A Little Bit of Sunshine

By aennui

727 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

20

7 2 0
By aennui

Kabanata 20: When Jealousy Takes Over

"FIRE ARCHERS WILL WIN THE GAME! ALL IN ALL, WE'RE BORN TO PLAY!"


"EARTH MOVERS! EARTH MOVERS! WE'LL SHAKE YOUR WORLDS, WE ARE BOLD!"


"WA~TER GUARDS! FLOWING TO THE OCEAN OF THE GREATEST VICTORY~!"


"EVAPORATE THE WATER! SLICE THE EARTH! BLOW THE FIRE! AIR BENDERS WILL RULE THE ATMOSPHERE!"


Sabay sabay kaming napalingon sa pwesto ng Air Benders na todo sa pagchicheer sa pangunguna ni Greggy. First Day ngayon ng ACHS week long Intramurals at ngayon na mangyayari ang basketball game ng apat na teams pati ang cheerdance competition.


Habang nagdadasal kami ng mga kateam ko ay napatingin ako sa itaas na mga bleachers. Tinignan ko si Lydia na nagi-import ng mga estudyante mula sa Earth Movers at Water Guards para magcheer sa grupo namin.


"Mga sis. Dito kayo cheer sa grupo namin ha?"


"Nako ate. Die hard fan po kami ni Kuya Ouie, eh." Napangiwi nalang kami ni Lydia at Gracie ng sabay sabay silang maglabas ng Cartolina na may tig-iisang words na pang-cheer para kay Ouie.


NUMBER ZERO OUIE CORTAGA FOR THE WIN!!!


Pffft. Grabe. Tinalo pa ng mga batang to yung nagchicheer sa Air Bender.


"Hay nako. Hindi ko kayo pipilitin pero-" Mas lumapit si Lydia sa mga bata bago ngumiti ng malapad. "-kapag umabot kami sa finals, sa amin na kayo magchicheer ha?"


Napailing nalang ako bago tinuon ang pansin ko sa pakikipag-usap sa team ko. Confident akong maipapanalo namin yung cheerdance contest dahil humiling na ako kanina sa kwintas. Kaso lang, hindi ko pa rin naririnig yung reply ng boses na naririnig ko sa isipan ko.


"Alveolar City High School students! Make some noise!"


"WOOOOOOH!"


Nakapalibot ang lahat ng cheerleading teams sa paligid ng gymnasium. Sabay sabay naming itinaas ang mga pompoms namin at iwinagayway ito habang nakikisabay sa sigawan ng mga estudyante. Nai-imagine ko na tuloy na mauubusan ako ng boses mamaya.


Medyo kinabahan ako ng ianunsyo na kami agad ang unang sasalang sa stage pero alam kong mas kabado ang mga kagrupo ko ngayon. Yung iba kasi ay sumali lang pero hindi talaga member ng cheerdance team. Marurunong lang talaga silang sumayaw.


"Before we start the cheerdance competition, let's all welcome the basketball teams of the different groups!" Mas lalong lumakas ang sigawan ng lahat. May nakahandang mga bass drum ang bawat grupo kaya naman pinatunog nila ito kasabay ng malakas na chant na inihanda nila.


"First stop, they are ready to make you cold and thrilled on your seats. It's team blue! The Water Guards!"


Pumasok kaagad ang mga players ng Water Guards sa pangunguna ni Jethro na dala ang isang bughaw na bandila. Infairness, iba ang aura ngayon ng mokong. Sumulyap ako kay Gracie sa itaas at nakita siyang kinukuhanan ng litrato ang jowa niya. Ngiting-ngiti pa talaga.


"The next team is ready to shake the ACHS school grounds. Green team? Let's all clap for the Earth Movers!"


Nakangiting pumasok si John dala ang Berdeng bandila. Katabi niya lang si Japhet na todo kaway naman sa mga tao sa mga bleachers. Feeling pogi nanaman ang dalawang mokong.


