I'm in love with you (COMPLET...

By RochelleLee28

1.2K 268 331

A girl who believes in fairytale who will fall in love with a guy with a dark past that causes him to doubt t... More

Author 🙊🥀
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
EPILOGUE
I Zing You 🥺
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 13

23 6 13
By RochelleLee28

[Aestherielle's POV]

Kanina pa ako pabalik-balik sa harap ng clinic at alam kong nawe-weirduhan na ang mga estudyanyeng nakakakita sa'kin.

Hawak-hawak ko pa rin ang bouquet at nakakapanghinayang namang itapon. Dadalhin ko na lang 'to sa bahay kasi paniguradong ididisplay to ni mommy at gigisahin na naman ako ni Ace at Healle ng tanong.

Bumukas ang pinto ng clinic kaya medyo nataranta ako. Lumabas ang school nurse.

"Kanina ka pa dito miss? "

She's so beautiful. For sure dalaga pa siya. Nakita ko ang 'Cola Anderson' sa nameplate niya.

"A-Ah, hindi naman po nurse Cola. May titingnan lang po sana akong k-kaibigan sa loob. "

"May isang pasyente lang ako sa loob. Siguro siya ang hinahanap mo. You can check on him, babalik lang ako. Actually pwede na siyang lumabas. Napainom ko na rin siya ng gamot ang all he need is to take a rest so he can gain strength. I need to go now. "

"Thank you nurse Cola. "

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa clinic. I tried my best na hindi makagawa ng ingay ang bawat hakbang ko.

Nasa pangatlong hospital bed na ako nang may nakita akong nakahiga.

Lumapit ako ng makompirma kong siya. Inilagay ko sa bedside table ang bouquet at umupo sa gilid ng higaan ni Khirro.

Nakapikit siya kaya malaya ko siyang napagmasdan. Mahaba pala pilikmata niya at makapal ang kilay. Medyo namumula ang pisngi niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na damhin ang noo niya.

Medyo mainit nga siya. Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinahaplos ang malambot niyang buhok.

"W-What are you doing here? "

Mabilis na inalis ko ang kamay ko nang bigla siyang nagsalita. Mulat na ang namumungay niyang nga mata.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? "

Inalalayan ko siya ng sinubukan niyang bumangon.

"I'm okay. Uwian na. Why are you still here?"

Bakit nga ba ako nandito?


"I-I'm worried. "

Nagbaba ako ng tingin kasi ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

"Gumagabi na. You can go home first. "

"Sabay na tayo. Sabi ni nurse Cola pwede ka nang umuwi. "

Salamat naman at hindi na siya umangal pa. Pagkababa niya ng higaan agad na pinalibot ko ang kanang braso ko sa bewang niya. Muntik na kasi siyang mabuwal dahil nanghihina pa ang katawan niya.

"I can walk alone. "

Patagong sumimangot ako. May lagnat na nga suplado pa rin. Sarap mahalin este! Sarap kutusan. Inabot ko ng bouquet at rinig ko pa ang pag 'tss! ' niya.

Nakaakbay siya sa'kin kaya ramdam ko ang init na sumisingaw sa katawan niya.

Alas sais na pala ng gabi at paniguradong hinahanap na ako sa bahay. Lowbat pa naman ang cellphone ko kaya 'di ko ma-chat si mommy.

Inalalayan ko siyang pumasok sa sasakyan niya.

"Kaya mong magmaneho? "

Tumango siya kaya ako na ang nagsara ng pinto niya. Kunot ang noo na tiningnan niya ako.

"Paano ka uuwi?"

"Magta-taxi ako. "

Nakaramdam ako ng pag-aalala ng bigla siyang bumaba ng sasakyan at muntik pa siyang matumba kung hindi ko lang siya agad nayakap.

"Ano bang ginagawa mo?! Ang tigas talaga ng ulo mo ah?! "

Naha-highblood ako sa lalaking 'to.

"Get inside. I'll take you home. "

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi na kailangan. Kaya kong umuwi mag-isa. "

"Kailangan pa ba kitang buhatin para makapasok sa sasakyan? "

Mabilis na umikot ako papunta sa pinto ng sasakyan niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at bago niya ko pagsarhan hinablot niya ang hawak kong bouquet at basta na lang tinapon sa basurahan.

