Enemies Inlove

נכתב על ידי trinametrylove

1.8K 81 261

Because of a raffle draw a girl named Andrea Asterielle Pedrosa a.k.a. Andy, life's change. Then he meet Brig... עוד

Enemies Inlove
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9

Chapter 8

76 7 21
נכתב על ידי trinametrylove

A/N: Hi guys! Sorry ngayon lang ulit naka pag UPDATE! Na busy po kasi ako sa acads 😌

Btw, enjoy reading! 😘

__________________________________________________________

Andrea Asterielle Pedrosa

Masama kong tiningnan si Liwanag dahil sa biglang pagpitik niya sa noo ko!

My precious forehead!

"Bakit mo'ko pinitik?!" Sumbat ko sa kanya, sinamaan niya lang rin ako ng tingin.

"Why wouldn't I? You keep my mouth hang open! Muntik pang mapasukan ng langaw! You witch!" Napangiwi pa'ko ng bahagyang tumalsik ang laway niya.

Pero infearness ang bango ng hininga..

"Bakit, sinabi ko bang sundin mo'ko??" Nakataas kilay kong sabi at nagsalubong naman ang kilay niya.

Oh ano?!

"No, but you said hold my emotion!"

"Ayon nga! Pero hindi ko naman sinabi na gawin mo! Tangek ka!"

"You---"

"And V, W, X, Y, Z... Hehe"

"Witch!"

"Liwanag!"

"Baliw!"

"Meralco!"

"STOP! STOP BOTH OF YOU!"

Natigil lang kami ng pumagitna na samin si Elicopter at kapwa masama ang tingin samin ni Liwanag.

"Para kayong mga bata!" Galit niyang ani kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Inggit ka?? Edi sumali ka!" Sabi ko sa kanya at umirap. Tumingin naman ako kay Liwanag at bumelat. "Sa susunod 'wag kang bungol, tara na mga alipin!" Sigaw ko sabay taas ng kamay at natatawang sumunod naman sa'akin ang mga alipin ko, char!

"Madapa ka rin sana!" Rinig ko pang sigaw ni Liwanag.

Pumihit ako para tumingin sa kanya at bumelat.

"Utot mo!" Sigaw ko dahil di pa naman kami kalayuan sa kanila.

Ngumisi lang ang loko habang ako'y naglalakad ng patalikod.

"And's may balat ng saging baka mata---"

"Aaaah!" Sigaw ko at bigla nalang sumalampak sa semento!

Mesheket!

"BWAHAHAHAHAHA!"









Bright Kier Brilton

Humagalpak ako ng tawa ng makita si witch ng madulas siya sa balat ng saging. Tsk, ang bilis nga naman ng karma.

Nakaganti rin ako!

Yung mga kasama ko naman ay kanya kanya rin ng tawa at ng napatingin ako kay Eli ay seryoso lang ang kanyang mukha, walang bahid ng ngiti.

Anong nakain ng gag*ng to?

Namumulang tumayo si witch at piangpagan ang nadumihang palda. Galit siyang tumingin sa gawi but I just give her a smirk and annoying face, nang-aasar.

"Yudipota ka!"

My forehead crease as I heard what she said, that I totally don't understand. Nawala ang ngiti ko ng makitang bumwelo siya at tumakbo papunta sa dereksiyon ko.

"Yaaaaaaaaaah!"

I stilled when she lift her right leg in the air and give me a powerful kick on my left cheek that make me drown into a deep slumber.

"Knock out amp!"

That's the last words that I heard and everything went black.

Nagising nalang ako ng may marinig akong kaluskos at merong basang laway na tumulo sa braso ko.

Nagmulat ako ng mata at pupungay pungay pa akong bumangon. Bumungad kaagad sa'kin si Dim na may hawak na laruan at nakalabas ang dila at tumutulo ang laway.

Kaagad kong inangat ang damit ko at pinunas sa baba niya at marahang sinara ang kanyang bibig. Ngumiti naman siya at humalik sa kumikirot kong pisnge.

"Elow!" He said with so much joy.

Napahawak tuloy ako sa kaliwang pisnge na medyo makirot. Heck! Ang sakit sumipa ng babaeng 'yon! May lahi ba siyang kabayo?!

Nagtagis ang bagang ko ng maalaa ko na meron siyang ka-i miss you at saka ka-i love you han sa cellphone niya.

What the fuck?! Pake ko naman kung may boyfriend siya?

