Love You, Sunset

By pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... More

Chapter 1: Collision
Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 9: Kuya
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: Unit
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 17: Sister
Chapter 18: Message
Chapter 19: Dream
Chapter 20: Artwork
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Fear
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 26: Reverse
Chapter 27: Missed
Chapter 28: Back?
Chapter 29: Again
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 16: Mommy

75 5 0
By pink_opal_27

Mia's POV


Kanina pa niya ko sinisilip dito sa front seat. Kanina pa kasi akong walang imik.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung malaman ni Ken na I have this condition na dadalhin ko throughout my lifetime. Hindi pa yata ako ready na sabihin sa kanya lalo na't bago pa lang kaming magjowa.



Sobra akong kinabahan nung pumasok si Doc Balti sa doctor's lounge kanina. He's my neuro doctor, after I turned down Bruno before. Si Doc Balti na humawak ng case ko kasi ayoko nang magkaroon ng any connections pa with Bruno.



Yes, I have this genetic disease neurofibromatosis type 2, an inherited disease which predisposes me to develop tumors in my nervous system. There is actually no cure for this condition mismo, according to my doctors. Whenever a new tumor develops, I have to undergo brain surgeries over and over again. And ito ang kinatatakutan ko. Not because I might die eventually after receiving enormous number of brain surgeries, but because of the people na maiiwan ko in case. And if not death, I may become disabled naman for life which is ayokong ipaexperience kay Ken.



Last year nga, I just developed a tumor, if naaalala niyo, yung bigla akong nahilo sa lobby. I was brought by Bruno to the VIP floor to receive my treatment through surgery. Five months rin ang tinagal ko because I was comatose that time, and I still had to undergo one-month post-recovery period bago ako makababa ng VIP floor. Since my family is in Canada, I do not have anyone to hold on to, just their photos, my dress from Mom, and this necklace.



Mahal ko na talaga si Ken and ayokong iwan siya. Kaya natatakot akong magmahal ulit after Bruno, yung tipong gagawin mo siyang mundo mo na wala nang mas mahalaga sayo kundi ang makasama sana siya sa habang buhay. Pero given this condition, medyo malabo mangyari yun lalo na dito sa Pilipinas, medyo rare ang kondisyon ko. Tanging Iringan hospital nga lang ang kumuha ng case ko, aside from dito nagtatrabaho ang ex-boyfriend ko.




Akala ni Ken ay nakatulog ako dito sa front seat while he's driving. I just keyed in our destination sa screen para may mag-guide sa kanya kung saan kami pupunta at sinabi ko na matutulog ako. But, ang totoo I was in this deep thought.


"Mahal?" naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan at pagtapik sa balikat ko ni Ken.


Kunwari ay hindi ko narinig kaya di pa ako nagmulat. Inulit niya ang pagtawag sa akin kaya't sa pagkakataong ito ay pakunwari akong gumalaw ng mahina at nag-unat. Isang halik naman mula kay Ken ang dumampi sa mga cheeks ko.


"Mahal. Grabe ka." natampal ko siya.


"Are you okay now?" nakatitig siya sa mga mata ko. Iwinala ko muna sa isipan ko yung lahat ng mga worries ko kanina para di niya mahalata na I'm still not okay.


"Yes mahal" umayos ako ng upo paharap sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya "Siguro napagod lang ako pero okay na ako."


Tumingin ako sa labas ng bintana. Nandito na nga kami.


"Tara na mahal!" pagyakag ko sa kanya palabas ng pintuan.




Ken's POV


Pagkapasok ni Mia ng location sa GPS ko, parang familiar yung lugar. Columbarium. Ah yung sinundan ko siya, dito sa pumunta. So yung nakita ko noon, Mommy niya pala yun.


"Mahal?" ginising ko na siya sa pagkakatulog niya. Mahimbing yata ang tulog niya dahil di siya nagising sa una kong pagtapik. Inulit ko muli kaya ayun, nagising na siya at nag-unat. Isang halik sa pisngi niya ang ibinungad ko sa kanya.


Napansin ko rin na kanina pa siyang walang imik at mukhang may iniisip habang papaalis kami ng ospital pero hinayaan ko lang, baka may dalaw, alam niyo na sinusumpong.


Nagyakag na siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng crematorium.


Tumungo kami sa may bandang dulo row ng crematorium. Pagharap namin ay nakita ko ang isang puting urn na may mga maliliit ng tulips. Tama dito nga yun kung saan ko rin nakita si Mia noon.





Mia's POV


I was a bit nervous na ipakilala si Ken kay Mommy. Makikilala niya kaya si Mommy? I bet not.


Pagharap namin kung saan nakalagak ang urn ni Mommy ay hinawakan ko ang kamay ni Ken.


"Mahal, si Mommy. Mommy, si Ken" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.


Nakita kong bahagyang natulala si Ken sa picture frame sa tabi ng urn.


"You recognize Mom, mahal?" usisa ko sa kanya.


Tumingin naman siya sa akin pero mukhang blangko ang mga mata niya.


"Ha?" may pagkabigla sa pagsambit niya nito. "Ngayon ko lang siya nakita ng harapan. Actually nakita ko na siya before pero pahapyaw lang."



So naaala niya si Mom?



"Paano? How did you know Mom?"



Muli niya akong tiningnan "Mahal." kinakabahan ako sa sasabihin niya. "Last year, when you had gone out of sight sa hospital, I was looking for you. And then one day, I saw you coming out sa VIP elevator sa parking lot. I don't know why sobrang saya ko nung nakita kita so I decided to follow you."


Nandilat ang mga mata ko. Nakasunod siya sa akin noon?


"You followed me back then?"


"I'm so sorry mahal."


"So up to where did you follow me?"


"Nakita kitang pumasok sa isang Asian resto which was also my favorite restaurant. You bought food. And then you came here. And I saw you hugged the urn with her picture in it, then I saw that your mom died in the year 2020?"


Maluha-luha ako nang banggitin niya ang taon kung kailan namatay si Mommy. Bakit ganoon na lang ako kaattach kay Mommy, knowing na di ko naman talaga siya Mommy biologically in the first place? Masakit pa rin sa akin ang pagkawala niya kahit na apat na taon na ang lumipas.


Tahimik na naman ako sa sasakyan pauwi. Isang tanong lang ang nasa isip ko. Kung nagkakilala kaya si Mommy and Ken before the incident happened, matutuwa at boto kaya si Mommy sa kanya for me?


Isang patak ng luha ang pinakawalan ng mata ko pero hindi ko pinahalata kay Ken kasi alam kong mag-aalala na naman ito sa akin. Humarap na lamang ako sa bintana at dating gawi, kunwari ulit akong natulog.

Continue Reading

You'll Also Like

14.5K 1.4K 86
" දන්නවද අභී..! එයා හරියට වැස්සක් වගේ...!" " වැස්සක් !?...'' '' ඔව් වැස්සක්...එයාගෙ ආදරෙත් හරියට වැස්සක් වගේ...කාලයක් මාව ඒ වැස්සෙන් තෙම්මලා....එයා ය...
52.8K 1.1K 21
.. a story, of a girl who has a condition that could change her life for the greater good. Loni has a medical condition that stopped her from develop...
44.4K 2.2K 200
All Wong Xue Guo ever wanted was her parent's attention on her. She had done all that she could do to get it, only for her attempts to be futile. Jus...
519K 10.3K 53
The Romano family always had one saying 'Family over anything' Which they stuck to, especially after the disappearance of their youngest daughter...