Claiming the Opposite ✔

Lserolf द्वारा

6.2K 312 3

Humiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca... अधिक

Synopsis
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
34
33
35
36
37
38
39
40
Epilogue

26

118 6 0
Lserolf द्वारा


Suitor

ILANG beses kong pinagmasdan ang sarili sa full body mirror. Naisipan ko kasing mag-jogging. Sasama rin daw si Jauncy. Guess what kung anong suot ko? I'm wearing a croptop na masyadong exposed ang pusod ko at pinaresan ng dolphin shorts. Suot ko rin ang bagong rubber shoes na binili sa akin ni Jauncy.



As I opened the door, the surprise look of Jauncy greeted me. Narinig ko pa ang malakas na pagsinghap niya at masuring pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan. Nahihiyang napangiti ako at agad siyang nilagpasan.



"Bakit ganyan ang suot mo?"



"And so?"



"Hindi ka mahilig magsuot ng ganyan. At saka, kitang-kita pa talaga ang pusod mo," strikto niyang saad.



Napatanong rin tuloy ako sa sarili. I'm actually disgusted imagining myself wearing these kind of clothes. Pero pati sarili ko ay hindi ko masagot. Though, nakakapanibago pero at the same time masarap sa pakiramdam.



"For a change? Medyo presko rin kasi. Hindi katulad sa nakasanayan kong mga sinusuot na damit na mainit sa pakiramdam dahil balot na balot ang katawan ko."



Lalo na talaga kapag naka-pantalon at malaking T-shirt ako.



"It's early in the morning and you just wore that very exposed clothes. What do you think of yourself? Member ng mga dancer ni Willie?"



Napanganga ako. Iniinsulto niya ba ako?



"At kamukha mo naman si Willie. Bigyan ng jacket 'yan!" agap ko.



"What a lame joke, Xierl."



Natagalan bago kami makadesisyon na lumabas na ng bahay. Hindi niya kasi ako pinayagan na ganito ang susuotin ko. Kaya nagkasagutan pa kami ng ilang minuto. Madalang pa nga akong magsuot ng damit na katulad nito tapos kokontrahin niya pa ako ngayon na nasa mood.



Kasama namin si Asher habang si Nibbles naman ay hindi na namin napilit dahil umandar na naman ang katamaran. Ayaw tumayo. Sadyang nakasanayan na talaga ang magpalaki ng tiyan habang komportableng nakahiga sa sahig.



Habang tumatakbo at buhat-buhat si Asher, narinig ko ang pabulong-bulong na reklamo ni Jauncy na nasa likuran ko. Ibinaba ko muna si Asher at nagsimula nang tumakbo ulit habang hila-hila ang collar nito. Natutuwang sumabay rin naman ito sa pagtakbo ko.



Nang sobrang pinagpawisan na ako ay tumigil na muna ako pati na rin si Jauncy. Inabot ni Jauncy sa akin ang tumbler na may pipino at lemon ang tubig.



"Fuck!" rinig kong mura niya.



Nakabusangot na nilingon ko siya.



"Hindi ka pa rin maka-move on? What more kung makita mo akong naka-bikini? Baka mahimatay ka na lang bigla noh?" panunukso ko.



"Pati ba talaga ang legs mo ay pinagpapawisan?"



Napatingin ako sa mga binti ko na kumikinang dahil sa pawis.



"Kita mo naman sigurong medyo basa, 'di ba? Hindi rin naman ako biglang naihi. Minsan ang tanga mo talaga, Onse."



Pagkauwi namin ay humigop lamang ako ng Lucky Me. Pagkatapos ay agad kong niliguan ang dalawa naming alaga sa backyard.



Nang matapos ako sa pagligo ay napili kong magsuot ng floral dress. Inaya kasi akong magsimba ni Jauncy sa Born Again. Pagdating namin ay naupo kami sa likuran. I roamed my eyes inside. Pakiramdam ko hindi ako belong dito.



