Fontabella 4: Taking The Risks

By TheButterflyReturns

6.2K 319 173

Taking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that ma... More

Taking The Risks
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 6

270 17 15
By TheButterflyReturns

Chapter 6

First day of tokhang. Char. It will be the first day of my horrible no falling challenge para kay Fontabella. Fontabella ako nang Fontabella, ni hindi ko man lang nalaman kung ano buong pangalan niya but mamaya tatanungin ko na siya.

"Bihis na bihis ka ata?" tanong ni papa sa akin nang makita niya ako sa harapan ng salamin habang nag-aayos ng buhok ko.

"Manliligaw ako, pa." tugon ko sa kaniya at nang matapos akong mag-ayos ng buhok ko ay nag-spray ako ng mamahalin na pabango ni mama.

"Aba," umakbay si papa sa akin. "Binata na ata ang anak ko?" nginitian pa niya ako sa salamin.

"Pa, manliligaw ako ng lalaki." kaagad siyang napabitaw sa akin at pinatay ako gamit ng mga tingin niya.

"Akala ko namang, bata ka." naglakad na siya papalayo habang umiiling ang kaniyang ulo. Well, masanay na siyang binabae ang kaniyang nag-iisang anak na lalaki.

"Ma! Pengeng fifty pamasahe lang." pumasok ako sa kwarto at humilig sa hamba ng pintuan habang nakalahad ang kamay ko. Sinamaan muna niya ako ng tingin at inirapan saka dumukot ng pera sa kaniyang bulsa at inabot ito sa akin.

"Thank you! Mukha ka pa ring bulbol!" sigaw ko at patalon-talong lumabas ng bahay at naghanap ng masasakyang tricycle.

"Para po!" sigaw ko nang may malapit na akong tricycle na nakita. Pumasok ako at sinabing sa presinto ang punta. Hindi naman ako nag bihis ng bonggang bongga dahil ang pakay ko ngayon ay ang pagsilbihan muna si Pulis. Actually, wala pa akong naiisip kung ano ang gagawin ko sa kaniya pero may mga idea naman ako. Hopes it work for him.

Masiyado kasing mukhang isnabero na ewan mo, mukhang mapaglaro na ewan. Minsan seryoso siya, minsan mukhang galit pero madalas nakakalibog. Ang hawt ng lolo niyo sa true lang.

"Salamat po." sabi ko nang nasa tapat na kami ng presinto at bumaba na. Okay, Lincoln, hingang malalim.

*Inhale *Exhale

Naglakad na ako paakyat ng hagdan at nang may nakasalubong akong pulis ay binati ko ito.

"Good morning." I greeted and flashed a smile.

"Oh, magandang umaga. Naisipan mo na bang umamin at ipakulong sarili mo?" nang mapatingin ako ng diretso sa mukha niya ay saka ko pa lang nakilala ang mukha niya dahil siya ang Pulis chief. Mabilis akong umiling.

"Naku hehe hindi naman po ako magnanakaw." totoo namang hindi pero mukhang hindi siya kumbinsido, wala na akong pake. Ang sabi nga nila huwag mong piliting maniwala ang ibang tao sa 'yo kaya mamatay sila riyan.

"Nandiyan po ba si Fontabella?" tanong ko, baka kasi wala at mag-aksaya pa ako ng panahon eh.

"Wala siya-" gumunaw ang mundo ko ng ilang sandali pero may narinig akong motor na huminto sa likod ko. Guess what?!! Hindi si Fontabella.

"Eh nasaan po ba? May ginagawa ba siya ngayon?" kuryusong tanong ko. Kapag may ginagawa siya at hindi ko siya maistorbo, uuwi na lang ako sa bahay para maitulog ko na lang 'to. Kung wala rin naman siya, wala akong tratrabahuhin dito.

"May ibang ginagawa si Police Chief Fontabella kaya wala siya rito-" may ibang sasabihin ang Pulis na nasa harapan ko nang may nakakaririnding tinig akong narinig. It's no other than the Fontabella! Napalingon ang pulis na nasa harap ko sa isang hallway kung saan nanggaling ang sigaw pero nang bumalik ang tingin niya sa akin ay inirapan ko siya.

Ilang sandali pa ay dumating na si Fontabella na tumatakbo na may ngiti sa labi. Nawala kaagad ang ngiti niya nang makita ako at napalitan ito ng nakakatakot na ngisi.

"Anong meron, boss?" that Fontabella asked.