"Let's all prepare our fans for the hottest group in town is coming to ACHS gymnasium! Give it up for Red team, the Fire Archers!"


Halos mabingi ako ng sabay sabay ng magsigawan ang mga kagrupo ko. Shete. Mababasag na ata ang eardrums ko.


Si Vince ang nagbitbit ng Pulang bandila ng grupo. Nasa magkabilang gilid niya si Orly na may hinahanap sa mga tao sa bleachers at si Leander na as usual ay naka poker face lang.


Lumaki ang ngiti sa labi ni Orly kaya naman sinundan ko ang tingin niya. Nakita ko kaagad si Lydia na may dalang 1/4 na cardboard na may mukha ni Orly at cheer para sa kanya. Yieeee. Sana mafall ang dalawang to sa isa't-isa.


"Embrace yourselves for the strong wind will wipe everyone out! The last team but definitely not the least, Team White! The Air Benders!"


Napalunok ako ng mas lumakas nanaman ang sigawan ng lahat ng pumasok si Ouie dala ang isang puting bandila. Ibang-iba ang aura niya ngayon kaya parang kinilabutan ako. Fired up na fired up ang kapre.


Hindi nagtagal ang mata ko sa kanya ng makita ko si Hanson sa tabi niya. Napansin ko kaagad na bagong gupit siya na talaga namang bumagay sa kanya at mas nagpaliwanag pa sa mukha niya. Lumingon siya sa pwesto ko at para akong natulala ng makita siyang ngumiti at kumaway sa akin.


Shit. Ang gwapo nanaman.


"Yieeee. Si Ate Sunshine, nagbablush."


Lumingon ako sa mga katabi ko at kaagad na naningkit ang mga mata ko ng makita ko nanaman silang mapang-asar na nakangiti sa akin. Grrrr. Nung isang araw ko pa kinurot at pinukpok ang mga batang to pero hindi pa rin talaga natuto.


Tinawag na ang panel of judges para sa cheerdance performance namin. Halos mapalundag ako ng tawagin yung unang judge namin na cheerleader ng grupo namin during grade 7. Yung pangalawang judge ay babae na sikat namang vlogger/dancer. At yung pangatlo ang talagang nagpalaglag ng panga ko.


"Let's welcome the third and final judge for the competition, Mr. Nathaniel Campbell!"


"Oh my gosh! NATHANIEL!"


Hindi ko na mapigilang mapalundag at mapatili dahil sa tuwa. Para akong naging instant fan girl na nakisigaw ng pangalan ni Nathaniel.


"Nathaniel Angels ka rin ate?"


"OMG! Karibal ko kayo?!"


"OMG ATE! OO!" Sabay sabay kaming nagtalunan ng mga kasama ko sa grupo at kumaway kaway sa pwesto ni Nathaniel.


Hindi ako makapaniwalang nandito sa ACHS si Nathaniel Campbell! Siya lang naman ang pinakasikat na Fil-Am Choreographer sa Youtube na dito nakatira sa Alveolar na kinahumalingan ko since Grade 7. Isa siya sa mga naging dahilan kung bakit nagpush akong sumayaw.


Todo kaway pa ako habang nakangiti kay Nathaniel ng bigyan na kami ng cue ng mga organizers. Nagpunta na kami ng mga kagrupo ko sa gitna ng gymnasium na naging dahilan ng pagsigawan ng lahat lalo na ng mga kateam namin. Mas lalo akong napangiti nang magkasalubong ang mga mata namin ni Nathaniel bago ako nag cheer stance.


Kailangan kong galingan! Kailangan akong mapansin ni Nathaniel Babyloves ko!


"Let's now welcome the first team to perform for the day. The Firey dancers from the hottest group of the game. Let's give a round of applause to the FIRE ARCHERS!"


