One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 44

1.7M 37.2K 20.8K
By jonaxx

Kabanata 44

I Want Us

Isang private island ang Huma Island, anang brochure. Parte ito ng Busuanga, Palawan at kailangan ng private jet para makapunta roon.

Ang bigat ng katawan ko pagkalapag. Maaga kami kanina ni Brandon kaya heto ako at puyat. Marami dapat siyang gawain sa Highlands ngunit hindi kinansela niya para sa trip na ito. Dinala niya ang laptop niya, ganon rin ako para makapag trabaho habang narito.

Pinapasadahan ko ng tingin ang kulay asul na dagat, papalapit na kami sa isla. Sa malayo pa lang ay namangha na ako, it resembled some foreign paradise like Maldives. Kahit na nakaupo ako ng tuwid, natatabunan ng itim na aviators ang aking mata ay nanatili parin ang tingin ko sa labas.

Mag lalanding na ang private jet na sinasakyan namin ni Brandon. Kaming dalawa lang ang narito at aniya'y kahapon pa lang daw narito na ang ilang guests. Ngayong araw agad ang kasal, then I'm suddenly wondering kung ilang araw kaya kami dito? Magtatagal kaya kami dito?

Pagkalapag ng eroplano ay bumaba kaagad kami doon at sumalubong sa amin ang malinaw na dagat sa dalampasigan. Hinawi ko ang skirt ng dress ko dahil bahagya itong nabasa sa dagat.

Nakababa na si Brandon at sinasalubong ng mga kumakantang empleyado at ng sariwang buko juice. Nilingon niya ako sa aktong paglalagay ko ng kamay sa lalaking naglahad ng kanya.

Tumikhim si Brandon at bago pa man makapag salita ay may tumapik na sa kanyang likod.

"Thank you." Sabi ko at binigyan rin ako ng sariwang buko juice.

Sinipsip ko kaagad iyon sa straw nito. Medyo na uhaw sa pagmamadali.

"You got me worried, you know." Tawa ni Rage del Fierro, ang pinsan ni Brandon na alam kong siyang ikakasal sa araw na ito.

He was already wearing a white formal beach suit. Ngayon kaagad ang kasal sa pagdating namin. Kailangan muna naming magpalit ni Brandon ng puting mga damit para rito.

Brandon blocked my view with his broad shoulders. Hinanap ako ni Rage sa likuran niya. Ngumuso ako at nagkunwaring umiinom ng buko juice. May humahalukay sa tiyan ko. Is it that bad? To be with the boss? Siguro ay ikinahihiya ni Brandon na makita ako ng mayamang pinsan niya dahil sekretarya niya lang ako.

"Your... assistant?" Tanong ni Rage.

Imbes na pilitin kong makita niya ako ay hindi ko na lang ginawa. I swallowed the lump in my throat. I am being emotional.

Bago pa masagot ni Brandon ang tanong ni Rage ay may tumatawa nang lalaki na papalapit sa kanila. I remember him. Kasama siya ni Brandon at Rage nong una ko silang nakita at naroon din siya sa kasal ni Anton. Is this his cousin?

"Pakilala mo naman ako sa secretary mo." Sabay high five kay Brandon.

Humalukipkip ako at pinasadahan muli ng tingin ang dagat. Tsaka pa lang ako nilingon ni Brandon, naka igting ang panga.

"This is Avon Pascual." Sabay pakita niya sa akin.

Ngumiti ako sa dalawang halos kasing tangkad na lalaki. Nakangisi iyong kakarating lang at agad nag lahad ng kamay.

"Logan Torrealba, Brandon's cousin." Sabi niya.

Tipid muli akong ngumiti at tinanggap ang kamay niya.

"We've met before, right? Sa Highlands at sa kasal rin ni Anton? Are you a friend of Jessica?" Hindi niya pa binibitiwan ang kamay ko.

Tumikhim si Brandon at kinuha ang kamay ko sa kamay ng pinsan. Lumipad sa ere ang kamay ni Logan at ngumisi siya kay Brandon. He's protecting me from his playboy cousin, huh?

"Whoa! I'm just being friendly here." Tawa ni Logan.

"Shut up, Logan." Nilingon niya si Rage. "Are we late?"

Ngumuso lang si Rage at umiling. "May dalawang oras pa."

