Embracing the Wind (Formenter...

By mughriyah

269K 3.3K 488

Warning: This novel will talk about suicide, rape, violence, depression, sex and inappropriate languages. If... More

Embracing the Wind
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 32

9.2K 89 4
By mughriyah

"Ate Yen, kumain ka muna."

Inilahad sa akin ni Angela ang isang plato ng pagkain. I smiled at her.

Finally, nadalaw ko na rin siya. Good thing that Sister Airah told me Angela's address. Ang tagal na rin simula noong nagkita kami but I'm so glad that her parents are nice. Mukha ngang masaya rito si Angela.

"Thank you," I said and started to eat.

Pinagmamasdan niya lang ako habang kumakain ako. Hinayaan muna ako ng parents niya na kausapin ko si Angela. I already talked to them when I got here at talaga namang mababait sila.

Hindi lang sinabi noon ni Sister Airah ang tungkol sa kanila dahil gusto nila ng tahimik na buhay.

"Pumayat ka, ate. Ayos ka lang ba?"

Napatigil ako sa pagkain dahil sa tanong niya. Hindi ako malungkot. Hindi ako nasasaktan.

But I feel so empty.

"I'm okay, Angela." I smiled at her.

Nagising ako na hinang-hina. Pakiramdam ko ay galing ako sa mahabang pagtulog at ngayon lang nagising. Inilibot ko ang paningin ko at napag-alaman kong nasa ospital ako.

Napatitig ako sa kisame habang inaalala ang nangyari at agad namuo ang mga luha ko nang maalala ang ginawa ko sa bathroom.

I almost killed myself again. I tried to kill myself.

Mabilis akong napatingin sa kamay na nilaslas ko at nababalutan na ng puting benda iyon.

I took a deep breath. Nahihilo pa rin ako. Paano ako nakaligtas?

No one was there. I was just alone so what happened?

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaking doktor at babaeng nurse.

"How are you feeling, Ms. Levisay?" marahang tanong ng doktor.

"Nahihilo ako. Paano ako nakarating dito?" I asked.

"I sewed your wrist and just wait for it to heal.  Your wound was too deep so I had to sew it up, Ms. Levisay. Magpagaling ka at sana huwag ka nang bumalik dito," aniya.

I swallowed. "Who brought me here, doc?" I asked out of curiosity.

Alam ko talagang ako lang mag-isa sa bahay kaya sino naman ang magliligtas sa akin?

Ethan?

"It was your ex-husband, Ms. Levisay."

Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatitig sa doktor. "Ex-husband? Pero wala akong..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang pumasok sa isip ko.

I thought he went abroad? Paanong nangyaring niligtas niya ako?

"Did he say he's my ex-husband?" I asked.

"Yes. He's the Chairman of Damian Entertainment, Iceon Damian."

Gulat na lang ang ekspresyon ko at hindi na ako nakapagsalita pa. Pagkatapos masiguro ng doktor ang kaligtasan ko ay lumabas na siya.

Napatingin ako sa maliit na table sa gilid at nakita ko ang cellphone ko.

I immediately took it and check the date. Today's December 23. One week akong walang malay? Ganoon ba kapagod ang katawan ko?

Biglang kumulo ang tiyan ko. Pinilit kong tumayo. Dinala ko sa paglabas ang bakal na sinasabitan ng Saline water. I was wearing a hospital gown but I wasn't wearing a slippers. Wala kasing tsinelas kaya nag paa na lang ako.

Kaunti lang ang tao sa ospital. Naglakad lang ako nang naglakad habang hinahanap ang cafeteria. Nagugutom na talaga ako.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang umupo sa harapan ko ang lalaking naka kulay itim na fitted t-shirt, jeans, white sneakers at black cap.

Dumapo ang tingin ko sa suot niyang gold necklace.

I was about to speak up nang bigla niyang inilabas ang kulay puting tsinelas mula sa paper bag. Hinawakan niya ang paa ko at isinuot ang tsinelas doon.

I cleared my throat because of what he did.

Hindi agad ako nakapagsalita.

Inayos niya ang cap sa ulo niya bago tumayo. Nang magtama ang mga mata namin ay biglang nagwala ang puso ko.