Isinigaw muna namin ang chant ng buong puso bago nagsimulang tumugtog ang music namin. Hindi ako nakaramdam ng kaba sa buong performance dahil palagi kong nakukuha ang atensyon ni Nathaniel Campbell at may bonus na ngiti pa! Mabuti nalang talaga ay hindi ako nawala sa sarili ko.


Naging maganda ang execution ng performance namin kaya sa final pyramid namin ay todo ngiti talaga ako habang buhat ako ng mga kagrupo ko. Tumayo ang panel of judges pati na rin ang mga estudyante kaya naman nakuntento na ako.


"What a nice performance Fire Archers! Let's give them another round of applause!"


Para pa rin akong nakalutang sa ulap pagkatapos naming magperform. Magkakasama kami ngayon sa bleachers ng mga players at ng dancers. Inabutan kami ng drinks ng mga kagrupo namin at habang iniinom ko ito ay nakaglue pa rin ang mga mata ko kay Nathaniel.


Hays Nathaniel. Iisa lang ang hanging ini-inhale at exhale natin pero hindi kita mahawakan.


"Hoy Sunshine. Kanina pa kami nakicreepy-han sayo. Mukha ka na talagang baliw." Automatikong umarko ang kilay ko ng humarang sa view ang pagmumukha ni Vince na nakangiwi.


"Tsk. Mind your own business Vince. Istorbooo!"


Pinitik ko ang tenga niya bago hinawi ang ulo niya papunta kay Leander. Ito namang si Leander ay napalingon rin kay Vince kaya ang ending ay parehas silang natulala ng muntikan na silang maghalikan.


"Oops." Napalunok ako ng sabay nila akong nilingon ng may nanlilisik na mga mata.


Hindi ako natatakot kay Vince pero kinikilabutan ako sa look niya ngayon. Lalo naman tong si Leander na most of the time ay chill lang. Kaibigan ko sila pero hindi ako sure kung kaibigan pa ba ang tingin nila sa akin ngayon.


"Sunshine." Ngumiti ako bago kabadong hinilot ang mga balikat nila.


"Gagawin ko kahit na anong iutos niyo mga Sir. Hehe."


Mamaya pa ia-announce ang winner para sa cheerdance competition kaya naman nagsimula na ang basketball game. Unang sumalang sa laban ang Team Water Guards at ang Air Bender na parehas ng game mode ang mga itsura.


"Pustahan tayo Der." Isinabit ni Vince ang tuwalya niya sa leeg bago naglabas ng wallet niya. "Game ka?"


"Ayoko ng mga pustahan." Diretsahang sabi ni Leander habang nakapoker face. Nakangiti ko namang pinakita kay Vince ang kamay ko.


"Ako ako! Tayo nalang!"


"Nako Sunshine. Masyado ka naman atang mabilis." Nabatukan ko kaagad si Vince na nagpangiti at nagpasingkit kay Leander ng napakabilis.


"Gago. Pustahan yung usapan."


Itinaya ko ang ipon ko para pumusta sa Air Benders. Siyempre, nasa grupo nila si Ouie at si Hanson na tingin ko'y parehas naman talagang magaling maglaro. Buong buo na ang tiwala ko sa grupo nila kung hindi ko lang nakita ang demonyong ngiti ni Vince.


"Naaamoy ko na ang tagumpay."


"Huh? Anong ibig mong sabihin?"


Sinalungat ni Vince ang paniniwala ko at pumusta sa parehas na presyo para sa Water Guards. Kulelat daw kasi yung Air Benders nung practice game nila kaya naman wala siyang tiwala na mananalo ang grupo nila Ouie ngayon. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ako.


"Count me in, guys."


"Woah. Seryoso?"


Si Leander na kahit ayaw sa pustahan ay sumali para pasimpleng gantihan ako. Late na para magback out ng pumusta siya sa Water Guards. Kailangan talagang manalo ng Air Benders dahil kung matalo sila ay itong dalawa ang babayaran ko.


"Wala na! Wala na akong pera!"


