Make You Stay (Book 2 of You...

By coralunaa

30.8K 1.2K 230

Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang... More

Make You Stay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 25

606 28 10
By coralunaa

Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ang takot na baka makagat ako ng mga bubuyog o ang pagiging conscious sa ayos namin ni Vince. My heart is racing so fast! Dang it!

"Pumikit ka lang Miss. Huwag kang matakot. Nandito ako." bulong ni Vince.

Sinunod ko ang sinabi niya. I shut my eyes as I try to calm myself. Nagpatianod ako sa unti-unti niyang pag-atras. Hinayaan ko siyang manipulahin ang aking galaw. 

Tiniim ko ang aking labi upang pigilan ang pagtili nang marinig ang lalong paglakas ng tunog na nagmumula sa mga bubuyog. Hindi ko alam kung lumilipad na ba sila papunta rito o ano! 

Panay lang ang lunok ko habang hinahayaan si Vince. I stayed silent, so did he. Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakalipas nang tumigil na siya sa pag-atras. 

"Ayos na, Miss." 

Naramdaman ko ang pagbitaw at paglayo niya sa'kin. Unti-unti kong idinilat ang aking mata at hinayaang mag-adjust ito sa liwanag. Hindi ko na nakita pa ang puno ng santol o ang nagliliparang mga bubuyog. Luminga-linga ako at nakitang nasa may dalampasigan na kami, nakalabas na sa lugar na parang gubat.

Nilingon ko si Vince at nakita kong nakadungaw siya sa'kin, tila tinitimbang ang aking reaksyon. Nag-iwas kaagad ako ng tingin at umayos ng tayo.

Gusto kong sumigaw sa tuwa. Buti nalang hindi ako nakagat! What a relief. 

"Si Esme?" 

Nasaan ang babaeng iyon? Hindi ko na siya nakita.

"Tumakbo na pauwi." bahagyang siyang natawa.

Mukhang namataan ni Esme ang mga bubuyog kaya tumakbo na siya. Ang bilis, ah! At talagang nang-iwan!

"Buti hindi ka rin tumakbo." 

Kung nagkataon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. It's terrifying to even imagine how it could turn out without him.

"Malamang, Miss. Puwede ba namang pabayaan kita?" kaswal niyang sagot.

Inirap ko nalang ang nagbabadyang ngiti. Kaunti nalang talaga at iisipin kong may gusto siya sa'kin.

"Ano? Tara na." untag niya.

I nodded slowly. Nagpatiuna na siya. Sumunod naman ako habang tanaw-tanaw ang malapad niyang likod. Wala siyang damit pang-itaas kaya malaya kong pinagpyestahan ang matipuno niyang pangangatawan. Sa malapad na balikat at mahahabang bias, para talaga siyang modelo.

Nakalugay pa siya ngayon at magulo ang buhok kaya naimagine ko tuloy na siya si Tarzan. More mature version.

"Paano na iyong mga niyog? And how about the Alocasia plant?" 

Naiwan ba? O dinala ni Esme? Sayang naman.

Vince slowed down and turned to me. Nagsalubong ang kilay niya na tila ba ngayon niya lang naalala.

"Oo nga pala. Mauna ka nalang, kukunin ko-"

"What?! Babalik ka roon?!" 

Gusto niya bang mamatay?!

"Oo. Huwag kang mag-alala, mag-iingat naman ako. Tsaka hindi ko na kukunin iyong niyog na nasa ilalim ng puno ng santol." he gave me a small reassuring smile.

Sumimangot ako at tinablan ng hiya. Nag-conclude pa talaga siyang nag-aalala ako. Hindi kaya!

"Okay."

Nilagpasan ko na siya at binalewala nalang ang boses sa isipan kong nang-uudyok na sabihan ko siyang 'ingat'. Kaya niya na iyon. 

Dumiretso na ako sa bahay. Nakita ko naman kaagad si Esme na nagwawalis sa terasa. She stopped when she saw me. Pinukol ko kaagad siya ng masamang tingin nang makitang nakangisi siya habang sinusuri ako.

