Astrid Monteverde (Bitch Seri...

By mis_shyghurl

1.1M 35.4K 5.5K

GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be a... More

NOTICE
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
EPILOGUE
NEXT IN LINE | SOON
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
SPECIAL CHAPTER III

CHAPTER 34

11.8K 417 85
By mis_shyghurl

LORRAINE

Nagising ako na hingal na hingal at tagaktak ang pawis na bumangon sa kama. Napapikit naman ako at huminga ng malalim bago hawakan ang ilong kong may masakit ba o dugo, pero pagtingin ko dito ay wala naman at normal lang.

Then realisation hit me: na panaginip lang pala ang lahat. Shit! Pero bakit naman, kaya ako nanaginip ng ganun? I mean, bangungot ba yun o babala? Nakakapagtaka lang kasi. Napatingin naman ako sa orasan ko at biglang nanlaki ang mata ng makita ko ang oras na alas singko palang pala ng madaling araw.

Anak ka nang bakit naman yata ang aga pa? Napatingin naman ako sa labas at napansin kong madilim pa masyado at mukhang uulan pa sa itim ng langit.

Humiga naman ako ulit at nagbabasakailing ilang minuto lang ay makakatulog ulit ako, pero lumipas ang halos kalahating oras ay nakadilat parin ang mata ko, kaya walang pagdadalawang isip na bumangon nalang ako at agad naglakad palabas ng kwarto para makapag hilamos.

Siguro mabuti na rin to at baka mapanaginipan ko na naman ulit yun na ayaw kong mangyari.

Ewan ko ba pero natatakot ako hays.

Dumaan muna ako sa kwarto ni Lennie at tinignan siya kung baka nasa sahig na o naka baliktad nanaman ang batang ito. Nung nakaraang araw kasi ay nakita ko siyang nahulog sa kama na ikinagulat ko. Paano ba naman kasi ang likot-likot matulog kaya ayaw ko siyang katabi ehh.

Baka mabugbog ako mahirap na hmpf!

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakahinga naman ako ng maluwag nang nakahiga ito patihaya na nakanganga pa na ikinatawa ko bago ito lapitan at kinumutan pagkatapos agad ding lumabas.

-

"How are you and Monteverde Raine?"

Jamie asked na nagpagulat sa akin ngunit kalaunan ay ngumiti nalang ako dito at humalumbabang nakatingala sa langit bago nagsalita.

"Okay, naman siguro?" Not sure, kong sagot. I know na hindi kami medyo okay nitong mga nakaraang araw at minsan nalang magkikita dahil may iba na siyang kasa-kasama ngayon. At ang worst pa ay harap-harapan siyang nakikipag landian sa lalaking yun.

Baka siguro nakalimutan niya nang may girlfriend na siya!

"Are you sure about that? Pansin ko lang na madalas nalang kayong magsabay at mag-usap. Do you guys have a problem?" Bumuntong hininga naman ako bago magpasya na humiga.

"Hindi ko alam Jamie. Nitong mga nakaraang araw napapadalas na ang hindi niya pakikipag-usap sa akin. May lagi siyang kasama na iba at parang nakalimutan niya yata na may g-girlfriend s-siya." Parang naiiyak kong sabi sa kanya pero pinigilan ko lang ang luha ko.

Ayaw ko naman na kaawaaan niya ako at maging mahina sa harap niya. Pansin ko naman na bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"Pansin ko nga rin tss. Swear to God Raine. If she hurt you, ay ako mismo ang sasampal sa kanya pag nangyari yun. Always remember that." Kahit na naiiyak ay parang na touch naman ako sa kanyang sinabi dahilan para yakapin ko ito na ikinagulat niya ngunit kalaunan ay gumanti rin siya nang yakap.

"Thank you, Jamie, pero hindi mo naman kailangan gawin yun ano ka ba. Okay lang ako ano hehe." Kumalas naman siya sa yakap at inirapan ako na ikinatawa ko.

"Shut the hell up, Raine! I know you're not okay since that new transferee jerk ang laging kasama ng girlfriend mo tss." Napayuko naman ako sa sinabi niya kasi yun ang totoo. Since mag transfer, kasi ang Andrew Fortalejo na yun dito one month ago, ay sila na lagi ang magkasama.

Madalas nga nakakalimutan na ako ni mangkukulam batiin na magandang umaga gaya ng ginagawa niya dati, pero sa isang iglap ay bigla nalang yun naglaho simula nung dumating ang lalaking yan dito at ang mas masama pa ay palagi silang dalawa na magkasama at sobrang sweet pa.

Nagtataka na nga rin ang mga kaibigan ni mangkukulam, pero hindi naman sila makapag tanong o makausap ang babaeng yun kasi nga para na rin siyang lumalayo sa amin. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan kung bakit kami nagka ganito bigla.

Parang isang iglap nagbago ang lahat.

"Babe?"

Napatingala naman ako at napalingon kami ng sabay ni Jamie na may tumawag sa kanya na si Athena. Ngumiti naman si Jamie dito bago tumayo.

"Why are you here, babe? Wait, where are the others? Bakit mag-isa ka lang?" Sunod-sunod niyang tanong sa isa na nginitian lang siya bago hawakan ang kanyang kamay at hinalikan ang labi ni Jamie na ikinagulat ng isa.