All the people are singing wholeheartedly. Ang iba ay napapansin ko pang naluluhang nakapikit habang patuloy na kumakanta at nakataas pa ang dalawang kamay.



May naririnig ako dati na ang mga miyembro ng relihiyon na 'to ay mga OA kasi nga mga iyakin. Pero hindi ka-OAhan ang maiyak sa mga salita ng Diyos. Sadyang devoted lamang sila. Actually, everyone who's very religious are very emotional when devoting in God.



Kailan nga ulit ang huli kong pagpasok sa simbahan? Medyo matagal-tagal na rin pala 'yon. Nakakahiya at ngayon lang ulit nakapagsimba.



Sa pagtatapos ng simba ay napasinghap ako nang makapag-sign of the cross. Mabuti nga lang at si Jauncy lang ang nakakakita. At ang mokong ay halatang nagpipigil lamang na matawa.



Kinabukasan ay nagsimula na ang instrams. One week ang instramurals namin kaya walang pasok rin ng isang linggo. Wala akong sinalihan kahit sports man lang. Kaya walang extra points.



May extra points nga kapag may sinalihan. Ngunit minsan nga lang ay nakakabobo dahil puro practice ka na lang. Wala ka na ring oras para mag-advance study sa gabi dahil sa sobrang pagod. May time pa nga sa gabi gaganapin ang bawat practice lalo na yung cheerdance.



Naranasan ko na kasing maging cheerdancer no'ng high school pa ako ng sunod-sunod na tatlong taon. All girls kaming lahat at isa ako sa mga taga-buhat. Super tiring talaga. Hindi ko maipapaliwanag kung gaano nakakapagod. Lalo na kapag tapos na ang competition tapos hindi pa kayo nanalo kahit third place man lang.



Nagpunta lamang ako sa campus para makapag-attendance. Napag-usapan kasi namin ni Jauncy na pupunta ako sa university nila kasi may larong basketball ang magaganap na kung saan ay kakalabanin nila ang mga varsity players noon na nakapagtapos na ng kolehiyo. He even told me that I'm his lucky charm. Ew.



Pero hindi ko alam kung tutuloy pa ba akong magpunta. Nakakahiya lalo pa at ako lamang mag-isa.



"Uy, saan ka? Aalis na?" biglang sulpot ni Geniel.



"Ano ngayon? Inggit ka?"



She grinned.



"Sumbong kita sa secretary, gusto mo?"



"At least, nakapag-attendance na. Kaya pwede na akong makaalis."



Lalagpasan ko na sana siya pero mabilis niya akong napigilan.



"Not so fast, Xierl. Nakalimutan mo sigurong bawal umalis na wala pang lunch time? The attendance will be served as our attendance also in all the subjects for this morning. Kaya kitang isumbong sa secretary. Friends pa naman kami. Hala, sige ka..." may tonong pananakot na wika nito.



I frowned. Mukha ba akong bata?



"Bakit ba? H'wag mo ngang sirain ang araw ko!"



"Saan ka? I'm just bored. Pasama naman kasi!"



My eyes widened.



"Feeling close lang ang peg? Do'n ka sa boyfriend mo kung nababagot ka. At nang magjugjugan kayo."



Tuluyan ko na siyang nalagpasan. Maraming tingin na naman ang dumikit sa akin. Muntik na akong matumba nang may paa ang humarang. Tanginang baklang 'yon! Pasalamat siya at nagmamadali ako.



"Pahintay naman! Xierl, uy!"



Punong-puno ang exit area dahil may mga outsider rin na manonood siguro sa mga labanan ng sports at cheerdances. Kaya hindi na rin ako nahihirapang makalabas.



Someone clung her left arm to mine. Kunot-noong napalingon ako kay Geniel. Seryoso talaga siya? Baka may gusto siya kay Jauncy kaya desperadong makipag-close? Galawan ng mga marurupok.



Nakangiwing inalis ko ang braso ni Geniel sa akin.



