BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

By AshQian

84.2K 4K 202

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... More

UNANG YUGTO
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 1 - Unang Yugto

3.4K 102 0
By AshQian

Humantong sa clinic ng correctional si Aya. Nag-hyperventilate siya at muntik nang hinimatay. Nakaupo lang siya sa kama yakap si Aki na nasa kanyang kandungan, habang sina Javier at Rowena ay nakaupo sa magkakahiwalay na sofa malapit sa may pintuan.

Nakatingin sa kanya ang lalaki. Hindi niya matukoy kung nag-aalala o nagtataka. Ito ang nagdala sa kanya rito sa clinic kanina. Pero kung magtatagal ito rito baka tuluyan nang mapugto ang hininga niya. Walang epekto sa kanya ang itinurok na pampakalma, ayaw pa rin siyang lubayan ng nerbiyos at takot na baka mahalata nito ang pagkakahawig ng bata sa mukha nito.

Thirty minutes na mula nang mag-umpisa ang appreciation program nila. Pumayag ang warden na hindi na siya dumalo at magpahinga na lang muna roon sa clinic.

"Mama, are you okay?" masuyong tanong ni Aki na nakatingala sa kanya.

Tumango siya at pilit na ngumiti. "Oo naman, okay lang ako."

"I asked Papa God to heal you."

"Thank you, Aki." Hinigpitan niya ang yakap dito nang mapansing tumayo si Javier at naglakad papalapit sa kanila. Sumunod dito si Rowena.

"Myrre-"

"Her name is Mama Aya, she is not Myrre," kinontra ito ng bata.

"Right, my apology, baby girl-"

"I'm not a baby girl, I'm a boy!"

"Aki!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng anak pero huli na.

Dinig na dinig iyon ni Javier base sa pagkakalukot ng mga kilay nito at pagdilim ng mukha nito. Gumalaw ang mga panga nito at pilit binawi ang paningin mula sa bata.

"Akin na muna iyang bata." Kinuha ni Rowena sa kanya si Aki at dinala sa labas.

Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya nang maiwan doon mag-isa kasama ang halimaw sa kanyang nakaraan. Halimaw na nag-iwan sa kanya ng isang magandang regalo pagkatapos ng masalimuot na gabing naghatid sa kanya sa likod ng mga rehas. Hindi siya galit kay Javier. Kung tutuusin ay wala naman itong kasalanan sa kanya. Siya ang nagkasala rito kaya makatuwiran lang ang takot na nararamdaman niya. Kung pwede lang maging invisible para makatakas siya sa binata.

Tumikhim ito na nagpapiksi sa kanya sa pagkakaupo. "I am not use to your other name so I'll call you the way that's comfortable for me."

Hindi siya kumibo at hinulog sa sahig ang mga mata.

"Myrre-"

"Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Humingi na ako ng tawad sa iyo noong ibinaba ang hatol para sa akin. Aminado naman akong nagkasala at pinagsisihan ko na iyon. Pinagbayaran ko na, kulang pa ba ang pitong taon? Patahimikin mo na ako!" Histerikal niyang pahayag.

"Shit, calm down! Ano ba iyang pinagsasabi mo?" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

"Don't touch me!" Nangaligkig siyang lumayo sa lalaki. Ang paghawak nito sa kanya ay nagpapaalala sa bangungot na sinapit niya sa mga kamay nito.

"Alright, no more touching you, calm down! I meant no harm, believe me." Itinago nito sa loob ng bulsa ng pantalon ang mga kamay nito. His passive stance hinted her that he is not going to cause any more trouble for her.

Pero ayaw pa rin kumalma ng utak niya. "Kung tungkol sa anak ko hindi kita masasagot," angil niya.

He gave her a sarcastic smile, almost losing his patience. "What is it with you, Aguilar? Kung umasta ka'y para akong kampon ng dilim na kinatatakutan mo. Perhaps, talking to you is just useless." Naiiling na tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. "But I came as the representative of Hyatt Entertainment. They're offering you a contract in case you are interested to go back into acting.  May naka-line up nang projects para sa iyo ang network. Give us a ring or you can visit us anytime."

"Hindi ako interesado at kung babalik man ako sa showbiz, sa Saturn lang ako at Silver Records pupunta."

"Still Rheeva Andromida until now? Hindi ka pa rin naka-move on?"

