Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

178K 5.1K 273

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 7♕

3.8K 140 2
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS


Isang na namang makulimlim na panahon para sa Lumire Empire, kung saan maraming tao ang naglalakad sa central, namimili ng mga pagkain at kagamitan, mga taong abala sa kanilang mga trabaho at ilang mga batang nagtatakbuhan sa bawat iskina na malapit sa plaza.

Madalas tago ang araw sa emperyong ito, mahaba ang gabi at maikli naman ang umaga, tanghali ngayon ngunit parang pagabi na.

Nasa loob kami ng karwahe papauwi galing sa mapipili namin ng damit ni Diana, sobrang bilis lang ng paggagala namin dahil pinapalibutan kami ng mga royal guards na siyang nagbabantay kay Diana.

"Ang gwapo talaga ni Sir Grimm," bulong ko kay Diana habang nakaupo kami sa pabolosong karwahe ng royal family.

"Ehem, baka marinig ka niya Kiera, malapit lang siya sa ating karwahe oh," nahihiyang awat sa 'kin ni Diana na aking kinatawa, pano kami maririnig ni sir Grimm eh, sobra siyang focus sa daan habang sakay-sakay ng kulay itim niyang kabayo at nakasunod sa aming karwahe.

"Pero hindi ko maitatanggi na ang gwapo talaga niya, lalo na kung tititigan ka niya gamit ang nga mata niyang matatalim!" Pagpipigil ko ng kilig na para bang kausap ko lang ang kaibigan kong si Darlene.

"Sabagay, hindi naman talaga maitatanggi gwapo si sir Grimm, sa katunayan ay sobrang gwapo niya talaga," nahihiya niyang sabi na halos ibulong niya na lang sa 'kin.

Namula tuloy ako, nakakahawa kasi 'yung pagkamahiyain niya saka ganito pala kiligin ang isang Diana Athena Eckheart.

"Naku, baka ngayon mo lang nasasabi 'yan kasi siya pa lang ang nakikita mo," sagot ko sa kaniya na kaniya naman pinagtaka.

"Hu? Para sa 'kin lang ah, wala nang mas gagwapo pa kay sir Grimm," muli niyang pabulong na sagot kaya napatawa na lang ako sabay tango.

Sige lang, sabihin mo lang 'yan sa 'kin ngayon pero tatanungin ulit kita pagnakilala mo na si Viggo na bibilhin ko mamayang gabi.

"Pero maiba ako lady Kiera, nakita kong bumili ka ng isang makapal at itim na kapote, gagamitin mo ba iyon sa paglalakbay? Aalis ka ba at babyahe nang malayo?" Tanong niya sa 'kin na tila ba nag-aalala siya kung iiwan ko siya at aalis sa lugar na 'to.

Agad naman akong umiling at sinagot ang kaniyang tanong, "hindi naman, gusto ko lang itago ang mukha ko tuwing lalabas ako sa Romulus Estate, alam mo na," sagot ko sa kaniya at napatawa na lang siya.

"Akala ko ba titigilan mo na ang pagtakas at pagpunta sa mga casino lady Kiera?" Tanong niya sa 'kin at napakamot naman ako ng ulo, baka kasi masira pa ang imahe na binubuo ko sa kaniya dahil sa mga sagot ko.

"Hindi naman sa magsusugal ako, gusto ko lang magsaya dahil alam mo naman na hindi ayos sa mansion," sagot ko sa kaniya at napasandal siya sa upuan sabay buntong hininga.

"Kung pwede lang kita patirahin sa royal palace ginawa ko na, pero sabagay kung gusto mo madali naman na 'tin mapapakiusapan si lolo," sagot niya sa 'kin at halatang-halata na nakuha na ng emperor ang tiwala ni Diana.

"Hahaha, nakakapagtaka nga na hindi nakaabot sa tenga ng emperor ang mga kalokohan ko noon, like hello kalat kaya sa buong emperyo na isa akong black sheep ng Romulus family," sagot ko sa kaniya at natawa lang siya sabay iling.

"Siguro kasi naniniwala siya sa kwento ko dahil mas kilala kita kesa sa mga taong nagpapakalat ng mga usapan na iyon, saka kahit totoong sugarol ka noon ay hindi ka na nila nakikita sa mga casino ngayon na halos gabi-gabi mong pinupuntahan noon," sagot niya at parang ako naman itong nahiya sa mga pinaggagawa ni Kiera sa sarili niya noon.

"Pero nakakapagtaka lang talaga dahil kahit ganoon, parang kinakampihan ako ng emperor," sagot ko sa kaniya dahil hindi maitatanggi na umayon lahat ng plano ko dahil sa tulong ng emperor.