Humanda siya sa ginawa niya sakin! I will make her pay, big time!

No one dare's to mess with me, sisiguradohin kong magsisisi siyang binagga niya ako. Tsk.

No one will make Bright Kier Brilton loss.

I sigh and kiss Dim's forehead. Dinala ko narin siya pagkababa ko sa kama at dinala siya para bumaba. Naabutan ko pang nag-iingay ang mga unggoy kong kaibigan at siyempre bangka na naman si Savior.

Nang makita nila ako ay abot tenga ang mga ngisi ng mga unggoy, pansin ko wala si Eli.

Bumaba si Dim sa pagkakahawak ko at tumakbo patungo kina Lendon at kumandong.

"Umuwi si Eli, pinatawag ni tita."  Tumango nalang ako sa sinabi ni Lendon.

Mahina kong sinipa si Savior sa paa ng ngumisi siya sakin. Umupo ako sa may sofa at minasahe ang panga ko.

"Masakit ba tol?"

Sinamaan ko ng tingin si Savior ng magtanong siya ng walang kwenta. Tinawanan lang ako ng mga gago.

Napatingin ako kay Dim na tahamik at kumakain na ngayon ng chocolate na bigay siguro ni Lendon. Napabuntong hininga ako at sinenyasan si yaya Dayday na kunin si Dim kay Lendon. Kaagad naman itong kinuha at dinala sa may kusina.

"So... Ano nga bro, masakit?" Parang tangang tanong pa ni Savior.

"Do you want me to try it to you?"

Kaagad naman siyang umiling iling. Napairap naman ako at nag cross ng kamay sa dibdib.

I just can't believe that there's someone like her that will have a courage to kick me, not to mention na hanggang ngayon ay parang namaga parin yung pisnge ko.

Grabe, kakaiba talaga siya.

Pero tingnan lang natin pagkatapos ng gagawin ko sa kanya sa mga susunod na araw sigurado ako na magkukumahog siyang hihingi ng tawad sakin at magiging alipin ko!

Hindi ko pala napansin na nakangisi na ako at ang mga unggoy na katabi ko ay namamnghang nakatingin sakin na para bang gumawa ako ng himala.

"Hala siya.."

"Dali tumawag ka ng magtatawas."

"Sinapian ba siya?"

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpakuha na lamang ng juice at ng mango graham sa isang katulong namin.

"Bro sigurado ka na ba diyan sa gagawin mo? Baka nag backfire yan at ikaw ang mahirapan sa huli." Napatigil ako sa pagnguya ng grahams sa sinabi ni Krypton.

Mukhang seryoso ang gago.

"Sa tingin mo?" Pinakitaan ko siya ng blangkong tingin. Nailing naman siya at ngumisi.

"Ikaw bahala, basta ako ni-warningan na kita." Umiling lang ako at nag igting ang aking bagang.

"That will never happen."

"Sabi mo 'e."

"Huwag kang mangonsensiya!"

"Haha wala naman ah." Tumawa pa ang loko at nakipag apir sa dalawa.

"Tsk!"

"Pero totoo nga yung sinabi ni Krypton, bud. Baka sa huli magsisi ka sa gagawin mo. Hindi siya katulad ng mga babaeng nakasalamuha natin. Naiiba siya, pati salita niya naiiba HAHAHA." Dagdag pa ni Lendon at kumuha sa grahams ko!

Sinipa ko siya at tinapik ang kamay!

"Damot talaga neto!" Nakanguso niyang sabi at hinimas ang binting sinipa ko.

Kunin niya na lahat 'wag lang yung grahams ko!

Kinabukasan ay maaga akong pumasok para maisagawa ang plano. Mabuti nalang at wala pang tao sa room nila. Pumasok nako at dali daling nilagay sa upuan ni witch ang pangdikit.

I have my ways kaya alam ko kung nasaan siya naka pwesto. Naiisip ko palang ang mukha niya ay natatawa na'ko!

Pagkatapos sa classroom ay dumiretso nako sa locker room niya. Hinanda ko na ang mga gamit at tinali ng maigi para siguradong mahahakot niya lahat.

Ngumisi ako at pinagpag ang kamay. Nakapamulsa akong lumkad at umalis. Tinungo ko nalang rin ang cafeteria dahil nandoon ang mga ugok. Masaya akong umupo at umorder ng grahams at saka orange juice.

"Good mood ah!" Nakipag fist bump si Savior sakin na sinundan ng dalawa. Wala parin si Eli, ano kayang nangyari don?