Naiiling lang ang boss niyang iniwanan kaming dalawa habang itong si Fontabella ay tumutulo ang pawis sa kaniyang patilya. Yung teacher ko noong grade 2 ako hilig na hilig hilahin patilya ko kapag nag-iingay ako sa room. Ewan ko ba sa kaniya, pati psp ko na dinala ko noon kinumpis at pagkatapos ng klase ay nag paturo pa. Ano! Ano! Tsaniin ko bulbol sa kili-kili niya isa isa eh.

"You're here?" he asked in the tone of as-a-mother-of-fuck, de joke matter of fact yon. Tumikhim ako at inilagay ang dalawang kamay sa aking dibdib.

"Well, oo nandito ako para simulan nating dalawa ang love story natin! Romeo, save me!" kanta ko pa at nagtitili. Napangiti pa siya at ang iba ay napatingin sa gawi namin. Mas napangiti tuloy ako dahil sa reaksyon ng tao sa paligid.

"You're funny as fuck. Follow me." sinenyasan niya akong sundan siya at pumasok kami sa isang kwarto, walang tao sa loob, tanging tunog lang ng air-con na gumagana ang naririnig. Alam na this. Isinarado ko na ang pintuan, mahirap na baka tumakbo 'yung air-con.

"So..." panimula ko. "Tayong dalawa na lang, Fontabella..." inokupa niya ang isang swivel chair na may lamesa sa harap nito. Mas bagay siyang boss ng isang kompanya dahil sa visuals niya. Malaki ang katawan, guwapo, may bigote, at amoy mabango. Parang siya 'yung mga CEO sa isang bar na umiinom kasama ang tropa niya tapos may makaka one night stand tapos magiging sila. Like sana ol nag clu-club.

Sa inuman pa nga lang mga kasama ko walang ambag sa alak at pulutang bibilhin namin mag club pa kaya, Diyos ko! Ginawang birthdeyan ang inuman dahil sa lakas kumain ng pulutan sa totoo lang.

Pero mas bagay siya maging baby ko. Ayiii! Lukaret!

"Lincoln, nababaliw ka na, tigilan mo 'yan." sabi ng utak ko sa akin kaya inayos ko ang postura ko sa harap niya.

"Pulis!" sigaw ko dahil nagsisimula na siyang buksan ang mga papeles sa harap niya. Umangat ang tingin niya pero wala siyang sinabi.

"Gusto mo ng chupa?" tanong ko sa kaniya, kaagad namang kumunot ang noo niya.

"Chupa? The fuck is that?!!" galit na galit niyang sigaw. Ewan ko, hindi ko siya maintindihan. Naupo ako sa receiving chair sa harap niya at dinukot ko sa bulsa ang lollipop na binili ko kanina sa tindahan.

"Ay sorry, chupachups. Lollipop." I said and handed him one. Binuksan ko na ang akin at isinubo sa aking bibig.

"Ahh, I thought you meant the other one." ngumisi siya ng kakaiba at binuksan ang lollipop niya. What does he mean na the other one? Ilang saglit ko pa bago nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Next time. Well, ano gagawin mo? Gusto mo tulungan kita?" tanong ko at kinuha ang isang folder sa harap niya at binuklat ito. Halos hindi ko naman maintindihan pero mukhang bio-data ng mga nakakulong at may kasamang finger print nila at pictures.

"You're courting me, right?" he asked.

"Oo pero bored ako so wala akong magawa kaya ikaw ang gagawin ko. Ano ba pwede kong gawin dito?" ibinalik ko na ang folder dahil wala naman akong mapapala ron. Dagdag lang sa sakit ng ulo ko.

"Just watch me the whole time. Wala rin akong maisip na pwede mong gawin." naiiling siyang bumalik ang tingin sa bungkos ng folder sa harap niya. Wala, dito lang ako sa harap niya nakatanga.

---

An hour or so has been passed and we are both still here in the room. Fortunately, walang ibang tao ang pumapasok kaya malaya akong nakakagalaw sa buong paligid. Humiram din pala ako ng walis tambo sa labas kanina para mawalisan ko 'tong kwarto ni Fontabella. Eto na naman ako sa Fontabella.

"What's your name?" I asked bluntly. Nakaharap ako rito sa drawer ng mga folder na nakatambak. Puro records lang naman ng mga inmate nila rito, ang iba namayapa na at hindi na natapon.

"Aljon Kaizer Valencia Fontabella." kumpletong saad niya sa akin. Guwapong guwapo pangalan natin, Pulis ah?

"Ganda. Sana lahat and from now on tatawagin kitang Jon-Jon o kaya naman Jonny? Or Alj, ano bet mo?" humarap ako sa kaniya na siya namang kunot ang noo.