Hindi ko naman planado ang mabigyan ng duke nang malaking halaga na ngayon ay ginagamit ko na sa pagbili ng mga bagong damit at para na rin mabili si Viggo mamaya.

"Siguro pareho lang kami ng tingin at pagkilala sayo," sagot niya na nagbigay sa puso ko ng saya, patuloy kaming nagkwentuhan at asaran habang inihahatid kami ng karwahe pabalik sa royal palace at ako naman ay sa aming estate.

Nang makarating ako sa main mansion ay agad akong sinalubong ng Duchess na lagi niyang ginagawa, at katulad din nang aking nakasanayan ay agad akong bumeso sa kaniya.

"Kamusta ang pamimili ng mga damit kasama ang prinsesa, anak?" Tanong niya sa 'kin at hinubad ko naman ang puti kong gwantes at tinuro lahat ng mga pinamili ko na ngayon ay buhat-buhat na ng mga katulong paakyat sa aking silid.

"Naging masaya naman po, at bumili rin ako ng regalo para sa inyo," sagot ko na agad niyang kinatuwa, maliit na regalo para sa walang sawa niyang pag-aalaga sa 'kin.

Pumanhik kaming dalawa sa loob ng silid ko at isa-isang sinukat ang aking mga pinamiling damit, tuwang-tuwa lang ang Duchess habang pinapanood ang kaniyang anak na sukatin ang bawat pinamili nitong mga damit.

Mabilis na lumipas ang oras, hindi ko na mamalayan na papalapit na nang papalapit ang pagkikita namin ng bidang lalaki sa storya.

Medyo kabado ako aaminin ko, ngayon na hawak ko na ang halagang kailangan ko ay ngayon naman ako tinamaan ng takot, kinakabahan kasi ako na baka imbes na mapalayo ako sa kamatayan ko ay lalo itong mapalapit sa 'kin kung bibilhin ko si Viggo, ngunit kung hindi naman ako ang unang makakabili sa kaniya ay mas malaki ang prusyentong mamamatay ako sa kamay niya.

"Idagdag pa sa problema ko ay kung saan ko siya itatago pagtapos ko siyang bilhin, hindi ko naman pwedeng sabihin na may kinupkop akong alipin, tapos hindi pa nila pwedeng malaman na bampira ito," pagkausap ko sa aking sarili habang pabalik-balik sa harapan nang malaking orasan sa aking harapan.

Kagat-kagat ko ang aking daliri habang nag-iisip ng maaring gawin, ngunit bago pa ko makaisip ng paraan ay nagulat ako sa pagtunong ng orasan sa aking harapan.

Alas dose na ng madaling araw, ito na ang oras na iniintay ko para makapuslit sa loob ng mansion, agad kong sinuot ang aking biniling salakot (coat) at marahan na pinihit ang seredula ng pinto, agad kong nilingon bawat gilid ng pasilyo at nakitang wala itong katao-tao, tahimik ang paligid at halatang nagpapahinga na bawat tao sa loob ng mansion.

Maingat at dahan-dahan akong pumanhik pababa ng hagdan saka nagtungo sa likod ng mansion kung saan madalas tulog ang bantay.

Nakakawindang, halos solong-solo ng memorya ko ang bawat hakbang na aking gagawin sa pagtakas, para bang araw-araw nga itong ginagawa ni Keira noon.

Nang makalabas ako sa likod ng mansion ay agad akong nagtungo sa paradahan ng karwahe, doon nakita ko ang isang lalaki na may sigarilyo sa kaniyang bibig habang nakatakip ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang sumblero. Nakasandal ito sa karwahe na tila ba may iniintay, at kung tama ang mga natatandaan ko gamit ang memorya ni Kiera, ito si Mang Solomon, ang kutsero na katandem niya sa pagtakas.

"Pssst," sitsit ko kagaya ng laging ginawa ni Kiera sa aking memorya at kusa itong kumilos para pagbuksan ako ng pintuan ng karwahe na talaga namang kinawiwindang ko.

Pero hindi ko maikaila na natutuwa ako sa mga pangyayari kasi halos wala akong kahirap-hirap na makakalabas sa loob ng mansion.

"Dating gawi Ms.?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Sa Mirasol tayo," sagot ko. Ayon sa libro, isa iyong bar kung saan maraming mga tao ang nagtutungo para magsaya at uminum, ngunit hindi alam ng karamihan na isa itong under cover place para sa under ground market.

"Masususnod my lady," sagot naman nito saka sumakay sa taas ng karwahe at pinaandar ang karwahe palabas sa manor, dumaan kami sa likurang bahagi ng estate na siyang laging dinadaanan ni Kiera para pumuslit.

Nang makarating kami sa back gate ay agad kong hinagisan ng tig-isang zeno ang mga bantay na akin ding kasabwat.