Lagot ka sakin ngayon.








Andrea Asterielle Pedrosa

Habang kumakain ng peyboret Kong hotdog na tender at juicy ay naalala ko na PE pala namin ngayon. Kaya nang matapos lumafang ay kaagad akong pumanhik paakyat ng langit.

Churrr!

Siyempre sa kwarto!

Kaagad kong kinuha ang kulay purple kong jacket at gumora na papuntang mars!

Charot ulit!

Sa school syempre!

Habang naglalakad mag-isa ay napataas ang aking kilay ng maabutan ko na naman sina kuya Coco at ate Chuckie girl na naglalampungan!

Nubayan! Ang aga aga ah!

Nauna narin kasi ang apat kaya ako na naman mag-isa ngayon ang naglalakad, okay lang naman, sanay naman na akong mag-isa.

Sandali akong napatigil at napatingin sa phone ko ng makitang ilang minuto nalang at magsisimula na ang klase. Kaya dali dali na akong tumakbo na parang si flash.

Di bale ng sabog yung buhok, ang mahalaga maganda parin ako.

Nang makarating ay halos lahat ay nasa room na, maging si Elicopter ay nandoon narin at mukha pang tulala.

Kaagad nalang akong umupo at nagpunas ng pawis, gawa ng pagtakbo ko kanina.

Naging smooth naman ang klase at pagdating ng break time ay nagsialisan narin ang mga classmates ko at ako na lamang ang natira.

Inayos ko pa kasi ng maayos yung mga notes ko sa bag para hindi magulo at madali ko lang makita paghahanapin ko na.

Akmang tatayo na ako ng hindi ko maalis ang pwet ko!

Ng kinapa ko ang likuran ay nanlaki ang mata!

"Yawa!!!"

Kahit anong pilit ko ay hindi parin maalis ang pwet ko sa upuan! Nanlaki ang byutipol eyes ko ng maalalang nakalagay pala sa bewang ko yung jacket, kaya dali dali ko itong hinubad, at sa wakas ay nakaalis rin ako, pero yung jacket ko ang di na matanggal!

"Ang Jacket ko!"

Gusto kung umiyak at maglupasay dahil ang peyboret kong jacket ay nadikit sa upuan ko!

Gusto kung magwala at magsalita ng mga bad words!

"Kung sino man ang nademonyo na dumikit ng jacket ko sa upuan ay papaulanan ko ng upper cut, babalatan ko siya sa pamamagitan ng nail cutter at kukurutin ko yung apdo niya!" Nanggigigil kong sabi at buong pwersang hinila ang kawawang jacket.

Skreeeeetchhhh!

(Sori, pang low budget lang po yung sound effect ◉⁠‿⁠◉)

Nanlaki ang kyut kong mga mata ng marinig ang tunog ng pagkasira ng pinakamamahal kong Jacket!

Kaagad ko itong inangat at siya na lang ang panlulumo ko ng makita ang medyo malaking butas sa likod ng jacket ko!

Parang nandidilim yung paningin ko! Na'san yung shot gun?!

Mangingiyak kong tinahak ang locker room at marami narin ang napapatingin sakin.

Pa'no, yakap yakap ko kasi yung pinakamamahal kong jacket at naluluhang naglalakad, break time pa naman kaya marami rami ang mga students na naglipana.

Nakasalabung ko pa si Kie.

"Hala pretty, what happen? Ba't ka naiiyak?" Nakangusong pinakita ko sa kanya ang jacket ko at ngumawa!

"Uy! Uy! Dai! 'Wag ka ng umiyak!" Natatarantang aniya at parang di malaman kung ano ang gagawin.

Tumigil naman ako at sisinok sinok, paniguradong namumula na ang ilong at pisnge ko nito.

"M-may tarantado kasi na naglagay ng pangdikit sa upuan ko kaya ito, yung jacket ko nadikit saka nabutas nong hinila ko na!" Salubong kilay kong sabi. Nalungkot naman ang mukha niya.

"Haay! Napag tripan ka naman siguro ng mga classmates mo."

"At kapag malaman ko lang talaga kung sino ang gumawa nito, mata niya lang walang latay!" Determinadong sabi ko at tumango tango naman si Kie.

Sinamahan niya akong pumunta ng locker para itago to muna ang jacket.

Napabuntong hininga pa muna ako at do'n ko lang nalaman na marami na kaming mga tao dito sa locker room at lahat ay may hawak ng Cellphone.