"Ano bang pakialam mo?" sikmat niyang kulang na lang ay ipagtulakan na ito paalis. Kapag ginawa niya iyon masyado nang halatang may itinatago siyang ayaw niyang malaman ng lalaki.

"You've wasted a lifetime for that man, and served your prize. Wake up," sermon nitong binirahan ng alis.

Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamao at pilit na nirendahan ang mga luha. Naupo siyang muli sa kama at binalikan ang pinakamasakit na yugto ng kanyang buhay.

***
Humahangos na pumasok ng ladies' room si Aya at nag-retouch ng lipstick at blush-on. Sinuklay niya sa daliri ang mahaba at kulutang buhok na kulay caramel. Paglabas ay dinaanan niya sa tagabantay ang dalang mga aklat.

"Thank you," inabutan niya ito ng tip. Bitbit ang mga libro at ang kanyang bag halos takbuhin na niya ang hagdanan. Panay ang pasintabi sa ibang estudyante para bigyan siya ng daan dahil nagmamadali siya. Baka hindi na niya abutan ang paglabas ng klase mula sa Arts department.

Tiningnan niya ang oras sa suot na relos. Five minutes na ang lumipas mula nang magtapos ang klase. Kandahaba ang leeg niya sa pagtanaw nang lumitaw sa pasilyo ang agos ng mga estudyante. Nakatayo siya sa paboritong eskina kungsaan lagi niyang inaabangan ang lalaking lihim na itinatangi ng kanyang puso. Kahit masulyapan man lang siya nito ay masaya na siya at makatutulog na siya ng payapa sa gabi.

Natanaw niya ang pamilyar na bultong naglalakad mag-isa. Niyakap niya ang mga aklat at bumuntong-hininga. Kinagat niya ang ibabang labi nang gumawi sa kanya ang paningin ng lalaki. Saglit lang siya nitong tinitigan, ilang segundo lamang iyon pero huminto na sa pag-inog ang mundo.

"Ang gwapo niya talaga!" impit niyang tili.

He is Rheeva Andromida, a campus super-magnet. He is taking a masteral degree in Business Arts and Administration. Nang matantiya na sapat na ang distansiya nito para hindi siya mapansin, sinundan niya ito hanggang sa parking area kungsaan naroon ang sasakyan nito.

Ngumuso siya nang humarang sa paningin niya ang isa pang lalaking namumulaklak ng mga estudyanteng babaeng nakabuntot at nakapulupot dito. Patawid sa kabila ang grupo nito. Sa lahat ng sulok ng pamantasan ay matunog ang pangalan ng lalaking ito. Javier Kendrick Sepulbidda ng College of Architecture. Top of his class. Labelled as a labyrnth of sex appeal.

Nanghihinayang na pilit niyang hinahabol ng tingin ang umaalis na sasakyan ni Rheeva. Mabilis na naglaho iyon sa kanyang paningin. Inis na binato niya ng tanaw ang grupo ni Javier. Nagtatawanan ang mga kasama nito, nagbiro yata ang lalaki. Panira ng trip!

In a span of her college days until she graduated, she had numerous suitors she can't begin to count. Part-time model siya ng university kaya kilala rin naman siya kahit papaano. Pero hindi niya mabigyan ng pansin ang ibang mga lalaki sa paligid niya dahil nabubulag siya sa paghanga at pagmamahal niya kay Rheeva. Simpleng ngiti ng lalaki na minsan lang nitong maipasilip ay langit na para sa kanya.

"Miles, hindi ba masyadong revealing itong suot ko?" tanong niya sa kapatid. Suot niya nang gabing iyon ang isang itim na bodycon dress. Laced and embedded with crystals. Kalahati ng mga hita niya ay lantad pati ang mga pisngi ng kanyang dibdib.

"Get use to wearing these kind of attire, hindi ba plano mong sumabak sa pag-aartista?"

Tumango siya. Nalaman niyang nagtayo ng dalawang giant network si Rheeva. Ang Saturn at Silver Records. Ginawa iyon ng lalaki para ibangon ang sumadsad na career ni Jenni May Amores. High-profiled client nito ang babaeng iyon at nakatakda sanang ikasal sa kapatid nitong si Vhendice Andromida. Pero hindi natuloy ang kasal dahil umatras ang groom.