"Are you okay?" he asked but I was just staring at him.

"I have your food. Go back to your room and eat this," he seriously said and handed me something.

Hindi ako nakapagsalita dahil nakatulala pa rin ako sa asul niyang mga mata.

"Yen," he called me.

Doon lang ako natauhan. "H-huh? Oo," sagot ko at mabilis na siyang tinalikuran.

"Chayenne," he called me again.

"Bakit?" mabilis kong tanong pero hindi siya hinarap dahil nahihiya ako.

"I said I have your food. Kunin mo 'to," aniya kaya napalunok na naman ako.

"H-hindi na, Ice. I can buy my foo—"

"Hindi ako manggugulo, hindi kita pipilitin sa'kin pero kainin mo 'tong dala ko," seryosong sambit niya.

Saglit akong napapikit at tumango. Nilingon ko siya at kinuha ang dala niya. "T-thank you. I'll pay yo—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tinalikuran na niya ako. Nakita ko pang inayos niya ulit ang cap niya hanggang sa nakalayo na siya sa akin.

"So, I'm still hurting you..." mahinang sambit ko at napatingin sa mga paa ko.

Napabuntong-hininga ako at bumalik na sa kwarto ko sa ospital.

"Ate, ano? Tulala ka na?"

Nagbalik ang tingin ko kay Angela nang marinig ang boses niya. Napakamot ako sa ulo.

"Sorry, may naalala lang ako."

Simula noon ay hindi na ulit nagpakita si Ice. Kahit anino niya ay hindi ko na bakit. Basta bigla na lang ulit siyang naglaho.

Siguro ayos na rin iyon. Ito naman ang gusto ko; ang makalayo sa kanya.

Buong araw ng pasko ay nasa sementeryo lang ako dahil gusto kong makasama ang pamilya ko. Ganoon din ang ginawa ko sa bagong taon.

Nagkwentuhan lang kami ni Angela. Pagkatapos ay nagpaalam na ako. Sa bawat araw na lumilipas ay nagiging maayos ako pero may parte talaga sa akin na kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ko.

Bumagsak ako sa kama. Medyo lasing ako dahil pagkatapos kong dalawin si Angela ay nagkaroon ng kaunting inuman kasama sila Ethan, Benj, Shana at Jerome.

I was right. Life is not short but our happiness is. Mahaba ang takbo ng buhay. Marami tayong napagdadaanan. Iniisip lang natin na maikli lang ang buhay dahil sa hirap pero kung tutuusin, mahaba ang buhay. Ang haba ng takbo nito... ang layo.

Pero 'yung kasiyahan natin... iyon ang maiksi. Sandaling kasiyahan lang ay papalitan ng mahabang lungkot. Pero ganoon naman talaga. Hindi tayo pwedeng manatili sa isang bagay lang kasi paano natin makikilala ang sarili natin kung nakafocus tayo sa isang bagay? Kailangan nating sumaya, kailangan natin malungkot, kailangan natin masaktan at kailangan natin matuto.

I was still alive even though I tried to kill myself twice.

I'm still alive because I can't run away from my problems because I have to fight it in order to survive. Suicide will not save me from my problems but only myself.

Suicide is not a way for you to get over your problems. Mas lalo lang papalalain ng pagpapakamatay ang problema.

God gave you life because He knew you'd treasure it. Hindi binigay sa atin ang bawat mahahalagang buhay para lang sayangin dahil sa problemang kaya naman natin lagpasan.

Sobrang nagpapasalamat ako dahil buhay pa ako. At hindi ko na ulit sasayangin ang buhay ko.

I have gone through depression but I still have anxieties every night. Iniisip ko kasi ang mga mangyayari pa sa buhay ko ngayong wala na akong pamilya.

I want to pay for my sin. I want to turn myself in. Hindi ko na maitatama ang nagawa ko pero mapagbabayaran ko naman ito.

Tapos na ang paghihirap ni Nanay Sefa... because it's my turn to suffer.

Kinabukasan ay lumabas ako para kumausap ng abogado. Sinabi ko sa kanya ang ginawa kong pagpatay kay Raymond Levisay. Lahat ay sinabi ko sa kanya at maaari itong masabing self-defense pero walang witness.

