Special Chapter 37:Tale of the Perfect Prince
Sa isang malaki at eleganteng kastilyo ay may nagaganap na malaking pagtitipon.
Makikita ang nagagandahang mga ilaw at bulaklak sa buong paligid.
Habang sa loob ay masisilaw ka dahil sa mga iba't ibang kulay ng mga dyamanteng suot suot ng mga bisita.
Tumigil ang lahat at agad na yumuko ng marinig ang pagtunog ng trumpeta.
"Magbigay galang ang lahat dahip papasok na ang royal family!"
Pagbukas ng malaking pintuan na kulay ginto.
Tumahimik ang paligid at maririnig lamang ang tunog ng mga yapak ng paa na dahan dahan bumaba sa hagdan.
Nang nakaupo ng ang buong royal family ay agad na sabay sabay na bumati ang lahat.
"Maligayang pagdating mga kamahalan!"
"Magsitayo na kayong lahat"
Matapos marinig ang sabi ng hari ay nagsiayos na ng tindig ang lahat.
"Maraming salamat sa pagdating sa ball ng aking anak na si Crown Prince Nathan kaya simulan na ang kasiyahan."
Kaya umupo na ang mga bisita at nagsimula na ang mga magtatanghal na magpalabas at pagkatapos ay pumunta na sa stage ang pitong taon na si Nathan.
"I am Crown Prince Nathan Louisse Isania. I am thankful that you are all here to join me in celebration of my 7th birthday"
Nakatayo sya ng tuwid sa gitna ng stage na may ngiti sa mukha.
Pagkatapos ay binati sya ng mga bisita at isa isa nya itong nginitian.
"Kahanga hanga talaga ang prinsipe dahil sa kanyang talino sa murang edad. Karapat dapat lamang sya sa kanyang titulo"
Marami pang mga papuri ang maririnig sa mga usap usapan sa buong paligid tungkol sa prinsipe.
Tanging ngiti lang ang naging sagot ng prinsipe sa mga papuring naririnig nya.
Sa buong pagtitipon ay nakangiti lang si Prince Nathan wala kang mababakas na kahit anong kamalian sa kilos na pinapakita nya.
Kaya sya binansagan na "Perfect Prince" sa buong kaharian.
Pagkatapos ng kasiyahan habang paunti unting umaalis ang mga bisita.
"Magaling ang ipinakita mo anak"hawak sa balikat ng kanyang amang hari.
"Walang anuman po kamahalan" magalang na sagot nya dito.
Tumango lang ang kanyang amang hari at agad ng umalis.
Sumunod naman ang reyna at kanyang bunsong kapatid na hawak hawak ng kanilang inang reyna.
Yumuko sya para magbigay galang sa Ina pero hindi sya nito binigyan ng pansin.
Pero kahit na ganoon ang naging pagtrato sa kanya nanatili pa rin sa mukha nya ang ngiti.
Habang naglalakad sa pasilyo sa palasyo papunta sa kanyang silid.
"Sa tingin mo ba Prince Nathan maloloko mo ang lahat sa iyong mga ipinapakita?" sabi sa kanya ng isang tao na nagtatago sa dilim.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo?" mahinahon nyang sagot.
"Hindi lahat ay maniniwala sa isang perpektong imahe na ipinapakita mo sa kanila"
Habang patuloy na nagsasalita ito sa kanya ay unti unting nagbabago ang kanyang ekspresyon.
"Sa tingin mo ba mamahalin ka na nila dahil sa mga ipinapakita mo? Pwes nagkakamali ka dahil alam mo naman na hindi ka nila mamahalin lahit kailan"
Napatakip na lang ng kanyang tenga si Prince Nathan habang patuloy sa pagtakbo papunta sa kanyang silid.
"Hindi mo ako matakasan dahil ako ay ikaw at ikaw ay ako" sabi ng nasa dilim habang paunti unti na itong nawala.