Grabe, kung si Keisha ay kakampi lahat ng katulong sa loob ng manor, itong si Kiera ay kasabwat lahat ng mga trabahador sa labas ng manor.

Napailing na lang ako at nang makita kong palabas na kami ng gate ay muling pumasok sa isip ko ang kaba at takot sa maaaring pasukin kong sitwasyon.

Dito ko na kasi tuluyang mababago ang takbo ng storya na siyang alam ko, pagbinili ko si Viggo paniguradong hindi niya na ko kayang saktan ngunit ang inaalala ko ay kung pano ko siya itatago o ipapakilala sa aking mga magulang.

Sunod ay ang ideya na baka maapektuhan ko ang magiging pagsasama at kung pano magkakakilala sina Diana at Viggo.

Magugulo ko ba ang pag-iibigan nila lalo na't hindi na ganoong magkakaroon ng oras sila para sa isa't isa?

"Naku! Bahala na, magiging kupido na lang ako para sa kanilang dalawa at kung papalarin baka makuha ko rin ang puso ni sir Grimm," napangisi ako habang iniisip ang mga posibilidad na ngayon ay tumatakbo sa aking isipan.

Sa paglalayag ng isip ko hindi ko namamalayan na nasa tapat na pala ako ng Mirasol, agad akong pinagbuksan ng pinto ni kuya Solomon at sinukbit ko naman sa aking ulo ang panandong para matakpan ang aking mukha.

Nang makababa ay agad kong inabutan ng pera si kuya Solomon at nagsabing intayin niya ako sa tabing kalsada, agad naman akong pumanhik sa loob ng magulong bar kung saan maraming mga lalaki na nag-iinuman at panay ang tawanan.

Pumunta ako sa counter at sinabi ang secret code sa barista na nagbabantay rito.

"Isang Laurio," saad ko na kung saan aakalain mo na umuorder lang ako ng maiinum.

"Masusunod Miss," sagot ng barista sabay lakad papasok sa pintuan at tumayo naman ako para sundan siya.

Sa harap nang malaking shelves na puno ng mga alak ay may iniurong siyang piraso ng bato sa dingding na siyang nagbukas sa lagusan na nakatago sa likuran ng mga alak na 'to.

"Dito po ang daan," saad niya at sumunod naman ako sa kaniya pababa ng under ground passage kung saan magaganap ang under ground auction.

Sa dulo ng daan ay may dalawang lalaki na sobrang lalaki ng pangangatawan, sila ata ang nagbabantay sa lagusan at pinakita ko lang ang dala kong bag ng pera saka nila ako pinapasok sa loob.

Napalunok ako sa kaba nang makita ko ang lugar kung saan nagtipon ang mga mayayaman na tao at ilegal na bentahan na kanilang tinatangkilik. Sa pananamit pa lamang nila ay halatang galing na sila sa mayayamang pamilya, ang iba sa kanila ay may suot na maskara para matago ang kanilang mga mukha at katulad nila, tagong-tago rin ang aking mukha sa suot kong damit ngayon.

"Ladies and gentlemen, magandang gabi at welcome sa sa ating gaganapin na bentahan! Kung saan maaari kayong makapag-uwi ng kakaibang gamit o hindi naman kaya ay kakaibang nilalang na rito niyo lamang makikita!" Sigaw nito sa harap ng entablado habang nakasuot ng isang maskara ng isang payaso.

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng lugar at isa-isa na nilang inilabas ang mga gamit at hayop na tila ay kakaiba na kanilang ibinebenta.

Bawat item na nakalagay sa entablado ay kakaiba, sa katunayan ang iba rito ay hindi ko pa nakikita katulad na lang ng isang ibon na talagang kulay ginto ang pakpak ngunit may iba rin na normal na lang sa panahon ko, katulad na lang ng isang item sa bidding na tinatawag nilang sharks liver o sa modernong panahon ay sharks oil.

Sabi rito ay nakakagamot daw ito agad ng mga trangkaso o ano mang flue, pinapalakas din daw nito ang immune system na totoo naman pero ang nakakatawa lang ay exaggerated maige ang pagkakasabi ng host rito, at syempre dahil bago sa pandinig at paningin nila ay agad nila itong bibilhin.

Umabot na sa isang oras mahigit ang paglalabas ng items nila hanggang sa umabot na kami sa huling item, binuhat ng halos apat na katao ang isang mahabang kahon na natatakpan ng puting tela, bawat manonood ay hindi makapag-intay sa ano mang maaaring makita nila.

"At para sa huling item na tiyak na magugustuhan ng mga kolektor ng mga kakaibang nilalang, narito ang isang uri ng halimaw na tinatawag nilang bampira," pagpapaliwanag ng host sabay hila at tanggal ng puting tela na to matakip sa kahon.

