc. Humalukipkip siya habang nasa huling slide namin ang mata bago niya dahan-dahan na tinignan kami ni Timea.

"So, any question?" sambit nito na ikinagulat naming lahat. Inilipat niya rin ang tingin sa mga kaklase namin.

Really? Question? Kung hindi lang ako kinakabahan ng husto ay baka natawa na 'ko sa kanya. Ano kaya ang itatanong kung background lang naman ng students ang ipinresenta.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa loob ng silid bago siya tumango at muling nagsalita.

"Okay good! Very well presented, Ms. Denovan and Ms. Mendoza."

"Thank you, Doc." magkasabay na sambit namin ni Timea bago kami umalis sa harapan.

Inabot ko rin ang remote sa susunod na magpi-present bago dumiretso sa upuan.

"Let's go out to lunch, my treat!" masiglang sabi ni Timea.

Ngumiti ako sa kanya bago tumango. It's a successful presentation after all.

Natapos ang oras ng klase na limang pairs lamang ang nakapagpresent. Nakangiti ako habang palapit sa harapan kung saan ay inaayos ni Alexa at Jenina ang projector dahil sila ang huling nagpresent. Magpapaalam lang ako na hindi muna ako makakasabay sa kanila ngayong lunch.

"Chantria, congrats!" bati ng isa sa mga lalaking kaklase ko.

Ngumiti lang ako sa kanya bago ko hinarap si Alexa at Jenina.

"Lex, Jen, congrats." bati ko sa dalawa. Tinulungan ko rin sila sa ginagawa.

Saglit na nag-angat ng tingin si Alexa at hindi ko agad nabasa ang unang naging reaskyon niya kaya kinunotan ko siya ng noo ngunit kalaunan ay ngumiti rin naman ito bago nagpatuloy sa ginagawa. What was that?

"Thank you! Congratulations din sa presentation niyo," si Jenina ang sumagot sabay ngiti sa akin.

"Uh, Alexa-"

"Let's have lunch?" putol niya sa sasabihin ko bago niya kinuha ang shoulder bag niya.

"Hindi muna ako makakasabay sa inyo ngayon, inaya kasi ako ni Timea." diretso kong sabi dahil nakapag-oo na ako kay Timea.

Muli niya akong hinarap bago niya nilagyan ng lipstick ang labi kahit na pulang-pula pa naman 'yon.

"Got a new friend huh?"

I don't know if it was just me or there was really something in her voice when she said those words. Nevertheless, I still managed to smile.

"Timea is not bad, it's just-"

Ibinaba niya ang hawak na mirror kaya napatigil ako sa pagsasalita. Kunot na ang noo niya ngayon habang nakatingin sa akin na tila may sinabi na naman ako na nakapagtataka.

Tumawa siya 'tsaka ipinasok ang mirror at lipstick sa bag na nasa sa'kin ang mga mata. "I didn't say anything bad about Denovan, Chantria."

Huminga ako nang malalim at saglit na napapikit. "Yes, but-"

"Oh hi, Denovan!" putol muli ni Alexa sa akin sabay tingin niya sa likod ko. "Narito na pala ang new found friend mo, Cha. Enjoy your lunch, okay?"

Pagkasabi niya no'n ay agad niya na akong nilampasan. Nahihiyang ngumiti lang naman si Jenina sa akin gano'n din sa taong nasa likod ko. Habang ang tatlo pang kasama nila ay inirapan ako. Hindi ko na natago ang marahas na pagbuga ng hangin nang makalayo na sila.

"Ang arte talaga!" dinig kong sabi ni Timea sa likod ko kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit ka ba kasi sumasama ro'n? Hindi mo naman kaugali ang mga 'yon,"

Umiling nalang ako 'tsaka siya nginitian. Sabay na rin kaming umalis sa classroom at naglakad patungo sa cafeteria.

Mga ganoong sitwasyon ang pilit kong iniiwasan kapag nasa university ako at kasama ko si Alexa. Sa totoo lang, hindi ko nagugustuhan minsan ang pakikitungo niya, lalo na kung nagmamaldita siya kay Jenina dahil hindi talaga lumalaban ang isa o kahit ang pabalang na sumagot ay hindi magawa ng huli, kaya niya rin ako madalas tanungin kung totoo ba na komportable ako na kasama sila.

Pumasok kami sa cafeteria at agad na akong naghanap ng table dahil ilang minuto na lang ay magdadagsaan na ang mga estudyante gano'n din ang mga professor dito. Nagpresenta si Timea na siya na ang oorder kaya tumango na lang ako bago dumiretso sa bakanteng table.

