Biggest Dream of A Fangirl

By ritken_vibes

151 27 21

Would you ever thought that someday an artist will fall inlove with their fans literally? What if someday you... More

Prologue

Chapter 1: Baby

72 14 7
By ritken_vibes

Rita's POV

"Oh my goshhh,Ken Chan,my baby!!!"tili ko nang makita ko ang idol kong kumakanta sa stage ng paborito niyang kanta na Don't know what to say.

"Mahal ko 'yan!"

"Babe,i love youuu!"

"T*angina,ang gwapo mo talaga!"

"Ken Chan,anakan mo ako please"

Napalingon naman ako sa mga babaeng nag-sigawan at napasimangot ako.Hmp napaka feelingera naman nila,may pa mahal,babe,tapos compliment pa ng gwapo siya with matching mura at anakan pa!.Tss pero sino bang hindi mapipigilan ang pagsasabi ng mga ganoong salita kung nasa harapan mo na ang nag-iisang Ken Chan.

"P*tcha,Lord ano 'to bakit parang lumalapit siya sakern"napahinto ako sa pagtili nang ngumiti ang baby boy ko at inilahad niya ang kamay niya sa'kin.

Omg,Lord grabe ka na po.Ako na ata ang isa sa maswerteng fangirl niya enebe.At dahil sa kilig ay tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang maisipang yakapin ko nalang siya at nagsisitili.

"Wahhh baby!!!"sigaw ko habang nakayakap pa rin ako sa kaniya.Nakita ko naman na nagsidilatan ang mga mata ng ibang fangirls niya pero hinayaan ko na lamang.Duh maiinggit sila...charot.

Nakita ko naman na nawala ang ngiti sa labi ni baby Ken ko kaya napaayos ako ng tayo.Binitawan ko na rin ang pagkakayap dito.Ano ba,Rita,kunting hiya naman please.Pa-paano kung ipakasal ka ng magulang mo kay Ken tapos tatanggihan ka niyang pakasalan kasi napakakulit mo..de joke lang.As if namang mangyayari.

"Don't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears
When you pass by I could fly"

Rinig kong pagkanta niya sa harapan ko,syempre ako kinikilig lang habang nakatitig siya sa'kin.

Oh my gosh shet,luluhod siya sa harapan ko.Omg mag po-propose na ba siya sa akin?Nasaan ang singsing?

Lord hindi ko naman po expect na mag po-propose itong baby ko,sa harap pa ng maraming tao.Edi sana nakapaghanda naman ako diba?pero okay lang yun atleast nasurprise ako.. charot!

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon para akong nakakain ng buto ng kamatis at tumubo sa tiyan ko dahilan para mamula ang buong katawan ko,yes buong katawan,hindi lang pisngi.

Agad ko siyang niyakap ng dahan-dahan nang matapos niya na akong haranahin eme kantahan pala.Ano ba 'yan bakit bitin?Binalik niya na agad ako sa dapat kong kalagyan.Para tuloy niya akong pinagtatabuyan hmp.

—-

"Omg,bes!!!.Si baby Ken ko,dinala ako sa stage tapos lumuhod siya sa akin,tapos-tapos kinantahan niya ako ng favorite song niya na Don't know what to say wahh"kinikilig na sabi ko sa bestfriend kong si Louisse,Louie for short.

"Ano ba 'yan bes makatampal ka naman sa'kin para wala nang bukas"natatawang sabi niya.Eh hindi ko mapigilan eh,syempre ito yung pangarap ko na mapansin niya tapos ito ngayon,isang pikit ko lang natupad na!

"Eih kasi alam mo namang crush na crush ko yung tao eh,support ka nalang kasi bes"

"Okay,okay basta kapag pinaiyak ka niyang Ken Chan na 'yan ako mismo ang makakalaban niya"aba'y ang speed naman nitong bestfriend ko,paiyak agad?ano?may kami pero hindi ko alam?

