Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

178K 5.1K 273

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 9♕

3.5K 121 2
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS


Nang makarating ang karwahe sa likod ng estate ay agad akong sinalubong ng Duchess na may pag-aalala sa mukha, isang expression na nagbigay sa 'kin ng konsensya sa pagtakas ko ng walang pagpapaalam.

"Kiera anak! Saan ka ba galing? Ayos ka lang ba?" Agad niyang salubong sa 'kin habang nakapantulog pa siya at may balabal na nakapaikot sa kaniyang katawan.

"Ayos lang po ako," maikli kong sagot at nabaling naman ang tingin niya kay Viggo na nakatayo sa likuran ko.

"Anak, sino ang ginoong ito? Siya ba ang nakahanap sa 'yo? Anak ba siya ng noble family?" Usisa ng Duchess at medyo napangiti ako dahil pinagkamalan niya si Viggo na anak ng mayaman dahil sa pustura at kagwapuhan nito na hindi naman talaga katanggi-tanggi.

"Hindi po, simula ngayon ay siya na ang magiging butler at personal guard ko kaya sana bigyan niyo siya ng matutulugan ngayon gabi, papanhik na po ako sa kwarto ko, goodnight mother," sabi ko sa kaniya at saglit na tumingin kay Viggo na ngayon ay seryosong nakatingin sa 'kin.

Alam kong nagulat siya sa narinig niyang sagutan namin ng aking ama kanina, siguro maraming tanong na umiikot sa kaniyang isipan ngayon ngunit wala na kong lakas pa na harapin siya ngayon gabi dahil sobra na kong napapagod at nais nang ipahinga ang utak ko.

Nang makaakyat ako sa third floor ay agad akong sinalubong ni Krista at tinulungan ako magpalit ng damit ko na walang ano mang tanong na ibinabato sa 'kin.

Buti pa ang isang ito, marunong bumasa ng paligid at alam niyang pagod na ko para sa mga katanungan.

"Salamat Krista," iyon na lang ang nasabi ko sa kaniya at tumango lang siya saka ako iniwan sa kwarto ko para makapagpahinga.

Pagkahigang-pagkahiga ko sa aking kama ay agad akong napapikit at tuluyan nang nahulog sa pagkakahimbing.

Mga huni ng ibon sa beranda ang gumising sa 'kin, agad akong bumangon at naghikab habang inuunat ang aking katawan.

"Tulo pa laway, noble lady ba talaga ang isang 'to?" rinig kong sabi ng isang boses na agad kong nilingon at bigla akong nagulat dahil nakatayo siya sa gilid ng kama ko at mukhang kanina pa siya na roon.

"Anong ginagawa mo rito?" Natataranta kong tanong sa kaniya at humalukipkip lang siya sabay lakad papunta sa sofa ko at upo.

"Hindi mo ba na aalala, binili mo ko kagabi 'di ba?" Tanong ni Viggo sa 'kin pero hindi iyon ang ibig kong sabihin.

"Hindi, ang ibig kong sabihin anong ginagawa mo sa kwarto ko? Pano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kaniya at tinuro niya lang ang biranda.

Naakyat niya ang third floor ng mansion?

"Ba-bakit ka andito? 'Di ba binigyan ka ng kwarto ng Duchess?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

"Alam ko, pero alam mo naman na hindi ako pwede malayo sayo ng sobrang layo. Sa west wing pa ng estate ang maids quarter niyo," sagot niya at nasapo ko naman ang ulo ko.

"So dito ka natulog?" Tanong ko at chill lang siyang tumango sa harap ko.

Jusco. Hindi ko naman alam na ang ibig sabihin pala ng pagbili ko kay Viggo ay kawalan ko rin ng privacy sa buhay.

"Sa susunod wag kang matutulog dito, baka mamaya pagmulan pa ng tsismis ang pagpunta mo ng gabi sa kwarto ko," utos ko sa kaniya dahil malaking kasalanan ang magpapasok ng isang lalaki sa silid ng isang binibini tuwing gabi.

"Tsk, kasalanan ko pa ngayon?" Tanong niya at ito na naman kami, umagang-umaga naghahanap ng away ang isang 'to.

Umiling na lang ako at hindi na pinansin ang sinabi niya dahil alam kong hahaba pa ang usapan namin at agad akong nagtungo sa silid paliguan saka naligo at naghanda para sa sarili ko.

"Hindi mo ba kailangan ng tulong?" Tanong niya mula sa pinto ng banyo kaya napapitlag ako.