"Oh! Then we have to be in our villa now, then." Sabi ni Brandon at iginala ang mata sa malapad na dalampasigan at magagandang villa na hatid ng isla.

"Let me lead the way, Sir." Sabi ng isang nakaputing empleyado na naglahad ng kamay patungo sa nakahilerang villa sa seaside.

Nagtatawanan si Logan at Rage na sumunod sa amin. Hindi ko pinahalata na nagpapanic na ako. I'm stressed now. Dalawang oras na lang ay kasal na at kakarating lang namin! Paano ako mag aayos. Will that time be enough?

"Isang kama po iyan, may jacuzzi na nakaharap sa seaside." Sabi nong lalaking empleyado habang binubuksan ang malaking salamin na naghahati sa villa at sa tanawin ng dagat at jacuzzi.

Nakalapag na ang mga bagahe namin sa aming kwarto. Imbes na punahin ko ang sobrang ganda na villa ay sa kama nagtungo ang mga mata ko. It was field with rose petals for honeymooners and we are not. Wala sa job description ko na tumabi kay Brandon sa pagtulog pero mukhang wala akong magagawa.

"Who will sleep in the couch?" Tanong ko at nilingon kaagad ako ni Brandon, matalim ang tingin.

"I can sleep with a girl without touching them, Av. Don't worry." Aniya at inabala ang sarili sa kanyang dalang gamit.

Nagtiim bagang ako. I just want him to realize that we are going to be sleeping on the same bed tonight. Ngunit ngayon ay balewala din naman pala iyon sa kanya. Everything's just so futile.

"Mag shashower muna ako ng saglit." Sabi ko at nilingon siya.

Wala siyang imik, abala parin sa kanyang mga gamit. I hate that he's unaffected! Nakakalito na. Minsan naaapektuhan siya, minsan hindi. Tulad kanina nang nakipagkaibigan si Logan sa akin, protective siya pero ngayon wala na naman.

Imbes na mag isip ng maraming bagay ay dumiretso na ako sa bathroom. It was huge. May bath tub pa na puno ng rose petals. Mabango iyon at nakakahalina. Kung sana ay mas may oras kami, naligo na sana ako doon.

Nag shower ako, mabilisan dahil pangalawa ko na rin naman ito sa araw na ito. Pagkatapos ay sinikap na mag blow dry at sinuot ang puting beach maxi dress na siyang theme ng kasal. Naglagay ako ng light make up bilang finishing touch at sinuot ang puting gladiator sandals na bagay sa tema.

Lumabas ako, pakiramdam diyosa. Nang nalingunan ako ni Brandon habang sinusuot niya ang kanyang puting chinese-collared barong tulad ng suot ni Logan ay pinagtaasan niya lang ako ng kilay at bumaling ulit sa dagat.

Huminga ako ng malalim. So... that's it.

"Baka ma late na tayo." Sambit ko para makuha ulit ang kanyang atensyon.

"Tapos na rin naman ako. Let's go." Sabi niya at dinampot lang ang kanyang cellphone bago siya dumiretso sa pintuan.

Dahan dahan akong naglakad, dinaramdam ang bawat pag sayaw ng manipis na tela ng aking suot. Naghintay siya sa labas para sa akin habang binubutones ang kanyang suot.

"Ako na." Sabi ko at maagap na binutones ang huling tatlong butones.

Tuwid siyang tumayo at hinayaan akong gumawa non. Tumitig ako sa kanya. Sumulyap lamang siya sa akin bago siya tumingin ulit sa kanyang damit. Damn, he was hot. Adonis would not be enough to describe his perfect features. Dahil sa paninitig ko sa kanya, naalala ko ulit kung bakit sobrang sikat niya sa larangan ng pagmomodelo. His air would put to shame all the gods of mount Olympus.

Tumikhim siya. "Let's go."

Lumunok ako at tumango.

Nauna siyang maglakad sa akin at sumalubong kaagad sa kanya ang isa pang lalaki. Binangga nilang dalawa ang kanilang mga kamao at nagtawanan agad. Nilingon ako ng lalaki at kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"So... Are you fine now?" Tanong nong lalaki sa kanya, nasa likod ako patuloy sa paglalakad patungo sa board walk.

