Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

170K 5K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 4♕

3.8K 138 0
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ko sa oras ang pag-aayos sa'ming dalawa. Wala akong choice kung hindi suotin ang revealing na gown na meron si Kiera pero nilugay ko na lang ang mahaba kong buhok na kinulot ko bandang dulo upang matakpan ang dibdib at balikat ko.

Samantalang si Diana naman ay pinusod ko ang buhok at tinirinras ito paikot, may unting hibla akong niladlad banda sa kaniyang mga tenga at kinulot rin ito.

Sa make-up naman naming dalawa ay simple lang ang ginawa ko dahil hindi rin naman marami ang pagpipiliin kong mga shade ng eyeshadow dahil masyadong luma pa ang mga kagamitan nila sa larangan na 'to.

Napa-isip tuloy ako, kung gumawa kaya ako ng sarili kong make-up line sa era na 'to? Magkakapera kaya ako? Papatok kaya?

"Lady Kiera, ayos na raw po ang karwahe na inyong sasakyan," sabi ng katulong na siyang naglinis ng silid ko kanina at tumulong sa'min maisuot ang mga 'to.

"Ayos na raw ang karwahe tara na Diana," aya ko sa kaniya at napansin kong hindi makapaniwala si Diana sa kaniyang itusra ngayon, patuloy pa rin siyang nakatitig sa kaniyang mukha sa salamin at tila ba hindi naririnig ang mga sinasabi ko, ganoon din ang katulong namin at hindi maalis ang tingin sa'ming dalawa ni Diana.

"Lady Kiera ngayon ko lang nakita ang ganiyang ayos sa mukha, kayo lang po ang nag-ayos niyan?" Tanong niya at pansin na hindi katulad ng style nila ngayong taon ang make up na suot naming dalawa ni Diana.

Ayoko naman maglagay ng blush on na putok na putok sa pisnge katulad sa mga nakikita kong larawan ng mga kababaihan sa libro, sa loob ng taon na 'to.

"Oo ako lang, sino pa ba aasahan ko?" Pagtataray ko dahil alam kong ito ang isasagot ni Kiera sa harap ng katulong nila.

"Diana! Nag-iintay na ang karwahe!" Tawag ko sa kaniya saka lang siya na balik sa ulirat at agad na sumunod sa'kin sa paglalakad palabas ng silid.

Nang makababa kami sa mansion ay nakita kong nag-iintay ang aking ina sa harap ng karwahe, na pansin ko na hindi niya kasama ang Duke at hindi man lang ako maihatid sa graduation ball ko.

Grabe talaga, hindi niya man lang mabati o i-congratulate ang anak niya sa pagtatapos ng pag-aaral nito sa academy.

"Aba! Hindi ko akalain na may ganiyan kang damit Kiera, sinong katulong ang nag-ayos ng buhok at mukha niyong dalawa?" Tanong niya nang makalapit kami sa kaniya at napatingin sa'kin si Diana.

"Ah, ako lang po." Maikli kong sagot na tila kinabigla niya, halata sa mukha ng Duchess ang lungkot at tila konsensya sa dinaranas ng kaniyang anak ngayon.

Hanggang ngayon ba hindi niya pa rin alam na walang persoanl maid ang anak niya?

Sabagay, hindi naman nahahawakan ng Duchess ang ano mang pagmamay-ari ng asawa niya at tila ba isa lang siyang dekorasyon sa tabi ng Duke. Isang babaeng tatayo bilang asawa niya sa tabi niya.

"Wag kayo mag-alala, mas gusto ko naman na ako lang ang nag-aayos sa'kin kaya wag na kayo mag-isip pa," sagot ko sa kaniya at nagulat siya dahil sa na hulaan ko ang iniisip niya.  Halata naman kasi sa mukha niya kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

"Ganoon ba, hayaan mo sasabihin ko sa Duke na bigyan ka ng personal maid katulad ng kay Keisha," sagot niya at napangiti na lang ako, kumaway kami sa kaniya nang magsimula ng umandar ang karwahe.