"Buti nakaalis ka, Dindin! Ano? Papasa na bang superman si kuya, Dindin-"

"Gago ka-"

"Haguy. Ang baba."

My eyes widened a bit when I saw an old woman coming out from the living area. Nakablusa siyang beige ang kulay at mahabang palda. Nagtama ang paningin namin at bibigyan ko na sana siya ng ngiti nang balingan niya si Esme.

"Siya ba iyong Claudine, Esme?" 

And she knows me. I'm quite famous here, huh?

"Ah, opo, La. Claudine, si Lola Asyon nga pala." 

Yumuko ako ng kaunti at inabot ang kamay ng matanda para magmano. Ang tigas pa ng kamay niya na tila ba ayaw akong pahawakin. Hmm. Attitude.

"Magandang umaga po, Lola Asyon." magalang kong bati.

"Ilang taon ka na?"

I stood properly. I admit I was a bit uncomfortable. She looked intimidating.

"21 po."

Her chinky eyes got smaller as she narrows it. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Pamangkin ka raw ni Edna?"

"Opo."

"Oh, eh bakit narito ka? May kamag-anak ka naman pala rito, bakit narito ka sa hindi mo naman kadugo?" seryoso niyang tanong.

Tila nabarahan ang lalamunan ko nang marinig si Lola Asyon. Hindi ako nakapagsalita. Hindi naman siya tunog nang-iinsulto o ano pero natamaan ako sa sinabi niya! Ano nga ba ang ginagawa ko rito gayong pwede naman ako doon kina Aunti Edna manatili?

"Pumunta na ho siya roon La. Kaya lang kinuha ni Jason ang mga gamit niya. Natural na natakot si Claudine kaya tumakbo. Nakita ko siya sa dalampasigan at nang malaman ko ang nangyari, hindi na ako nag-atubiling alukin siya ng matutuluyan. Ayos lang din naman po kay Kuya Vince, La." Esmeralda explained it for me.

Nilingon ko si Esme at binigyan niya ako ng ngiti. Kahit na napahiya, I was slightly relieved because of her words.

"Ganoon ba? Pasensya ka na hija at hindi ko alam. Ang sabi kase sa chismis, narito ka raw para kay Vince." 

Tipid akong umiling. Chismis, huh? 

"Si Vincent, nasaan?" the old woman asked me.

"Binalikan po ang niyog at ang halaman. Narito na po iyon maya-maya." I answered in a monotone.

"Maupo po muna kayo rito, La." iminuwestra ni Esme ang isa sa dalawang puting rocking chairs. "Ibabalik ko lang itong walis sa loob." 

Esme looked at me meaningfully, as if urging me to come with her. Tahimik ko siyang sinundan. 

"Okay ka lang? Pasensya na kay Lola, ah. Mabait naman iyon. Protective nga lang sa amin, lalo na kay kuya." aniya nang makapasok kami.

She explained to me who Lola Asyon is in their lives. Malapit daw ito kay Vince at minsan nang naging tagapangalaga nitong bahay. Lola Asyon is also Richard's grandmother.

Nasabi rin sa akin ni Esme na galing sa kapilya ang matanda. Matapos magsimba ay dumiretso rito para bumisita.

"How old is she?"

"Ninety-two." she gave me a proud smile.

Seryoso? May umaabot pa pala sa edad na iyon? 

"Parang hindi no? Malakas pa kase si lola. Hindi rin makakalimutin. Ang sabi niya sa'kin, ang pagkain daw ng gulay ang sikreto. Hindi rin kase siya mahilig sa mga pagkaing may maraming preservatives kaya malusog parin ang pangangatawan niya hanggang ngayon." 

Sasagot na sana ako nang makita kong pumasok mula sa front door si Vince. Wala parin siyang damit pang-itaas ngayon. Sumulyap siya sa'kin bago bumaling sa kapatid.

"Nasa labas si Richard."

Nanlaki ang mata ni Esmeralda. She looked surprised.

