Cosmic Trouble at the Guillen...

By LenaBuncaras

12K 546 147

Paid to work as Hidden Sparks' city villainess, Mystic suddenly finds herself in the middle of an impending c... More

Cosmic Trouble at the Guillen's Rooftop
Chapter 1: The Villainess and the Hero
Chapter 2: "Normal" Citizen
Chapter 3: War Veterans
Chapter 4: Ordinary
Chapter 6: Obligations
Chapter 7: Real Enemy
Chapter 8: Prison Gate
Chapter 9: The Mayor
Chapter 10: Reasonable Doubt
Chapter 11: Annoying Visitor
Chapter 12: Cosmos Entities
Chapter 13: The Villainess
Chapter 14: "Ordinary" Morning
Chapter 15: Waiting Time
Chapter 16: Goddess of War
Chapter 17: Tracker
Chapter 18: The Reporter
Chapter 19: The Mastermind
Chapter 20: Arrested
Chapter 21: Caught
Chapter 22: Hero Complex
Chapter 23: Summoned
Chapter 24: Malevolence
Chapter 25: Evil Meets Evil
Chapter 26: War General
Chapter 27: Warlords
Chapter 28: Saved
Chapter 29: Pacified
Chapter 30: Heroes

Chapter 5: Stolen Artifacts

366 35 2
By LenaBuncaras

I know stealing is bad, obviously. And I already have a villa in hell because of my bad deeds, pero hindi ko naman alam na may mas malala pa pala sa akin pagdating sa paggawa ng karumal-dumal na mga bagay.

Ang ninakaw kong cargo sa Bounapati ay tatlong kahon ng rare jewelries and gold bars. Nothing special, actually, unless interesado ako sa mga kayamanan. Delivered ang shipment sa port ng Cole and River. Iyon lang ang alam ko at ang eksaktong ruta ng cargo after Bounapati. Pero bakit naman naging ganito?

"Jules, are you sure about this?" I asked, and I couldn't avoid my inquisitorial tone because the expected three boxes became ten crates of different contents. And I'm sure Izan could feel something negative inside these wooden crates in front of us.

It felt so weirdly wrong from every angle. Parang may bad vibes sa mga crate na hindi ko gugustuhing hawakan.

"Can we check it?" Izan asked, and I badly wanted to as well.

"Yeah," I seconded. "Jules, there is something wrong with these crates."

"Chill, actually . . ." Mukha siyang may gusto pang sabihin pero idinaan na lang niya sa hand gesture na paikot-ikot lang naman ang kamay, as if may lalabas sa dibdib niyang sagot sa ginagawa niya.

"Jules, I'm not asking for a yes."

Ako na ang lumapit sa isang kahon at inilapat ang kanang kamay roon sa kahoy na takip. Damang-dama ng palad ko ang koryenteng mula roon. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso.

"Chill, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag kay boss kapag nalaman niyang may nagbukas ng kargamento niya."

"Then tell your boss, Mystic did."

"Chill, lalo akong papatayin ni boss kapag sinabi ko 'yan!" mahina niyang sermon pero huli na.

Nagsalubong agad ang mga kilay ko pagkakita sa laman ng crate. Nilingon ko agad si Izan para manghingi ng opinyon. Lumapit naman agad siya at nakisilip din sa loob.

"You stole that?" he asked before glancing at me.

I cringed. "Damn no! And now I want to know who did it. You can't just steal an intergalactic prison just because you want to."

Sabay naming ibinalik ang tingin sa laman ng kahon.

It was the Golden Globe of Symeo. Maliit na globe lang ito, sinlaki ng tennis ball, pero isa ito sa prison gates ng pinakamalaking kulungan sa cosmos—ang Borsthal of Asmotheus. At nagtataka na ako ngayon kung paano ito napunta rito sa warehouse ng Hidden Gems.

"Sino ang nagdala nitong mga crate?" tanong agad ni Izan kay Juliana.

"Dinala lang 'yan ng HGI truck. Isinama sa mga regular parcel. More of pinasabay lang kasi ang sabi, pi-pick up-in din later that day. Pero two weeks na, wala pa ring kumukuha."