Nanlalaki ang mata na tiningnan ko siya pagkapasok niya ng sasakyan.

"Why did you do that?! "

Hindi niya ako sinagot at nagsimula na siyang magmaneho. Bigla na lang nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko at hindi ko napigilang mapasinghot.

"A-Alam mo bang unang beses kong nakatanggap ng b-bulaklak? T-Tapos itatapon mo lang ng hindi ako tinatanong kung o-okay lang ba sa'kin?"

Wala na akong pake kung mukha na akong batang inagawan ng lollipop na ngumangawa sa sasakyan niya.

Tumigil ang sasakyan at bumaba siya kaya sinundan ko siya ng tingin. Nasa harap kami ng 'Amesyl Flower Garden'.

'Di nagtagal lumabas siya at may hawak-hawak na bouquet ng pink roses.

Pumasok siya ng sasakyan at inabot sa'kin ng bouquet na agad kong tinanggap.

"I'm allergic to sunflower. "

Nagsimula na ulit siyang magmaneho. Kita ko pa ang pamumula ng tenga niya at pamumuo ng pawis sa noo.

"Okay ka lang, Khirro? "

"I'm okay. Just quit staring at me. "

Balik suplado na naman po siya. Tiningnan ko ulit ang bouquet na hawak ko at mabilis na binaling ang tingin ko sa bintana ng hindi ko na napigilan ang ngiting kumawala sa labi ko.

Baliw na ba ako? Kanina lang umiiyak ako tapos ngayon parang nanalo ako sa lotto kung makangiti.

Nasa harap na kami ng bahay kaya hindi ko na hinayaang pagbuksan niya pa ako ng pinto.

"Thank you pala dito sa bulaklak. I really love pink roses. "

"Sunflower or pink rose?"

Papasok na sana ako sa gate ng tinanong niya ako niyan.

"What?"

"I said, sunflower or pink rose? "

Mukhang nauubusan na naman siya ng pasensiya.

"Pink rose! "

Namalikmata lang ba ako? Pero kita talaga ng dalawang mata ko na may sumilay na ngiti sa labi niya.

"Goodnight, Aesthe. "


Nakaalis na ang sasakyan niya pero nakatulala pa rin ako sa labas ng gate.

"Naks! Ngiti yan bago isalang sa interrogation mamaya. "

Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na si Healle.

"Sinong nasa loob? "

Matagal pa niyang tiningnan ang hawak kong bouquet bago ako sinagot.

"Si Raffy Tulfo, Jessica Suho, at Gus Abelgas. "

"Seryoso nga, Healle. "

"Pamilya mo nga. Si Idol Raffy si Ace. Si mareng Jessica si tita at si lolo Gus si tito. "

"Eh sino ka? "

"Korina Sanchez gurl! Ano?  Game ka na ba? "

Kung hindi lang talaga ako kinakabahan baka natawa na ako sa kalokohan niya.

Pagbukas pa lang ng pinto bumungad na agad sila sa'kin sa sala. Ang sama na ng tingin sa'kin ni Ace na daig pa si Mommy.

"Take a seat, my Aesthe."

Agad na sinunod ko si Daddy. Kulang na lang manginig ang tuhod ko.

"Bakit ngayon ka lang? "

"Sinamahan ko lang po mom ang kaibigan ko sa clinic. M-Masama po ang pakiramdam niya. "

"Bakit hindi mo kami tinawagan? You can even call Ace in advance so we won't be this worried. " Daddy.

"I-I'm sorry po. Lowbat po ang cp ko kaya 'di po ako nakapagpaalam. Sorry po kung pinag-alala ko kayo. H-Hindi na po mauulit. "

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni mommy.

"Make sure that this won't happen again, Aestherielle. "

Tumango ako at tiningnan si Ace.

"Sinong kaibigan? Sinong nagbigay sa'yo ng bulaklak? Sino si #futuremo? Sa kanya ba 'yan galing? "

Mala-armalite rin pala ang bunganga nito.

"K-Kaibigan, si Khirro. Hindi ko kilala si #futuremo. "

Ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay.

"Si Khirro huh?  Kaibigan?  O KaIBIGAN? "

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
16.2K 1.1K 51
(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA...