Blood Menace

By fbbryant

16.1K 1K 284

Kam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lo... More

Foreword
Part I
1- Kam
2- First Day
3- Rival
4- Achievers
5- Mortal Enemy
6- Perfect
7- Not His Type
8- Field Trip
9- Tough Decision
10- Self to Blame
11- Travel Buddy
12- Sentry Training
13- Macon City
14- Whittles
15- Followed
16- His Plaything
17- Ended Before it Started
18- Sophomore
19- Mr. Nice
20- Surial
21- Field Training
22- Death
23- End of the Beginning
Part II
25- Allies
26- Festival of the Moon
27- Murderer
28- Hellville Academy
29- The Husband
30- Taken
31- The Parents
32- Omelette
33- Broken Heart
34- Love of My Life
35- Pretending No More
36- Comfortable
37- In the Lion's Den
38- Where is Cole?
39- Dramas
40- Illusory
41- Love/Hate
42- Death
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

24- Obis

301 17 12
By fbbryant

Tapos na! Tapos na ang kanyang one week na leave. No, no! Mas tamang sabihin na pinutol ng kanyang Gwapong Gramps ang kanyang leave kaya heto si Cole ngayon sa opisina ng Presidente ng ISOP.

May hangover at inaantok.

"Sentry Bloodworth, are you alright? Do you need coffee?" nakataas ang kilay ng kanyang Lolo Lorcan, ang ama ng kanyang ina.

"I'm fine, Sir," sagot niya saka pilit na umayos ng upo. "Pero bakit n'yo pinutol ang bakasyon ko? May isang araw pa akong natitira eh," he whined.

"Tsk. Isang araw. Kailangan kita rito," sagot naman ng Lolo n'ya.

Lumabi na lamang siya na parang bata. Ang dami niyang planong gawin sa last day ng kanyang leave. He wanted to hangout more with his family. Di bale. Uuwi na lang siya sa Hellville every weekend, his off days.

"Have you been to Chilakest?"

Kumunot ang noo ni Cole. Chilakest? He cursed.

'Wag naman sana siyang ipadala r'on.

"Heard of it but haven't been there, Gwapong Gramps... I mean, President."

"Hmmm... so, you're going there for a special mission," the President wasn't bothered by his slip up. Minsan nakakalimutan niyang ito ang kanilang Big Boss.

Cole groaned. Goodbye, weekend family bonding.

At hello continent na ilang taon niyang iniwasan.

"May problema, Sentry Bloodworth?"

Mabilis siyang napaayos ng upo. "Wala po. Kelan alis ko? Ngayon na? Buti na lang hindi pa ako nag-unpack ng luggage ko galing Hellville. Ready na ready na po ako," nakangisi niyang sagot pero ang totoo ang bigat nito sa pakiramdam niya.

Napangiti si Lorcan. Alam na alam nitong maloko talaga siya pero seryoso siya sa kanyang trabaho.

"You're leaving tomorrow. Here's the file," may inilapag itong itim na folder sa harapan niya.

He picked it up and scanned the contents. Agad na tumaas ang kanyang kilay dahil sa nabasa. "Massacre?"

Bumuntung-hininga si President Lorcan at tila nanghihinang napasandal sa upuan nito.

"We fought a lot of wars in our land. Simula nang dumating si Benny, we achieved peace. She is doing a good job in this Turned Reform Program she started with Bleik. Wala na tayong masyadong problema sa mga Turned."

Ah! Benny! He had fun times with her.

Nakinig uli si Cole.

"For decades, we haven't heard of any trouble in Chilakest. They pride themselves as the center of peace."

Cole snorted. He had heard of that before. Narguille used to pretend that they're a utopia too. That turned out to be a fallacy.

And where did those three gods go? Well, the three Purebloods who turned out to be the founding fathers of their beloved Hellville City?

Nobody knew. They said they were not ready to come home yet. After centuries of being imprisoned in Narguille, they were broken. They needed time to heal. Somewhere. And not in Hellville, where their pain all started.

"Collier!"

"Ay mabahong puwet ni President!" gulat niyang bulalas at agad ding natigilan nang ma-realize kung ano ang kanyang sinabi.

Nanlaki naman ang mga mata ni Lorcan. "What made you think that my butt stinks?"

"Ah er..."

Lagot!

Then they started laughing so hard. Sumakit pa ang tiyan ni Cole.

Natigil lang sila sa kakatawa nang bumukas ang pinto ng opisina ng President at pumasok doon si Orpheus Gerhardt na nakakunut-noo.

"Father, may problema?" agad na napatayo si Lorcan para salubungin ang matandang Pureblood. He was about a thousand years old and looked like a ninety-year old mortal.

"What? Wala naman. Naghahanap lang ako ng makakausap," sagot ng great grandfather ni Cole.