"Sino ang boss mo?"

"Si Bernard Alfonso."

"The Alfonsos are just regular merchants." Itinuro ni Izan ang crates. "Kapag nakita 'to rito ng city council, ipasasara kayo."

I would definitely agree with Izan about that. Kapag nalaman ni Vinnie ang tungkol dito, talagang magkakagulo sa buong city. Nakatago ang globe sa loob ng National Museum na limang city ang layo mula sa Hidden Sparks. Kahit nga bayaran ako ng isang bilyon, hindi ko nanakawin ito.

Sino naman kaya ang kumuha nito roon?

"Kaya nga ipatatago ko muna sa rooftop ni Chillie. Walang magtatanong kung bakit naroon 'yang mga crate."

"You know that she's not the Chillie na kilala ng lahat ng tagarito sa Hidden Sparks, tama?" Izan asked, and I interfered with the conversation kasi nadadamay na ang isa pang trabaho ko.

"Kilala ni Jules si Mystic, Izan. Don't worry, safe siya."

"Hindi ba delikado 'tong ginagawa mo, Chillie?" tanong ni Izan na ipinagkibit-balikat ko na lang.

"Izan, are you sure, ako ang tinatanong mo? Hindi mo ba 'ko kilala at ngayon ka pa talaga nag-drop kung delikado ba ang ginagawa ko?"

He did his facepalming act again while shaking his head. Alam kong delikado pero wala naman kaming choice. Saka ako si Mystic, hello? Matagal na akong delikado.

"Hindi natin puwedeng isuko 'yan sa National Museum, Izan," sabi ko bago pa niya ako banatan ng tungkol sa sasabihin ng gobyerno rito. "Sinasabi ko na sa 'yo, huhulihin tayo for interrogation kapag nalaman nila."

"Yes, exactly!" He raised his voice, mukhang nainis na rin siya. Naiinis din naman ako pero wala nga kasi kaming choice, paulit-ulit?

"Magbabayad ako ng rent sa rooftop, basta hindi lang mahanap 'yan ng customs. Babawiin ko rin kapag dumating na ang pi-pick up, okay lang?" pagsuko ni Juliana at wala na kaming ibang nagawa kundi umoo na lang.

Pare-parehas naming tiningnan ang mga wooden crate saka nagbuntonghininga.

Wala rin namang laman ang rooftop ko maliban sa mga halaman kaya hindi rin naman ako magrereklamo kung itatambak ito roon. O baka magreklamo ako kasi maganda ang view sa rooftop ko kaso matatambakan ng harang.

"Bubuhatin mo ba 'yan?" tanong pa ni Izan pagbaling niya sa akin.

"Sa pagkakatanda ko, ikaw ang may kailangan ng trabaho."

And Izan being Izan, he rolled his eyes and raised his hands in defeat. He asked for a part-time job, and now he needed to do what he asked for. As if namang ako ang may gustong mabayaran dito.

Lumapit sa akin si Juliana saka bumulong. "Sino ba 'yan? Bakit nandito?"

"Excuse, ladies. Do I need to hide while transferring this papuntang Guillen's Building?" tanong ni Izan bago ko pa masagot ang katabi ko.

"Kaya ba?" tanong ko rin.

"Good news, yes."

"Gaano katagal ang transport, if ever?"

"Kung bubuhatin ko nang sabay-sabay, give me five minutes."

"Whoa, wait, what?" putol agad ni Juliana pagpaling sa akin. Itinuro pa niya si Izan na tinitingnan kung paano bubuhatin nang sabay-sabay ang mga crate. "Seriously, Chill, sino 'to?"

I shrugged and looked at Izan doing his not-so-surprising transformation. The navy blue costume of Mister Beckman surrounded his body and enveloped his perfectly carved physique. The blue mask formed slowly and covered the upper half of his face. The only part of the whole hero dress-up thing was his hair. It was slicked back and created a neat look, which made him hot in my judgmental eyes. Nakakarupok talaga ang buhok niya, I don't know why.