Sa malayo pa lang ay kitang kita ko na ang mga dahon at puting bulaklak na nakapaligid sa red carpet na nasa board walk. Sa dulo niyon ay isang maliit na entablado na may puting kawayang upuan. I guess that's where the wedding will take place.

Luminga ako para sa mga tao ngunit wala akong makita bukod sa amin. Rage was already waiting near the red carpet, checking his watch. Logan was on his side. Kami lang ba? And where's the bride?

"I'm fine." Sabi ni Brandon.

Nagkatagpo ang apat at nag tanguan. Masyadong seryoso si Rage para makisali sa tawanan ng tatlo.

"He will always be fine, Kid." Tawag ni Logan sa isang lalaking hindi naipakilala ni Brandon sa akin.

"By the way, Brandon." Lumingon si Rage sa kanya. "I'm sorry for not being there-"

Tumawa si Brandon. "I know you're busy finding Sunny, Rage. And it's just a small wound. It's nothing."

Ngumiwi si Rage, napatingin sa akin at ngumiti. Nilingon ako ni Brandon, matalim ang mga mata.

Is it bad that I'm here? I don't even know what's going on. I feel so out of place and Brandon's stares are making me uneasy.

"This is an intimate wedding, Avon." Ngiti ni Logan sa akin na parang nabasa ang iniisip ko. "Wala 'yong parents ng dalawa kasi 'yong kay Rage, ayaw na magpakasal siya. At sa mapapangasawa niya naman, patay na ang mommy at daddy kaya tayo tayo lang ang nandito." Paliwanag ni Logan.

"Thanks, Logan. Hindi ka tinatanong." Mariing sinabi ni Brandon.

"What? Why are you so rude, Brandon?" Nangingiting sinabi ni Logan. "Hindi mo ba nasabihan ang secretary mo ng tungkol dito? Dinala mo lang siya at ayon na?"

"Tsss-"

"Thanks, Logan. I was actually wondering pero nahihiya lang akong mag tanong. I'm not a friend of anyone here so..." Tipid akong ngumiti.

"Now, I'm your friend. So... no worries." Sabi ni Logan at tinawanan siya ng Kid.

Matalim na tumingin si Brandon kay Logan. Ngumisi lamang si Logan at bumaling sa akin. Bago pa kami magkausap muli ay dumating ang isang babaeng may kasamang photographer at videographer.

"Let's start." Sabi ng babae.

Namataan ko rin ang isang pormal na lalaki, batid ko siya iyong magkakasal sa dalawa. Pinahilera kami nong babaeng naka puti lahat. Una si Rage, pagkatapos ay si Brandon, Logan, Kid, tsaka ako.

Narinig kong may humahalakhak na tinig ng babae sa likod ko kaya nilingon ko iyon. Nakita ko ang isang babaeng maputi, kulay pula ang mga labi, pinaghalong pula at tsokolate ang buhok, may dalang dalawang bilog na bouquet ng roses.

"Ikaw ba si Avon?" Tanong niya nang nakalapit.

Tumango ako at ngumiti. "I'm Mia." Ngisi niya at binigay sa akin ang bouquet. "Nice meeting you!"

"Nice meeting you, too." Ngiti ko. "Kaibigan ka ng bride?"

Tumango siya. "Oo. Si Sunny." Excited niyang sinabi.

Tumugtog ang isang classic galing sa isang violinist sa gilid ng munting entablado at naglakad na si Rage patungo roon. Madrama at tahimik ang naging paglalakad ng bawat isa.

Sa lahat yata ng kasal na napuntahan ko, itong kasal na ito ang pinaka tahimik at pinaka seryoso. Nang pagkakataon ko nang naglakad ay binagalan ko na rin. Iyon ang sinabi ng babaeng nag organisa nitong lahat.

Nasa tabi ni Rage si Brandon, ayaw lumingon sa akin kahit na parehong si Rage, Kid, at Logan ay ngumingiti na sa pagdating ko. Nang sa wakas ay nilingon niya ako ay tumitig lang siya, wala akong mabasang ekspresyon. It was almost empty.

Pinilig ko ang ulo ko at pumwesto sa gilid. Ngayon ay si Mia naman ang maglalakad. Pumalakpak si Kid at napagtanto kong girlfriend siguro siya non dahil masyado itong maligaya habang naglalakad siya.