Nang makaupo ay inilabas ko muna ang cellphone. There's a text message from my Mom na nagsasabing uuwi sila mamaya nang maaga at sabay kaming magdidinner ngunit agad 'yon sinundan ng panibagong message na susunduin na lang daw ako ni Mr. Anton at sa labas na nga lang daw kami magdidinner.

I immediately locked my phone when suddenly someone sat across from me. Nagtataka akong nag-angat ng tingin sa kanya ngunit agad iyong napalitan ng panlalaki ng mata nang makilala ko siya. Ang brown and black niyang buhok at makakapal niyang kilay-hinding-hindi ko makakalimutan ang kahihiyang 'yon. And seriously? Sa cafeteria pa talaga?!

Napairap ako sa hangin. Abala ang mata at kamay niya sa cellphone na hawak kaya hindi ko sigurado kung pansin niya ba ang tingin ko. But I am pretty sure that he's aware that there's someone siting across from him.

He cleared his throat so I quickly averted may gaze. Inilipat ko na lang ang tingin kay Timea na ngayon ay naglalakad na palapit. Ngiting-ngiti na naman ito at kulang na lang ay lahat ng nakakasalubong niya ay ngitian niya. Nang dumapo sa akin ang tingin niya ay pasimple kong binalingan ng tingin ang abalang lalaki para ipaalam sa kanya na may iba kaming kasama sa table ngunit nginitian niya lang din ako.

Nice!

Hinintay ko na marating niya ang table namin at agad kong napansin ang pagkunot ng noo niya nang tuluyan nang mapansin ang lalaki. Napabuntong hininga ako at saglit na inilibot ang mata para maghanap ng bakanteng table nang biglang siyang magsalita.

"Mav?" Sabay suri sa taong nakaupo sa harapan ko. Inilapag niya ang tray sa table namin, doon pa lang nagawang mag-angat ng tingin ang lalaki. "Maverick! Ikaw nga!"

A bit of shock was evident in the man's expression before he smiled back at Timea.

"Tim!" The masculine voice gave a surprised laugh. "Nabanggit nga ni Egon na rito ka nga rin daw tumuloy, kumusta?"

Umupo si Timea sa katabi kong upuan at muling sinagot ang lalaki. "Ayos naman, wala pa naman nagiging problema."

Tumawa ang lalaki at nagkaroon pa sila ng ilang palitan ng mga salita na hindi ko magawang intindihin. When I cleared my throat ay 'tsaka pa lamang nila ako napansin. Agad kong iniwas ang mata sa lalaki nang mapatingin siya sa akin habang may kunot sa noo. Does he remember me?

"Oh right," si Timea nang bumaling sa akin. "Mav, Chantria Mendoza nga pala,"

Labag man sa loob ay muli kong tinignan ang lalaki. Kailangan pa ba 'to?

Nabigla ako nang tumayo ito nang tuwid 'tsaka tumango at pormal na naglahad ng kamay sa akin.

"Maverick," anito. "Maverick Emerson from College of Architecture,"

Ilang segundo kong tinignan ang nakalahad niyang kamay bago ko ito tinanggap nang hindi tumatayo sa inuupuan. Napansin ko ang pag-ngising aso ni Timea kaya marahan ko siyang kinurot sa ilalim ng mesa matapos ang kamayan.

Muling umupo ang lalaking nagngangalang Maverick sa upuan. Inayos ni Timea ang pagkaing inorder sa mesa kaya tinulungan ko siya. Heavy meals for two ang inorder niya, may lasagna and pizza at dalawa ring lemon juice. Hindi ko sigurado kung mauubos ko 'to ngunit nagpasalamat pa rin ako. Saglit din na umalis si Maverick para umorder.

"Hindi mo sinabi na may iba pala tayong kasama," sambit ko nang makalayo na si Maverick.

Tumigil siya saglit sa pag-aayos 'tsaka ako nginitian. "Hello? Anong alam ko na narito rin pala siya?"

Bumuntong hininga ako 'tsaka inalis na ang tray sa table namin. Inabot ko 'yon sa isang staff na dumaan sa tabi namin. "Pwede bang sabihan mo siya na sa ibang table na lang kumain?"

I know it's kinda rude but heck I am not comfortable!

Akala ko magagalit siya sa sinabi ko ngunit nabigla ako nang tumawa ito. "Alam kong gwapo siya-"

"What the hell, Timea?!" sabi ko na hindi sinasadyang napataas ang boses.

Humalakhak siya kasabay nang pagbalik ni Maverick sa table namin kaya tumahimik nalang ulit ako. Agad itong naupo at inayos ang pagkain sa table. He ordered one blueberry cheesecake and blueberry juice, napansin ko rin ang battled of mineral water na binili rin niya.