"Hala, talaga?"

Sabay kaming napaismid ni Vince sa reaksyon niya. Gaya ng inaasahan ko, walang pag-aalinlangan na naman niya akong iniwan sa living area para salubungin ang kanyang boyfriend.

"Vince ipagluluto kita ng paborito mong dinuguan," sumunod bigla si Lola Asyon.

I heaved a sigh. Now, what? Should I go back to the room-

"Claudine,"

Napalingon ako ulit kay Lola nang tawagin niya ako. 

"Po?" inangat ko ang aking dalawang kilay.

"Maarte ka ba?" 

What?

I was taken aback so I wasn't able to answer right away. Napasulyap ako kay Vince na mukhang nagulat din sa kaprangkahan ng matanda.

"Magpapatulong sana ako sa'yong magluto ng dinuguan." 

I swallowed the lump on my throat as I stood up properly.

"Ah, ako nalang po La-"

"Sige po." paniningit ko kay Vince.

"Sigurado ka?" nag-angat ng kilay ang lalaki.

Kung wala lang sa harapan sj Lola Asyon ay malamang nairapan ko na itong si Vince. Anong akala niya sa'kin? Malamang ay sigurado ako! Kaya kong tumulong sa pagluluto no! 

"Oo. Kaya ko,"

"Ayun naman pala Vince, eh. Halika Claudine, samahan mo ako sa kusina."

Sumunod ako kay Lola. Lahat ng sinasabi niya ay ginagawa ko. Naroon na pala ang ingredients sa mesa, mukhang si Lola ang bumili noon. I followed her instructions diligently. 

Matapos kong mahiwa ang mga rekados ay akala ko tapos na. 

"Kamayin mo iyong dugo. Ilipat mo muna sa isang malaking mangkok." she instructed.

Nanlaki ang mata ko nang ituro niya ang naka-plastic na dugo. What the heck? Kamayin? Seryoso ba?

"Anong hinihintay mo? Pasko?"

Tiniim ko ang aking labi at wala na namang nagawa. Disobeying her felt like disrespecting her so....

"La, ako na po." biglang sulpot ni Vince.

Akmang kukunin niya ang nakaplastic na dugo nang magsalita ang matanda.

"Hayaan mo siya, Vince. Nang matuto naman..."

Pinalobo ko ang aking pisngi at pilit na hinabaan ang pasensya para kay Lola. 

Fine.

"Ayos lang, Vince. Doon ka na,"

I wasn't looking at him when I transferred the blood on a bowl. Panay ang lunok ko habang tinitingnan ang buo-buong dugo. 

I was holding my breath as I attempt to squeeze the blood using my bare hands.

Isa. Dalawa. Tatlo.

I cringed when I felt the texture of the blood. Para siyang jelly. Habang kinakamay ko ay lumalabas ang amoy niyang malansa. What the fuck. Nakakadiri!

"Tama na," mariing pigil ni Vince na ngayon ay nasa tabi ko pa pala.

Halos maiyak ako nang pumasok sa ilong ko ang lansa ng dugo. Nasulyapan ko ang nag-aalalang mata ni Vince. Tinanggal ko ang aking kamay mula sa bowl at nagdire-diretso sa banyo ng kuwartong tinutuluyan ko. Bahala na kung isipin nila na nag-iinarte ako, basta ang gusto ko lang ay ang sumuka! 

"Aahck," 

Nanghina ako matapos sumuka. Na-imagine ko pa ang itsura ng dugo at maging ang amoy na tila kumapit talaga sa ilong ko. Naghugas ako ng kamay at nag-toothbrush. Nagpalit din ako ng damit.

Hiyang-hiya ako sa nangyari kaya hindi na ako lumabas ng kuwarto. Lumabas lang ako nang puntahan ako ni Esme. She seemed happy. Sana all.

"Kain na dzai. Tara,"

Gusto kong tumanggi pero ayoko namang maisip niyang nag-iinarte ako o ano.