"Remember your promise, Miles. Ipapakilala mo ako kay Rheeva ngayong gabi," paalala niya.

Director ang kapatid niya at ilan sa mga project ni Jenni May hawak nito. Gusto niyang pumasok sa cast para lagi niyang makikita si Rheeva. Kung nasaan si Jenni May, tiyak naroon din ang lalaki. Ngayon ay dadalo sila sa launching ng bagong movie nito.

Star-studded and lounge ng five star hotel. Patalbugan ng suot na evening gown ang mga artistang dumalo sa party. Nagsimula na ang kasiyahan at kuwentuhan nang pumanhik sila. Naroon na rin ang main cast. Jenni May Amores in her stunning red gown. Showing her bare shoulders. Kausap nito ang ilang media personalities, habang sa likuran nito ay matikas na nakatayo si Rheeva Andromida.

May mga artistang bumati sa kanilang dalawa ni Miles. Napilitan siyang makipagkamustahan at beso-beso. Ilan lang ang nakaalam na magkapatid sila ni Miles sa ina, ang kadalasang alam ng mga tao ay malapit lang silang magkaibigan. Ayaw naman niyang ipangalandakan ang sarili.

Para siyang robot na naglalakad sa tabi ng kapatid habang tinutungo nila ang kinaroroonan nina Jenni May at Rheeva. Nag-alisan na ang taga-media kaya malaya silang napagtuunan ng pansin ni Jenni May na ngumiti ng matamis sa kanila.

"Direk Miles," tumayo ito at hinagkan sa pisngi ang kapatid niya.

Si Rheeva ay bahagyang tango lang ang ibinigay sa kanila pero ang lakas na ng dating sa kanya. Para siyang hinahatak papunta sa kalawakan.

"This is Myrre Aguilar," ipinakilala siya ng kapatid gamit ang pangalang naisip nilang gawing screen name niya kapag nasa showbiz na siya. Kailangan na raw kasi niyang masanay sa pangalang iyon kaya dadalasan na niya ang paggamit.

"Hi, Myrre! Anne Marie Valentino," naglahad ng kamay ang babae.

Habang siya ay saglit na natulala. Sinabi nito ang tunay nitong pangalan? Dapat yata sabihin din niya ang totoo niyang pangalan. Pero nakatingin sa kanya si Miles at umiling ito.

Tinanggap niya ang malambot na palad ni Anne Marie at nagpalitan sila ng halik sa pisngi.

"This is Rheeva, my bodyguard." Binalingan nito ang lalaking nakatayo sa likod nitong mistulang matibay na pader na sandalan nito.

"Hi," piyok ang boses niya at gusto niyang kutusan ang sarili.

"Good evening, enjoy the party." Ang malaki, pero paos nitong boses na may halong gaspang ay swabe kung pakinggan. Mas swabe pa kaysa sa musikang tinutugtog doon.

Nagtuloy sa main coarse ang party at wala siyang ginawa kundi lihim na pagmasdan lang si Rheeva na wala namang ibang tinitingnan kundi si Anne Marie. Nakasunod lagi ang mga mata nito sa babae. Noong gabing iyon, isang katotohanan ang natuklasan niya. Umiibig si Rheeva kay Anne Marie. Pero tulad niya, ang pag-ibig na iyon ay hindi nabibigyan ng tugon.

At nasasaktan siya para sa binata. Higit siyang nasasaktan para sa puso nito kaysa sa sarili niyang hindi nito mapansin dahil ang mundo nito ay walang ibang laman kundi si Anne Marie Valentino. 

Continue Reading

You'll Also Like

80.8K 1.7K 32
One relationship ruined because of a one night mistake. Bata palang si Psalm Jaxeen ay may lihim na siyang pagtingin sa kababata niyang si Mc Llisha...
I SEE YOU By BelittleMe

General Fiction

1.2M 26.9K 41
She is having a huge crush with him all her college life. She just wanted him to notice her... He is a snob and a hundred percent jackass. He hates...
416K 8.7K 32
DS #3 FIN (January 11, 2019 | 6:02 AM) RAW AND UNEDITED Krexia Lendall Montelvaro was given everything she could have asked for. Finally a loving fam...
571K 10.7K 39
TYCOON SERIES I Sometimes, you also need to beg for the sake of love. #VINCENT O'HARRA & ANGELA DELA ROSA