"Ha? Naliligo ako oh, nasisiraan ka na ba ng bait?" Tanong ko sa kaniya at hindi ko na napigilan na mapahiyaw.

"Ha? Tanga ka ba? Ginawa mo pa kong butler kung hindi mo ko hahayaan na paglingkuran ka," sagot niya sa 'kin at doon lang ako tinamaan ng ulirat, tama siya, trabaho niya pala ang mga bagay na katulad ng pagtulong sa 'kin sa paliligo at paghahanda ng aking susuotin.

At ayon rin sa libro, sa pagkakatanda ko ay  trained ang mga katulad ni Viggo sa larangan ng paglilingkod sa master nila, kasama na rito ang mga gawain na katulad ng pagtitimpla ng tsaa, pagbibihis sa master nila at iba pang tarabaho na ginagawa ng isang butler.

"Basta! Ako na ang bahala sa paliligo ko," sagot ko sa kaniya at namadali na lang na linisin ang katawan ko, nung makatapos ako maligo ay agad akong lumabas at agad ko rin siyang nakasalubong sa harap ng pinto.

Muntikan na kaming magkabanggaan dahil sa nakaabang pala siya sa pintuan, dahilan para mapatingin kami sa isa't isa.

"Ba't nakaharang ka d'yan?" Reklamo ko saka tumingala para tignan siya at nakita kong nakatitig siya sa mga mata ko.

Kitang-kitang ko ang kulay ginto niyang mga mata na matalas na nakatingin sa 'kin, tahimik lang siya at hindi mo alam kung anong iniisip niya habang tinititigan ako sa mukha.

"A-ano?" kinakabahan kong tanong ko sa kaniya dahil hindi ko alam bakit ganito ang inaakto ng puso ko, masyadong bumibilis ang pagtibok ninto.

"Amoy na amoy ang dugo mo," sagot niya sa 'kin sabay tukod ng kaniyang palad sa pader dahilan para makulong niya ko sa kinatatayuan ko.

"Ha-ha? Wa-wala naman kong sugat," sagot ko sa kaniya at agad na iniwas ang mukha ko dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

"Amoy ko ang dugo mo bandang ibabang bahagi ng katawan mo," sagot niya sa 'kin at para bang ano mang oras gusto niya nang sakmalin ang leeg ko.

"Ha? Wala naman akong sugat sa binti—" naputol ang pagsagot ko sa kaniya nang maalala kung anong petsa na ngayon ng buwan, agad na mula ang mukha ko at malakas siyang tinulak palayo sa 'kin sabay takbo sa drawer ko at kuha ng military bandages na ginagamit nila ngayon bilang menstrual pads.

Agad-agad akong pumasok sa loob ng banyo at inayos ang sarili ko, doon ko nakitang may dalaw na nga akong ngayon buwan.

"Naku! Bakit ngayon pa talaga!" Inis kong reklamo sa sarili ko at halos hiyang-hiya na lumabas ng silid.

"My lady? Ayos lang ba kayo?" Rinig kong tanong ni Krista at parang hulog ng langit siyang dumating sa buhay ko.

"Ayos lang ako," sagot ko at lumabas na sa pinto saka nagkunwari na hindi nakikita si Viggo dahil sa kahihiyan ko sa aking sarili.

Alam kong normal naman magkaroon ng dalaw pero kasi nakakahiya kung amoy na amoy niya ang dugo ko.

"My lady ayos lang ba kayo?" Tanong ni Krista habang inaayos ang pagkain sa ibabaw ng mesa ko.

"Oo ayos naman," mahinahon kong sagot at na gulat na lang ako nang agawin ni Viggo ang trabaho ni Krista.

"Ako na, mali ang placement mo ng kutsara," sabi niya at napaurong naman si Krista, pinakita sa 'min ni Viggo ang galing niya sa pagse-serve ng pagkain at talaga naman namangha ako.

"Woah, talagang alam mo ang ginagawa mo," sabi ko sa kaniya at parang wala lang sa kaniya ang papuri na binigay ko.

Tahimik siyang pumuwesto gilid ko habang kumakain ako at si Krista naman ay inaayos ang pinaglagyan ng umagahan ko.

Pero ang pinagtataka ko, tila ang dami ata ng pagkain na nakahanda sa lamesa ko ngayon, samantalang noon isang tinapay at soup lang ang madalas na ihanda nila para sa 'kin.

"Mauna na ko my lady, tawagin niyo lang ako kung may pag-uutos pa kayo," sabi ni Krista at may nilapag na bell sa side table ng aking kama.