Mukhang hindi niya alam ang drama ko kanina. Malamang ay abala sa jowa niya. 

Nang marating namin ang kusina, nakahain na ang kanin at mga ulam. Sinalubong agad ako ng mata ni Vince. He was smiling earlier but his smile got wiped out when he saw me. Nginitian ko siya bilang senyas na ayos lang ako.

Naroon na sa hapag sina Lola Asyon at si Richard. Naupo naman ako sa tabi ni Vince, sa harap ni Lola. Magkatabi naman sina Esme at Richard. Mukhang kanina pa sila nagkukuwentuhan kaya hindi na ako maka-keep-up.

"Nakakain ka na ba ng dinuguan, Claudine?" 

Umiling ako kay Lola.

"Hindi pa po."

At ni hindi ko rin ginustong makatikim niyon. 

"Sakto. Tikman mo ang luto ko, dali..." iminuwestra niya ang ulam na kulay itim.

Bakit itim? Hindi ba pula naman iyong dugo kanina? Umiitim pala?

"Dali na Claudine,"

How do I turn down Lola Asyon? Ayokong kumain ng dinuguan! Naiimagine ko na naman ang dugo na hinawakan ko kanina! Pati ang amoy! Paano ba to?

"Masarap yan, Dindin." pang-uuto ni Esme.

"Hindi siya kumakain ng dinuguan, La. Etong afritada nalang ang kanya."

I was, again, saved by Vince. Halos mapasuntok ako sa hangin nang marinig siya. 

Agad akong kumuha ng afritada upang ipakita sa matanda na mas interesado ako roon kesa sa dinuguan! And in all fairness, it tasted great! Sino kaya ang nagluto nito?

"O siya, sige. Kayo nalang humusga kung masarap." parang wala rin namang pakialam si Lola.

"Syempre, La. Sobrang sarap. The best!"

Halata namang sarap na sarap si Esmeralda. Halos subuan na siya ni Richard, eh! 

"Eat on your own, Esme." Vince said seriously.

Pinigilan ko ang ngisi ko. 

"Hayaan mo na ang kapatid mo, Vince. Aba e ganyan talaga ang magsing-irog. Maghanap ka na kase ng iyo para maintindihan mo." pagtatanggol ni Lola.

Tahimik akong sumubo. Si Esme naman ang may ngisi ngayon habang nakatingin sa'kin.

"Meron na po, La." sagot niya para sa kuya niya.

"Aba eh totoo pala iyong tungkol sa inyo ni Rissa kung ganoon, dong?"

Mukhang may something nga etong si Vince at Rissa, huh?

"Magkaibigan lang po kami, La." tanggi naman ni Vince.

Thankfully, the lunch turned out well. Umalis narin kaagad sina Lola at Richard pagkatapos ng tanghalian, may gagawin pa raw kase. Tinulungan ko naman si Esme na ilagay sa paso iyong nakuha ni Vince na Alocasia. 

Matapos naming maipuwesto ang halaman ay iyong niyog naman ang inatupag namin. Biniyak iyon ni Vince gamit ang itak habang kami naman ni Esme ang nagkayod ng laman.

Vince poured the buko juice on their pitcher as we drop the grated buko strips there. Inilabas ni Esme ang isang can ng condensed milk at tatlong pack ng crackers. Dinurog muna ang biskwit bago inihalo kasama ang condensed milk, buko juice at buko strips. Ice cubes were then dropped into the mixture to finish it off.

"How do you call this?" I curiously asked.

Nasa mesa na kami. Tig-iisang bowl kami ni Esme. Wala si Vince dahil umalis.

"Tinatawag nila itong lamaw, dzai."

"La-what?"

"Lamaw."

Oh, lamaw. Ang sarap ng lamaw, huh. Magawa nga ito pag-uwi ko para makatikim sina Bench.

"Sya nga pala, may disco mamaya. Pupunta ako. Sama ka?" 

"Disco?"

"Oo, disco. They have that here every Sunday. Hindi nga lang kaseng bongga ng mga party sa syudad, pero pwede na."