Pfttt--hanggang ngayon hindi pa rin sanay ang babaeng to sa pagiging sweet ng girlfriend niya.

Napangiti naman ako sa nakita at hiniling na sana-sana ganyan rin kaming dalawa. Napailing nalang ako sa isip ko bago humiga at pumikit.

"Baby..."

Agad naman bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pamilyar na boses na yun. Dahan-dahan naman akong lumingon at kumurap-kurap na baka dinadaya lang ako ng mata ko. Tinanggal ko naman ang salamin ko at pinahid ang aking mata baka sakaling dinadaya lang ako ng paningin ko.

"Hey, are you okay? What happ-!"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad siyang dinamba ng yakap. Sobrang namiss ko siya at parang isang taon kaming hindi nagkita.

"Ugg baby, I can't breathe." Bumitaw naman ako bigla sa yakap naming dalawa ng marinig ko ang sinabi niya. Maluha-luha ko naman siyang tinignan na ikinagulat niya at suminghap na may pagtataka at pag-aalala sa mukha.

"Hey, why are you crying? Shh, come here." Yumakap naman siya sa akin at hinagod-hagod ang likod ko.

"I miss you." Sa ilang araw naming hindi magkasama ay sobrang namiss ko siya. Walang oras o minuto na hindi ko siya naiisip at nag-aalala na kumain na ba siya. Kamusta ba ang araw niya.

Alam kong oa pakinggan, pero yun ang totoo.

"I miss you too, baby." Malambing pang sabi niya na ikinangiti ko at kumalas sa aming yakapan.

"Tsk. Ang pangit mong umiyak baby pfft.." Napanguso naman ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin sabay pahid sa luha ko.

Tss bakit ba kasi ako umiyak? Ang oa ko talaga hmpf!

"Bakit ngayon ka lang nakipag-usap sa akin?" Tanong ko pa na ikinatigil niya sa pagtawa bago hawakan ang kamay ko at ipinagsiklop ang aming daliri.

"Sorry, I was just busy, yeah, that's why." Pansin ko ang pag-iwas niya sa topic at alam ko na may mali. May hindi tama at parang may tinatago siya sa akin.

Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako na ewan sa pwedeng mangyari bukas o sa susunod pa na araw o baka naman oa lang ako masyado? Iwinaksi ko naman yun sa isip ko at ngumiti sa kanya.

"Kung ano man yan okay lang. Siguro kailangan unahin mo muna kung ano ang magpapasaya sa'yo. Don't worry, hindi kita pipigilan." Sabi ko pero ewan ko ba at parang may ibig sabihin ang mga katagang yun na hindi ko aakalain na lalabas sa bibig ko.

Kunot noo naman siyang napalingon sa akin, pero bago paman magtagapo ang aming tingin ay umiwas na ako at humiga sa damuhan sabay bitaw sa kamay niya.

Ramdam ko na may gumugulo sa isip niya at parang may mali. Hindi na katulad ng dati at ramdam na ramdam ko yun lalo na't hays. Ayaw ko na muna mag-isip. Sumasakit ang ulo ko.

"May lagnat ka ba baby?" Taka ko naman siyang tinignan lalo na sa kanyang sinabi at hinawakan ang leeg at noo ko.

"Wala ka namang lagnat. Pero bakit ang weird mo?" Anong weird dun? Nagsabi lang naman ako ng totoo hmpf! Itong mangkukulam na'to talaga nako tssk.

"Tumigil ka nga at isa pa paano mo nasabi na may lagnat ako? Maputla ba ako huh?" Seryoso kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin bago umunan sa braso ko, at agad akong niyakap patagilid.

Tapos ngayon yakap-yakap siya diyan tss.

"I was just kidding po at isa pa nagtaka lang ako na bakit sweet ka ngayon. Anong nakain mo by?"

By

By

By

That word isa sa namiss ko nang sobra sa kanya. Ilang araw ko din yang hindi narinig yang tawag na yan. Tinignan ko naman ang mata niya at namalayan ko nalang na kanina pa pala siya nakatulog sa bisig ko.

"Nothing at sinusulit ko lang ang pagkakataon na'to habang nandito ka pa sa tabi ko." Sabay bulong sa huling salita at hagkan ang kanyang noo.

Tinitigan ko naman ang mukha niya at napangiti ng masilayan ang napakaganda nito at sobrang kinis na parang hindi dinadapuan ng pimples.

Tsk. Ang unfair samantalang sa akin kung saan-saan napunta.

Hinalikan ko nalang din ang cute niyang ilong bago nagpasyang pumikit na rin total matagal pa naman bago matapos ang lunch time at hiniling sa hangin na sana-sana isa lang panaginip ang lahat ng mga nangyayari ngayon.

How I wish...

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 122K 62
(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niy...
249K 6.9K 32
"Time passes by as we drift, but strings seems to find ways for me to go back to you." Freen, a rich CEO had to face her ex-bestfriend in college Bec...
7.3K 183 53
A short poems, just random poems that I made. Poem Lover :3
3.8M 109K 49
MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#3: Alexander Kiel Ford "It's amazing that just by looking at you makes my heart skips a beat." - Alexander Kiel...