Hotel Grimm: The Brave and Th...

By Illinoisdewriter

54.9K 5.5K 1.4K

[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez f... More

Hotel Grimm: The Brave and The Powerful
Prologue
Check-In 01: Someone Who Cares
Check-In 02: A Breath of New Life
Check-In 03: Welcome to Hotel Grimm
Check-In 04: Stranger Things
Check-In 05: Gone with the Wind
Check-In 06: Lost in Translation
Check-In 07: Angels and Demons
Check-In 08: Doctor Sleep
Check-In 09: The Da Vinci Code
Check-In 10: The Alchemist
Check-In 11: Memoirs of a Geisha
Check-In 12: Trainspotting
Check-In 13: Wuthering Heights
Check-In 14: Life of Pi
Check-In 15: A Series of Unfortunate Events
Check-In 16: Pride and Prejudice
Check-In 17: The Shining
Check-In 18: A Tale of Two Cities
Check-In 19: Rich People Problems
Check-In 20: The Little Prince
Check-In 21: Pirates of the Caribbean
Check-In 22: Little Women
Check-In 23: I Know Why The Caged Bird Sings
Check-In 24: The Godfather
Check-In 26: Coraline
Check-In 27: The Truth About Forever
Check-In 28: Tuesdays with Morrie
Check-In 29: Peter Pan
Check-In 30: Nineteen Eighty-Four
Check-In 31: Les MisΓ©rables
Check-In 32: Into the Wild
Check-Out

Check-In 25: Jane Eyre

1.1K 152 35
By Illinoisdewriter

Check-In 25: Jane Eyre

NAKAISIP AKO NANG paraan para ipag-ehersisyo si Bodhi. Hindi ko inaasahang papatulan niya iyon pero mukhang tumalab naman dahil nagtatatakbo na siya ngayon sa buong farm at pawisan na.

"More! More! Remove more fats, Bod!" I cheered like a gym coach while he continued chasing the three piglets.

Pinakawalan ko kasi sina Maria, Leonora, at Teresa. Ang bilin ko kay Bodhi ay kapag nakahuli siya ng isa sa kanila ay gagawin namin iyong lechon de leche. Siyempre biro lang iyon dahil hindi ko kayang kumatay nang mga biik. Saka na kapag lumaki-laki na sila. Hindi ko talaga inaasahang papatulan niya iyon. He was looking so eager to catch a poor piglet.

"Bodhi, hayun, si Maria! Kunin mo siya kasi siya 'yong breadwinner nila!" sigaw ko pa sabay turo sa panganay na biik.

Naghagikhikan kami nina Pilandok, Inday Lulu, at Tory. Nang malapit na 'yong hapunan at maghahanda pa kami ay tinawag ko na si Bodhi. Hawak-hawak ko siya habang papasok kami sa Hotel Grimm. Pawis na pawis na rin siya.

"Magpahinga ka muna saglit tapos maligo ka na, Bod, ha. Para naman fresh ka at amoy baby pa rin."

Tinangala niya ako. Kaso ay hindi pa rin kita iyong leeg niya. Ilang exercise pa ang kailangan namin para ilabas iyon.

"Ate, wala pong lechon de leche?"

"Wala kasi wala ka namang nahuli."

Malungkot na napanguso ang batang Buddha at humarap sa dinaraanan namin. Natawa ako at umuklo para halikan iyong mataba niyang pisngi habang iniipit no'ng isa ko pang palad ang kabila niya pang pisngi, nanggigigil nang bongga.

"Hindi na kailangan pa ng lechon de leche kasi amoy paksiw ka na!" natatawang sabi ko sa kanya.

Pagkatapos naming maghanda ng hapag ay tiyempo namang dumating sina Mayor Juan na may kausap pa rin sa phone niya.

"Sophie, can you please turn on the television?" he asked his secretary.

Kaagad namang tumalima si Ms. Sophie at in-on ang TV. Kaagad na bumungad ang isang live telecast mula sa East Region. Maging ako ay napahinto sa ginagawa upang ituon ang atensyon sa pinapalabas. Maging ang ibang mga Grimm ay nakatutok na rin doon.

"Kasalukuyan nang inaapula ang apoy sa nasabing village. Ayon sa nasabing saksi ay namataan niya raw ang grupo ng mga Nodram Guards na palihim na lumilibot sa lugar nila bago ang insidente. Tinatayang nasa tatlong daang ka-tao ang naapektuhan ng sunog..."

"Nagsisimula na sila..." sambit ni Master Diez kaya napatingin ako sa kanya.

He was intently watching the news. When we got here, masyado pa siyang ilap sa ibang mga naririto at sa mga kapatid niya. As days passed by, he slowly opened and warmed up. Gabi-gabi rin ay tumutugtog siya sa may bar ni Ate Honey which I can say that he really enjoyed doing.

