Scars of the Past ✓

By BubblyTeaaa

17.7K 702 245

HASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to thi... More

Scars of the Past
Bookcovers
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
// Chapter 11 //
kabanata 12
// Chapter 13 //
// Chapter 14 //
// Chapter 15 //
// Chapter 16 //
// Chapter 17 //
// Chapter 18 //
// Chapter 19 //
// Chapter 20 //
// Chapter 22 //
// Chapter 23 //
// Chapter 24 //
// Chapter 25 //
// Chapter 26 //
// Chapter 27 //
// Chapter 28 //
// Chapter 29 //
// Chapter 30 //
// Chapter 31 //
// Chapter 32 //
// Chapter 33 //
// Chapter 34 //
// Chapter 35 //
// Chapter 36 //
// Chapter 37 //
// Chapter 38 //
// Chapter 39 //
// Chapter 40 //
// Chapter 41 //
// Chapter 42 //
// Chapter 43 //
// Chapter 44 //
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

// Chapter 21 //

198 9 5
By BubblyTeaaa

Gift

Umabot na ng isang linggo, hindi pa rin binabalik sa akin ni Mama ang gadgets ko. Nararamdaman ko na ang inip ko pero buti na lang ay pinapayagan na akong lumabas ulit dahil kay Tito Raphael.

"Uh, thank you po do'n."

Ngumiti si Tito Raphael sa akin bago tumango. "Okay lang iyon, Adira. Aalis ka na ba? Baka kailangan mo ng panggastos?" alok niya na siyang inilingan ko kaagad.

"Okay lang po. Alis na po ako," paalam ko bago lumabas ng bahay at tawagan si Cads.

Tapos ko na rin naman lahat ng assignments ko at nakapagbasa-basa na rin ng ilang nasulat ko kanina sa school kaya wala na akong kailangang alalahanin pa kung sakaling magkaroon ulit ng hindi inaasahang quiz bukas.

"Malapit na ako," sagot niya. "Huwag mo na lang ibaba 'yung tawag," aniya.

I checked on my nails. "Sige, hintayin kita dito sa may babaan ng jeep."

"Hmm, nakakain ka na?"

"Hindi pa nga, 'e. Nag-sagot pa ako kanina ng assignments bago umalis ng bahay."

"Talaga?"

I chuckled and rolled my eyes. "Bakit parang hindi ka naniniwala?"

"Galing ba 'yung mga sagot kay Acer?" asar niya bago tumawa.

Inirapan ko ito at sininghalan. "Magtigil-tigil ka diyan at baka kaltukan kita. Kita mong nagse-seryoso na nga sa pag-aaral."

"Talaga?" tumango ako. "Buti ka pa sa pag-aaral nagse-seryoso, ako kasi ikaw ang sini-seryoso."

Napatakip ako ng mukha ng may mapa-ubo sa tabi ko.

Ang gagang 'to pinapakilig pa mga kasabay namin da jeep!

"Manahimik ka nga diyan, kinikilig si Ate sa tabi ko," natatawang saad ko bago sulyapan ang kasing edad lang siguro naming dalaga sa tabi ko. She smiled at me.

"Masiyadong pa-fall ang boyfriend niyo, Ate," aniya at mas lumawak ang ngiti.

Umiling ako at natawa. "Hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko lang, masiyado lang talagang matabil ang bibig kaya kung anong lumalabas."

Parang nagulat doon ang babae. "Kaibigan mo lang 'yan, Ate? Parang boyfriend."

"Nahihiya lang 'yan sabihin na boyfriend niya ako. Huwag kang maniwala diyan," singit ni Cads bago ako higitan sa beywang.

Umismid ako bago tapikin ang kamay niyang nasa beywang ko.

"Epal ka, malapit na tayo!" saway ko bago harapin muli ang katabi kong babae. "Bababa na kami ha?" tumango siya at ngumiti.

"Para po!"

(◍•ᴗ•◍)

"Adira!!!" halos mapaatras ako ng salubungin ako ng yakap ni Sonic. Humiwalay din naman siya bago ako hawakan sa magkabilang braso at pinagkatitigan.