"Ay naku! Bonding time na pala ng mga matatanda. Aalis na po ako. Pag-aaralan ko pa itong misyon ko," aniya at walang balak na magpapigil. Baka dalhin nanaman kasi siya ng lolo Orpheus niya sa library para pagbasahin ng malaswang nobela. Naku! Ginawa pa siyang audiobook. Kung bakit kasi nag-decide pa itong magkaedad eh Pureblood naman. 'Yan tuloy, lumabo ang mga mata.

"Hep, hep," pigil ni Orpheus kaya walang nagawa si Cole kundi ang lingunin ang dalawang matanda.

"May mission ako, Great Gramps. Si Poging Gramps na lang ang utusan ninyong magbasa ng mga erotic novels n'yo," aniyang nakangiwi.

"Tsk. Inosente ako sa ganyan," nakakunut-noong sabi ni Orpheus.

Umikot ang mga mata ni Cole. "Lies! Great Gramps, ang tanda-tanda n'yo na pero gusto n'yo pa rin ng mga erotica. Ilang taon na kayo uli?"

Nagkibit-balikat si Orpheus. "998 years old."

"Ang tanda n'yo na. Kaya pala may nakikita na akong alikabok na lumalabas sa bibig at ilong n'yo kapag nagsasalita kayo."

"Loko 'tong batang 'to."

Natatawang tumakbo siya palabas at dumeretso na lamang siya sa kanyang silid. He had to study the details of his newest mission. Sana naman ma-solve n'ya ito nang mabilis.

He didn't want to stay in Chilakest for long.

—-

Cole arrived in Obis, the capital city of Chilakest, after ten days of travel. He was so thankful that Blackbourne invented the airship. Ang dating ten months na byahe ay naging ten days na lang. Kaya mas yumaman ang kontinente nina Xandros dahil sa negosyo nito. Ito lang kasi ang may technology na ganito sa buong mundo at binabayaran ito ng mga kontinente na gustong magkaroon ng airship.

Well, may mga choppers naman pero for short distances lang ang mga 'yun.

Katulad dito sa Chilakest. International trips were available for a very high cost. Iyung mga gustong mag-travel sa iba't ibang continents ay bumibili ng tickets for public flights. Mas nagiging madali ang pagbisita sa iba't ibang lugar dahil sa airship ng Blackbourne. Maybe the only good thing that Marlowe Blackbourne did for their country. Marlowe was Xandros' uncle and was a very very evil man.

The International Port of Obis was actually pretty nice. It was big, clean and modern. Siempre, lahat ng airships na nakadaung doon ay pag-aari ni Xandros.

Isang magandang babae na siguro ay nasa late twenties na ang sumundo sa kanya. She was a mortal. Itim ang buhok nitong nakapusod at nakasuot ito ng itim na pantsuit.

"Sentry Bloodworth," pormal nitong bati sabay abot ng kamay na agad naman niyang tinanggap.

Cole smiled, iyung pamatay niyang ngiti. "And you are...?" oh, 'di ba? Wala talagang pinapalampas itong charm n'ya. Nakita n'ya kasi ang biglaang paglambot ng ekspresyon ng babae. Agad itong namula at ngumiti nang nakakaakit.

"Kimber," sagot nito na hindi pa rin binabawi ang kamay. At hindi rin naman niya iyun binitawan.

"Nice to meet you, Ms. Kimber," aniya sabay ngisi nang mapang-akit.

Kimber sighed kaya napa-chuckle si Cole. Mukhang hindi siya mabo-bore dito ah.

Cole met with the the Mayor of Obis. Isa itong babaeng witch na siguro ay sixty years old na. Nakapusod din ang kulay platinum nitong buhok, katulad ng kay Kimber. He looked at the lady standing beside the Mayor's desk. Namumula ang mukha nitong cute habang pilit na umiiwas ng tingin.

"Maraming salamat sa pagpunta mo rito sa Chilakest, Sentry Bloodworth," panimula ng Mayor kaya iniwan na ng kanyang mga mata si Ms. Kimber. For now.

"Wala pong anuman, Mayor Ridges. The ISOP President makes sure that we send help to anyone who asks for it," aniyang pomornal na rin.

Tumangu-tango ito. "Have you read the file?"

"Yes," he stretched his legs and lean on the back of his chair. "A massacre of twenty mortals?"

Tumango ito. "Hindi pa ito nangyari sa buong history ng Chilakest. We pride ourselves as peaceful people. Nakakahiya mang aminin but we don't know how to handle this situation."

"Hmmm... so, walang suspects?"

Nagkatinginan ang dalawang babae at biglang naging uncomfortable ang mga ito.

"M-Meron naman but we can't approach her. She is a big personality here. Sinasamba ng marami."

Napaayos ng upo si Cole. Interesting. "Who is it?"