Isang tanda na personal maid ko na siya, napaisip naman ako, hindi kaya na konsensya ang Duke sa inakto ko kagabi kaya binibigyan niya na ko ng pansin ngayon? Talagang si Krista pa ang ibinigay niya sa 'king katulong, pero siguro dahil si Krista lang din ang nais pagsilbihan ako.

"Hays, marami pa kong kailangan gawin para mabago ko ang tingin nila sa 'kin," pagkausap ko sa sarili ko habang nilalasap ang masarap na umagahan na 'to.

Sa pagkain ko sa harap ng beranda ay tanaw ko ang mga guards na tumatakbo paikot sa Romulus estate, morning training na nila ang tumakbo ng isang beses sa buong estate.

Napatingin naman ako kay Viggo na parang nalunok ang dila niya ngayon, alam ko marunong din siya makipaglaban pero hindi ko alam kung hanggang saan ang lakas niya sa larangan na 'to.

Kung subukan ko kaya ang lakas niya at tignan kung makakapalag ba siya sa mga guards ng Romulus?

"Marunong ka ba humawak ng espada?" Tanong ko sa kaniya at sumagitsit lang siya.

"Hindi ko kailangan ng espada, may mahahaba naman akong kuko," sagot niya na medyo nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko, naalala ko kasi na ang mga kuko na 'yun ang dumukot sa puso ng totoong Kiera.

Kaya kung ayaw kong matulad sa totoong Kiera, mabuti pa na bawasan ko na ang pakikipag-away sa kaniya.

"Ehem, pero hindi ba't kailangan mo rin matutong humawak ninto dahil hindi naman nila pwede malaman ang totoong pagkatao mo," sagot ko sa kaniya at napataas naman ang isang kilay niya.

"Bakit naman hindi?" Sarkastiko niyang tanong at humarap naman ako sa kaniya sabay turo ng upuan na nasa harapan ko.

"Umupo ka nga saglit sumasakit ang leeg ko kakatingala sayo," utos ko sa kaniya at pabalang naman siyang umupo sa upuan.

"Mr. Viggo isang daan taon na po ang nakakalipas simula nang magkaroon ng digmaan sa pagitan ng tao at mga bampira, ngayon panahon ay tinuturing na kayong kakaiba kaya para maprotektahan ka mas mabuti nang hindi nila alam kung ano ka," paliwanag ko sa kaniya kahit alam kong alam niya na ito rin ang dahilan bakit nagsimula ang gera laban sa Goldton at Moonvault empire.

Ang Moonvault daw kasi ang tirahan ng mga bampira noon at dahil may taglay silang lakas na malayo sa normal na tao ay kinatakutan na sila ninto, iniisip ng mga mortal na bago pa mas lumakas ang hawak na kapangyarihan ng mga bampira ay mabuti nang ubusin na nila ang lahi ng mga ito bago pa mahuli ang lahat.

"Hindi ba't mas maganda kung pangasin ko na lang lahat ng leeg nila para matigil sila?" Sarkastiko niyang sagot at halos mahilot ko ang sentido ng noo ko dahil  sa sakit ng ulo.

Bakit nung sinabihan siya ni Diana na pumurme siya at maging tahimik sa pagkatao niya ay wala naman siyang reklamo na katulad ninto? Pero pagdating sa 'kin ang dami niyang sinabi.

"Hay naku! Malalakas na ang mga mortal ngayon at marami na silang alam na paraan para matalo ka kaya hindi magiging madali ang binabalak mo," sagot ko sa kaniya at ngumisi lang siya sabay tawa.

"Ha! Mga mortal? Matatalo ako?" Pagmamayabang niya at hambog pala ang isang 'to.

"Sus, hindi mo nga alam gumamit ng espada tapos magyayabang ka ng ganiyan? Pano mo ko mapoprotektahan ha?" Tanong ko sa kaniya at para bang natapakan ko ang pride niya bilang lalaki kaya agad siyang tumayo at inis na sumagot sa 'kin.

"Ah ganun? Minamaliit mo ko? Ako si Viggo Pollux na isang heneral sa dating emperyo ng Moonvault? Sige, tignan natin kung anong magagawa niyang espada na tinutukoy mo," sagot niya at tila ba naghahamon ng away.

Nasapo ko na lang ang noo ko sa sakit ng ulo na dulot bampirang ito, umagang-umaga talagang gusto niyang magbigay ng gulo.

"Hindi ka makikipag-away doon, magte-training ka lang naiintindihan mo?" Tanong ko sa kaniya at tila ba wala siyang naririnig.