Napasulyap ako kay Juliana para sana magtanong kung okay lang bang si Izan ang bayaran niya mamaya sa pagdala ng mga crate pero naabutan ko siyang nakanganga lang habang nakatingin kay Mister Beckman.

"Jules, pasukan ng langaw 'yang bibig mo." Hinawakan ko siya sa baba at inangat ang panga niya. "You know what—uy!"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi bigla niya akong hinatak palayo sa puwesto namin. Huminto kaming dalawa sa ibaba ng hagdan at doon niya ako binulungan.

"Chill, nababaliw ka na ba? Bakit mo dinala si Mister Beckman dito?" nanggigigil na tanong niya habang pasulyap-sulyap kay Izan na nasa malayo.

"Naghahanap kasi siya ng trabaho."

"Chill, ikaw si Mystic! Gaga ka ba?"

"We're good friends naman—somehow."

"Chillie, public enemy number one ka. Hindi ka puwedeng makipag-friends sa city hero!"

"Well, he came here with me at siya pa ang kukuha ng mga crate para dalhin sa rooftop. Wala ka namang narinig na negative feedback sa kanya, 'di ba?"

"Oh my goodness gracious, sobrang stress na nito, ha." Sapo-sapo ni Juliana ang ulo niya habang pabalik-balik sa kinatatayuan.

Hindi ko rin naman siya masisisi kasi nga we were doing illegal activities against the government tapos bigla kaming papasukin ng city hero dito—na supposedly, nanghuhuli ng bad guys doing illegal activities against the government.

But Izan needed an allowance kaya siguro pumayag na rin kahit paano. And besides, doon pa lang sa prison globe, for sure, hindi rin papayag si Mister Beckman na magtagal ang mga crate dito sa warehouse.

"Dadalhin ko na 'to sa rooftop. See you in five minutes!"

Sabay pa kaming napalingon ni Juliana sa entrance ng warehouse pagkasabi ni Izan n'on. Gamit niya ang isang translucent force field na nakabalot sa mga crate para sabay-sabay niyang mabuhat. Umangat na siya sa sahig kasama ng mga kahon at dahan-dahang naglaho sa hangin.

Kung hindi lang siya mahirap pilitin, inaya ko na siyang magnakaw kami sa bangko. Kayang-kaya naming pasukin ang Meronna o kahit ang Central Bank nang walang kahirap-hirap

"Girl . . . bakit?" Tiningnan ako ni Juliana na parang maling-mali ang pagpayag niyang dalhin sa rooftop ko ang mga crate at si Mister Beckman ang aasikaso ng lahat. "City hero si Mister Beckman. Ilang beses ka niyang 'tinalo' at ipinakulong. Kapag nalaman ng city council ang tungkol sa mga crate at pagiging kasabwat mo, pareho tayong makukulong. Ikaw, makakalaya ka pa, pero ako?"

Napangisi na lang ako at tinapik siya sa balikat. Kahit pa isuplong kami sa city council, may pang-counter statement ako para dito.

Una, hawak ko ang prison gate. Alam ng National Defense na hindi ko ito nanakawin dahil isa ako sa humawak ng sealing ng Borsthal of Asmotheus fifty years ago. Wala akong hidden motives dahil irrelevant ding palayain ang mga nakakulong sa cosmos prison. Ang weird na isa ako sa nagkulong sa mga ito at ako pa ang magpapalaya.

But upon thinking about it, mukhang may ibang gustong magpalaya sa mga nakakulong sa Borsthal kaya siguro kinuha ang prison gate sa National Museum.

Napapaisip na talaga ako sa intensiyon ng nagplano nito.

"Bigyan mo na lang ng manager's check si Izan kasi hindi pa siya bayad sa rent niya," paalala ko kay Juliana.

"Nakatira si Mister Beckman sa Guillen's Rooftop?"

Tumango naman ako.

"At pumayag ka?"

"He's a good friend, Jules."

Sinukat na naman niya ako ng tingin.

