Love in a Game

By BriellethItGo

624 65 55

It's a Game. You're the Player and She's the subject. Will you play for her heart or for the fame? Not your t... More

,
Meet our Stars
Prologue_ Just a Peek
Chapter 01_ First Sight
Chapter 02_Warm Welcome
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 10

5 0 0
By BriellethItGo

Alana
-

2 days. 2 days ko ng pilit iniiwasaan si Paul at ang grupo nito. Ang mga bullies tumigil na rin, siguro nagsawa na. Hanggang tingin lang ito sa'kin ng masasama at mananaray. Kaya't payapa lang ang pag-aaral ko dito at hindi ko hahayaan si Paul na guluhin ako at pagtripan.

Pero ngayon may problema ako. Dahil noong Friday hindi tinanggap ni Miss A ang ginawa kong project dapat daw sabay kami ni Paul na gagawa dahil parusa at grades daw namin iyon.

Buntong hiningang nasandal ang likod sa upuan.

"Alana Bestfriend" sinasakop na naman ng boses niya ang buong silid.

Masamang tingin ang ipinukol ko kay Ina. Umaamba ito ng yakap sa'kin. Huminto ito at namewang.

"Bakit ang sama ng mukha mo?"

"Tss. Kasi nakita kita?"

"Alam ko namang maganda ako. Let's go."

"Saan?"

"Sa cafeteria. Kanina pa kumakalam ang stomach ko." Sabay pout nito.

Yuck.

"Ano ba! Tara na. Ngayon lang ako nagka-oras sa'yo pagbigyan mo na 'ko bestfriend."

Wala na akong nagawa nang mahila na ako nito patayo. Napakakulit talaga.

"Bakit ba ako pa ang gustong mong isama eh may mga kaibigan ka naman sa club mo."

Hindi pa rin ito tumigil sa paghila sa kanya palabas sa silid. "Hindi mo ba ako na miss?"

Tiningnan ko sya sabay ngumiwi.

"Teka nga, ba't pinag-iisipan mo pa? Nakaka-ilan ka na sa'kin ha."

Natawa na lang ako sa kanya at naunang naglakad.

"Sasama rin naman pala. Arte."

"Bubulong-bulong ka pa."

Yumakap ito bigla sa braso ko. "Hehe sorry na."

Pumasok na kami. Ako ang namili ng uupuan habang si Ina ang bibili ng pagkain. Pinili ko rito sa hindi matao at agaw pansin ang malaking puno at napapalibutan ng luntiang damo.

"Got you! Ang hirap mong hanapin ah. Ba't dito napili mo?"

Hindi ko sinagot sa halip ay inilabas ko ang pagkain sa tray at inayos ito.

"Ayaw mo sa loob? sa aircon?"

"Mas gusto ko ang pagkain." Sabay turo sa mga stalls na nakapalibot sa labas ng cafeteria.

Humalakhak ito. "You're right."

"Yeah never wrong." Sabay sumubo ng isang fries.

Ang sarap ng hangin dito sa labas sabayan mo pa ng masarap na pagkaing nakahain.

"Hi Jacob!" Magiliw na sambit ni Ina.

Mabilis ko lang syang sinulyapan at babalewalain na sana pero agad akong nanigas nang makitang hindi lang iisang paa ang nasa likod ko. May kasama sya!

'Anong gagawin ko?'

Umayos ako ng upo at ininom ang ice tea nang biglang kunin ito ni Paul para uminom din.

Agad na sumama ang mukha ko at huli na ang reaksyon ko nang maunahan ni Ina.

"Huy Paul aba't dyan ako uminom ba't dun ka sumimsim ha?!" Angil ni Ina.

"Ano? Bakit di mo sinabi?" Sigaw nito.

"Aba't uura-urada mo ba namang kinuha yung baso 'di ka naman naghihirap."

"At bakit din kasi naghahati kayo sa isang baso ng juice? Hindi ka rin naman naghihirap"

"Aba ako talaga hinahamom mo ah." Galit na lumapit ito kay Paul pero hinarangan sya ni Jacob.

Agad na nag-froze si Ina nang magsalubong ang mata nila ni Jacob. Kinikilig na yan. Natawa naman ako itsura niya.

"Nakakainis ka naman Jacob eh!" Singhal niya rito at kumalas sa hawak ni Jacob.

"Anong ginawa ko?"

"Dapat ikaw ang uminom hindi si Paul."

"Hindi ka naman maganda Buenavista kaya shut your face." Biglang singit ni Paul.

Susugod na sana si Ina pero muling hinawakan ni Jacob sa braso si Ina.

"Makikikain ako ha." Sabi ng lalakeng kasama nila Paul, basta-bastang sumulpot at umupo sa harap ko. Ngumiti ako rito at tumango.