Sa ilang araw na lagi kaming magkausap ni Timea para sa paghahanda sa presentation kay Doc. Gutierez ay napalapit na rin kami sa isa't isa. Hindi rin naman kasi siyang mahirap pakisamahan. She's friendly, perky, and optimistic. At hindi rin kami nawawalan ng usapan dahil napaka talkative niya.

I made a sign of the cross bago ko kinuha ang kubyertos. Ngunit bago pa man ako magsimula sa pagkain ay napansin ko ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin kaya pasimple akong nag-angat ng tingin. Doon ko naabutan ang agaran na pag-iwas ni Maverick ng tingin sa akin sabay nguya sa kinakain.

Isinubo ko ang pagkain at hindi na lamang siya pinansin. I'm glad that he doesn't seem to remember me. Tahimik ko lamang inubos ang pagkain habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi na rin ako nag-abala na balingan ng tingin si Maverick kahit na napapansin ko ang madalas niyang pagbaling sa akin na tila ay naaalala ako.

I was sipping on my lemon juice when I heard a familiar voice. Boses ng babae na tinawag ang lalaking kaharap ko ngayon sa table.

"Emerson?"

Sabay na bumaling si Timea at Maverick sa likuran ko kung saan ay alam kong nakatayo siya. Kahit na hindi ko siya lingunin, alam ko kung sino siya.

Magkakilala sila?

Napatingin ako kay Timea nang mapairap ito bago ininom ang lemon juice niya. Tumayo naman agad si Maverick na tila nagulat sa biglang pagsulpot ni Alexa.

"Alex," he called, it was almost a whisper. "Y-you're here..."

Umaasa ako na sasagutin niya pabalik ang isa ngunit nabigla ako nang umupo siya sa isa pang bakanteng upuan sa tabi ko at katabi rin ni Maverick.

"Oh, so you are with them, Cha?" Sabay baling nito sa akin. "You didn't tell me,"

"Hindi naman yata obligado si Chantria na ipaalam sayo lahat, Lex..." si Jenina na ikinabigla ko.

"Shut up, Jen."

Nilingon ko ang apat na laging kasama ni Alexa. Hindi na ako nagtaka nang makita ko ang masamang tingin nila sa akin maliban kay Jenina na nakayuko lang at tila hindi rin inasahan na masassabi niya ang mga salitang 'yon kay Alexa.

Napalunok ako at muling ibinalik kay Alexa ang mata. "Hindi ko naman siya kilala-"

"At anong pakialam mo kung magkakilala sila ni Chantria, Hernandez?" Nabigla ako sa pagputol ni Timea sa akin. Ibinaba niya rin ang empty cup ng lemon juice bago niya tinignan si Alexa habang may malaking ngiti sa labi. "College na tayo, iwan mo na 'yang ganyang ugali."

My jaw dropped at what she said. Inilipat ko kaagad ang mata kay Alexa na ganoon din ang naging reaksyon.

"What?" she said and stared at her in disbelief.

"Quit being bossy, Alexandra Hernandez." simpleng sabi ni Timea bago tumayo. May ngiti pa rin sa labi niya. "Let's go, Cha?"

"H-huh?" naguguluhan kong sambit at palipat-lipat ang mata ko sa dawalang babaeng katabi. "U-uh, s-sige-"

Naputol na naman ang sasabihin ko nang biglang tumawa si Alexa. Marahan niya akong hinawakan sa braso. "Chantria is my friend not yours, Denovan."

Pigil ko ang hininga ko nang marinig 'yon. Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin at nalilito ko lamang tinignan si Alexa at Timea na parehong nanghahamon ang tinginan. They remained that way for a few seconds until someone cleared his throat.

"You haven't changed at all, Alexa." mababaw ngunit puno ng diing saad ni Maverick. Tumayo siya at marahan na tinapik si Timea sa balikat. "I'll go now, Tim."

Ngumiti lang naman ang huli at nang makalayo na si Maverick ay bumuntong siya at kinuha ang bag. Nginitian niya ako bago niya muling binalingan si Alexa na ngayon ay inalis na ang pagkakahawak sa braso ko.

"Maging mabait ka kung gusto mo ng maraming kaibigan." Timea said before walking away.

Hindi ko na siya nagawang pigilan lalo na nang ibinagsak ni Alexa ang kamay niya sa table. Napaatras ako sa inuupuan at nanlalaki ang matang tinitigan siya. Her face was flushed as she clench her fists.

"Are you okay, Lex?" si Jenina ang naglakas loob na magtanong.

Ngunit imbis na sumagot ay inangat ni Alexa ang tingin niya. Mula sa pagkakayuko ay tinignan niya ako ng diretso. Nanggagalaiti pa rin ito sa galit.