"Anong nangyari sa'yo? Akala namin naging taong gubat ka na kada uwian galing school!" OA na sabi nito bago ako hatakin papuntang couch. "Cads, tara sa kusina kuha muna tayong pagkain!" aya niya bago hatakin ang kasama ko papuntang kusina.

Nginitian ko ang mga nandoon. Some greeted me back and the rest only nodded their heads at me katulad nina Ozen at Josiah. Mga tahimik. Nandito rin pala ang banda nina Adam?

Nasa drum set si Adam at Niall kahit hindi naman siya miyembro. Ganoon din si Ice na hawak ang gitara kasama sina Van at Aqua na nakahawak naman ng electric guitars. Ngumiti itong dalawa sa akin kaya sinuklian ko rin ng ngiti. Si Ezekiel naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanyang headset habang nakakunot ang mga kilay at nakapikit. Maging ang mga braso nito ay naka-halukipkip. Si Ozen at Josiah naman, may binabasang libro at tahimik din.

Habang si Troy, ang bokalista ng banda ay pasalampak na umupo sa tabi ko at ngumiti. "Hi! Long time no see?" he wiggled his brows at me.

I chuckled.

Ang gwapo din talaga ng isang 'to.

"Yeah, long time no see. Na-grounded bigla ni mother, 'e."

He tied his hair in a half ponytail before giving his attention on me again.

"You know? You're really pretty — no, gorgeous, to be exact," pambobola nito. Agad akong napahalakhak.

"Are you just complimenting me or you're just making a way to flirt with me?" I asked.

I saw how a smirk formed on his thin red lips. His hand ran it's way through his fluffy hair.

"Both, maybe?" sabay halakhak niya at pinag-krus ang mga braso.

"Well, you're not allowed to have a relationship," I mocked and shrugged my shoulders. "Hmm, not this time, though. Pero kapag natanggap kayo do'n sa entertainment kung sa'n kayo nag-audition, bawal na."

Tumaas ang kilay niya bago senswal na kagatin ang ibabang labi. Napairap na lang ako sa kapilyuhan ng lalaking ito. He's really a flirt!

"How did you know about that?"

"Sonic."

Tumango siya. "We can keep it a secret anyway," aniya na siyang ikinatawa ko. I smacked his arm.

"As if I'll let us to be a couple, Troy."

He flashed a grin. "Oh, wait. Imma show you something," umangat siya ng kaunti mula sa kinauupuan bago kuhanin ang phone nito sa back pocket ng jeans niya.

May kinalikot siya roon bago hinarap sa akin ang screen at tumambad doon ang litrato ng isang babae. He smiled.

"Isn't she pretty too?"

I tilted my head as I examine the girl's face.

She's really pretty. The girl have a pale skin but that doesn't make her less attractive. She has an almond eye and a pointed nose, has a brown shoulder-length shiny and straight hair and a flushed cheeks. Nakadagdag din ang mapula, manipis at maliit nitong labi. She's so charming!

"Ang ganda niya," I complimented. Napangiti roon ang katabi ko bago binawi ang phone at tinitigan ang litrato. Napailing ako.

"Gusto mo siya?" pang-uusisa ko.

Nawala ang ngiti sa mukha niya bago isinilid muli ang phone sa bulsa ng jeans niya at umiling. "Hindi. Bawal."

(◍•ᴗ•◍)

Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hanging
Tangayin ang salita

I bopped my head as the band started to sing and perform in front of us.

Troy, the vocalist was holding the mic on the stand as he raked his hands on his hair before continued singing. The drummer, Adam, was just doing his exhibitions using his drum sticks while performing. The guitarists, Van and Aqua have their body slightly reclined to perform better and let their slender fingers swiftly strum on their guitar strings. As per Josiah, the pianist, was just having his own world as he played on the keys of his piano like he really owned it and his position. Halos lahat sila ay buong katawan ang ginagalaw. Maybe it's their way to loosen up more and be lively during their performance.

They need to be hype up on stage or else, the audience will be bored and have no appetite to even watch them.