"Really? Sobrang dami naman ata ng mga pangalang gusto mo akong tawagin when you already can make it simple." naguluhan ako sa simple na sinabi niya.

"Simple? At ano naman 'yon?" taas kilay kong tanong.

"Baby."

I can't deny it but I felt my cheeks blushed and heaten up. Tumalikod lang ako sa kaniya para hindi niya mahalata. Dapat para rin tayong pekpek sa una, pakipot muna syempre at sa huli alam na this.

"Okay. Can I call you baby?"

"Can you be my friend?" tugon niya.

"Can you be my lover up until the very end?"

"Heh, ayaw ko nang kumanta. Pero sige, baby na lang tawag ko sa 'yo pero dapat baby din ang tawag mo sa akin." palihim akong napangisi sa kagaguhan kong naiisip.

"Be my baby then."

"Oo na ikaw na ang baby damulag ko achuchuchu. Makapaglinis na nga." bumalik na ako sa paglilinis ng mga kabinet at pinagtatapon ko na ang mga folder na wala namang laman. Minsan tinatanong ko siya kung pwede na bang itapon, umu-oo lang siya kaya ako tapon lang nang tapon sa isang malaking plastik bag.

Nang pumatak ang alas dose y media ay kumalam na ang sikmura ko sa gutom. Siya naman ay nananatiling abala sa binabasa niya.

Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya, umangat ang tingin niya kaagad sa akin and it's effective!

"Do you want to eat? Nagugutom ka na ba?" I asked and looked into his face straightly. Aba, tumatagal ata ako ng matagal sa eye contact ng matagal.

"Kind of." he answered.

"Gutom ka na pala eh. Tara sa labas kakain tayo." tumayo ako para umikot patungo sa kaniya at hinawakan ang palapulsuhan niyang sobrang laki. Hindi masakop ng kamay ko kung hindi ko pa pipilitin.

"Why? I have my meal with me." tugon niya at may kinuha sa backpack niya sabay pakita sa akin ng isang clear na lunchbox at naglalaman ng mga pagkain niya.

"Yaman, sana ol. Ikaw nag luto niyan? Mukhang masarap." tanong ko habang tinuturo ang lunchbox niyang mukhang may laman na bulalo bilang ulam. May mais kasi akong nakita at pechay.

"Of course it's delicious and I didn't cook it because my mom did." he proudly said and flashed a smile to me as he set aside his lunchbox on the table.

"Luh? Hindi ikaw nag luto no'n?" umiling siya.

"I would love my mom to cook my food, hindi ako makakaalis ng bahay nang hindi kumakain ng niluto niya. Whether it's just a fried eggs or delicious cuisine." okay I get his point. Mas gusto ko nga rin na si mama ang nag luluto ng pagkain ko.

"So, hindi ka sasama sa aking kumain sa labas?" I asked, but then he just narrowed his eyes at me.

"We will eat outside? Well, that's different kind of talk." kaagaran siyang tumayo at hinila ang kamay ko at lumabas kami ng kwarto niya.

"Hindi mo kukunin 'yung luto ng mama mo?" tanong ko nang makalabas kami. Baka kasi mapanis at masasayang lang kapag hindi niya kinain.

"Oh, my bad. Just wait here." bumalik siya sa loob at mabilis ding lumabas. May dala na rin siyang susi at inaya akong sumunod sa kaniya. Pumunta kami sa labas at sa parking lot kung saan maraming mga sasakyan ang naka parada.

Linapitan namin ang isang motor ay halatang mamahalin. Sumakay na siya at pinadyakan ito.

"Angkas ka na." utos niya. Medyo nahiya pa ng konti ang lola niyo dahil ngayon pa lang ako makakasakay sa ganitong mamahaling sasakyan. I think it's Ducati and it worth more than my freaking life!

Lumabas na kami ng parking lot at nagsimula na siyang mag maneho sa mabilis na paraan. Hindi niya inabot at pinahawakan sa akin ang lunchbox niya kaya nang tignan ko ay nakaipit sa kaniyang hita. Wow, arte ayaw pahawakan?

"Liko ka riyan." turo ko nang napansin kong didiretso pa sana siya. He was like 'huh?" But then sumunod pa rin siya sa utos niya. Nang makita ko na ang isang karinderya ay pinahinto ko na siya at tumawag na ako kay Marites na nagtitinda rito.

"Aling Marites! Dalawang upuan nga para sa 'kin!" sigaw ko at nilapitan si Baby. Nakakunot lang ang noo niya at pinagmamasdan ang lahat ng mga taong kumakain sa tabing kalsasa.