Sinilip ko sa bintana ang Duchess at kumaway rin dito, bumalik ako sa pagkakaayos ko ng upo at sabay kaming huminga nang malalim ni Diana.

Nagkatinginan kami at sabay na natawa. Mukhang hindi lang ako ang kinakabahan sa gagawing graduation ball sa gabing ito.

"Kaya na'tin 'to Diana!" Saad ko sa kaniya at tumango rin siya sa'kin.

Habang nasa byahe ay pilit kong kinakalma ang sarili ko habang nag-iisip ng planong gagawin ko para mamaya.

Sa pagkakaalam ko ayon sa libro ay mapapahiya si Diana dahil sa mga kaklase niya at iba pang anak ng mga aristocrats na nasa loob ng kasiyahan.

Nakalimutan ko ang mismong eksena o pano nagsimula ang pagpapahiya nila kay Diana, ang alam ko lang ay matatapunan niya ng inumin ang isang mamahaling damit na suot ng isang anak ng Marquess.

Dahil doon ay mamatahin na siya ng mga tao at bubuhusan din ng alak sa mismong ulo niya, isang dahilan para lalong maging panget ang gabi niya.

Tanda ko rin na pinagtatawanan din siya ni Kiera patalikod at pasimpleng nag-uutos sa mga kaklase nila para alipustahin pa siya.

Kinoronahan siya nang basa ang kaniyang damit, tinawag siya sa entablado na ganoon ang itsura niya dahil huli na ang emperor para pigilan ang ginagawang pang-aalipusta sa kaniyang apo at ipagtanggol ito.

Dahil doon nagalit nang todo ang emperor at pinakulong lahat ng umalipusta sa kaniyang apo sa loob ng tatlong buwan.

Buti na lang hindi nadamay si Kiera doon dahil pinagtakpan pa rin siya ni Diana at ginawa naman itong daan ni Kiera para lalo gamitin ang kabaitan ng kaibigan niya.

Pero dahil ako na si Kiera ngayon ay hindi ko hahayaan mangyari ang bagay na 'yun, ako ang magtatanggol kay Diana para makita ng emperor na kakampi ako ng apo niya.

Isang hakbang paurong sa kamatayan ni Kiera ang makaiwas sa mainit na mata ng emeperor kaya naman dapat makuha ko ang tiwala nilang mag-lolo.

"Lady Kiera, malapit na tayo sa banquet hall," sabi ni Diana at napasilip din ako sa labas ng bintana at nakita kung gano kalawak ang malaking hardin ng academy na puno ng mga pulang bulaklak at mga karwahe na gamit ng iba pang mayayaman na istudyante.

Nanlamig ang mga palad ko nang tamaan ako ng katotoohanan na ito na talaga ang kinalalagyan ko, na hindi na 'to isang panaginip dahil andito talaga ako sa unang building ng lumang academy na sa panahon ko ay isa nang museo.

"Lady Kiera, tignan mo si sir Grimm," bulong ni Diana sa'kin at napasunod naman ako ng tingin sa direksyon kung saan tanaw namin ang isang lalaking may katangkaran, brown ang buhok ninto at tan naman ang kulay ng balat. Kitang-kita ko kung gano kaganda ang mga mata niyang kulay light brown na gabay sa makapal niyang kilay.

Parang nag skip saglit ang puso ko nang makita ko kung pano siya ngumiti sa kaniyang kausap.

Siya si sir Grimm Herveaux, isang Royal Knight at naging Heneral nang ihalal siya sa posisyon ni Empress Diana noong taong 1650. Ayon sa libro ay may pagtingin siya kay Diana at bago pa man makilala ni Diana si Viggo o 'yung bampirang papatay sa'kin ay si sir Grimm ang kaniyang hinahangaan.

Parehong may gusto sina Kiera at Diana kay sir Grimm at nang malaman ni Kiera na may gusto si sir Grimm kay Diana ay lalo itong pinagmula ng galit niya para sa kaibigan. Lalo siyang na puno ng selos, tapos nalaman niya pang binaliwala ni Diana ang lalaking mahal niya at pinili ang isang slave na bampira.