I told her that my own father raped my sister and in order to help her, I killed my father. Pero sinabi niyang hindi na paniniwalaan ng Judge ang self-defense dahil walang witness na makapagsasabing ginahasa ang kapatid ko kaya nakapatay ako at ang malala ay iba ang nakulong sa pwesto ko.

Kung sasabihin man ni Nanay Sefa na totoong ginahasa ang kapatid ko, hindi na sila maniniwala dahil nagsinungaling na si Nanay Sefa para pagtakpan ang krimen ko.

"It's okay. I will accept any punishment... kahit ang pang habang-buhay na pagkakakulong," seryosong sambit ko.

"Are you sure you're going to be okay?" she asked.

"Yes, Attorney."

Dahil sa mga sinabi ko ay muling nabuksan ang kaso sa pagpatay kay Raymond Levisay. Kinausap ko si Nanay Sefa at nagalit siya dahil sa ginawa ko pero ito ang tamang gawin.

Kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ko.

Mapapalaya ko lang ang sarili ko sa lahat ng sakit kapag napagbayaran ko na sa batas ang krimen na nagawa ko... ang pagpatay ko sa sarili kong ama.

"Nay, please... umamin na ako kaya tama na. Pinalaki niyo ako na mabuting tao kaya dapat alam niyong ito ang tama kong gawin. Nay, I'm sorry for putting you in this situation. I'm really really sorry."

Bumagsak ang luha niya.

Tuloy-tuloy na bumagsak ang luha ni Nanay Sefa kaya hindi ko na rin napigilang maiyak.

Niyakap niya ako kaya napahagulgol ako. Sa totoo lang ay natatakot ako. Sobrang natatakot ako sa mangyayari sa akin sa loob ng kulungan pero kailangan kong maging matapang.

Hinarap ako ni Nanay Sefa at pinahid ang mga luha ko. Pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko.

"Mahal kita... mahal na mahal kita..." bulong niya habang paulit-ulit na hinahalikan ang noo ko.

Hindi ako nakasagot dahil umiiyak pa rin ako.

Tumingin siya sa mga pulis, abogado at Judge. "S-siya..." Itinuro niya ako. "Siya ang pumatay kay Raymond Levisay... sa kanyang ama." Napayuko siya at humagulgol.

I didn't die because I have to pay for my sin.

Ang tanging gigising lang sa akin mula sa bangungot ay ang pagbabayad ko sa kasalanang nagawa ko. Ako mismo ang gigising sa sarili ko sa bangungot na dumating sa buhay ko. Ako lang ang makakatulong sa sarili ko para hindi mabilanggo sa nakaraan... at para makausad.

Nakarinig ako ng bulong-bulungan mula sa mga tao dahil hindi sila makapaniwala sa nagawa ko. Maraming reporters kaya tiyak akong alam na ng mga Pilipino ang nagawa ko.

"Because of the confession, the defendant was found guilty. Section One - Parricide, murder, homicide. Article 246 of the Revised Penal Code, Parricide. Any person who shall kill his/her father, mother, or child, whether legitimate or illegitimate, or any of his/her ascendants, or descendants, or his/her spouse, shall be guilty of parricide and shall be punished by the penalty of reclusion perpetua to death...."

Bumagsak lalo ang luha ko.

Mas lumakas ang hagulgol ni Nanay Sefa dahil sa narinig niya pero natulala na lang ako sa kawalan.

At last, I made the right decision.

"But the maximum sentence available to the court for these offenses is life imprisonment. Chayenne Hope Levisay, I sentence you to 40 years in prison expressly life imprisonment." I closed my eyes when I heard the sound of the gavel hammer.

Life imprisonment...

Continue Reading

You'll Also Like

394K 4.7K 39
TO BE PUBLISHED UNDER ALBATROZZ PUBLISHING HOUSE. Warning: This novel will talk about suicide, violence, depression, sex and inappropriate languages...
4K 227 7
Treacherous Heart Book 2: Down Bad Chasing Willow Talia Tan's Story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
187K 2.7K 25
Once you enter, there's no turning back. "This passageway would change my life forever." Thyone Luna Dion's Story