Natigilan pa ito at kumain na rin.

"Ano ba yan e parang hinalikan na ako ni Paul. Di ko pa naman type yang lips mo."

Hindi ko na sila pinansin.

"Next time bring you own cup Paul."

"Kinakampihan mo yan Jacob?"

"Hindi, mali ka lang talaga."

Sang-ayon ako kay Jacob.

"Guys kain tayo."

Mabilis na natahimik ang paligid namin kaya tumigil ako sa pagkain at tumingin sa likod ko at sinalubong ang masamang tingin ni Paul.

"Seriously? Sumasabay ka ng kain dyan kay Evo? Kay Evo talaga ha?"

"Bakit ka galit?"

"Wala ka kasing taste."

"Tsk nababakla ka nga sa'kin babe e." Malanding tugon ni Evo kuno.

"Manahimik nga kayo mga bakla." Suway ni Ina at bumalik sa upuan niya. Tinulak niya si Evo palayo.

"You have no respect Buenavista. The man is eating."

"Eating mo mukha mong halimaw."

"Yang bibig mo gagawin kong dinosaur e."

At patuloy lang sila sa pagbabangayan. Parang close si Ina sa kanila. Hindi na ako magtataka dahil sikat rin si Ina sa school na 'to.

"Hoy."

Didn't hear any.

"Hoy."

Wala talaga.

"Hoy pansinin mo 'ko."

Umupo ito sa tabi ko sabay hinawakan sa balikat tapos hinarap ako sa kanya.

Sinalubong ko sya ng may masamang tingin.

"Pinagtataguan mo ba ako?"

"Wala naman akong utang sa'yo."

Naglalabanan kami ng tingin habang binabato ang mga salitang 'yon.

"Iniiwasan mo 'ko?"

"Wala ka namang sakit."

Napansin kong nagtiim bagang ito.

"Nilalayuan mo ako?"

"Hindi naman tayo close."

Nang sinabi ko yun agad niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Agad akong nawalan ng hininga sa ginawa niya.

"Gantong close ba ang gusto mo?"

Napapikit ako dahil naduling ako sa lapit ng mukha niya. Pati ang paghinga nito ay naramdaman ko. Idinilat ko ang mata at sumalubong sa'kin ang ilong nito.

'Ang tangos ng ilong niya.'

Nang matagalan ang pagtitig sa ilong ay tumingin ako sa mata nito sabay itinulak. Sa lakas ng pwersa ko ay ako ang natulak patalikod na agad namang sinalo ng kanang kamay ni Paul. Muli ko na namang nahigit ang hininga  dahil magkalapit na naman ang mukha namin.

Napalunok ako dahil di makakailang ang gwapo nito.

"Ano bang...gusto mo?"

Ngumiti ito at binitawan ako. Nagulat ako nang may sumalo sa akin Si Jacob pala.

"Let go Jacob."

"Thanks." Bulong ko rito.

"Careful." Sabay ngumiti sa'kin.

Masama na naman ang tingin ni Paul. Lagi na lang.

"Bakit ba? Ano ba kasing kailangan mo?"

"Pumunta ka mamaya sa Attila Restaurant after our class."

"At anong gagawin?"

"Gagawin natin ang project kay Miss A."

"Bakit do'n pa?" E pwede namang dito na lang sa loob ng campus.

"Mayaman ako kaya sa mamahaling restaurant ang gusto ko."

"Yabang talaga ni bakla."

"Kumain ka na nga lang dyan Evo." Panunuway ni Ina.

"Ayoko." Pagtanggi ko rito.

Agad na nangunot ang noo nito.

"At bakit? Ako naman ang magbabayad."

"Ayoko."

"Fine. Sa Jollibee na lang and that's Final."

Tumayo na ito.

"Bakit sa Jollibee?"

"Kasi bida ang saya."

Natameme ako.

"Pfft. That was corny Paul." Tapik ni Evo kay Paul.

"Never say that again Paul." Naiiling na sabi ni Jacob sabay tapik rin nito sa balikat.

Galit na inalis ni Paul ang mga kamay nito.

"Hoy. After class." Pagtatapos nito sa usapan at tumalikod na sunod si Jacob.

"Salamat nga pala sa pagkain mga kumare ko." Paalam ni Evo.

"Gago gagawin talaga kitang itik."

"Bye Buenavista-vivisita ako next time at viviswetin ka." Umalis ito ng puno ng halakhak.

Stay tuned. . .

A/N: This chapter is a Thank you Chapter.

Kung naka-abot ka dito, Thank you! I really appreciate my readers. And thanks to myself dahil naka-abot ako sa Chapter 10 and one main reason is because of my solidong readers.

Dito na lang muna, Salamat sa mga nagbabasa pa rin. Good night🌠 and have a sweet dream.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...