"Kuripot mo talaga Sinag." Nagiging basher ko na talaga to si Vince ng hindi namamalayan.


"Che!"


Kinapa ko kaagad sa dibdib ko ang kwintas at humiling. Hindi ako pwedeng matalo dahil baka matodas ang pwet ko kay Tatay kapag nalamang ipinusta ko yung pera niya.


'Kwintas! Alam mo na. Ipanalo mo naman yung Team ng Air Benders oh.'


Walang reply ang kwintas ko sa loob ng isang minuto kaya sinimulan akong kabahan. Bahala na kung matalo! I reready ko nalang ang pwet ko. Huhu.


Pumwesto na ang mga playes sa gitna ng court kaya naman nagfocus na kaming tatlo. Si Ouie ang kaharap ng pinakamatangkad na player ng Water Guards para sa lay up. Hinanap naman ng mata ko si Hanson at nakita siyang naghahanda para saluhin ang bola.


Pumito na ang referee kaya naman inihagis na ang bola. Lumundag si Ouie at siya ang unang nakatabig ng bola papunta kay Hanson. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng effortless niya itong shinoot sa 3 point line.


"Aba gago. Yun yung kaibigan mo Sunshine diba?" Nanlaki ang mga mata ni Vince na nagpangiti sa akin.


"Oo. Siya ang magpapatunay sayo na hindi magiging kulelat ang team ko." Dumila ako na nagpangiwi sa kanya.


"Sa simula lang yan magaling. Makikita mo."


Sa first quarter ay naging lamang ang Air Benders kaya pinuno ko ng kanchaw si Vince. Nung second quarter ay naging lamang naman ang Water Guards ng dalawang points kaya ako naman ang inasar niya. Nang maghalf time ay pinatabi niya ako sa gitna nila ni Leander na ipinagtaka ko.


"Bakit? Ayoko nga no!"


"Sunshine." Ginamit niya nanaman yung nakakatakot niyang tono kaya naman napatayo ako.


"Ito na nga!" Tumayo ako at agad niya naman akong sinakal gamit ang braso niya. Napangiti nanaman si Leander ng dahil sa kagaguhan ni Vince.


Nang magsimula ang third quarter ay napansin kong ilang beses na sumusulyap sa pwesto namin sina Ouie at Hanson. Nagsalubong ang mga kilay ko ng sunod sunod silang mag-attempt na mag shoot pero palaging palyado. Lumalaki na tuloy ang score sa pagitan nila ng kabilang team.


Hindi na sila makakahabol kapag nagpatuloy to!


"Ano na? Yan na ba yung grupong pinagmamayabang mo?" Sinuntok ko ang tagiliran niya bago asar na nagcross arms.


"Maghintay ka lang. Ilalabas ko yung technique ko maya-maya lang. Magigising yang mga mokong na yan."


Nakagat ko ang labi ko ng ianunsyo na ang pagsisimula ng 4th quarter. Sa unang limang minuto ay naging dikit ang laban. Makakahabol yung Air Bender pero lalamang nanaman ulit yung Water Guards.


"Anong nangyayari sa inyo Miranda at Cortaga?!" Nasa kabilang side lang ng court ang Air Bender, bale magkatapat ang team namin. Pero kahit may malaking distansya sa pagitan namin at malakas ang music ay rinig namin ang galit ng Coach sa team nila.


"Magfocus kayo sa game! Wag kayong tingin ng tingin sa mga audience!" Umangat ng kaunti ang mga ulo nila Hanson at nagulat ako ng parehas silang nakatitig ng diretso sa pwesto ko.


Teka? Ano bang meron?


"Mukhang mananalo na talaga kami Sunshine." Mas hinigit ako ni Vince papalapit sa kanya.


Grrr. Nangigigigil na ako sa bakulaw na to. Mukhang nagiging malas ang team ko dahil sa mga lumalabas sa bunganga niya.