Lahat kami ay tila na gulat at may iba pa ngang napatayo sa kanilang mga kinauupuan, mula sa aking pwesto ay kitang-kita ko ang kabaong na pinaghihimlayan ni Viggo, itim na kahoy ang paligid nito at ang pinaka takip naman ay gawa sa materyales na salamin, dahilan para makita namin ang magandang mukha ng bampirang nahihimlay sa loob nito.

Sobrang itim ng kaniyang makintab na buhok at mahaba mga pilik mata, matangos rin ang kaniyang ilong at sobrang putla ng kaniyang balat na halos parang walang dugo sa katawan.

Nakasuot siya ng isang pormal na damit at pinalilibutan siya ng mga pulang rosas na para bang hindi rin namamatay katulad niya.

"Hindi ba't patay na lalaki lang iyan?" Tanong ng isang nanonood at agad naman umiling ang host sabay turo sa mga talisman na nakadikit sa kabaong ni Viggo.

Isa itong kulay dilaw na papel na mukhang may nakasulat na litanyang hindi ko mabasa.

"Kung sino man ang bumili at gumising sa lalaking ito sa kaniyang mahabang paghinbing ay kaniyang ituturing na master, isang patak lamang ng dugo mula sa buhay na tao at tiyak na magiging alipin mo na ang lalaking ito habang buhay," masiglang paliwanag ng host na tila ba parang nagbebenta lamang ng kagamitan.

"Isang daang zeno!" Isang ginoo ang nag-umpisa ng bidding sa loob ng auction na sinundan ng isang ginang na nakasuot ng puting maskara, "limang daan zeno!" Sigaw nito na kinagulat ng lahat dahil sa taas ng presyo nito.

"Isnag libong zeno!" Sigaw pa ng isang binibini sa halos ikagulat ng lahat dahil sa taas na ng halaga ni Viggo.

"Isang libo at limang daang zeno!" Sagot ulit ng ginang na kanina ay nais din bilhin si Viggo at sinundan pa ito ng iba pang kababaihan at pataas na nang pataas ang presyo niya, pero pansin ko parang tila puro babae ang nais bumili kay Viggo, hindi ko naman sila masisisi dahil ang gwapo naman talaga ng bampirang ito.

"Tatlong libong Zeno!" Sigaw ng isang babae na nakapula at halata ang tuwa sa kaniyang mukha dahil tila ba wala nang nais pang tumalo sa presyong inilapag niya.

Tumahik ang buong lugar at iniintay ang pagtaas ng iba pang bidder sa loob, ako naman iniintay ko pa kung may taas pa doon dahil baka mamaya hanggang tatlong libo lang ang maging halaga niya edi kung sakali baka maka save pa ko ng isang libo kung wala nang taas pa roon, mabuti nang maging praktikal hehe.

"Wala na bang hahabol?" Tanong ng host at kitang-kita sa mukha ng babae ang saya at pagmamayabang na wala nang tataas pa sa presyong inilapag niya, kaya agad kong tinaas ang kamay ko sabay lapag ng halaga ko.

"Tatlong libo at limang daang zeno," sagot ko na nagbigay ng bulungan sa loob ng auction. Kita ko naman ang pagkairita ng babaeng nais bumili kay Viggo at ang mukha niyang ayaw magpatalo.

"Apat na libo!" Sigaw niya sabay ngisi sa halarapan ko at nakayukom ang kamao ko sa pikon, naku! Lumaban pa ang bruhang 'to, makakasave na sana ako ng isang libo eh.

"Limang lIbong zeno!" Sagot ko na dahilan para umugong nag bulungan at pagkagulat sa mga noble na narito sa event.

Umupo ako sa kinauupuan ko at inintay kung may lalaban pa ba sa halagang inilapag ko, handa naman akong gumastos pa ng ilang libo kung kinakailangan dahil malaki naman ang perang ibinigay sa 'kin ng Duke.

Mas importante ang buhay ko kaya kailangang-kailangan kong mabili si Viggo.

"May lalaban pa ba?" Tanong ng host at katahimikan lang ang sagot sa kaniya ng mga taong na nonood at umupo na rin ang babaeng nakalaban ko sa bidding kanina.

"Or last item is sold for five thousand zeno!" Sigaw niya at nagpalakpakan naman ang mga kasama ko sa loob ng auction.

Ito na, ito na talaga 'yun, mapapasakamay ko na si Viggo, ang vampire slave.

TO BE CONTINUED 

Continue Reading

You'll Also Like

13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
2.6K 158 34
For over a thousand years, the Phantom King has been placing monsters all over the land of Reocuria. But with the arrival of Melody in Aozora Academy...
285K 16.5K 62
"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this stor...
48.4K 1.8K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...