Embracing the Wind (Formenter...

By mughriyah

267K 3.2K 488

Warning: This novel will talk about suicide, rape, violence, depression, sex and inappropriate languages. If... More

Embracing the Wind
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Note

Chapter 25

5.1K 70 10
By mughriyah

"Where did you go, Yen?"

Nakatikom lang ang bibig ko. I was about to go back to hotel but he suddenly showed up in front of me. Wala akong masabi. Nakayuko lang ako habang pinipigilan ang luhang bumagsak.

I swallowed when he held my hand. Hindi ko pa rin makalimutan na minsan na niya akong sinaktan. Natatakot na akong makalapit sa kanya.

"I'm sorry..."

Hindi ako nakapagsalita.

"I'm sorry for that day, Yen. I was just hurt. Hindi ko alam kung kanino ko isisisi ang lahat... I'm really sorry. I forgot that you were also hurting."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at ngumiti. "It's okay, Dad. I'm okay now."

Niyakap niya ako. Siguro kung kagaya pa rin ako ng dating ako noon, humagulgol na ako. Nasasaktan ako ngayon dahil pati siya ay iniwan ako noong mga oras na kailangan ko ng kasama. Siya na lang ang natitirang pamilya ko pero ganoon pa ang nangyari.

"Let's go home. From now on, I'll take care of you." Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatulala ako roon.

Bumibigat na naman ang puso ko. Sobrang nasasaktan na naman ako dahil kahit isa sa mga taong mahal ko at inaasahan ko ay walang nakaalam na nawalan ako ng anak.

"Let's go home, Yen..."

"I'll just... get my things." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at mabilis akong pumasok sa hotel.

I think it's better to comeback home. I'll live my life again. Tutuparin ko ang huling pabor ni Hale sa akin... hindi ko na sisirain ang buhay ko.

Tahimik na nagmamaneho si Daddy. I was just looking outside. Isang buwan pa lang ang nakakalipas kaya hindi pa masyadong nakakalimot ang puso ko. Until now, I was still thinking about him – kung ano na ba ang mga ginagawa niya, kung nasaan siya, kung kumakain ba siya at kung ligtas ba siya.

I tried to contact Master Lee and Mrs. Alexandra before but they were not answering my calls. Kahit sila ay hindi ako pinapansin.

Pagdating sa bahay ay hinarap ako ni Daddy. He then caressed my face. "I'll go with you if you want to visit your mom and your sister. Again, I'm sorry, anak. Dad was just hurt." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

And suddenly, I remembered my mindset before – we all make mistakes.

I smiled at him. "Stop apologizing, Dad. I'm really okay now." I smiled again. "Don't think about me. Kaya ko naman po mag-isa."

"I shouldn't have blamed you because it was really my fault. Ako dapat ang nag-aalaga sa iny—"

I held his hand. Lumalambot pa rin ang puso ko... lalo na pamilya ko siya, tatay ko siya. I can't just ignore him... I want to forgive him.

"Let's just forget the past, Dad. Let's start over again. You do your work and I'll do mine." I smiled. "Kayanin po natin."

Tumango siya. "I missed you, my daughter." Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at niyakap ako. Hindi ko napigilang ngumiti.

Bumagsak ako sa kama. It has been a month and I missed this room. Tumayo ako at pinagmasdan ang buong kwarto ko. Napatigil ako nang makita ang libro na ibinigay sa akin ni Ice. Ito ang libro ni Selene.

I want to laugh when I remembered what he said. He said he would take me to Selene's book signing but he left me. Lahat talaga ng pangako ay nababali.

I want to tell him that don't ever make a promise when you're happy. Nasasabi mo lang ang mga bagay na 'yan dahil masaya ka, nangangako ka lang dahil masaya ka at kapag binawi na ang lahat ng saya na 'yan... wala nang mga pangako na matutupad.

Pero paano ko 'yon masasabi sa kanya kung wala siya ngayon dito. Hahayaan ko na lang tutal hinayaan niya na ako.

Ganoon naman dapat, hayaan na natin 'yung mga taong hinayaan na tayo. We don't deserve them because we all deserve happiness. Palagi lang dapat nating piliin sumaya kahit sa napakamasalimuot na sitwasyon.

Kaya ngayon, pipiliin kong sumaya. I will never depend my happiness on someone again because happiness starts with ourselves. You have to make yourself happy before you make other people happy so that, when you already made them happy and they left you... there's still happiness left in yourself. Hindi ka maiiwan... masasaktan ka pero kasama mo pa rin 'yung sarili mo.