"Sinong sila, kuya?" tanong naman ni Master Eleven.

"'Yong mga pangit sa South Region," si Captain Sven.

Napalunok ako at muling ibinaling ang atensyon sa pinapanood. Master Diez told me that Ma'am Solange was treating him and especially my brother as her children. Ito ang nagsisilbing taga-pagtanggol nila roon dahil wala itong anak at sa kanila nabubunton lahat ng mga atensyon nito. He assured me that Kuya Vinzi will be fine there as long as he's with Ma'am Solange. However, I still couldn't help but get worried about the beasts in East Region. Unti-unti na talagang kumikilos ang mga Nodram para sa gusto nilang pagsakop nang buong Abseiles.

Muling kinausap ni Mayor Juan ang kung sinuman sa telepono niya. I got scraps of his commands. "Send some military aid to the East Region but make sure to also secure our region's safety. Maglagay ka ng mga magbabantay sa boundaries. Kailangang walang mga taga-South ang makapasok."

Tumunog ang teleponong ginagamit namin dito sa penthouse kaya kaagad kong nilapitan iyon upang sagutin.

"Hello, this is Grimm's residence," bati ko.

"Una..." It was Master Nueve. Sinasamahan niya si Tita Mikee ngayon sa bahay nila.

"Master Nueve?"

"Pwede bang sa Hotel Grimm muna kami tumira? May... May mga sumugod kasing Nodram Guards sa bahay namin kani-kanina lang. Mabuti na lang at dumating ako agad kaya nasaklolohan ko si mama. I'm still worried for her, though. They might return when I'm away."

Namilog ang mga mata ko sa gulat. "Sige po! Dumiretso na kayo rito," sagot ko agad.

Kinakabahan ako para sa kaligtasan nila kaya mas maigi nang dito na lamang sila at sama-sama kami.

"Maraming salamat, Una. Mag-aayos na kami ni mama para pumunta r'yan."

"Mag-iingat po kayong dalawa."

After I hung up, I immediately told everyone about that. Mayor Juan even asked Lady Incha if there's still a spare room for Tita Mikee. Tumango naman si Lady Incha bilang tugon. He suggested that we should let Tita Mikee stay at the penthouse instead of her renting any apartments in the hotel. Napatayo sa gulat si Ma'am Rubia dahil doon.

"What?! You will let her stay here?!"

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko lubos mawari kung bakit ganoon ang reaksyon niya. I don't see anything wrong with helping Count Vladimir's family, especially in times like this one.

"Ma'am Rubia, sa tingin ko naman po ay wala namang mali roon. Parte po ng pamilya ni Count Vladimir si Tita Mikee, at laging bukas po ang Hotel Grimm para sa kanila lalo na sa mga panahong delikado gaya ngayon," mahinahon kong paliwanag.

She laughed humourlessly. "Are you serious?!"

"Mommy, what's wrong ba with Tita Mikee being here?" tanong ni Ma'am Alba na mukhang naguguluhan na rin.

"Ano na lang sasabihin ng mga beast kapag nagsama sa iisang bubong ang mga babae ni Vladimir?! Nakakahiya!" giit pa ni Ma'am Rubia.

Napakurap ako kasi hindi ako makapaniwalang gano'n pa ang magiging reaksyon niya at iniisip sa ganitong sitwasyon.

"Sa akin, okay lang naman. Saka ba't ka ba nagrereklamo? Hindi naman ikaw 'yong legal wife," pang-aasar pa ni Captain Sven kaya gigil siyang nilingon ni Ma'am Rubia.

"Babae ako, Sverino! May dignidad akong iniingatan at kahihiyan!"

"You know what, I still don't get it. Pero 'yong point ko lang naman, kailangan nila ng matutuluyan kaya bakit mo ipagkakait 'yon sa kanila na para bang ikaw ang may-ari ng Hotel Grimm?"

"Basta ay hindi ako papayag na tumira rito kasama ko ang babaeng 'yon!"

Master Ocho smirked and butt in, "Nakikitira ka lang din naman dito kaya wala kang karapatang magdesisyon. Kung mayro'n mang mas may karapatang magreklamo rito ay si Countess Amanda iyon.".

"Ah, basta, hindi ako papayag!"

"Why don't we make it fair, then?" Napabaling kaming lahat kay Master Thirdy na kakalabas lang ng elevator.

"Since I don't have a blood nor direct bearing with the both of you, Michaelangela can't stay here for as long as you're out too," he added while arching one delicate brow at her, challenging her. "How's that?"

Matalim na nagtitigan sila hanggang sa inis na sumigaw si Ma'am Rubia at nagwalk out na. Sinundan naman siya ni Ma'am Alba.