Nahirapan ako sa paglunok. What a sight! Niyakap ni Kid si Mia nang makarating sa kanyang gilid at naghagikhikan ang dalawa.

Sinundan ko sila ng tingin at napadpad ulit ang mga mata ko kay Brandon na nakatingin sa akin kahit na kausap si Rage. Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko mapigilan ang pait na naramdaman ko.

What am I doing, really? Tumunog ang isang pamilyar na kanta sa violin at nakita ko ang bride. Natatabunan ng manipis na tela ang kanyang mukha pero kitang kita ko na maputi siya at namumula ang pisngi. Natural ang pag alon ng kanyang buhok sa dulo habang sumasayaw sa bawat hakbang niya ang saya ng damit. The flowers she wore on her head made her look like an angel.

Lumunok ulit ako at nilingon si Brandon na nginingitian si Rage.

Who am I kidding? Pumunta ako ng Highlands para makabawi kay Brandon? Totoo. And I stayed even after all those shits he gave me because I want us back together. Iyon 'yon. I missed him so much. I miss the way he cared for me. The way he will always be back even after I pushed him away. Hindi ko lang iyon maamin sa sarili ko dahil ayaw kong masaktan. Nasasaktan na nga ako, aaminin ko pa. The pain would only double if I did that!

But this time, I can't help it anymore.

Sa pagpapahayag ng vow ng dalawang ikakasal ay umiyak ako. Umiiyak ako para sa munting parte sa akin na gumuguho. Gumuguho dahil masyado nang nawasak. It was my hope that's breaking. My hope for us again. My hope for a second chance.

Gusto niya ba akong umalis nong sinundan ko siya sa Highlands kasi ayaw niya na sa akin? These thoughts keep bothering me.

Napuno ng tawanan ang isang long table habang kumakain kami pagkatapos ng kasal. Kanina pa kami dito at papalubog na ang araw. Namumula na ang mukha ni Kid, mukhang nalasing na sa pag iinuman nila.

"Sa Enderun ka pala gumraduate? Pangarap kong school 'yon!" Sabi ni Mia, na nasa tabi ko.

Brandon was with the boys, laughing and drinking with them. Si Rage naman at ang kanyang asawang si Sunny ay tahimik na nagbubulung bulungan sa harap namin ni Mia.

"Yup." Ngiti ko. "Ikaw?"

Umiling si Mia. "Ay, hindi ako nakagraduate ng college, e." Ngiti niya sa akin sabay inom ng champagne.

"Sa Highlands pala kayo nagkakilala ni Brandon?" Tanong ni Sunny sa isang malambing na boses.

"Oo." Tumango ako. "Naging manager ako sa isa sa mga restaurant nila don."

Kumunot ang noo niya sa akin. Nilingon ni Rage sina Brandon na tumatayo na at lumalapit doon sa may jetski.

"Kung ganon, paano ka naging sekretarya?"

Kinagat ko ang labi ko. "It's a long story."

Pinanood ko sina Brandon habang nakikipag usap sa pinakilalang may ari ng private island na ito. Mukhang gusto nilang sumakay sa jetski, a. Pero lasing na yata si Kid at nakainom sila kaya sana ay huwag nilang gawin.

Tumunog ang cellphone kung saan. Niligid ko ang mata ko sa long table namin at namataan ko ang cellphone ni Brandon na kumikislap dahil sa tawag.

"May tumatawag kay Brandon." Puna ni Sunny.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone na naroon lamang sa tabi ng kopita ni Brandon. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag and it was Arielle.

Hindi ako nakahinga ng ilang sandali. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nilapag ko ang cellphone niya at bago ko pa siya matawag ay nagmamadali na siyang lumapit at dinampot ang cellphone sa mesa, sumulyap sa akin bago tumalikod para sagutin ang tawag.

And there's that invisible line again between us... there is a part of his life I can never touch, more cross. There will always be that part I wouldn't understand. No matter how hard I try, I would never, ever ever be close to it. He would never allow me to. He would always keep that secret. And that part is my half-sister. Tinikom ko ang bibig ko, hindi makapagsalita sa namumuong bato sa lalamunan at sa punyal na tumatama sa aking dibdib.

Continue Reading

You'll Also Like

26.1M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
1.3M 52.1K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...