Nagkibit balikat nalang ako at tuluyang binuksan ang locker na siyang pinagsisihan ko.

Splaaaaash!

"Oh my gosh! HAHAHA!"

"Eeeeww!"

"Hala! Kawawa naman!"

"And's!"

Napapikit nalang ako ng maramdaman ang malagkit at basang pintura na kumalat na sa buong katawan ko! At bwakenang shet! Color Black pa!

Mabilis ang aking paghinga at pakiramdam ko ay makakapatay ako ng wala sa oras! Peste!

Nangilid narin ang aking luha dahil sa hiya at alam ko rin kung bakit may mga cellphone silang hawak, vini-videohan nila ako.

Kaagad naman akong nilapitan ni Kie at ako naman ay parang napako sa ang kinatatayuan.

Ramdam ko rin ang pagpunas sakin ni Kie ng panyo. Unconsciously na napaling ang tingin ko sa kabila at do'n ko nakita ang nakangising si Liwanag at may hawak ring cellphone. Kasama niya rin ang mga kapwa niya tukmol.

Pakiramdam ko ay nangangati ang palad ko na saktan siya! At alam ko na ngayon na siya ang may pakana ng lahat ng 'to! Siya lang naman ang kaaway ko sa Unibersidad na'to! At siya lang rin ang taong makakakagawa ng kahayupan na'to!

"Hala girl! Malayo pa yung Dinagsa Festival, bakit may pintura ka?!" Boses iyon ni Kenneth pero hindi ko yun pinansin pa.

Masama kong tiningnan si Liwanag at di ko maiwasang mangilid ang luha ko.

Kitang kita ko kung paano nawala ang nakapaskil niyang ngisi at bigla na lamang siyang napalunok.

"Liwanag! Pakyu ka ng marami!" Pagkasigaw ko non, ay kaagad ko siyang sinugod!

Nahati sa gitna ang dinadaan ko habang papalapit kay Liwanag. Kaagad ko siyang sinapak sa taas at tinuhod sa baba! Ni hindi man lang siya nakahanda kaya ayun namimilipit si gago!

Pisat ang itlog ni manoy!

Ang kamay kong puno ng pintura ay hinilamos ko sa panget niyang pagmumukha!

Pipigilan pa sana ako ng kapwa niya tukmol ng  pinagbantaan ko sila.

"Ano gusto niyo rin mabaog?! Hala pagpalapit!" Napalunok naman sila at nagsi atrasan. Nanlilisik ang matang binalingan ko naman si Liwanag na ngayo'y namimilipit sa sakit.

"Huwag ako Liwanag, ng dahil sa kagagohan mo, nasira yung pinaka-iingatan kong jacket. Kung ang inaakala mo na ang lahat ay nadadala mo sa mga walang kwenta mong pranks, pwes ibahin mo'ko! Hindi kita susukuan, ungas!" Sigaw ko sa kanya at pabalyang tinulak siya.

Sinamaan ko lahat ng mga kaibigan niya ng tingin at tumakbong nilisan ang lugar. Pumunta akong Comfort room saka ko yun ni lock. Mabuti nalang at walang tao.

Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. Kaagad na naglaglagan ang mga luha ko na animo'y talon hanggang sa napahikbi ako at nauwi sa hagolgol.

Hindi ko inaakala na aabot pa sa ganito ang lahat. Gusto ko lang naman makapag-aral ng matiwasay dito. Gusto ko lang naman na maging normal na estudyante. Bakit kailangan pang nangyari ito?

Ilang araw palang akong nag-aaral dito pero marami na kaagad ang nangyari. Pakiramdam ko parang pasan ko yung mundo sa bigay ng nararamdam ko. Akala ko pag nasa prestigious University ka nag-aaral ay puro mga may galang at pinag-aralan ang mga estudyante dito. Pero nagkakamali pala ako, meron parin talagang mga taong mahirap paintindihin. Na kesyo mayaman at maimpluwensya sila ay ginagawa nila iyong way para makapanakit ng kapwa nila.

Akala ng Liwanag na 'yon ay susukuan ko siya? Huh! Pwes, hindi! Hindi ko siya papatulan dahil buang lang ang papatol sa mga walang kwenta niyang pranks.

Siguro nga nasaktan ko siya ng pisikal pero kulang yun sa sakit ng damdamin ko ngayon! Pinahiya at nasira pa ang iniingatan kong jacket ng dahil lang sa kagagohan niya!