Sunod naman akong nilingon ni Master Thirdy. "Paki-handa na lang ang kwarto ni Michaelangela," aniyang tinanguan ko naman agad.

Ilang oras pagkatapos maghapunan ng Pamilya Grimm ay dumating sina Master Nueve at Tita Mikee. Pinagsilbihan din namin sila ni Lulu pero madalas ay tumutulong pa si Tita Mikee.

"Ito ba si Pilandok?" she asked but didn't wait for us to confirm it. She just hugged Pilandok right away.

"Opo, ako nga po," magalang na tugon naman ng bata.

"Tapos siya naman si Bodhi?" nakangiting tanong niya ulit, tinutukoy iyong maliit na gasul na nagtatago sa likod ko at nakayakap sa mga binti ko.

Napahalakhak ako kasi ganitong-ganito si Bodhi tuwing may bagong dating dito.

"Opo, siya po si Bodhi a.k.a. batang Buddha," natatawang pakilala ko.

Mayamaya pa ay lumapit na sa amin si Lulu.

"Ma'am Mikee, naka-ayos na po iyong kwarto niyo," she politely told her.

She smiled at her and said, "Mama Mikee na lang or Tita Mikee, Lulu."

"Nakakahiya naman po sa inyo. Okay na po sa akin iyong Tita Mikee kasi baka malito po ako sa inyo ni Mama Adele, e," tugon naman ni Lulu at nahihiyang ngumiti sa butihing ginang.

Tita Mikee nodded without taking that thoughtful smile off her face. She then turned to Pilandok and Bodhi.

"Pwede niyo akong tawaging mama or nanay."

Tinanggal ni Bodhi ang lollipop sa bibig niya. His small and fluffy limbs were swinging as he was now sitting on the countertop. Ayoko sanang pakainin siya no'n kaso ay dalang regalo iyon ni Tita Mikee para sa kanila Pilandok at para lumapit na ito sa kanya kaya pinagbigyan ko na.

"Nanay!" natutuwang sigaw niya. Masayang nilingon niya si Pilandok sa tabi niya at sinabing, "Dalawa na 'yong nanay natin!"

Nakangiting hinarap niya ulit si Tita Mikee. "Nay, lechon de leche po tayo bukas, ah?"

Napahagikhik kaming lahat. Binuhat ko na siya mula roon para madala sa amin sa unit.

"Ikaw talaga, matutulog na tayo puro pagkain pa rin ang nasa isip mo," sabi ko sa kanya sabay halik at pisil ulit sa matambok niyang pisngi. Ka-gigil!

"Una, pwede akong magbantay sa kanila o tumulong dito sa hotel," alok ni Tita Mikee.

"Naku, tita, trabaho po namin iyon."

"Ano ka ba, ayos lang talaga sa akin. Nangako ako kay Vlad na aalagaan ang mga anak niya. Siguro, panahon na para gawin ko iyon. Ako na maghahanda ng almusal nila rito at tutulong din ako sa hapunan," Tita Mikee insisted. I smiled gratefully at her.

"Maraming salamat po talaga, tita."

"Pamilya na tayong lahat dito, Una," she told me and I smiled even more.

Nang makatulog na ang mga batang Grimm at ang mga kasama ko sa kwarto ay dilat pa rin ang mga mata ko at naglalayag ang isipan. Bumangon ako at agad na kinuha iyong lampara ko saka lumabas at tinungo ang flower field kung saan ko nga naabutan si Master Thirdy na tumatambay na naman sa mausoleum ni Count Vladimir. Patingkad nang patingkad iyong ilaw ng lampara ko habang palapit ako nang palapit sa kanya. Nang makarating ako roon ay inilapag ko sa gilid ang dala bago naupo sa tabi niya. He wasn't wearing his mask these days. Siguro ay dahil wala naman na siyang kailangan pang itago sa akin.

Tinaas ko ang mga tuhod bago niyakap ang sarili ko. Naramdaman kong umusog siya palapit sa akin pero saka pa ako tuluyang napatingin sa kanya nang ipatong niya sa magkabilang balikat ko ang black robe na laging kasama nang suot na three-piece suit niya.

"Galit ka pa ba sa akin?" malumanay niyang tanong.

Hindi niya pa rin inaalis ang mga kamay niyang magaang nakapatong din doon sa roba niyang nasa mga balikat ko.

"Hmm... Life appears to me too short to be spent in nursing animosity or registering wrongs," I quoted the line from Charlotte Brontë's Magnum Opus, or one of her greatest literary masterpieces.

He smiled and said, "Jane Eyre, huh."

"Bakit alam mo 'yon?"

"Siyempre, binabsa ko muna 'yong mga librong binibili ko para sa 'yo noon."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Why would you do that?"