And of course, game ako. Bandang alas diyes ng gabi, bihis na bihis na kami ni Esme. Sinuot ko ang black tie shoulder cami top niya partnered with black a-line skirt na may kaunting slit sa gilid. Esme also let me borrow her stud earrings for my piercings. I tied my long hair into a half ponytail to emphasize my piercings. 

The scratches caused by the bitch, Rissa, were exposed. Pero hindi na iyon masyadong kita dahil bukod sa maninipis iyon at pagaling na, gabi na kaya madilim.

"Para kang bad girl! Ganda!" pamumuri ni Esmeralda.

I smirked as I stare at myself in the mirror. Nakakamiss din talagang pomorma, lalo na sa club. I miss dressing up like this.

Hindi na kami nag-apply ng make-up ni Esme, nagliptint nalang para hindi kami overdressed.

"Sigurado kang pinayagan ka ni Vince?"

Binato ko siya ng tingin. Naka high waist denim shorts siya at bright pink tank top. She's sporting a high ponytail which highlighted her cheekbones so well. 

"Nauna na nga, eh. Mag-iinuman sila nina Gino."

Halos mapalakpak ako. Pagpatak ng alas diyes ay tumulak na kami papunta sa lugar kung nasaan ang disco. 

Unlike exclusive bars where I used to party, the space was open. Sapat na roon ang dalawang malalaking speakers at dalawang disco lights. Nakapalibot sa dancefloor (which was covered with carabao grass), ang mga mesang gawa sa kahoy. Punuan ang bawat mesa at may tig-iisang pitsel ng Tuba o di naman kaya'y beer.

Nagkakasiyahan na ang mga naroon at mukhang kanina pa nagsimula. Their party starts early, huh?

Naninibago ako sa set-up dahil hindi ako sanay rito. Gayunpaman, sinubukan ko paring makisama.

Nagbayad kami ni Esme ng entrance fee na bente at napadpad sa table ng mga naka-volleyball namin. 

"Sexy mo naman, Claudine!" 

Naghiyawan sila. Nakitawa naman ako at naupo sa tabi ni Esme. Sa ibabaw ng kanilang mesa, naroon ang isang pitsel ng Tuba at pulutan nilang chichirya.

"Nahiya ang jogging pants ko sa outfit niya!"

"Bakit kase nag-jogging pants ka? Baduy!"

"Damo jud nig mabingwit karon."

"Aguy, klaro na kaayu."

Ayan na naman sila sa pagbi-bisaya. Nakitawa ulit ako kahit wala naman akong masyadong naintindihan. Maging ang kanta na pinapatugtog ay hindi ko ma-gets ang lyrics. Iyon pala, bisaya. 

"Sayaw mga choi

Sige lag pa-tisoy ang mga tisoy

Mura kag gidungoy 

Galangoy-langoy"

Hindi ko masundan ang beat ng kanta kaya tumawa nalang ako sa mga nagte-twerk sa dancefloor. Habang lumalalim ang gabi at napaparami ang inom, nagiging wild ang mga tao!

"Inom pa, gwapa!"

Bumalik kami sa table at agad akong sinalubong ng isa pang shot. Tinungga ko ang Tuba na kalaunan ay nagustuhan ko narin ang lasa.

Mula sa upbeat na mga kanta, unti-unti itong nag-iba. Huminahon ang mga nagsasayaw at nagsibalikan sa kanya-kanyang table. Maya-maya pa, tumugtog ang mahinahon at mas kalmanteng kanta. Iyon pala, slow dance na. By pair na ang drama.

Natamaan na ako ng Tuba kaya medyo umaalon na ang aking paningin. Hindi ko na masyadong maaninag ang mga nagsasayaw sa gitna. Nahihilo na ako sa disco lights!

"May I have your hand, pretty lady?" may naglahad ng kamay sa akin.

Luminga-linga ako at nang makitang may kasayaw na ang aking mga kainuman ay tinanggap ko na ang kamay ng lalaking nag-alok ng sayaw. 