"Stay away from Denovan." she then stood up. Kinuha niya ang bag 'tsaka siya naglakad palayo na agad din namang sinundan ng apat.

Gulong-gulo akong naiwang nakaupo sa table, mag-isa at kasama ang mga natirang pagkain. Bukod sa hindi nagalaw na pizza ni Timea ay kalahati pa ng blueberry cheesecake ni Maverick ang natira. Nabusog kaya siya?

Bumuntong hininga ako 'tsaka tumayo, I need some fresh air. Dumiretso ako sa students' greenspace nang malalim ang iniisip.

Sa nangyari sa cafeteria ay hindi ko maiwasang isipin na may past sila Alexa, Timea at Maverick. They seem to have known each other for a long time. At kung sakali man, malakas ang hinala ko na hindi maganda ang naging samahan nila.

Nang malapit na ang oras ay naglakad na 'ko pabalik sa building. Una kong siniguro bago magsimula ang school year ay ang iiwas ako sa mga posibleng mangyaring gulo at alam ko na hindi iyon malabo ngunit sa nangyari kanina, mukhang imposible na nga na makaiwas pa ako dahil hindi malabong may kasunod pa roon. Knowing Alexa...

Narating ko ang room na tahimik lang ang dalawa. Kahit papaano ay tahimik akong nagpasalamat dahil mukhang alam naman nila kung kailan ang oras ng pagseseryoso. Dumating ang minor prof namin at nagkaroon lang ng discussion about sa previous lectured and I chose to focus on the discussion, ganoon din sa dalawa pang sumunod na klase na may mga bagong lesson na binigay.

Nung uwian na ay diretso lamang ang naging lakad ko palabas ng room at building. Hindi ko kinausap ang kahit na sino kila Timea at Alexa dahil unang-una ay hindi ko alam kung anong sasabihin at kung paano simulan ang usapan. Pakiramdam ko rin naman na ganoon din sila kaya napili ko nalang ang tumahimik.

Paglabas ng CLA building ay agad nagkatagpo ang mata ko at ng isang lalaking nakatayo sa shed. Napatigil ako sa paglalakad. May kasama siyang lalaki na medyo kulot ang buhok at may sinasabi ito sa kanya. Muli kong tinitigan si Maverick at napansin na nakataas na ang kilay nito ngayon habang nasa sa akin pa rin ang tingin.

Bigla kong naalala ang nangyari sa cafeteria. Is he mad at me?

Napansin ko ang paglingon ng kasama niya sa direksyon ko kaya agad akong yumuko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Alright, as much as possible... umiwas ka sa gulo, Tria." bulong ko sa sarili habang naglalakad patungong parking lot.

Sabi nila, kapag alam mo na wala ka namang ginawang masama ay hindi mo kailangang mamoblema at 'yon ang sitwasyon ko ngayon. I just need to act normally, I was not involved in any of their disputes kaya hindi dapat ako mamoblema.

Pumasok ako sa sasakyan na 'yon ang nasa isip. Ni hindi ko nagawang batiin si Mr. Anton dahil abala ang utak ko sa nangyari sa cafeteria at kung ano ang posibleng dahilan. 'Tsaka ko lamang siya binigyan ng pansin nang siya ang unang kumausap sa akin.

"Wala ka na bang dadaanan, Ms. Tria?"

Napatingin ako sa kanya sa rear-view mirror. Nakatingin din siya sa akin kaya umiling lang ako sa kanya. Tumango siya at agad na ibinalik sa daan ang mata.

Tahimik lang ako buong byahe. Ilang minuto lang naman iyon nang muling tumigil ang sasakyan sa isang chinese restaurant. Ito ang paboritong restaurant ni Mama.

"Nasa loob na po ba sila?" tanong ko nang nasa parking lot na kami.

Tumango siya. "Nasa loob na, ikaw nalang ang hinihintay."

Pagkasabi niya no'n ay tumango na lang ako at akmang lalabas na sana nang muli siyang magsalita.

"Ayos ka lang ba?"

Pagod akong ngumiti. Kaedad lang siya ni Papa at simula bata ako ay lagi siyang nagpapakatatay sa akin lalo na pag abala si Papa at Mama. Nang namulat ako sa mundong 'to at nagkaisip, bukod sa mga magulang ko ay isa siya sa una kong nakilala at napalapit na rin ang loob ko sa kanya. I don't see him as our family driver, in fact I'm treating him as someone na matatakbuhan ko sa tuwing kailangan ko ng magulang sa tuwing abala si Mama at Papa.

"Opo," sagot ko sa mahinang boses.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...