Miske ako nang hihinayang kay sir Grimm at siya rin ang paborito kong character sa librong iyon pero wala eh, hindi siya pinili at hindi niya rin inili si Kiera, nanalo pa rin si Viggo na hindi ko alam kung totoo nga bang bampira ang pagkatao. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na may bampira talaga sa panahon na 'to pero sabagay hindi na rin imposible dahil ako nga na mortal at normal ay bumalik sa nakaraan at pumasok sa librong aking kinaadikan.

"Lady Kiera, malalim na naman ang iniisip mo," tawag sa'kin ni Diana sabay tapik sa balikat ko. Doon lang ako na balik sa paglalakbay ng utak ko at napaubo sabay ayos sa itsura ko.

"Tara na pumasok na si sir Grimm," bulong ni Diana at mukhang kinikilig ng makita ang crush niya.

Naku girl, pagnakilala mo si Viggo ay makakalimutan mo rin si sir Grimm.

Pumasok kami sa loob ng balwarte at halos mapanganga ako sa kinang ng buong lugar, pinapaligiran ako ng puti at gold na kulay sa loob ng banquet hall. May malalaking bintana na tinatakpan ng makakapal at pulang tela, ang malawak na kisame ay may tatlong chandelier na nakasabit na halos mapuno ng makikinang na kristal.

Buhay na buhay ang history sa lugar na 'to at para akong pumasok sa mga colored image na nakikita ko sa mga textbook namin noong nasa unibersidad ako.

Hindi ko mapigilan mapanganga at mapamangha sa nakikita ko ngayon, bawat tao sa loob ng lugar ay nakasuot nang magagarbo at magagandang mga kasuotan, ngunit pansin kong nakatingin silang lahat sa'min o sabihin kong nakatingin sila sa kagandahan ni Diana.

Parang gusto kong umurong sa tabi para ibigay sa kaniya ang spotlight ngayon gabi, pero sabagay para lang naman akong hangin dito dahil sa kaniya na mismo ang atensyon ng lahat.

Behold sa empress regnant ng Lumire Empire! Ako ang nag-ayos sa kaniya at gawa ko ang gown na suot niya!

"Hu? Si Diana ba 'yun? Yung commoner?" Rinig kong bulungan sa loob ng banquet at hindi magmaliw ang tingin nila kay Diana.

"Saan siya nakakuha ng ganoong damit? Mukhang hindi mamahalin pero maganda ang desenyo," mga usapan nila na para bang wala sa harap nila ang pinag-uusapan nila.

"Lady Kiera, lahat sila nakatingin sa direksyon na'tin," bulong niya sa'kin at nang hawakan niya ang braso ko ay ramdam ko ang panlalamig dito.

Para bang mas kabado pa siya sa'kin eh, ako itong salta(dayo) lang sa panahon at lugar na 'to.

"Wag mo silang pansinin, na gulat lang sila kasi ikaw ang pinakamaganda sa party na 'to," sagot ko kinuha naman ang wine na inabot sa'kin ng isang waiter matapos namin pumasok sa loob ng hall.

"Pero nakakahiya, nararapat ba talaga akong magsuot ng ganitong pabolosong damit?" Tanong niya at ewan ko ba bakit kusang tumataas ang kilay ko at gustong magtaray. Para bang manirisim na 'to ng katawan ni Kiera.

"Ano ka ba? Graduation ball ito at karapatan mong magsaya at suotin ang gusto mo dahil grumaduate ka rin naman sa paaralan na 'to katulad nila," sagot ko at tumango lang siya bilang sagot sa'kin na tila ba nahihiya pa rin sa sarili niya.

Nakita ko naman na inabutan siya ng wine glass nung waiter pero agad ko 'tong inagaw sa kamay niya.

"Hu? Lady Kiera? May hawak ka ng wine," sabi niya sabay turo sa hawak ko na may pagtataka.

Alam ko, alam kong may hawak na ko pero bawal kang uminum dahil hindi ko alam kung kailan mo 'to maitatapon ito sa damit ng anak ng isang Marquess.