"Itikom mo na lang kasi muna yang bibig mo, Vince. Wag ka munang magdiwang diyan kasi may 10 minutes pang natitira."


"Tanggapin mo nalang kasi habang maaga pa para hindi ka na masaktan."


Napakamot nalang ako sa ulo ko bago ipinagpatuloy ang panonood. Pabawas na ng pabawas ang oras pero hindi pa rin nalalagpasan ng Air Bender ang kabilang team. Humigpit na ang hawak ko sa inuman ko ng mag break time nanaman bago lumanghap ng maraming hangin at tumayo.


"HOY OUIE AT HANSON!"


Natigil sa pagtakbo si Ouie na dala dala ang bola. Lahat ng mga tao sa gymnasium at naglalaro sa court ay natigilan din bago napalingon sa akin.


"Hey Sunshine"


"Anong gagawin mong kabaliwan?" Pilit akong hinihila nila Vince at Leander paupo pero nagmatigas ako.


"KAPAG HINDI KAYO NANALO, WAG NA WAG NIYO NG IPAPAKITA ANG MGA PAGMUMUKHA NIYO SA AKIN! NAKATAYA ANG BAON KO DITO KAYA UMAYOS KAYO!"


Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Ouie habang si Hanson ay nanatiling poker face bago ako muling umupo sa upuan at naghabol ng hininga. Ishinoot kaaagad ni Ouie ang dala niyang bola sa three point line kaya ng pumasok ito ay naging tie na sila ng Water Guards.


"Hanep! Iba ka talaga Sunshine."


Sabay na pumalakpak ang mga kasama namin dito sa bleachers na naging dahilan ng pagtatakip ko ng mukha ko.


Ramdam ko pa rin ang tingin ng maraming tao sa akin. Naging isa tuloy akong malaking attention seeker pero bahala na! Para naman to sa ikakapanalo ng Air Bender at sa baon ko!


Tumunog na ang panguling shot clock ng muli nanaman mashoot ni Hanson ang bola sa 3 point line. Nagsigawan ang lahat ng mga kateam nila at ang mula sa ibang grupo na gustong manalo ang team nila tulad ko. Kaagad kong inilahad ang mga kamay ko kanila Leander at Vince na bagsak ang balikat habang nakangiti.


"Pano ba yan? Sinong kulelat?"


"Oo na. Ikaw na. The best ka."


"I have no issues."


Nangintab ang mga mata ko ng sabay silang maglabas ng blue bill. Ayos! Ang sarap din palang sumugal kahit na minsan!


Nagdiriwang pa ako dahil sa pagkapanalo ko ng makuha ng isang lalaki sa may entrance ng gymnasium ang atensiyon ko. Ramdam kong nakatitig siya sa akin kahit na hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa sumbrero niya. Kinilabutan ako at natulala ng makita ko ang ngiti niya bago siya tumalikod at naglakad palayo.


"Hoy Sunshine! Saan ka pupunta?!"


"Babalik din ako!"


Hindi ko na pinansin ang pagtawag nila sa akin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Nakalabas ako ng gymnasium sa pamamagitan ng pakikipagpatintero sa mga taong sumasalubong sa dinadaanan ko. Nang tuluyan naman akong makalabas ay bigo akong makita sa magkabilaang daanan ni anino man lang nung lalaki kanina.


Weird. Bakit bigla akong kinabahan ng makita ko siya?


"Hey Sunshine."


"Ay pusang gala-!"


Napahawak ako sa dibdib ko at dahan-dahang nilingon ang tumawag sa akin. Agad namang napalitan ang gulat ko ng ngiti ng makita na si Hanson ang nasa harap ko.


"UY HANSON! Ikaw pala yan! OMG! Congratulations~! Congratu-! Hoy teka! Saan mo ako dadalhin?!"


Dire-diretso akong kinaladkad ni Hanson papunta sa isang stockroom. Bigla akong kinilabutan at napasandal sa pinto dahil madilim sa loob nito. Pero nang buksan niya ang ilaw ay nahugot ko ang hininga ko nang makitang napakalapit ng mukha niya sa mukha ko.


