SAMANTHA'S POV
"DADDY si Momma"naluluha parin ako habang nakaupo sa sofa at yakap-yakap ang lalagyan ng abo niya
"l-let's not talk about her Sam—"
napantig ang tenga ko at agad na sinamaan si Dad ng tingin
"bakit?kasi nakukonsensiya ka?!"sigaw ko at inilapag ang lalagyan ng abo ni mama sa ibabaw ng round glass table
"oh? bakit tila naputulan ka ng dila?"mapakla akong tumawa
"nakukonsensiya ka na ba?!ha?!"sigaw ko ulit
pero nanatili lang siyang nakatingin sa mga dyaryong hawak niya.
"Dad!"sigaw ko ulit at sa pagkakataong 'to dinuro ko na siya
"I-ikaw..ikaw ang dahilan kung bakit nawala si mama—"
"Oo! kasalanan ko! kasalan ko kasi hindi ko siya na-protektahan at oo.. nakukunsensya ako Samantha, kung sana'y nandito ako nun at hindi nagpapakabaya'y nandito pa sana ang mama m—"
"Wala nang mangyayari! hindi na maibabalik si mama kahit na ano pang gawin natin dito..."suminghot ako at agad na pinulot ang backpack ko na nasa sofa lang katabi ko.
"I'm so close, malapit na, malalaman ko na rin kung sinong pumatay kay mama—"mabilis akong tumakbo palabas ng living room pero bago pa ako makalabas nang tuluyan ay narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Dad pero nagpatuloy parin ako sa pagtakbo.
just wait ma..malalaman ko din, at maipaghihiganti rin kita—
"Kamusta na siya doc?"napahawak ako sa ulo ko at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakasalampak sa malamig na sahig.
yung mga napanaghinipan ko, ano yun? mga a-alaala?
pano namatay si Mama?-
"she's already responding Mr.Santos we're expecting her to wake-up as soon as possible, Mr.Santos I think you need to visit her often so she could feel that someone's waiting for return. that'll be good for her recovery"nagtaas ako ng tingin at nakita si Dad na nakatayo malapit sa hospital bed at mag kausap siyang doctor.
"I will always visit her from now on. thank you for taking care of my daughter"malumanay na saad ni Dad na siyang ikinatango ng Doktor
"walang ano man iyon Mr.Santos. maiwan na po muna kita dito at may aasikasuhin pa ako"tumango lang si Dad at lumabas na ang Doktor.
"did you hear that Samantha? you'll be awake soon"malambing na saad ni Dad at umupo sa isang upuan na nasa gilid ng hospital bed.
he gently held my left hand and kissed it.
'he's so gentle and loving, I wonder what happened to him when my Mom died'
napapikit ako ng mariin ang sinabi niya sa panaghinip ko kanina. o panaghinip nga lang na iyon?
napabuntong hininga ako at tumalikod na para lumabas.
I can feel it. something's weird in me, I need to find David
tumagos ako sa dingding ng hospital room at mabilis na tumakbo papasok sa elevator.
I really really need to find David. Fast!
PAGKARATING ko sa pinakababang floor ay wala na akong sinayang na oras at agad na tumakbo palabas ng hospital.
napangiti ako nang makita si Mr.Domenic na papasok palang sa sasakyan niya kaya agad akong tumakbo papalapit doon at walang pag-aalinlangang pumasok papasok sa loob at umupo sa passenger seat
nanlaki ang mata ko ng makita si Jeno na naka-suot ng headphones. nakapikit siya habang nakahilig sa upuan niya.
"Just drop me infront of the Campus gate"halos lumuwa ang mata ko at pabalik-balik na tiningnan si Jeno at si Mr.Domenic na nasa Drivers' seat at naguusap
"by the way, how's Samantha? I heard from your secretary that she already responded"umayos ako ng upo at nakinig na lang sa kanila.
Jeno is indeed familliar to me, but who is he in my life when I was still alive.
"Yes Son. she did responded and we're hoping for her to wake up"sagot ni Mr.Domenic at nagpatuloy na ulit sa pagd-drive
"THANKS DAD" bumaba na si Jeno sa sasakyan kaya dali-dali na din akong tumalon palabas. and yes tumalon talaga, tumagos naman ako eh.
"be careful Jeno, enemies are everywhere"huling salitang binitawan ni Mr.Domenic bago niya pinaharurot ang sasakyan niya paalis
bumuga ako ng madiing hininga habang sumusunod kay Jeno na pumasok sa loob.
can Jeno help me? I mean his Dad is closed to my Dad
pumikit ako ng mariin at humiwalay na sa paglalakad kay Jeno.
naglakad na ako diretso sa kung saan, lumiko ako sa right side ng school building habang siya ay dire-diretsong naglakad papasok sa building
pumikit ulit ako ng mariin ng maramdaman na parang sumasakit ang ulo ko
napahinto ako sa paglalakad ng makita ang kung anong nasa dulo ng hallway na kanina ko pa pala nilalakaran
Music room.
sa hindi malamang dahilan ay agad akong naglakad papalapit doon na tila may kumukontrol saken.
tumayo ako ng tuwid habang dahan-dahang itinaas ang kanan kong kamay at binuksan ang pintuan.
pagbukas na pagbukas ko ay naramdaman ko na ang kakaiba sa loob ng music room
"aww.."napahawak ako sa sentido ko at agad na kumapit sa mesang nasa gilid ko lang
nanakit ulit ang ulo ko pero parang may nagsasabi saking dumiretso lang na libutin ang buong music room.
tumayo ako ng tuwid at isinawalang bahala ang sakit ng ulo ko
nagsimula na akong maglakad at bawat paghakbang ko ay nakakaramdam ako ng kakaiba yung parang ang bigat sa pakiramdam
napahinto ako sa paglalakad at nakatayo na ako sa harap ng isang gitarang nakabalot at nakasabit lang sa gilid ng bintana sa loob ng music room
nangunot ang noo ko at lumapit sa gitara, akmang Hahawakan ko na iyon ng napahagip ng mata ko ang nasa likod ng music room
binaba ko ang kanang kamay ko at lumapit na lang sa bintana
gubat
yan ang nasa likod ng music room.
"ah!"napadaing ulit ako at mabilis na kumapit sa bintana para hindi matumba
"Ahhh! bitawan niyo'ko, pakiusap wag" napapikit ako habang pilit na pinipigilan ang mga luha kong kunti nalang ay tutulo na.
"wag please, w-wala naman akong kasalan eh, gusto ko lang namang mamuhay ng payapa" humikbi na ako habang nakatago parin sa looob ng music room at ang mga lalaking nakaitim ay nasa likod ng music room at kinakaladkad si Dayanna papasok sa loob ng gubat.
tinakpan ko ang bibig ko habang walang ingay na umiiyak at sinisiksik ang sarili sa gilid para hindi nila ako makita mula sa labas.
dahan-dahan kong kinuha ang camera ko
nangingig ang kamay ko pero nakagawa parin ako ng paraan at nakuhanan ko mismo ng litrato ang pag pupumiglas at paghila nila kay Dayanna
marami akong kinuhang litraro at mabilis na napaupo sa sahig at.
pasensiya na Dayanna kasi wala akong magawa para tulungan ka