My mistake was... I forgot to make myself happy. Masaya lang ako kapag nandiyan siya, masaya lang ako dahil sa kanya... nakalimutan ko kung paano sumaya nang wala siya kaya ngayon, puro sakit ang naiwan sa akin.

But I already learned my mistake and I will never do the same again. We all have to be selfish in order to save ourselves from drowning in pain.

I mean – what's the point of being selfless if they just leave you in the end? It's useless. Live your own life. Value yourself. Put yourself first. Love yourself and make yourself happy.

If you value yourself, you'll start to know yourself more.

If you put yourself first, you'll start to love yourself.

If you love yourself, people will not take advantage of you.

And if you're happy, you'll never be left alone because you have yourself.

Napatigil ako sa paglapag ng libro sa mahabang table ni Selene. It's been a year. Isang taon na ang lumipas at naalala ko na naman ang nakaraan.

"Uhmm... Hi?"

Napatingin ako sa kanya. Agad kong inilapag ang libro sa mahabang table niya. Ngumiti siya. "Ikaw si Hope 'di ba?"

Nagulat ako dahil kilala niya ako. "Uh... yes."

Her smile widened. "Alam mo, be? Crush ka rati ng bestfriend ko! Chance name niya!" Humagikgik siya habang pinipirmahan ang libro ko.

"H-huh?" Hindi ko alam ang sasabihin.

Selene is too beautiful in person. Ms. pa ang tawag ko sa kanya noon, hindi ko alam na kasal na pala siya.

"Oo 'te! Crush ka no'n. Woah! Grabe! Ang ganda mo sa personal, Hope! Pwede ba kita syotain?" nakangiting sabi niya.

Bigla akong natawa. "Joke lang! May asawa na pala ako, ayun nga oh. Malamig ang titig sa akin kanina pa."

"Why? Did you fight?" I asked but she shook her head.

"Be, hindi. Ano kasi, nagpapacute ako sa mga lalaking gwapo na fans ko! Crush ko sila kahit may mga anak na ako!" Tumawa ulit siya.

Napangiti ako. Napakamasiyahin niya sa personal tapos ang mga sinusulat niya sa libro ay napakalalim.

"De joke lang. Pinagtitripan ko lang si Dos," aniya at ibinigay sa akin ang libro. She then looked at me.

"It's nice to see you, Hope. Ang pretty mo sa personal, pretty ka naman sa pictures pero mas pretty ka in person. Pahingi autograph." Tumalikod siya at inipon ang lahat ng buhok niya sa isang gilid.

"Y-you mean? Dito sa likod ng damit mo?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo, mars. Iinggitin ko si Chance sa autograph mo. Dali!" Humagikgik ulit siya kaya natawa na lang ako at kinuha ang pentelpen.

"Thank you," sabay naming sabi. Gumaan agad ang loob ko sa kanya dahil halata namang mabait siya.

Ang saya ko dahil sa wakas ay nakita ko na siya at nakuha ko ang sign niya.

Pero unti-unting nawala ang mga ngiti ko nang may biglang maalala.

He said we would go here together but I was here alone.

Mahina akong natawa at umiling. I was about to start a walk but my jaw dropped when I met his eyes. He was holding a book and I guess he's here to get Selene's sign.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakikita ko sa mga mata niya na nagulat din siya nang makita ako. Napalunok ako. Pakiramdam ko ay babagsak ang mga tuhod ko sa sahig... After a year... we met again.

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko habang nakatingin sa mukha niya. I admit... I missed him. I missed him so much. He was wearing a black long sleeve polo and jeans. Nakatupi ang sleeve nito hanggang sa kanyang siko kaya alam kong exposed ang tattoo niya. Naka tuck-in naman ang black long sleeve polo niya sa jeans. He was still wearing his gold necklace.

Humigpit ang hawak ko sa libro nang mag-umpisa siyang humakbang ulit. Napalunok ako ng maraming beses.

From the butterflies in my stomach to a sudden stab on my chest.

Bumagsak ang luha ko nang nilagpasan niya ako. I smelled his perfume and I feel like I was back in the past.

Nilagpasan niya ako. Umasta siyang parang hindi ako kilala. Siya itong nang-iwan, siya ang umalis ng walang paalam, siya yung lumayo at siya ang may kasalanan sa akin pero kahit isang paliwanag... wala akong natanggap.

Huminga ako nang malalim at mabilis na pinahid ang mga luha ko. Nag-umpisa akong maglakad at hindi ko siya nilingon — pinigilan ko.

Ayoko na. I am afraid to get hurt again. Tama ang ginawa niya, umasta na lang kami na parang hindi namin kilala ang isa't-isa. Ayoko na ng paliwanag. Hindi ko matatanggap ang kahit anong paliwanag niya sa pag-iwan niya sa akin.