"Hays, hindi ko alam kung bata ba 'tong nabili ko o isang immature na bampira," bulong ko pero agad din naman siyang sumagot.

"Anong sabi mo?" Tanong niya at umiling na lang ako.

"Pwede ba tawagin mo kong my lady or kahit Ms. man lang sa harap ng mga tao sa manor kung ayaw mong palayasin tayong dalawa ng Duke," utos ko sa kaniya sabay tayo sa harap ng hapagkainan at punta naman sa harap ng salamin para ayusin ang sarili ko.

Susuklayin ko na sana ang mahaba at brown kong buhok ngunit inagaw niya ang suklay at maingat na sinuklay ito.

Napatingin naman ako sa kaniya mula sa salamin, halata sa mukha niya na ayaw niya ang ginagawa niya pero kusang kumikilos ang katawan niya para pagsilbihan ako.

"Pfft," hindi ko napigilan ang pagtawa sa kaniya na kinapula ng mukha niya at inis na tumingin sa 'kin.

Nang matapos niya kong pagsilbihan ay agad naman kaming bumaba papunta sa training ground, nang mapadaan kami sa lobby ng mansion ay nakasalubong ko si Keisha ngunit hindi ko siya binigyan ng pansin.

"Aba may personal butler ka na?" Tanong niya sa 'kin habang kasama niya ang mga bisita niya at mukhang magkakaroon sila ng tea party sa hardin.

"Oo, ano naman sa 'yo ngayon?" Sagot ko nang pabalang at nakita ko ang bawat mukha ng mga kaibigan niya na masamang nakatingin sa 'kin.

"Ah tinatanong ko lang naman lady Kiera,"   Paawa niyang sagot sa 'kin sa harap ng mga bisita niya, para bang pinapalabas na ako itong laging masama ang trato sa kaniya.

"Grabe talaga ang babaeng iyan, tinatanong lang naman siya ng kapatid niya," rinig kong bulungan nila sa harapan ko at halatang masama ang tingin sa 'kin.

Aalis na sana ako para hindi na lumaki pa ang gulo pero agad na lumapit sa 'kin si Keisha at may binulong sa tenga ko.

"Balita ko na pulot mo lang 'yan kung saan, may alam ba 'yang etiketa sa tamang paglilingkod sa isang lady? Oh well, bagay naman sayo dahil hindi ka naman noble lady kaya dapat ka lang paglingkuran ng isang walang alam na peasant," bulong niya  sabay ngiti sa harap ko na talagang kinayukom ng palad ko.

"Ha? Peasant? Pasensya ka na pero dating heneral ang lalaking nasa harap mo," hindi ko na pigilan ang sarili ko sa pagyayabang at napangiti naman si Keisha sabay tawa.

"Pfft, heneral? Tapos naging butler mo lang? Nananaginip ka ba ng gising?" Tanong niya at talagang pinipikon ako ng babaeng 'to.

"Greetings lady Keisha, pasensya na po kung hindi ako nagpakilala, ako po si Viggo Pollux at kinagagalak ko kayong makilala," walang sabi-sabi ay nagpakilala si Viggo sa harap ni Keisha at pinakita ang paggalang niya rito.

Ngumiti nang malambing si Viggo sa harap ni Keisha na talagang kinatulala ninto.
"Kung hindi kalabisan, nais niyo po bang panoorin ang duwelo ko sa pagitan ng heneral ng Romulus? Nais daw po kasing subukan ng master ko ang aking kakahayan," sagot at pag-aanyaya niya kay Keisha na kinagulat ninto.

Pero parang may naiisip si Keisha na kakaiba dahil gumuhit ang mapanlinlang niyang ngiti sa mukha.

"Ganoon ba? Kinagagalak ko makita iyon, tutal nais ko rin bigyan aliw ang aking mga bisita," sagot niya nang malambing sa aming harapan sabay tingin sa 'kin at ngiti.

Parang ayoko nang mga susunod na mangyayari.

TO BE CONTINUED


Continue Reading

You'll Also Like

26.8K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...
21.9K 529 43
Si Alona ay lumaki sa mundo ng mahika. Lingid sa kaalaman ng lahat ay wala syang tinataglay na kahit anumang ability o mahika... Sa pagpasok nya sa...
203K 8.1K 29
Luna traveled back in the year 1889, and she's stuck inside the body of Lady Celestine --- the noble lady who's bound to marry the King of Citadel. ...
261K 6.6K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...