He removed his hands from my shoulder. Tinuko niya iyong mga palad niya sa sahig sa likuran niya saka siya humilig doon.

"Of course, I have to make efforts to impress you. Para kapag nagtanong ka o nagbabahagi nang mga gano'n ay maintindihan kita at masagot. Pero minsan pinakikinggan na lang kita kasi nahihiya akong sumagot," pag-amin niya.

Lalo pa akong nagulat pero mayamaya pa ay napahalakhak na rin. "Isang Mythos Grimm, mahihiya sa isang katulad ko? Grabe, imposible..."

He looked at me fondly. "Ewan ko nga ba, e. Pagdating sa 'yo, lagi akong tumitiklop. Baka ginayuma mo ako, seb, ha–"

Napahalakhak siya nang kurutin ko siya sa tagiliran niya. Hinawakan niya iyong part na 'yon at nagkunwaring iniinda iyon. I laughed too, just like what we always do before. Pero ngayon ay talagang 'yong totoong siya na ang kaharap ko.

Umusog ulit siya palapit sa akin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Pasandal saglit, seb. Masakit 'yong ulo."

"Kung ulo mo lang pala ang masakit, bakit kailangang may pasobrang yakap pa?"

He chuckled and just tightened his hold of me. "Baka kasi lamigin ka," pambobola niya.

"Siraulo... Joke lang, boss," bawi ko agad nang matanto ang naunang sinabi.

He chuckled again, tuwang-tuwa.

"I'm so sorry for everything, doll," aniyang nahihimigan ko nang lungkot at pagsisisi.

"Ayos na. Magsimula na lang ulit tayo."

Tiningala niya ako mula sa pagkakahiga niya sa balikat ko. "Kasama ako?"

"Ayaw mo namang magpa-iwan, e. May magagawa pa ba ako?"

"Thank you so much, doll."

"Bakit doll?" I asked him when I finally had the chance.

He just shrugged his shoulders. "I thought it suits you. The first time I saw you, para kang babasaging manika na gusto kong protektahan at alagaan."

Bahagyang nilingon ko siya. "Sa chamber? Doon tayo unang nagkita, e."

Inangat na niya ang ulo niya mula sa pagkakasandal at diretso akong tinitigan sa mga mata. Nangungusap iyong mga mata niya. I felt like he had so much to tell me... Mayamaya pa ay tumango na siya.

"Oo..."

"Seb, hindi ko pa rin maintindihan ang lahat. Paanong sa loob ng limang taon ay nagpanggap ka bilang kapatid mong si Juno. Tapos nakatira ka pa kay Tita Mikee. Akala ko ba galit ka sa kanya? Naguguluhan pa rin ako..." pag-amin ko.

He sighed and gently cupped my right cheek before kissing my forehead. "I will explain to you everything soon. I'll tell you the things I know when all of these are over."

Tiningala ko siya. Ngayon ay sapo-sapo na niya ang dalawang pisngi ko. Kumabog nang malakas iyong puso ko.

"Do you trust me, Una?" he asked softly.

Tumango-tango naman ako. Seryoso pa rin iyong titig niya. Nakakakaba...

"Bakit? May problema ba?" tanong ko naman ulit nang mabahala.

"There's something I need to tell you."

"Ano 'yon?"

"Kapag nabuo ko na ang mga kapatid ko, I'll be the one to perform the ritual since I have a Nodram blood, my mother's blood."

Nakakunot ang noong tumango naman ako at tumugon, "Naiintindihan ko."

"But my mother had another condition for me to accomplish before I do the ritual."

"Ano 'yon?"

He looked torn whether he will tell me or not about that condition. Napansin ko ang paglunok niya bago siya nagsalita ulit.

"I need to find a bride and marry her before the ritual."

Nawindang ako roon kaya hindi agad ako nakasagot. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong kumurap habang siya naman ay naghihintay ng sagot ko. Nang makabawi ay nagtanong na ako.

"Saan ka maghahanap ng bride?"

Master Thirdy laughed heartily at my confused expression. "Cute."

He then leaned in to kiss me on the lips. Naroon pa rin ang natutuwang ngiti niya nang bumuwag siya sa halik.

"Kaya nga hinanap kita," he smilingly told me.

•|• Illinoisdewriter •|•

Do vote and share your thoughts. Konting-konti na lang, we'll have to say goodbye to them. Love you, Charmings!

Continue Reading

You'll Also Like

54K 4K 45
Sixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at the end of humanity." Niana Alacantara is...
597K 3.5K 114
If you're looking for more Fantasy stories. My list might help you. enjoy! P.S you may encounter some stories with the same title but they are fro...
52.1K 3.5K 27
MURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was s...
27.7K 1.3K 38
Nascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits t...