Embracing the Wind (Formenter...

By mughriyah

265K 3.2K 488

Warning: This novel will talk about suicide, rape, violence, depression, sex and inappropriate languages. If... More

Embracing the Wind
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 28

8.6K 77 2
By mughriyah

"Raymond Levisay... is your biological father, Yen..."

Natulala na lang ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Daddy. I asked him the truth but it's hard to accept it. He's not my father but my uncle.

Ikinuwento na ni Daddy sa akin ang lahat. That Raymond Levisay raped my mom and he got her pregnant and the child was me. Pagkatapos niyang buntisin si Mommy ay hindi na siya nagparamdam.

I finally knew why mom didn't like me... dahil ako ang dahilan ng pangbababoy sa kanya. Anak ako ng rapist...

Pero kahit ganoon, tinanggap siya ni Daddy at nagbunga ang pagmamahalan nila. Si Hale 'yon. Pero kagaya nang ginawa ni Raymond kay Mommy, ginahasa niya rin ang kapatid ko.

If someone wants to kill me, I would thank him or her.

Wala na e, hindi na kayang tanggapin ng puso ko ang lahat ng sakit. Punong-puno na, umaapaw na... nakakamatay na.

I still can't believe that I killed my own father. Kung alam ko ba noon na siya ang tatay ko, mapapatay ko kaya siya?

I'm an orphan now... kagaya ng mga batang tinutulungan ko sa orphanage. Wala na rin akong magulang.

Tahimik akong umiiyak. Wala na akong masabi. All I can do is to cry. Sobrang sakit mabuhay. Kahit saan ako pumunta, kahit saang parte ako gumalaw at kahit sinong tao ang makita ko... palagi akong nasasaktan.

I was always happy but in the end... I always found myself crying in pain.

Ayoko nang sumaya. Ayoko na maging masaya.

Hindi na ako lumabas ng bahay. Ilang beses nagtangka si Ice na puntahan ako pero hindi ko siya nilalabas. Kahit si Ethan... kahit sino sa kanila.

Walang laman ang isip ko kundi isa akong anak ng rapist.

I was just a mistake and I shouldn't have been born.

Sana nga talaga namatay na lang ako kung ganito lang ang dadanasin ko sa buhay. Masyadong naging bangungot ang buhay ko... hindi ko na mahanap ang daan para magising. Nakulong na ako sa pang habang buhay na bangungot.

Now I understand him... I understand why he left me, why he said those harsh words to me... everything... lahat-lahat ay naiintindihan ko na. Pati kung saan nanggagaling ang mga galit niya.

If I were him, I would never go back to the person who reminded me of the person who ruined my family. Our sisters' both died and our mothers' were both raped. Ang pinagkaiba lang namin... ang taong gumawa no'n ay tatay ko at ang taong gumawa no'n ay sumira sa pamilya niya.

Paano niya nasabing mahal niya pa rin ako sa kabila ng nagawa ng tatay ko? Mas mabuti pang huwag na magtagpo ang mga landas namin. Hindi ko na kayang humingi ng tawad dahil wala na akong mukha na maihaharap sa kanya.

Gusto ko na lang lumayo. Gusto ko na lang mapag-isa. Ayoko nang kumilala ng mga tao dahil ayoko nang masaktan.

I was wearing a black jacket and black biker shorts. I wore my white sneakers and went out. Malakas ang hangin sa labas at kitang-kita ko ang kalahating buwan. Tahimik akong naglakad.

Nakapasok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko habang tahimik na naglalakad at nakatingin sa kalsada.

Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi tapusin na ang buhay ko. Iniisip ko na iyon na lang ang tanging paraan para makatakas ako sa lahat ng sakit.

Dahil ba sa pagpatay na ginawa ko kaya ako pinarurusahan? I was just mad. I was hurt when I saw my sister that night. Someone was raping her and I couldn't control myself... nasaktan lang ako... hindi ko pinagbayaran sa kulungan ang ginawa ko pero sa labas ng kulungan? Pinapatay na ang buong pagkatao ko.

Napatigil ako sa harap ng isang malaking bahay. This is his house. Ang tagal na noong huli kong punta rito at hindi ko inaakalang makakabalik pa ako rito.

Nakatingala lang ako. Nakapatay ang lahat ng ilaw at sa tingin ko ay natutulog siya. Huminga ako nang malalim at aalis na sana pero napatigil ako nang makita kung sino ang lalaking nakatayo sa gilid ko.

"Master Lee..."

Tinapon niya ang sigarilyo niya sa lupa at pinasadahan ng kamay ang buhok niya. "Akala ko ba ayaw mong makausap si Ice?" tanong niya sa matigas na tagalog.

I swallowed to clear my throat. Yeah, I don't want — no. I can't talk to him. Nilalamon ako ng hiya dahil sa lahat nang ginawa ng rapist kong tatay. Sobrang kumplikado na ng mundo ko.