"What are we doing here? I thought we're supposed to eat outside?" Baby asked.

"Kaya nga! Dito tayo kakain sa labas, masarap dito pramis!" hinila ko na ang braso niya kaso hindi siya nag patinag sa hila ko.

"Malinis ba pagkain nila? I have never been in somewhere like here." umirap ako.

"Gaga ka oo syempre malinis ang pagkain dito. Kung hindi edi matagal na akong nategi." tinawag na ako ni Aling Marites na maupo na sa upuang hinanda niya para sa amin nitong si Pulis.

He also seems disgusted pero ayos lang 'yan, syempre ako rin noong una hindi masiyadong kumakain sa mga ganito dahil sa mga naiisip ko but then I realised na masarap naman ang mga luto nila dahil kadalasan naman kasi kapag gabi na ay bibili na lang sila papa ng lutong ulam para hindi na mag luto ng hapunan.

"Anong sa 'yo, Lincoln?" tanong ni Aling Marites. Tatayo na sana ako para umorder ng kakainin namin kaso mukhang nag waiter mode siya ngayon dahil kay Pulis. Para-paraan din ang isang 'to eh.

"Ahh," nilingon ko si Aljon pero malayo ang tingin niya, bahala na nga. "Isang serve ng tinola, 'yung sisig, at papaitan. Palagyan na nung kalamansi 'yung papaitan tapos tatlong kanin na rin." binigyan ko siya ng three hundred pesos at kaagad siyang pumasok sa loob upang ihanda ang binili ko.

"You like here?" tanong ko sa katabi kong aligaga.

"Nope."

"Bakit naman? Masarap tinda nila, naku, sinasabi ko sa 'yo." We sat there in complete silence before our meals arrived. Tahimik lang siyang nakaupo sa gilid ko habang pinagsilbihan ko siya.

Syempre as a good suitor, inilagay ko sa tapat niya ang mga ulam para naman ganahan siya. Mabuti na lang at hindi puro buto ang pinili ni Marites kung hindi disappointed itong si Pulis.

"Kain ka na." kumuha ako ng sisig at nagsimula nang kumain. Asdfghjkl! Ang sarap talaga ng sisig nila rito pero ang ayaw ko lang sa sisig ay ang sibuyas. Amoy putok. Nagsimula naman siyang kumain kaso binuksan niya ang kaniyang lunchbox at kinuha ang bulalo sa loob nito pero tinampal ko ang kamay niya.

"Ouch!" maka ouch naman siya akala niya natanggal kamay niya sa braso niya. "Why the hell did you do that?!" iritableng tanong niya.

"Huwag ka munang kumain niyan, subukan mo muna 'tong binili ko." buti hindi niya pa naisasabaw ang bulalo sa kanin niya kaya nilagyan ko ng sisig ang plato niya at hinalo ito ng kutsata.

"Say 'Ah'! Open your mouth." Luckily, he did at nasubuan ko siya. Noong una ay hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha niya ngunit kaagad din itong napalitan ng pagkasatisfy.

"Masarap 'no?" tanong ko.

"Yeah." humigop naman siya ng sabaw ng papaitan at nilagpasan ang tinola ni padre Damaso. Bakit parang kasalanan ko pang leeg ng manok ang ibinigay sa kaniya sa piging saka siya mag wawala.

"It kinda tastes sour and bitter I guess?" he said.

"Syempre kaya nga papaitan 'yan, gawa 'yan sa laman loob ng kambing then 'yung apdo ng tao ginamit diyan pang papait." ngumisi ako at siya naman ay tatayo na sana para ibuga ang kinain niya ang pigilan ko siya.

"Gaga! Joke lang pero sa kambing na apdo and they said that sa balunbalunan din daw galing so may tae." mas natawa ako sa sinabi ko. "Pero gagi don't believe it kasi kahit na ako hindi naman naniniwala na may tae." buti naman ay nakahinga na siya nang maluwag sa paliwanag ko.

After that, sinumulan na rin niyang kainin ang iba ko pang binili. Nagulat ako dahil nakadalawang kanin siya at kasama ang baon niyang pagkain. Sa laki ba naman ng katawan niya ay ewan ko na lang sa kaniyang diet.

Natuwa naman ako dahil mukhang nagustuhan niya at pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa opisina niya at nagpatuloy akong mag linis buong mag hapon at nang tumapak na ang oras sa alas singko ng hapon ay nagpaalam na akong aalis

TheButterflyReturns © 2021

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...