Mabilis akong pumasok sa kotse at doon na nanlambot ang mga tuhod ko. Ito na naman ako, nasasaktan na naman ako. Ang paraan ng pagtingin niya sa akin kanina ay para bang pinandidirian niya ako. Bakit, Ice?

Para bang diring-diri siya akin... para bang ayaw niya na ulit akong makita. Galit siya, alam ko. Naramdaman ko ang lamig at galit niya.

Pero bakit? Anong dahilan ng lahat ng 'yon? Anong ginawa ko sa kanya para tignan niya ako ng ganoon?

Ice, you're torturing me.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwing safe gayong ang daming pumapasok sa isip ko no'ng nagkita ulit kami... sa book signing event pa ni Selene.

What happened, Ice? You loved me. You even wanted to suffer alone than to see me suffer. Okay lang sa'yo noon na itanggi kita sa mga tao dahil ayaw mong maapektuhan ang career ko pero anong nangyari ngayon?

Why did you look at me with those cold eyes?

Napatingin ako sa gilid ng kama ko nang malakas na tumunog ang cellphone ko. Benj was calling me. Pagod kong sinagot iyon.

"Why, Benj?"

"Yen, nakalimutan mo na ba? May photoshoot ka ngayon. Nandito na ang mga makakasama mo," aniya kaya tumango ako kahit alam kong hindi naman niya makikita.

Bumalik na ako sa kanya dahil nagkaroon ng scandal si Margaux at kumalat 'yon sa social media kaya sinuka siya ni Benj. Wala naman talaga akong planong i-cancel ang kontrata ko noon pero dahil nakita kong nagtatrabaho nang maayos si Margaux, naisip kong i-cancel ang contract at lumipat sa ibang kumpanya at ngayong nagkaproblema si Margaux sa publiko, pinabalik ako ni Benj.

Hindi ko pa alam kung sinong mga makakasama ko sa photoshoot. Naligo ako at nagbihis. I was wearing a nude sleeveless shirt, high-waisted jeans and tacones altos. I curled my hair and after fixing myself, I went out.

Lumilipad pa rin ang isip ko habang nagmamaneho ako at mabuti na lang talaga nakarating akong ligtas sa kumpanya.

Pagdating ko sa photoshoot room ay nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Am I dreaming? Ano ba 'tong nakikita ko ngayon? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Sa tuwing nakikita ko siya ay bumabalik lang ang lahat ng sakit.

Hindi siya nakatingin sa akin. May nag-aayos sa buhok niya. Napatingin ako sa kabilang gilid and I saw Wane and... Ethan.

"Yen." He smiled and walked towards me.

"Ethan? It's been a long time. How are you? I heard you were out of the country, kailan ka dumating?" tanong ko.

He smiled. Mas lalo siyang gumwapo. "I'm good. I'm doing good now. Kahapon lang ako dumating. I'm sorry I didn't have to say goodbye to you because I had to take care of my troublemaker sister. How have you been?"

"I'm fine. What are you doing here?" I asked because he's not supposed to be here. He's a celebrity and this is a modeling industry.

He smiled even more. "Benj asked me to do this and I want to this because you're here."

Saglit akong nagulat. What does he mean? He'll do this thing because I'm here? Ano naman kung nandito ako?

I was surprised when he held my hand. Tumingin ako sa mga tao at nakita kong kinikilig sila. What? Kumunot lang ang noo ko.

"I told them I like you, Yen. I've wasted so much time but now that I'm back, I'll court you." Nanlaki ang mga mata ko.

"Yes! Go, Ethan!" si Benj.

Agad akong bumitaw sa kamay niya. I awkwardly smiled. "E-ethan, nasa trabaho tayo..." I'm not ready for this — No. I don't want to open my heart. Kaibigan na lang ang maibibigay ko sa mga tao.

"Alright. I'll court you later. Let's just do this work first." Ngumiti siya at pumunta sa gitna.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin din sa akin si Ice. He was looking at me with those eyes. His arms were crossed while looking at me. Sa mga tingin niya, ramdam ko ang galit sa loob niya.

Umiwas ako ng tingin. Nanghihina ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Nilingon ko si Wane at ngumiti lang siya sa akin. Damn. I had no idea about this. Silang tatlo pa talaga ang makakasama ko sa photoshoot? Hindi naman ako pinaglalaruan ng tadhana?

I don't know what kind of photoshoot this is. Three boys and I am the only girl? Sinasadya ba ito ni Benj? O para lang mahakot niya ang mga tao sa pagbili ng magazine dahil malalaking tao ang nasa cover?