And as what I can see right now, they really have the chance to reach the top. For now, they are just labeled as an underrated band but I know, they will still strive and reach for much higher position than just an underrated one.

They will be successful someday.

I smiled.

Can't wait for it.

Iibig lang kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman
Iibig lang kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman

'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin

Subukan ang manalangin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Baka bukas, ika'y akin
Sana 'di magbago ang pagtingin

"Go, Troy! Subukan mo na talagang manalangin! Para mapansin ka na!" sigaw ni Niall na siyang ikinatawa naming lahat.

"Why? She like someone?" halos mapapalakpak ako ng marinig ang boses ni Ozen. Totoo bang nag-salita na siya?

"Oo, pare! Nahihiya ang puta," sagot ni Niall at tumawa. Tinaasan ito ng gitnang daliri ni Troy.

"Isang fuck you sa'yo, Domezco," bira ni Troy sa mic para kay Niall. We all laughed.

"Isang goddamn it sa'yo, Mendez," patol naman ni Niall.

"Tss. Stop being childish, you two," saway ni Ezekiel bago hatakin si Niall sa tabi niya para patahimikin.

Napailing na lang ako. Pikunin din pala si Troy kapag usapang babae na.

May biglang kumuwit sa akin at nakitang si Cads iyon. "Kain ka na muna," alok niya. "Hindi ka kumain kanina bago umalis diba?"

Tumango ako. "Sa kusina ka na lang kumain para hindi masiyadong maingay. Samahan na kita."

Tumayo siya bago ako hatakin patayo at nilakad papuntang kusina. Umupo ako roon dahil siya na ang nag-presintang mag-hain ng pagkain ko.

"Ang ingay niyo pala kapag nagsama-sama, 'no?" tanong ko at kumain ng pizza na nilahad niya. Siyempre ham and cheese iyon dahil sinabi ko sa kanya kanina na bilhin ang gusto ko.

Umupo siya sa harapan ko at kumain na lang din. Tumango siya.

"Malapit na birthday mo. Anong gusto mong gift?" nginuya ko ang kinakain ko bago sumimsim sa gatas na nilahad niya.

Nagkibit-balikat ito at nilagyan ng hot sauce ang pizza.

"Ano nga? Baka mamaya kapag ni-regaluhan kita, hindi mo magustuhan."

Nag-angat siya sa akin ng tingin habang ngumunguya. "Kahit ikaw na lang. Balutan mo sarili mo tapos punta ka sa'min."

Napasimangot ako. "Masiyado akong expensive para maging gift lang. No one can buy me," I shrugged.

"Expensive ka para maging gift lang?" pag-uulit niya.

"Yup. Hindi pwedeng pang-gift lang ako dahil expensive ako—"

"Sige, a-asawahin na lang kita para hindi na gift."

I faked a laugh. "Haha, funny ka do'n."

He grinned. "Alam ko na."

"Ano?"

"Diba marunong kang mag-crochet?"

Tumango ako. "Oo, bakit? Anong problema mo?"

Umirap siya. "Bigyan mo ako ng kahit anong ginantsilyo mo," he smiled. "Color grey sana."

"Sige, bigyan kitang crop top na ginantsilyo ko."

"Tss. Seryoso na kasi. Dali na.." he reached for my hands above the table and intertwined both of our hands together making our elbows propped on the table. Then he pouted.

Sige na nga. Should I just make him a crochet stuff toy? Or a bucket hat?

"Sige. Choose over A or B."

Tumingala siya saglit bago sumagot. "Ikaw."

Binitawan ko ang mga kamay niya bago isalampak ang likod ko sa backrest ng upuan kung nasaan ako. "Ikaw na nga gagawan diyan ha."

"Joke lang! A for me, kasi Adira," umirap ako bago itango ang ulo.

"Mag-hintay ka na lang sa birthday mo."

"Yes, Ma'am!"

(◍•ᴗ•◍)

"Ate Adira! Wait lang po!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Namataan ko si Dacia na tumatakbo papunta sa akin.

My brows lifted up. Surprised for her sudden presence in the hallway of junior highschool.

"Oh, bakit, Dacia? Mukhang nagmamadali ka," puna ko. Huminga siyang malalim bago ako inangatan ng tingin.