Isang manipis na puting folder ang itinulak ng mayor sa direksyon n'ya at agad niya itong binuksan.

Name: Kamdyn Siobhán Caedis Hayes
Aka: Kam Hayes
Occupation: singer, songwriter, dancer, actress
Age: 32 years old
Species: Pureblood

Muntik nang mabitawan ni Cole ang file lalo na nang makita ang pamilyar na mukha ng babae sa picture na naroon.

She looked the same from twelve years ago. Mas nag-mature lang ng konti dahil siguro sa makapal nitong makeup.

Kunot ang noo na binalingan niya ang Mayor. "So, she's untouchable because she's a celebrity?"

He pretended he didn't know her.

"Hindi lang basta-bastang celebrity, Sentry Bloodworth. She is protected by her father, Darick Caedis, the richest man of Chilakest."

"Hah!" 'yun lang ang nasabi ni Cole. Everything made sense; kung bakit tila takot na ma-involve ang Mayor's office sa kasong ito. "She's hiding behind her father's back huh?"

Ang mga Caedis pa rin pala ang pinakamayaman dito.

Tumango ang Mayor at si Ms. Kimber.

"Hindi kami makalapit sa kanya to get her statements. Not even the police. Palagi kaming hinaharang ng kanyang bodyguards. Utos ng kanyang ama, for sure," anang Mayor. "Hindi naman kami makalapit kasi nga, halos lahat ng Chilakest ay dahil sa pera n'ya. Even this city hall. Darick Caedis also owns the police force, apparently."

"What do we know about her?" He had to ask. The Kam he knew twelve years ago was probably gone. Ibang Kam na ito. Hindi na niya ito kilala.

"Kung si Kam ang masusunod, we are sure na makikipag-cooperate siya sa batas. She's actually a very good person. Approachable, matulungin, mabait. She and her friends of Turned vampires are known for their blood parties pero ito ang unang pagkakataon na may namatay."

Nagulat si Cole.

"Blood parties?"

"Mahirap makakuha ng susi sa kanilang blood party. So, for mortals to be invited is such a big honor. Mortals get to enjoy the luxury of these parties and meet their idol. In return, they give some of their blood for the vampires' consumption."

"Huh!" Cole was left speechless. This mission just got better and better.

And Kam? Definitely a different person now.

"Another reason why we called ISOP. We need an outside intervention. And you're the outsider that we need," dagdag pa ng mayor.

Muling tiningnan ni Cole ang mukha ng babaeng nasa picture na naka-clip sa first page.

She had shoulder-length golden hair, gold din ang mapupungay nitong mga mata, her brown skin was glistening, her full lips... he used to enjoy those beautiful luscious lips.

Napalunok si Cole. Mabilis niyang isinara ang folder saka binalingan si Kimber. Ngumiti ito sa kanya at agad siyang gumanti ng matamis na ngiti.

"So, are we good here, Sentry Bloodworth?" untag ng mayor.

"I will do my best to help, Mayor Ridges. Isa lang ang hihilingin ko. Please, keep my presence a secret."

"Makakaasa ka."

—-

Tumilapon sa sahig ang vase kasabay ng pagpalit ni Kimber sa pwesto nito sa ibabaw ng console table na nakadikit sa dingding.

Cole ravaged the woman's lips and his hands wandered inside her thighs. She smelled like strawberry and she tasted like one too.

Umungol ang babae na mas lalong nakapagpainit kay Cole. Wala siyang pakialam na iilang gamit na ang nabasag nila rito sa loob ng kanyang hotel room sa Caedis Suites.

Pero bigla na lang nag-flash sa isip niya ang picture ni Kam na nasa file nito.

Cole cursed in his mind. Bakit ngayon pa nito sisirain ang moment n'ya?

He forced himself to focus on Kimber.

Bumaba sa leeg ng babae ang kanyang mga labi habang paakyat naman sa dibdib nito ang kanyang kanang kamay. Biruin mo 'yun, wala pa siyang twenty-four hours dito at makaka-score na s'ya. Ang lakas n'ya talaga. Walang binatbat ang kaibigan niyang si Malik.

Sana game ang babae every time he'd need a release.

"I love you."

Agad na nag-freeze ang binata at tila bigla siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig.

What the fudging fudge?

Tiningnan niya ang mga mata ni Kimber at mukhang high na high ito sa ginagawa nila.

"What?" binawi ni Cole ang kanyang mga kamay kahit na todo-kontra ang katawan n'ya.

"I said I love you," dazed na sambit ni Kimber. Namamaga pa ang mga labi nito. "I will marry you and give you five children. We will live happily ever after in a beautiful two-story house with white picket fence."

Ilang beses na napamura si Cole sa kanyang isipan. This was the first time that something like this happened.

"Uhm... Kimber, we just met a few hours ago. How could you love me already?"