"For once, lubayan mo ako," nagtitimping wika ko.



"I'm so freaking bored. Kahit third wheel niyo na lang ako, basta isama mo na ako. I knew for sure, you'll going to meet Jauncy and roam around."



I problematically massaged my temple. She's getting into my nerves.



I sighed.



"Pamilyar ka ba sa university nila? Hindi ko kasi alam ang pasikot-sikot sa campus nila. I'm going to meet him there. He asked me to watch him competing basketball with the varsity players of their school back then."



Her face lit up. She even clapped excitedly.



"Good idea! May ex kasi akong do'n rin nag-aaral. Labas-pasok ako do'n kaya medyo pamilyar na rin."



Somehow, it's a great help if I'll go there with her.



Sinalubong ako ng yakap ni Jauncy pagkalapit niya sa akin. Narinig ko naman ang pagsipol ni Geniel.



"Oh Gen, ba't kasama ka?" tanong sa kanya ni Jauncy.



Nagtaka tuloy ako. They knew each other already? But who cares?



"Sinamahan ko lang," nakangiting sagot ni Geniel.



Napataas tuloy ako ng kilay. Wow. So, naging mahinhin agad?



"Excuse me? Ikaw nga lang ang nagpupumilit na sumama. Nahiya naman ako sa'yo. At parang ako pa talaga ang humingi ng favor na samahan mo ako."



She flipped her hair.



"Well, gano'n na rin 'yon. Duh!"



Naupo kami sa bleachers ng court, sa unang row. When the game started, I just stayed quite while intently watching. Minsan ay napapangiwi na lamang ako sa lakas ng sigaw ni Geniel bilang suporta sa team nila Jauncy.



Curiosity really enveloped me of what her intentions could be. Like bitch, why she's trying to get close to me after treating me like an enemy before? Something is really off.



Napapalakpak na lang din ako nang mag-tie ang dalawang team. Mabuti naman at hindi na-shoot ang bola sa kabila. Kasi kung pumasok sa ring 'yon, lamang na sana ng tatlong points sila Jauncy. So far, the game is thrilling.




Lumapit si Jauncy sa direksiyon namin. I awkwardly handed him a bottle of water. Binigay niya rin naman sa akin ang towel.



I curiously looked at him.



"Bakit mo sa akin binigay? Ipahid mo 'to sa pawis mo, Onse."



He pouted.



"Why would I do that? Of course, you should do it for me."



I swallowed hard. I was ashamed of how his teammates and the audience looked at us.



Nanginginig kong pinahid ang towel sa mukha niya. Ang laki ng ngisi niya kaya medyo nakakairita.



"It felt like I'm in a cloud nine. I couldn't imagine that the girl I courted did things like this."



Mabilis akong napatigil. My heart started to beat faster but my whole system literally shut down. Natauhan lamang ako nang kinurot niya ang ilong ko.



"You're not my suitor. We're just engaged for convenience," I awkwardly corrected.



Nahihiyang napalingon pa ako kay Geniel na nakabusangot.



"Isn't it obvious? I'm giving motives that I like you and I'm courting you already. No need to spit it out. Manhid ka lang siguro, Xierl."



My mouth went wide open. Needless to say that my breath hitched of what I felt inside. I couldn't name if my heart jumped because of joy or being so shocked. At ano daw? He's courting me?

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

65.3K 1.9K 21
A secret research for Remus and his 'furry little problem' takes Hermione and Lyra (OC) to Forks. Determined not to give false hope, they say that th...
Teen Wolf X Reader LucyForever5 द्वारा

सामान्य साहित्य

111K 1.8K 15
It's about Stiles Stilinski..Do you need anything else.. I think not
I'm a Costello _crazy_hooman_ द्वारा

किशोर उपन्यास

4M 87.3K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
3.8K 134 20
„Can you dance with me?" _-_-_-_-_ Since young age, Sky dance and make choreography. She get work in JYP as their trainee dance teacher. She has her...