"Tatanong ko lang po sana uhm.." she looked away and blushed. Dacia bit her lip and withdrew it after making it shiny and wet.

Ikiniling ko ang ulo ako. "Anong itatanong mo?"

Ibinalik nito ang tingin sa akin bago nahihiyang ngumiti. "Tatanong ko lang po sana kung anong magandang ibigay kay Ezekiel?"

Napaawang ang labi ko.

Itong batang 'to talaga! I chuckled and ruffled her head.

I bent a bit to level her height. "You have a crush on him talaga?" usisa ko at ngumiti.

Nagbaba siya ng tingin bago bahagyang tumango. "O-Opo, Ate, 'e.."

I scratched my eyebrow. "Kaso hindi ko alam kung anong magandang iregalo sa crush mo, 'e. Hindi naman kasi kami masiyadong nagkikita, minsan lang."

She disappointedly frowned. "Gano'n po ba, Ate.."

But then there's something popped up inside my head. Kaso baka hindi niya kayang bilhin? "May naisip pala ako, Dacia."

Her face suddenly shined with that. "Talaga po? Ano po 'yon, Ate Adira?"

I pouted. "Kaso baka hindi mo mabili."

She tilted her head. "I can buy everything for him."

Napa-bungisngis ako roon. Sana all mayaman! Mayaman nga ba talaga sila?

"Baka naman gagastusan mo 'yung crush mo pero negative na pala 'yung presyo ng ireregalo mo para sa allowance mo sa school in a month ha!" pananaway ko.

"Ate, we're wealthy naman. Do you know Quesada Resorts? We owned it all," she told me. My mouth formed into 'O'.

"Talaga? Baka fake news ka lang ha!" panga-akusa ko. She shook her head and showed me her student I.D. Nakita ko rin doon ang pangalan ng nanay niya.

At totoo ngang sa kanila ang resort na nakapalibot sa iba't-ibang bayan dito sa amin.

"Sige ganito, bigyan mo siya ng something related sa music! Or kaya if kaya mo, headphones ibigay mo," I suggested.

"Mahilig siya sa music, Ate?"

I shrugged my shoulders. "Palagi ko kasi siyang nakikitang naka-headphones kapag pumupunta kami kina Ice. Pero try mo rin mag-observe sa kanya para malaman mo kung ano pa pwede mong ibigay sa kanya."

"Sige po, thank you, Ate!"

"Teka, bakit mo ba bibigyan ng gift crush mo? Hindi naman valentines or christmas. Wala rin namang events para magbigay ng regalo."

She smiled genuinely. "Gusto ko lang po magbigay para masama ko na rin 'yung letter of confession ko sa crush ko, Ate," nahihiya niyang saad bago mag-takip ng mukha. I chortled. Ang cute niya!

"What crush are you two talking about? Dacia, why did you come near hear in Grade 9? Nasa dulo ang classroom niyo," nagulat kaming pareho ni Dacia ng nasa likuran niya na pala ang ang crush niyang si Ezekiel! Tila nataranta si Dacia at napatago sa likuran ko.

"Ano ba yan, Ezekiel! Ginulat mo 'yung bata," saway ko.

Sumilip siya sa likuran ko kung nasaan si Dacia. Ang kaninang lukot nitong mukha ay unti-unting kumalma. He sighed.

Ezekiel gestured Dacia to come near him. Umalis naman ang bata sa likuran ko bago nahihiyang lumapit sa crush niya. I rolled my eyes. Sana all.

Kinausap pa ito ni Ezekiel kaya nagpaalam na ako sa kanila dahil baka mag-mukha lang akong manonood ng romanticize movie rito kung magtatagal pa ako.

Dacia looked so whipped. Omy.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
174K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
103K 1.5K 102
Months after a failed relationship, Kaiser Koa, a varsity player set his eyes on this girl in the bleachers. Since then, he can't take her out of his...
77.6K 2.1K 49
Panacea Series #1 Elvira Itzel is willing to lose her worth just for the man that she loves. She's willing to give everything for him; her body, her...