Nagsasayang lang siya ng pera para sa walang kwentang bagay!

Naghilamos muna ako at natigil ng may kumatok sa pinto.

"Bhie! Kami 'to! Sina Ka Pedring! Char! Si Kenneth to bhie!" Sigaw pa nito.

Nangiti naman ako at kaagad na binuksan ang pinto at bumungad sakin sina Kenneth, Kie, Ken, at Kristine. Nadapo ang tingin ko sa hawak na paper bag ni Kie.

"Pretty, ito nga pala pamalit oh! Bigay ng kapatid ni Eli." Wala sa sariling napatango naman ako at kinuha 'yon.

May ate si Elicopter?

"Sige na And's, magpalit ka na, baka magka sakit ka pa niyan."

Sa huli ay sila ang nagbantay sa labas at ako naman ay naligo nalang. May sabon at shampoo pang kasama ang paper bag na dala ni Kie.

Girl Scout siguro yung kapatid ni Elicopter.

Nang matapos ay kaagad kong sinuot ang dress.

Namangha naman ako sa dress na suot ko ngayon, halatang mamahalin ang tela. Bagay na bagay ito sa maputing kutis ko, sheeesh!

Niladlad ko nalang ang basa ko pang buhok at sinuklay ito gamit ang kamay.

Lumabas narin ako at sinamahan rin ako ng apat na pumuntang classroom dahil narin siguro sa nangyari kanina. Pagkapasok ko ay siyang pagtahimik ng mga tao sa loob.

Walang pakealam akong pumasok pagkatapos kong magpaalam saking mga kaibigan. Umupo narin ako sa aking silya na may bakas pa ng napunit kong jacket. Napabuntong hininga na lamang ako.

Bumaling naman ako sa katabi ko na panay ang tingin sakin.

"Na'san yung ate mo?" Mahina kong sabi at walang emosyong nakatingin sakanya.

"Ehem.. nasa may SSG office siya ngayon." Tumango na lamang ako at nag-iwas na ng tingin.

Nang biglang pumasok ang teacher namin na si Miss Sarah. Inihanda ko na ang utak ko sa subject ni miss dahil paniguradong magiging malalim na naman ang tatalakayin namin sa Philosophy.

Hanggang sa matapos ang klase namin ngayon umaga ay nakahinga ako ng maluwag. Kaagad akong nag-ayos at bumira na ng alis ng magpaalam na si Sir Off.

Kaagad akong pumuntang SSG office.

"Andrea!" Rinig ko pang sigaw ni Elicopter pero hindi ko na siya pinansin at walang lingon lingon pero may sa pagka tikling siguro to at naabutan parin ako kahit na ang bilis na ng lakad ko.

Nang makarating na ay kumatok muna ako bago ito binuksan at pumasok. Napatigil naman ang mga nasa loob ng office at napatingin sakin.

"Uyy may anghel."

Napatingin naman ako kay Savior ng sabihin niya iyon. Napairap nalang ako at nilipat ang tingin. Nahagip ko pa si Liwanag, pero pake ko sa kanya?!

Sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa 20's na.

Tumayo siya ngumiti rin ng makalapit sakin.

"Hi." Luh, pati boses ang ganda.

"Hello po."

"Ate..."

Napatingin naman ako sa gilid ko ng marinig ang boses ni Elicopter.

"Hi bro! Hihiramin ko muna tong si ganda?"

Nagulat pa ako ng bigla nalang akong hilahin ng ate ni Eli at lumabas kami ng office. Rinig ko pa ang pahabol na sigaw ni Elicopter.

"Ate! Saan kayo pupunta?!"

"Kung saan wala kayo! Hihihi!"

Luh, napingiti naman ako dahil ang cute ng ate niya. Natigil lang kami ng makarating kami ng cafeteria. Nilinga ko pa ang tingin ko at nakita ko naman ang apat. Akmang tatawagin ako nila ng ituro ko ang ate ni Elicopter, kaya napatango sila sabay sabi ng "ahh!"

"Dito tayo ganda." Pinaupo niya ako gulat naman ako ng pumalakpak lang si ate at kaagad na may pagkain na nakahanda.

Nang matapos ng maibaba ang mga masasarap na pagkain ay humarap na si ate sakin ngumiti ng matamis, kita ang pantay at ang maganda niyang ngipin.

"Hi ganda, I'm Elisse Rose Cuenca, but you can call me ate Els."

המשך קריאה

You'll Also Like

53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
2M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
73K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023