Malamang kasi ang weird nga naman na city villain ako at ilang ulit ko nang nababanggit na "good friend" ko ang city hero.

Alam ng buong city kung ano talaga ako for Mister Beckman at isa ako sa nagbibigay ng kulay sa existence niya bilang city hero. Pero wala namang kaso sa akin kung nemesis ko siya bilang si Mystic. Hindi naman ako si Mystic ngayon, for the record. And besides, on hold nga kami sa trabaho, so why bother?

"Girl, alam kong super guwapo ni Mister Beckman sa malapitan at gusto kong mag-fan girl na nakita ko siya in person nang walang mask, pero sana ginandahan mo naman ang timing! Illegal 'tong transaction, gaga ka talaga!"

"Ako'ng bahala. Hindi papalag sa 'kin 'yon. We're friends! Trust me, Jules."

Tinawanan ko na lang siya. Fan siya ni Mister Beckman—or should I say, isa ito sa mga "subject" ng sketch niya kapag gusto niya ng "masarap" na inspiration. Pero gaya nga ng setup namin, ako si Mystic. Mas kampi pa rin siya sa akin kaysa kay Izan.

Nabanggit ko naman sa kanyang kilala ko personally si Mister Beckman pero hindi ko pa sinasabi ang tungkol kay Izan.

"Kung talagang friend mo siya, Chill, sana maging friend din siya sa 'yo. Sana tama pa ang ginagawa mo."

Obviously, hindi. But who cares?

"Chillie, sa 'yo ko na lang ipapangalan ang payee, ha? Baka magkamali ako ng mailagay, sayang ang tseke."

Umakyat si Juliana sa office slash kuwarto niya. Eksakto, kadarating lang ni Mister Beckman na mabilis na bumalik sa "normal" niyang anyo pagtapak ng mga paa niya sa sahig ng warehouse.

Gusto kong matawa sa itsura niya. Mukha kasi siyang dismayado at parang magagalit pa yata.

"Aaminin ko namang ninakaw ko ang ilang laman ng crates, especially, gold bars at jewelry items. Pero tatlong crates lang 'yon, at hindi ko alam kung bakit at paanong may nakakuha ng golden globe sa National Museum," bungad ko agad kay Izan habang papalapit siya. "Alam mong isa ako sa nag-lock n'on fifty years ago, 'di ba?"

Hindi nagsalita si Izan. Pagtapat niya sa akin, nagkrus agad siya ng mga braso at tinantiya na naman ako ng tingin. "Chillie, I don't want to judge you when you're not in your Mystic form."

"I see no reason for you to judge me in any of my form, though. Kaya kong aminin ang lahat ng ginawa ko, pero hindi mo 'ko mapapaako ng mga hindi ko ginawa kahit pugutan mo pa 'ko ng ulo."

Nagbuntonghininga lang siya habang nakatingin sa akin na para bang wala na akong pag-asa. Nakakainis din siya minsan kung tumingin. Parang kasalanan ko lahat kahit hindi ko ginawa.

"Chill, there's a gate of a huge prison inside one of those crates," he said in his calm voice.

"I know! I saw it."

I saw him gulp and heave a deeper sigh which made my brain function frantically. Alam kong delikadong kulungan ang tinutukoy niya at wala nga akong kinalaman doon. Alam kong city villain ako, pero hindi naman aabot ang kasamaan ko sa ganoong level kasi first of all, contract ang dahilan kaya ako pumayag na maging bad person dito sa city at hindi dahil feel ko lang maging masama.

"I'll keep it," he said, conceding the argument with me. "I'll talk to the city council about it. Malamang na may masasabi sila tungkol dito."

"Baliw ka na ba? Magtatanong sila kung bakit mo naitanong. Hindi ito random idea lang na bigla mong maiisip out of the blue."

"What do you want me to do? Stay quiet and wait until some bad guys take the crates and let the evil entities inside that globe escape? Chill, city hero ako. Obligation kong iligtas ang city sa mga kalaban."

"What if sabihin kong kalaban din ang city council? Let me remind you na hina-hire din nila ako bilang city villain. Yung logic mo, hindi ko talaga nage-gets, really."