Popular si Wane, si Ethan naman ay artista rin at tiyak akong namiss siya ng mga tao kaya papatok siya... si Ice... Isa siyang Chairman at ako ay isang sikat at international model. Who wouldn't buy our magazine?

Napabuntong-hininga ako nang matapos akong magbihis. I was now wearing a black sleeveless fitted gown. Straight ang buhok ko at pagkatapos akong ayusan ay lumabas na ako.

Nakita kong nakabihis na rin sila. Wane was wearing a black suit and pants. Nakabalandra ang abs niya dahil nakabukas ang suit niya at walang kahit na anong white long sleeve sa loob. He's really hot, huh?

Ethan was wearing a long sleeve polo and pants. Nakabukas ang tatlong butones ng polo niya kaya kitang-kita ang matigas niyang dibdib. Ngumiti siya nang tignan ko siya.

And Ice... he was wearing a black fitted t-shirt and pants. Mas lalo yata gumanda ang katawan niya. Bakat na bakat ang bawat muscles sa katawan niya. His hair was kinda messy and he was not looking at me. He was the simple one but... he's the prettiest.

Napalunok ako. There are three men around me and they are all insanely handsome. Sana maging professional pa ang bawat galaw ko 'di ba?

Bakit kasi ako lang ang babae? Wala na bang ibang models na sasali rito?

"Okay ready!" sigaw ni Shana.

I took a deep breath. Nagsimula na akong maglakad papunta sa gitna. May isang sofa sa gitna. Pang-isahan lang ito. "Yen, upo ka na," si Shana.

Tumango ako at umupo. Nakaupo si Wane sa lapag sa gilid ko. Si Ethan naman ay nasa likuran ko nakatayo at si Ice ay nasa gilid ko nakatayo.

"Woah! The ex-suitor is here, the new suitor is here, the ex-boyfriend is here and the goddamn and insanely beautiful woman in their lives is also here. Ganda mo, 'Yen! Tapakan mo 'ko sa leeg ako pa mag sosorry!" si Shana.

Hindi ko na siya pinansin dahil nahihiya ako. Nag-umpisa na ang photoshoot. Nakafierce lang ako at alam kong ganoon din sila. Ramdam ko ang mabigat na atmosphere.

Nakailang take pa sa ganoon posisyon hanggang sa nagpalit na ng posisyon. Tinanggal na ang upuan kaya nakatayo na rin ako. Muli akong napabuntong-hininga.

Nasa likod ko na si Wane habang si Ethan at Ice ay nasa gilid ko. "Yen, kumapit ka kay Ethan! Para mas close!"

I nodded. I was about to do what I was told but someone suddenly grabbed my waist. Bumilis ang tibok ng puso ko nang iniharap ako ni Ice sa kanya. Ilang beses akong napalunok. Nakatingin lang siya sa camera habang ako ay nakatingin sa kanya.

"Hey–" putol ni Ethan.

"WAIT! This is perfect!" si Shana.

Napalunok ako. Hindi ko na alam ang nangyayari. Parang kaming dalawa na lang ni Ice ang tao dito sa loob.

Tuluyan nang nagwala ang puso ko nang tumingin siya sa akin – no. He was not looking at me. He was looking at my soul. Tagos ang bawat malalamig niyang titig hanggang sa kaluluwa ko.

"You're trembling, Ms. Levisay. Focus," he coldly whispered as he pulled me closer to him. Halos magdikit ang mga labi namin dahil sa ginawa niya kaya napahawak ako sa dibdib niya.

God! I missed his deep voice!

"I thought you were professional... act like one." Nagulat ako nang hinawakan niya ang palapulsuhan ko at inilagay iyon sa balikat niya.

"Don't look at me. Look at the camera."

Napalunok ako at mabilis na tumingin sa camera. Hindi ko na alam ang itsura ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

Sobrang lamig. Sobrang lamig niya, sobrang lamig ng tingin niya kahit ang boses niya. He's cold to me.

Bumagsak ang kamay ko dahil sa panghihina. I can't do this anymore.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang ngumisi siya. "Why? Can't you focus because of me... baby?" he flirtatiously whispered.

Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 141 34
ATHLETE SERIES # 4 Andriette Calliope Clementine Molina, needs to win the last tournament in order to hold the title of national chess master. Little...
24.3K 559 54
Eli, a volleyball player and the Captain of their team met Xhenlai Del Mundo the Captain of the basketball team. She will found a stranger in him she...
1M 32.1K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
914K 10K 36
(In Filipino) Kathryn Chandria Kabe- Bernardo... a highschool graduate; staying in her cousin Katsumi Kabe's band house for the summer. Para magsaya...