"Anong ginagawa natin dito?"


"We will be talking about your behavior a moment ago." Napalunok ako ng makita kong hagurin niya ang basang buhok niya pataas. "What was that Sunshine Ortiz? Did you have fun gambling with the boys?"

Sa lahat siguro ng lalaking pawisan na nakita ko ay si Prince Hanson Miranda na ang pinakagwapo at pinakamabango. Naaamoy ko pa rin kasi yung amoy ng pabango niya sa kabila ng suot niyang basa sa pawis na jersey.

"Hey! Are you listening?" Pumitik si Hanson sa harap ko kaya naman agad akong napaayos. Nang makita ko ang galit niyang mukha ay nagback off agad ako at parang gulay na yumuko.


"Nakikinig naman ako eh."


"So anong sinabi ko?" Naman. Para akong nagrerecite sa harap ni Sir Yolo.


"Did you have fun gambling with the boys?"


"Then what? Anong sagot mo?"


"Masaya siyempre!" Dinukot ko mula sa bulsa ko ang napanalunan kong dalawang libo at proud na iwinagayway ito sa harap niya. "Tignan mo nga oh. May napanalunan ako! Marami na akong mabibiling Nips dahil dito-"


"Woah woah woah." Automatikong umangat ang ulo ko ng mapaurong si Hanson palayo sa akin. "Okay fine you won. Pero kasama pa rin ba sa pustahan yung pag-akbay sayo ng kaibigan mo?"

"Huh?"


Ilang segundo kaming nagtitigan ni Hanson. Sinusubukan kong basahin kung anong tumatakbo sa isipan niya pero wala akong ibang maconclude kundi-


"Nagseselos ka ba sa amin ni Vince?"


"Yes. I am." Halos hindi na ako huminga ng mas ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "I am freaking jealous Sunshine. Now that you know, anong gagawin mo?"


Shems. Kinikilig ako.


Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil nagsimula ng magmalfunction ang utak at tibok ng puso ko. Nagseselos si Hanson at isa lang naman siguro ang dahilan kung bakit nagseselos ang isang tao.


"Wag ka ng magselos sa kanila. Iba pa rin naman ang tingin ko sayo kaysa sa ibang mga lalaking kaibigan ko. Y-You're different because you're special to me, Hanson."


Sinulyapan ko siya at nakita kong natulala siya dahil sa sinabi ko. Napatakip tuloy ako ng mukha ko bago ko ginamit na opportunity ang time na yun para tumakbo.


"Shit deputa. Bawal na ba yun i-erase?! Argh! Nakakahiya!" Napahawak ako sa pisngi ko habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo papunta sa gym. Nangangamatis nanaman ata ang pisngi ko dahil sa pangyayari.


Nagconfess ba ako indirectly? Sheeeet! Sure na ba talaga ako?!


Pagbalik ko sa gym, kami ang nanalo sa cheerdance competition kaya naman tuwang-tuwa ang buong grupo namin. Kakatapos lang din ng basketball game ng grupo namin at ng grupo ng Earth Movers. Nanalo ang grupo namin kaya para sa finals sa last day ng intramurals ay ang Fire Archers at Air Bender ang maglalaban.

Habang nagpipicture taking, hindi pa rin mawala sa isipan ko si Hanson at yung nangyari kanina. Tingin ko tuloy ay nagmukha akong ewan sa lahat ng group pictures namin.


Nakapagpalit na ako ng red t-shirt na ipinagawa para sa team namin, high waist pants, at yung sapatos na binigay sa akin ni Tatay noong nakaraang buwan. Inayos ko muna ang na haggard kong mukha bago inilugay ang buhok ko na hanggang beywang na. Palagi nalang kasi akong nakapony tail kaya para maiba naman.