"To naman ang speed mo,eh wala pa ngang ginagawa sa'kin yung tao tapos paiyak agad.'Yaan mo ikaw na talaga yung kukunin kong maid of honor kapag kinasal na kami"pagbibiro ko.

"Alam mo Daniela mas speed ka.Ang akin lang kasi,diba nga ang sungit niyang idol mo tapos hindi man lang ngumiti,oo nga ngumingiti pero para namang pilit,para lang mapakita niya sa mga fans niyang masaya siya,sa ginagawa niya."grabe naman ito,napaka judgerist este judger ano ba kasi yun?.. ah oo napaka judgemental pala.Sorry na tao lang.

"Hmp,huwag ka munang manghusga bes kasi hindi mo pa naman nakikita yung baby ko"pabatang sabi ko.

"Okay sabi mo 'yan eh"

——

Alas dose na ng madaling araw pero hindi pa rin ako natutulog.Syempre fangirling is life baka mamaya may update about sa baby boy ko tapos bukas pag-gising ko late na ako.Duh ayoko naman nun,gusto kong palaging active.

Habang kinukulikot ko ang phone ko ay biglang may nag pop na notification mula si twitter and yes tama ako may update tungkol sa kaniya.

Agad kong binuksan ang twitter account ko at tinignan ang update tungkol sa baby ko.Ini-stalk ko ang account niya.

"Aww ang gwapo gwapo mo talaga"hindi mapigilang compliment ko sa kaniya habang binabasa ang labi.Eh sinong hindi maga-gwapuhan kung nakasuot na siya ng pantulog na damit tapos may pa pose pang rock n roll or nag sha-share mo lang haha at ang caption 'pssst' tinatawag ata ako nitong baby boy ko eh.

Tapos nag scroll pa ako at yown meron pa.Oh my gosh enebe ang gwapo talaga,mukha talaga siyang bad boy kasi hindi man lang naka smile pero bagay naman.

Nabasa ko naman ang caption niya at sabi 'Hindi ako makatulog. I just don't want to be lonely..' one dot susugurin ko na yung condo unit nitong baby ko.Hmm i chat ko kaya siya?baka sakaling mag reply.Pero hindi naman na akong aasa na mag-rereply siya,itry ko lang namern.

[Hi Ken,my baby.Hindi ka ba makatulog?Ako rin eh.Kumusta ka jan sa unit mo?Alam kong lonely ka,pero maghintay ka lang dahil hindi mo na kailanman mararamdaman ang pag ka lonely pag naging akin ka na..charot.Sige na ang harot ko babush labyouu baby!] message sent to Ken Chan.

Gosh,tama ba 'tong pinagsasabi ko?Baka mabasa niya ito.Grabe ka na 2021,hindi mo na talaga tinanggal yung pagkahiya ko.Pero okay lang kahit ano gagawin ko,kahit na magmukha akong tanga basta para sa kaniya.

Nilagay ko naman ang cellphone ko sa tabi ng kama ko.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang tumunog ang phone.Wah feeling ko nag reply siya,feeling lang naman eh.Agad kong kinuha ang phone ko at dahil sa pagmamadali ay imbis ang phone ang mahulog ay ako ang nahulog sa kama.

"Aray,p*tcha ang sakit ng balakang ko"pag-inda ko habang hawak-hawak ang balakang ko.'Yan ang napapala ng kamamadali tapos nahulog pero wala namang sumasalo hmp.

Pero kahit na iniinda ang sakit sa balakang ay tinignan ko pa rin ang phone ko.

"Omg nagreply siya!!"tili ko nang makita sa lockscreen ang notification na nag reply siya.Ano kaya ang nireply niya?yieee.