"Pero sila lang ang makakatulong sa 'tin."

"Hindi! Kung makakatulong sila, sana umpisa pa lang, natulungan ka na rin nila, 'di ba? Look at you now. Sino ang tumutulong sa 'yo? Yung city council ba?"

Napahawak agad siya sa bridge ng ilong niya saka pumikit. Kung frustrated siya, paano naman ako? Nakailang buntonghininga rin siya bago ibinalik ang tingin sa akin nang may pagsuko na.

"Chill, hindi lang 'to tungkol sa city. Prison gate ang pinag-uusapan natin. Intergalactic prison na may mga nakakulong na hindi ordinaryong mga nilalang."

"And that prison gate we are talking about is the same gate I locked up half a century ago. Yes, hindi na ito tungkol sa city. Tungkol na rin 'to sa dati kong trabaho na may kung sinong balak patakasin ang mga naikulong ko na roon dati. Tingin mo, hindi big deal sa 'kin 'to? Na uulitin ko na naman ang hirap na dinanas ko noon?"

"Okay lang kayong dalawa?" sabi ng boses sa itaas kaya sabay kaming napatingin doon ni Izan. Pababa na si Juliana dala ang isang piraso ng papel. "Hindi ito ganoon kalaki, pero sana okay lang ang presyo kasi hindi rin naman joke ang cargo na ipinatatago ko."

Iniabot niya sa akin ang tseke na under sa pangalan ko. Ten thousand dollars ang bayad niya.

To tell her honestly, sobrang laki na nito for an advanced payment for rent. Pero sobrang laking obligation din naman ang prison gate. Milyones ang bayad sa National Defense para bantayan ito, and here we are.

"Chill, hindi ako sigurado kung kailan 'yon mapi-pick up, pero isinama ko na rin sa pagbabantay ang bayad. After a week, kapag wala pa ring balita, dadagdagan ko na lang."

Sa totoo lang, parang ayokong tanggapin. Kasi kung ako lang ang masusunod, hindi ko ibibigay sa pi-pick up ang cargo. Baka ako pa ang magbalik nito sa National Museum.

"Tatawag ako kapag ready na ang kukuha ng crates," paalala ni Juliana. "Sa ngayon, isipin na lang natin pare-pareho na wala kayong nakita rito sa warehouse na kahina-hinala, okay?"

Tiningnan ko si Izan para sa sagot. Natahimik lang siya habang nakatingin sa ibaba.

"Izan," pagtawag ko.

"This is not a good idea pero wala naman tayong choice, 'di ba?" sagot niya pagsulyap sa akin.

Sumuko na rin ako. Ipinakita ko kay Juliana ang tseke at matipid na ngumiti. "Salamat sa allowance. Mauuna na kami, Jules."

"Please, gusto ko pa ng tahimik na buhay. Mister Beckman. Kung ano man ang nalaman mo tungkol dito sa warehouse, sana manatili na lang 'yon dito."

Izan smiled a little and gave Juliana a slight nod. "I can keep it a secret pero hindi ko maipapangako ang tungkol sa third parties. Kung sino man ang mga nagdala ng cargo rito, sigurado akong may masama silang balak."

Napakamot na lang ng ulo si Juliana, at kahit ako rin naman. Pero may point si Izan. At iyon ang gusto kong malaman ngayon. Sino ang mga kukuha ng crates at bakit nila kailangan ang golden globe?


###


Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64.7K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
118K 5K 54
" Alam ko namang idol ka at fangirl mo lang ako. Ang tanga ko nga siguro para pumasok sa relasyon na to "- Aila Jane Lucas 【Being Mrs. Jeon's side...
185K 7.5K 19
May nagbalik mula sa kamatayan. May bumangon mula sa kailaliman. At isang batang Clairvoyant ang nanganganib. Sinu-sino ang mga muling nabuhay? At an...
1M 15.8K 10
[ENGLISH]---[NOT A STORY]--- If you wanted to know what does a guy really feel then READ THIS !