Nasundan pa iyon ng iilan pang nag-alok na makasayaw ako. Although my vision is slightly spinning, I could say I had fun!

Hindi na ako halos makabalik sa table dahil sa rami ng gustong maisayaw ako. May nag-aabot pa ng shot sa gitna. At kung hindi nga lang epal itong si Vince na bigla nalang sumulpot, edi sana nagsasayaw parin ako hanggang ngayon. 

"Vince! Inom muna!"

Nilagok niya ang ibinigay na shot nang hindi tinatanggal ang tingin sa'kin. Madilim iyon at nanunuot hanggang sa kaluluwa. 

"Iuuwi ko na. Lasing na," I heard him.

"Hoy! Sinong lasing?" my voice was drowned by the loud music.

Hinawakan ni Vince ang braso ko at inalalayan paalis doon. Halos tumirik ang mata ko nang maamoy siya. 

"Wooh! Hanep parang asawa lang, choi!"

Umirap ako kahit hindi naman nakikita nung sumigaw. Asawa. Asawa raw? Mukha ba kaming mag-asawa ni Vince? Like, seriously? Haha. Patawa.

"Bitawan mo nga ako, Vince. Bakit hindi si Esme ang-"

"Naiuwi ko na si Esmeralda."

"Edi great? Teka, bitawan mo ako sabi!"

At binitawan niya nga ang braso ko. I glared at his dark image. Hindi ko na masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim na. Mabuti at full moon ngayon kaya may naaaninag parin ako. 

"Ang dami mong nainom,"

"Marami? Bakit? Nabilang mo?!"

"Bente-nuwebe."

What the heck?

"So you were watching me?"

He didn't answer me. Hinawakan niya ulit ang aking braso at dinala ako sa dalampasigan. Halos madapa-dapa ako sa buhanginan dahil umiikot na ang paningin ko. Mabuti nalang at andyan siya para saluhin ako palagi.

"Vince answer me!" I demanded.

"Hinaan mo nga ang boses mo," 

"Ano nga? Why were you watching me, huh?"

Hindi niya parin ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad sa buhanginan habang hila-hila ako.

"Bakit ayaw mong sumagot? At bakit mo ako inuuwi, huh? Gusto ko pang sumayaw, eh!" I said, stomping my feet on the sand like a kid. "Vince I said I still want to dance!" 

"Hindi ka pa ba kontento? You already danced with sixteen random guys yet it's still not enough?" tumaas ang boses niya.

"Oo! Ano bang paki mo? Selos ka-"

"Lasing ka lang."

"Vince ano ba? I said I want to dance!"

Nakakabwisit siya!

Binawi ko ang braso ko mula sa kanya at ganoon nalang ang gulat ko nang harapin niya ako at hinawakan ang aking balikat para maiharap ako sa kanya ng maayos. Nakatalikod ako sa dagat habang siya'y nakaharap. Nahihilo man ay naaninag ko ang mukha niyang naiilawan ng buwan. 

Ang makakapal niyang kilay ay dinedepina ang kalaliman ng kanyang nga mata sa sandaling iyon. The moon lit his face so well that he looked beyond real. Nalalasing ako lalo sa kaguwapohan ng lalaking ito!

Dahan-dahang bumaba ang kanyang kamay papunta sa aking palapulsuhan. Before I could lash out, he intertwined my right hand with his left hand as he place my left hand on his shoulder. Titig na titig siya sa'kin habang ginagawa iyon. At halos mahimasmasan ako nang mapagtanto ang ginagawa niya.

"You want to dance? Fine. Dance with me, then." 

Sa harap ng dagat at sa ilalim ng buwan, unti-unti niya akong isinayaw. Ang hampas ng alon ang nagsilbi naming tugtog.

Para akong lumutang. Para akong mabibingi sa tibok ng puso ko. My heart is beating in an irregular pace and I don't know why.....

Continue Reading

You'll Also Like

192K 3.7K 21
Dice and Madisson
14.5M 746K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
795K 40.9K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...