•••
Habang nasa loob na kanyang silid ay nilabas nya ang lahat ng kanyang emosyon habang nakaupo at hawak hawak ang kanyang mga tuhod.
Nakapikit lamang sya at pinipilit pakalmahin ang sarili.
Maya maya pa ay makikita na nakangiti na sya at wala ng mababakas ng kanyang pagkatakot sa kanyang mukha.
Nagmadali syang kinuha ang librong nakapatong sa kanyang mesa at agad na may sinulat.
Pagkatapos ay ibinalik nya ito sa kanyang kinuhuan at kitang kita sa kanyang ang saya pagkatapos nyang magsulat.
Agad na syang nagpalit ng kanyang pantulog at agad ng nahiga sa kanyang kama.
•••
Kinabukasan...
Pagkagising nya ay agad na syang kumilos at tulad ng dati ay matamis na nakangiti pa rin.
Isa isa nyang binati ang lahat ng taong nakasalubong nya.
Katulad ng dati punong puno ang schedule nya ngayong araw dahil sa dami ng klaseng kailangan nyang pasukan.
"Good morning Mrs Flor"magalang nyang pagbati at hinalikan ang likod ng kamay nito.
Nginitian ni Mrs Flor si Prince Nathan" Good morning din kamahalan"
Agad na dumiretso sa kanyang upuan si Nathan at nagsimula na ang kanyang klase sa politikal strategy.
Habang nasa klase ay may narinig sya sa labas ng bintana.
"Prince Nigel bumalik ka dito"Sabi ng katulong ni Prince Nigel habang patuloy pa rin ang paghabol nya dito.
"Ayoko gusto ko pang maglaro"habang patuloy pa rin sya sa pagtakbo.
"Magagalit ang iyong Inang reyna sa iyong ginagawa"
"Hindi sya magagalit sa akin" sinasabi nya habang patuloy sa pagpitas ng mga bulaklak.
"Tigilan mo na yan dahil iniingatan ng iyong Inang reyna ang mga bulaklak na iyan" hindi pa rin ito nakinig at patuloy lang sa pagpitas ng bulaklak.
Habang pinapanood ito ni Prince Nathan ay paunti unti na dumidilim ang kanyang mukha.
Dahil hindi patas ang pagtrato sa kanilang magkapatid ng kanilang mga magulang.
'Bakit kailangan na lagi ako ang pinahihirapan?'
'Bakit kailangan kong mag aral araw araw para maging isang pinuno ng kahariang puro mapagpanggap ang mga pagkatao?"
Yan ang mga hinanakit na iniisip nya sa kanyang isipan habang nanatili oa din sa kanyang mukha ang kanyang ngiti.
Matapos ang klase ay pumunta sya sa kanyang amang hari dahil pinapatawag sya nito.
Pagdating nya ay agad syang yumuko at nagbigay galang.
"Pinapunta kita dito dahil may kailangan kang gawin para sa akin"
"Ano po iyon Amang Hari?"
"Kailangan mong pumunta sa isang pagtitipon ng mga mayayamang kabataan sa Hall of Crystal mamayang hapon isama mo si Nigel"
"Masusunod po Amang hari"
"Makaaalis ka na"
Pagkaalis nya ay dumiretso sya sa kanyang silid at may isinulat na naman sa kanyang libro.
Makikita ang mga napakahabang listahan na kanyang isinusulat na tila isa itong mahabang tula.
Pero kung titignan may mga pangalang nakasulat dito.
"Hindi ako papayag na maging alipin ng kahariang ito at maging sunod sunuran nila"
"Sisiguraduhing kong makukuha ko ang lahat ng gusto ko at pahihirapan ko silang lahat pagdating ng tamang panahon na hinihintay ko"
Pagkatapos nyang itiklop ang libro at lumabas ng nakangiti pa rin ang kanyang mukha tulad ng dati.
Nakasulat sa cover ng librong kanyang sinulatan.
'The tale of the Perfect Prince'
•••
Hope you enjoy reading!
Thank you for voting!