[Hi Kendys Rita ! Please Subscribe to Ken Chan Chasing Chan Youtube Channel Thank you 🙂 Click the link 🙂https://www.youtube.com/channel/UC1SFEAGSs9dM4tjGFER_-Uw]

Agad naman akong napanganga nang mabasa ang reply niya.Shete kala ko naman magbabago na yung buhay ko as a fangirl,kala ko magiging close na kami kasi nag reply siya.Pero hanggang akala lang pala.

Dismayado akong umupo sa kama ko at pinagkakatok ang cellphone ko argh nangigigil ako puro automated message lang natatanggap ko kapag nag chachat sa kaniya.

At dahil malungkot ako ay binuksan ko ang twitter ko at nag tweet.

[Nabudol na naman ako sa reply mo sa fb page mo baby,kala ko naman ikaw na talaga yun pero automated message lang pala @akosikenchan]

Okay,na tweet ko na at minention ko pa siya,para naman malaman niya kung ano ang nararamdaman ko sa automated message na yun.Hmp paasa..charot.

Nagising ako ng maaga sa ingay ng kaibigan kong si Louie.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi dahil sa iyak.Yes umiyak talaga ako kahit na ganun lang yun,dinaramdam ko pa rin.Eh kasi nga sobra akong umasang mag-rereply siya sa message ko kahit alam ko namang hindi kailanman ay magkakatotoo.Sige sabihin niyo nang OA ako,pero anong magagawa niyo kung ganito talaga ang nararamdaman ko?Wala eh,pumasok na ako dito eh,sa pagiging isang fangirl,isang fangirl na nangangarap na mapansin at mapa sa akin ang iniidolo niya kahit walang porsyento na ito ay magkakatotoo.

"Hulaan ko umiyak ka noh?Umiyak ka because of your baby Ken?"may halong pang-aasar ni Louie sa akin nang makaupo ako sa hapag at kulang nalang ay hainan ako ng aking nanay sa plato.

Tumango naman ako dahil dito.'Yang bestfriend ko kilalang kilala na talaga ako eh simula bata pa lang kami ay kami na ang magkasama.Kahit na wala akong sinasabi sa kaniya tungkol sa problema ko ay matic nang alam niya.

Sa totoo lang tatlo kaming magkaibigan eh yung isa ay lalaki,wala naman nang kaming balita sa kaniya nang dinala siya ng magulang niya sa ibang bansa.Oh diba ang yaman?pero minsan hindi ko rin maiwasang tanungin kay Lord kung nasaan na kaya siya?Babalik pa kaya siya?Kung sakaling magkita kami,siguro ay hindi ko na siya makikilala kasi matagal na kaming hindi nagkita.

"Huy..tulala?Aba mahal na senyorita kayo na hong maghain ng pagkain sa iyong pinggan sapagkat malaki na kayo at sana'y huwag mo nang iasa ang lahat ng 'yan sa iyong kaibigan"napangiwi naman ako sa sinabi niya.Na ngayo'y kumakain na ng almusal.

"Aba'y pasensya na po manang..may inaalala lang po kasi ako"pagsabay ko sa biro niya kaya napairap ito dahil tinawag ko siyang manang haha.

"Eh ano ba kasi yung inaalala mo?si Ken,na naman?"sino bang adik sa aming dalawa?ako ba?o siya?Well palagi kasi siya yung topic namin kapag hindi ko mapigilang kiligin,pero hindi siya yung iniisip ko.

"Naalala mo ba yung kaibigan nating lalaki noon?Nung mga bata pa tayo?"tanong ko sa kaniya at tila nag-iisip ito.

"Oo naalala ko siya,pero nakalimutan ko na yung pangalan eh,hindi ba may crush siya sa'yo noon?tapos ikaw din?"oo,naalala ko yun.Nagulat nalang din ako nung magtapat siya sa akin noon.Siguro mga 14 o 15 years old kami noon.'Diba ang babata pa pero may pa aminan na ng feelings ang nagaganap?