Biglang bumaha ang galit sa mukha ng babae saka ito tumalon pababa mula sa console table.

"So, hindi mo ako pakakasalan?" anito.

"Is this a trick question?" ani Cole na napakamot ng batok. Seriously, sign na yata ito na dapat ay magbagong-buhay na s'ya.

Hindi sumagot ang babae at galit lang itong nakatitig sa kanya.

"Uhmmm... no?" aniyang dahan-dahang umatras.

"User! Man-whore! Walang modo! Salot sa lipunan!" sigaw ni Kimber habang isa-isang pinupulot ang mga gamit nito.

Ilang beses na napakurap si Cole nang marinig niya ang malakas na pagbagsak ng pinto ng kanyang hotel suite.

"Wow," hindi makapaniwalang bulalas niya saka naihilamos ang kanyang mga kamay. "Unbelievable!"

May mga tao pala talagang gan'on 'no? Buti na lang wala pang nangyari. 'Pag nagkataon, naku lagot talaga siya.

"Wow," sambit niya uli. Now, he needed to cool down. Akala pa naman niya ay game ang babae.

Oh, well. Wala na siyang magagawa pa.

Dismayadong kinuha na lamang niya ang file ni Kam Hayes na bigay ni Mayor Ridges.

Isa pa 'tong panira ng gabi n'ya.

Tsk. Kam Hayes.

Hayes!

Did she marry that washed up actor? Ano nga uli ang pangalan n'on? Kray Hayes?

The woman in the picture was stunning. Parang nangungusap ang mga mata nito kahit nasa larawan lang. Paano na kaya kapag nakita n'ya ito sa personal? Baka malunod talaga siya.

Again!

Tsk. How he hated her! Ilang beses niyang ibinulong sa sarili 'yun.

Sunod niyang nabasa sa file ay ang listahan ng mga kaibigan ni Kam na mga Turned vampires. Ayun sa report, Kam turned all of them and personally guided all of them.

"Blood party," sambit niya. Hindi lang siya makapaniwala na legal iyun dito sa continent kung saan masaya at payapang nag-coexist ang lahat ng mortals at supernaturals.

Kam and her friends had been doing this certain type of party for seven years now and this was the first time that people died.

Binasa ni Cole ang address ni Kam. Kailangan n'ya itong makausap nang personal.

Napahinga siya nang malalim. Makakaharap nanaman niya ito. Pagkatapos ng ginawa nito, handa na ba siya?

He checked the file again.

Isang picture ng lalaking mukhang nasa  mid-twenties ang nakita n'ya. He had gray hair and electric blue eyes. Ang intimidating ng aura nito. Iyung isang tingin pa lang nito ay magdudulot na ng nervous breakdown.

Father: Darick Caedis
Age: 1,500 years old

Napasipol si Cole.

"Super old. Ew," aniya pero ipinagpatuloy naman ang pagbabasa.

Species: Pureblood

"Alright. Now, how about your mother, Kamdyn."

Mother: Kenia Caedis
Age: 800 years old
Species: Pureblood

Napakunot ang noo ni Cole. Parehong ancient ang mga magulang ni Kam. Ilang daang taon pa pala bago nagkaanak ang mga ito.

Purebloods didn't reproduce easily. Kaya lahat ng kakilala niyang Pureblood ay either only child or may isang kapatid lang.

The woman on the picture looked young, mukhang nasa early twenties. Ito ang kamukha ni Kam. Gold ang buhok at mga mata nito. And like other Purebloods, her beauty was baffling.

Muling tiningnan ni Cole ang picture ni Kamdyn Caedis aka Kam Hayes. Sobrang ganda pa rin nito.

Her eyes. Maliban sa rare ang kulay ng mga iyun, kita rin niya ang lungkot mula roon.

Despite being the richest heiress in the continent, despite the fame, she still wasn't happy.

"How are you, Kam? What happened to you? What really happened to those mortals?" kausap niya sa picture nito.

Napailing si Cole. Ang dami niyang gustong itanong sa babae. Lahat personal questions at walang kinalaman sa case.

He didn't realize this before, but he missed her a lot. And he wasn't ready to process that realization.

***
Hello, everyone.

Kumusta?

I'm so sorry. Sobrang tagal talaga ng updates 'coz super busy sa school then nagbakasyon ako sa Pinas. But then my son was hospitalized. Nag-dengue pa s'ya dun kaya sobrang stressed ko at nawalan ako ng ganang magsulat.

But I will do my best.

@immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

139K 3.3K 65
A story about five boys and a girl.
14.2K 2.1K 62
Having a campus heartrob as one of the main characters is a bit cliche but here, you'll witness some sort of twist. Dare? Brave people always accept...
5.1K 283 28
Grew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and e...
9.4K 699 33
"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which mai...