"Gusto mo ba makarinig ng isang kwento?" Ngumisi siya at humalukipkip.

"Kwento? About what?" I asked.

He didn't asnwer me. He just started to walk. Mabagal ang bawat hakbang niya at ipinasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya. I was just following him.

"Nagkaroon ng syota dati si Ice. Sa pagkakaalam ko ay mahal na mahal niya 'yon." Pag-uumpisa niya kaya natahimik na lang ako.

It's about him.

"Hindi naman siya malamig noon, napakabait niyang tao lalo na kay Samantha." Napatingin ako sa kanya. So Ice's ex-girlfriend was Samantha.

"Magaling siyang pumana. Iyon ang palagi niyang pinagkakaabalahan. Sa mga palaro sa ibang bansa, siya ang palaging nananalo... iyon kasi ang paborito niyang gawin. Ipina-tattoo niya pa ang pana dahil sa sobrang pagkagusto niya rito," pagpapatuloy niya habang ako ay nakikinig lang sa kanya.

"Pag-uwi niya ng Pilipinas naabutan ko silang nagtatalo ni Samantha dahil may nakapagsabi kay Ice na mayroong ibang lalaki si Samantha. Nag-away sila at maraming nakakita no'n..."

"Hanggang isang araw naabutan ni Ice si Samantha sa bahay nito na wala nang buhay. May pumana sa dibdib at duguan. Sa pag-aalala ni Ice ay sinubukan niyang tanggalin ang pana sa dibdib nito pero naabutan siya ng mga pulis at siya ang napagbintangang pumatay dito."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at automatiko akong napatigil. Tumigil din siya at hinarap ako. "Walang taong pinatay ang alaga ko. Malinis ang mga kamay niya pero nasayang ang anim na taong buhay niya dahil lang sa kasalanang hindi niya ginawa... at dahil do'n." Tumigil siya at tumingin sa mga bituin. He took a deep breath. "Dahil sa pangyayaring 'yon ay tingin na sa kanya ng mga tao ay mamamatay tao. Lahat ay natatakot na sa kanya."

Natulala na lang ako. Parang pinipiga ang puso ko nang malaman ko ang mga pinagdaanan ni Ice. He was having a hard time until now. His girlfriend died, his sister died, his mother was raped and he was imprisoned for 6 years...

Napatakip na lang ako sa bibig ko. Tumulo ang mga luha ko habang iniisip ang lahat ng masasakit na pinagdaanan ni Ice.

He was imprisoned for six years for a crime he did not commit. People trampled on him because they thought he had killed someone when in fact... he was innocent, he was hurt, he was in pain and no one cared about him. He was alone.

Tumakas ang paghikbi ko. Nasasaktan ako dahil sa mga pinagdaanan niya. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang samahan ngayon pero hindi ko magawa. I know I'm causing him pain. Sa bawat sinabi niya sa akin, alam kong kapag naaalala niya ako ay naaalala niya ang pangbababoy ng tatay ko sa kapatid at ina niya.

Hindi ko na rin kayang humarap dahil sobrang hiyang-hiya na ako sa kanya.

I feel like we're in a tragic story.

"Ang taong pumatay kay Samantha ay ang lalaking nagtangkang pumatay sa'yo noon, Chayenne. Ang lalaking malaki ang galit kay Ice..." Nagpatuloy na siya sa paglalakad. "Jonathan Villegas."

Napaupo ako sa kalsada. Inosente talaga si Ice... inosente siya at ako itong nakapatay. Alam niyang nakapatay ako ng tao pero sinabi niya pa rin na mahal niya ako. Ako pa rin.

Tulala akong umuwi sa bahay. I want to turn myself in and pay for my sin but I couldn't. Naduduwag at natatakot ako. Ayokong makulong...

Pero pumatay ako.

Kinakausap ako ni Daddy. He wants to bring mo to a hospital to check my health but I refused. Palagi na lang akong nakakulong sa bahay, malalim ang iniisip, hindi kumakain at puro pagpapakamatay ang iniisip.

There were so many times that I was suddenly crying and there were times that I almost killed myself. Nakakapagod na. Pakiramdam ko ay nasa akin na ang lahat ng problema sa mundo.

Nagising ako nang marinig kong may nag-uusap sa gilid ko. Tumingin ako sa orasan at 10 pm na. Napakunot ang noo ko nang makita ang isang doktor at si Daddy.

"Yen, anak..." Lumapit si Dad sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Dad, bakit? Bakit may doktor?"

"Just one look in her eyes, I knew she's depressed." Napakunot ang noo ko sa sinabi ng doktor.

"Your dad told me everything. You knew that your biological father was a rapist... I know you're having a hard time, Ms. Levisay. Please take these medicines..." May inilahad siya sa akin pero nanlaki ang mga mata ko at agad na tinabig 'yon sa kung saan kaya nagkalat ang mga gamot.