"Oo hahaha,tapos sabi ko sa kaniya na hintayin namin yung tamang panahon dahil bata pa kami,at dun sa tamang panahon na iyon ay dun ko siya sasagutin,pero nawala ang lahat nang yun nang hindi na siya nagpakita sa atin"ewan ko nalungkot na naman ako,pero inaamin ko ngayon na wala na akong nararamdaman sa kaniya,kasi nga hindi ko na siya nakikita,yun lang! Tsaka puppy love lang naman yun.

"Oh eh bakit parang nalungkot ka naman?Tanong ko nga,nasa sa iyo pa ba yung singsing na ibinigay niya sa'yo?yung promise ring ba yun?"natawa naman ako sa sinabi niya at tumango.

"Hindi naman ako malungkot,pero parang ganoon na nga hahaha.Pero oo nandito pa rin yung singsing na ibinigay niya,nakatago pa rin"may ibinigay kasi siyang singsing noon para sa akin.Promise ring daw yun at sinabi sa aking pangako ako lang daw ang mamahalin niya at pangakong kami ay magkikita.Oh diba stick to one?Sanaol,pero ngayon syempre alam naman na nating nagbabago lahat ng tao.So siguro nakalimutan niya na iyon.

"Ano ba yan,Louie tama na nga 'tong drama natin.Past is past,mas mabuti pang ituon natin ang ating atensyon sa present para maging maganda ang future"kumindat ako dito.Tama naman at ang present ko ngayon ay ang pag fa-fangirl kay Ken at kapag naging close kami ni Ken,edi mas madali nang mag-isip ng future kasi makakasama ko siya yiee.In short siya ang nakikita kong mapapangasawa sa future.Oh diba ang taas ng pangarap,ganun dapat mga neng,dream high lang,Malay mo magkatotoo.

"Ay wait i forgot my phone"pag english ko dahilan para masamid si Louie,grabe naman 'to,gulat na gulat sa pag-eenglish ko.

Nang makuha ko na ang phone ko mula sa kwarto ay dali-dali kong binuksan ang,instagram ko.Bukod sa twitter,sa instagram din ako nag-titingin ng update tungkol sa kaniya,pati na rin pala sa facebook.

Nang wala akong makitang update tungkol sa kaniya ay binuksan ko naman ang twitter ko,nagulat na lang ako at ang dami kong notification na natanggap.Oh nadagdagan din ang followers ko,aww ang sweet namarn nila.

Nagulantang ako nang matuon ang atensyon ko sa isang notification na nabasa ko.T*ngina,totoo ba itong nakikita ko?Hindi ba ako nanaginip?Oh shet si Ken,yung baby ko ni-like yung tweet ko,kagabi oh my gosh.Ewan ko kung matutuwa,kikiligin o mahihiya ako,dahil sa tweet ko kagabi pero mas nanaig yung kilig.

At hindi pa pala dyan nagtatapos dahil ni-replyan niya ako!Omg Lord,grabe ka na talaga magpakilig

At nakita kong sabi niya.

[Oh,i'm so sorry baby if napaasa kita,pero huwag kang magalala babawi ako sa'yo😉]

Thanks for reading
Goodnight and Godbless!
••••••••••••••••••••

Continue Reading

You'll Also Like

796K 48K 120
Y/N L/N is an enigma. An outgoing, cheerful, smiley teenage boy. Happy, sociable, excitable. A hidden gem in the rough of Japan's younger soccer pl...
298K 14.6K 94
Riven Dixon, the youngest of the Dixon brothers, the half brother of Merle and Daryl dixon was a troubled young teen with lots of anger in his body...
673K 21.9K 80
Follow the story of Cathy Potter as she and the entire school of Hogwarts sees what their future has in store for them... Best Rankings: #3 - Lily Ev...
1.7M 63.2K 43
" Wtf is wrong with you, can't you sleep peacefully " " I-Its pain..ning d-down there, I can't...s-sleep " " JUST SLEEP QUIETLY & LET ME ALSO SLEEP...