Pinagbigyan ko ang pambuburaot ng tatlong batang ka team ko dahil maraming food stalls ngayon sa ACHS. Alam kasi nilang marami akong pera dahil sa nangyaring pustahan namin nila Leander at Vince. Balak ko lang sana tong solohin pero wala akong magagawa. Matatalas ang pandinig ng mga buraot kong kagrupo.


Maraming mga outsiders ngayon ang pinayagang makalabas pasok sa school para subukan ang mga stalls mula sa iba't-ibang grade level at clubs na  nakalinya ngayon sa may open field ng school. Kanya-kanya sila ng pautot para magkapera at magamit naman sa funds ng mga department. Maraming nagbebenta ng pagkain at drinks pati na rin ang pre-loved clothes ng mga estudyante. May mga photobooths at stalls na nag ala peryahan at mini cafe.


Sinubukan kong magtago sa mga kasama ko ng makita ko sina Jeff at Orly na todo ang pagpapacute sa mga estudyante para pumasok at bumili. Puro accesories, keychains at mga kikay items ang binebenta nila kaya ayoko munang magpauto.


Nang maisipan kong mag-upload ng photos sa facebook ay huminto ang tingin ko sa painting stall ng Grade 12 STEM. Napangiti ako bago sandaling nagpaalam sa mga kasama ko para sana magpa-face paint. Pero nawala ang focus ko sa balak kong gawin ng marinig ko ang pag-iyak ng isang bata.


"Si Poli ba yun?"


Hinilod ko ang mga mata ko para mas lalong makita ang batang nakatayo sa harapan ng lalaking bantay. Kitang-kita ko na napapakamot nalang ito sa ulo niya na para bang maiiyak na rin habang nakatingin sa batang lalaki na umiiyak


"Pasensiya na talaga bata. Wala ka talagang pwedeng ma-claim na prize kasi hindi mo pa rin natatamaan yung target."


Naawa ako kaya hindi ko mapigilang makiusyoso. Sinilip ko ang mukha ng batang ngumangawa at napanganga ng makita ko nga talaga si Poli. Pulang-pula na ang buong mukha nito habang itinuturo yung nakasabit na panda stuffed toy sa itaas.


Nakaporma ngayon si Poli kaya muntik ko na siyang hindi makilala. Bagong gupit din ang buhok niya. Hindi talaga siya parehas nung una naming pagkikita na nakasuot lang ng simpleng damit at tsinelas.


"Kailangan ko po talagang makuha yung Panda, Kuya!"


Mas lalo pa siyang humagulgol kaya naman na stressed out na talaga yung estudyanteng tagabantay. Gumalaw na tuloy ang mga paa ko para tuluyang tanggalin ang distansiya sa pagitan namin at agad siyang binuhat.


"Poli! Anong nangyari sa big boy?! Bakit ka umiiyak?!" Bakas ang gulat sa mukha niya habang naghihilod at kumikintab ang mga mata niya.


"Ate Sunshine!" Bumuhos nanaman ang luha niya bago niya niyakap ng mahigpit ang leeg ko. "Gustong-gusto ko po talaga makuha yung panda! Pero naubos nalang po yung pera ko at wala pa rin! Huhu!"


Natawa ako at napailing bago hinaplos ang likod niya. Pinakalma ko muna siya bago ko inabot sa kuyang taga bantay ang isang ten pesos na barya.


"Tumahan ka na Poli. Si Ate na ang bahala pandang gusto mo."


Kinurot ko siya sa pisngi bago naginhale exhale at niyugyog ang mga kamay ko. Napakapit ako ng mahigpit sa pendant ko bago binulong ng taimtim ang hiling ko.


Please lang Lord! Wag mo sanang hahayaan na magpaka-choosy ang kwintas ko ngayon!


'Please! Please! Sana mapatumba ko lahat ng targets para sa panda ni Poli!"

Continue Reading

You'll Also Like

40.5K 1.5K 46
Lish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes...
41K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...