I immediately covered my ears when my mom said I should take her medicines. Napasigaw ako nang malakas at yumuko.

"Let's just die together!"

"Ahh!" malakas kong sigaw. Natatakot ako sa mga gamot. Medicine will kill me.

"Ilayo niyo sa akin ang mga gamot na 'yan!" sigaw ko kaya niyakap ako ni Daddy. Nagsimula akong humagulgol.

"Dad! That medicines will kill me! Mom will kill me!" natatakot kong sigaw.

Dad tapped my back. "Shh... I'm here, my daughter. Don't be scared. I'm here..."

Pahina nang pahina ang pag-iyak ko pero hindi naalis ang kaba sa dibdib ko. Hinahagod lang ni Daddy ang likod ko hanggang sa bumagsak na ang dalawa kong kamay sa kama.

"D-dad..." Pumiyok ako.

He looked at me and wiped my tears away. I looked into his eyes. Bumagsak ang luha ko bago ako nagsalita kaya napayuko ako.

"I miss Hale..." Humikbi ako.

Tumulo ang luha ni Dad kaya mabilis niya akong niyakap. Tahimik akong umiiyak at nararamdaman kong pinapahid niya ang mga luha niya.

"I'll do everything to make you happy again, anak. I'll do everything for you because you are my daughter. I'll help you overcome your depression." He faced me and wiped my tears again.

Hindi ako sumagot. Hinalikan niya ang noo ko.

Nang mapag-isa na ulit ako dahil sinabi ni Dad na kakausapin niya ang doktor, tumayo ako at naglakad palapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at tumingin sa labas.

Nagulat ako nang makita si Ice na nakatayo at nakayuko sa harap ng bahay habang basang basa ang katawan dahil sa malakas na ulan.

Mabilis kong kinuha ang nightrobe ko at kumuha ng payong. Mabilis akong bumaba at nang nakalabas ako ay agad na umangat ang tingin ni Ice sa akin.

"Y-yen!" He immediately ran towards me.

"What are you doing here?! Look at yourself!" sigaw ko at lumapit sa kanya para mapayungan siya.

"Yen, please... comeback... I'll endure the pain. I don't care anymore if you're the daughter of..." Hindi niya naituloy ang sasabihin. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"I don't care if you're the daugh—"

"Go home. We're done." Hinawakan ko ang kamay niya para ibigay ang payong at tinalikuran siya.

Narinig kong tinapon niya ang payong sa gilid at mabilis akong niyakap mula sa aking likuran.

"Baby, please. I don't care about this pain anymore. All I want is to be with you. Yen, nagmamakaawa ako..."

Hindi ako nakapagsalita. Pareho na kaming basang-basa ngayon. Tahimik lang akong umiiyak habang yakap niya ako. I will just let him hug me because this will be the last time. Kung wala siyang pakialam sa mararamdaman niyang sakit, ako meron.

Gusto ko siyang balikan dahil mahal ko pa rin siya pero ang hirap dahil sa katotohanan ng bawat pamilya namin... at gusto ko rin siyang pakawalan dahil 'yon ang tamang gawin.

Life isn't easy because sometimes, the hardest thing and the right thing are the same.

"Yen, ibibigay ko lahat sa'yo. I'll make you happy. Nagmamakaawa ako... 'wag ganito." Humikbi siya sa balikat ko.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako nang mahigpit, hindi ako nagreklamo, hindi ako kumibo. Ang tanging nagawa ko lang ay hayaan siya dahil pagkatapos ng yakap na 'to... papakawalan na namin ang isa't-isa... papakawalan ko na siya.

"I'm sorry for leaving you alone. Because of me, our child died. Pero, Yen... mahal kita. Tiniis ko na 'yung isang taon na hindi ka makita pero ngayon... hindi ko kaya. Hindi ko na kaya. Bumalik ka na sa akin... sa akin ka na ulit nagmamakaawa ako." Naramdaman ko ang mainit na likido sa balikat ko. Umiiyak pa rin siya.

Napayuko ako. Tinignan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin. Mahal din kita, Ice, pero nasasaktan tayo ng pagmamahal na 'to.

Dahan-dahan kong hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Bitawan mo na ako," mahinang sambit ko. "Pakawalan mo na ako."

"Yen—"

"Palayain mo na ako..."

Sa tingin ko ay nanghina siya sa sinabi ko dahil unti-unti kong natanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Bumagsak ang kamay niya.

Hindi ko siya nilingon. Huminga lang ako nang malalim habang tahimik na umiiyak.

"Palayain na natin ang isa't-isa... pinapalaya na kita, Ice... palayin mo na rin ako." In order to save him, I must let him go.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 141 34
ATHLETE SERIES # 4 Andriette Calliope Clementine Molina, needs to win the last tournament in order to hold the title of national chess master. Little...
425K 6.1K 24
Dice and Madisson
72K 1.3K 53
A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university...
343K 13.1K 44
Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na w...