"Bawal kang uminum ng alak, ayokong maghatid ng isang lasing maabala mo pa ko," pagtataray ko kahit ayoko magtaray dahil ito dapat ang inaakto ni Kiera sa harap niya.

"Sabagay, mahihirapan akong umuwi kung malalasing ako, kukuha na lang ako ng tubig. D'yan ka lang lady Kiera," sabi niya at mabilis akong umiling.

"No! Wag! Ako na kukuha d'yan ka lang at kumain at wag na wag kang tatayo okay?" Tanong ko sa kaniya at nagtataka na lang siyang sumang-ayon sa'kin.

Kailangan ko kasi siyang ilayo sa ano mang aksidente na pwedeng pagmulan ng panghaharass nila sa kaniya, nakatingin lahat ng mata ng mga tao rito sa kaniya at ako lang ang kayang prumotekta ngayon kay Diana hanggat hindi pa siya na kokoronahan ng emperor.

Agad akong kumuha ng tubig sa isang waiter na nag-iikot sa buong party, sa daan ko pabalik sa aming pwesto ay pansin kong parehong-pareho ng mga nasa historical books namin ang kaganap sa isang pagtitipon.

Kaniya-kaniya sila ng batian at puno ng mga usapan, pataasan ng ranggo at iyon ang circle na sasamahan mo.

Medyo nakaka-suffocate sa totoo lang, hindi ko na imagine sa tanang buhay ko na mararanasan ko ang ganitong bagay sa edad ko.

Sa paglalakad ko pabalik kay Diana ay nakarinig ako nang malakas na musika, at mukhang magsisimula na ang unang sayaw para sa kotilyon.

Pumunta ang magkakapareha sa gitna ng dance hall, bawat magkakapareha ay bumuo ng isang bilog na siyang magbibigay daan sa kanila para makapagpalit-palit sila ng kapareha.

Natutuwa akong panoorin ang unang step na ginagawa nila, na a-amaze ako dahil napapanood ko mismo ang mga bagay na nangyari sa history ng bansa namin.

Ngunit habang na nonood ako ay biglang bumaliktad ang mga ngiti ko nang makita ko si Diana na pinapaikutan nila sa gitna.

Wala siyang kapareha at mukhang sinadya siyang iwan ng kaniyang kapareha sa mismong gitna ng kasiyahan.

Pinagsisimulan na siyang pagtawanan at pagbulungan, dahil sa panahon na 'to ay isang malaking kahihiyan kung iwan ka ng partner mo habang kayo ay sumasayaw.

Hindi nga lang siya iniwan eh, hindi pa siya pinasa at pinosisyon pa talaga nila si Diana sa gitna ng circle nila upang hindi siya makalabas dito habang sumasayaw sila at pinagtatawanan nila si Diana.

Humigpit ang kapit ko sa basong hawak ko, ganito ba talaga nila ituring ang isang commoner sa panahon na 'to?

Nag-init ang ulo ko at agad na hinanap si sir Grimm na baka sakaling magtangkang isayaw si Diana, ngunit nakita ko siyang papaakyat sa hagdan at nang sundan ko ang pupuntahan niya ay nanlaki ang aking mga mata.

Sa hindi ganong pansinin na bahagi ng banquet hall ay nakita kong nakatayo ang emperor habang pinapanood ang ginagawa ng mga istudyanteng pamamahiya sa kaniyang apo.

Tila ba iniintay niya kung anong gagawin aksyon ni Diana, parang sinusubok niya ito pero alam kong kabado si Diana ngayon lalo na nung maramdaman ko kung gano kalamig ang mga kamay niya kanina.

Tumingin ako nang seryoso kay Diana na ngayon ay nakatingin na rin sa'kin, parang nangungusap ang mga mata niya na tulungan ko siya.

Pero anong gagawin ko? Hindi ko naman maaaring tawagin si sir Grimm dahil nasa tabi siya ng emperor ngayon at isa pa ito na ang pagkakataon ko para patunayan kay Diana at sa emperor na kakampi nila ako.

Na hindi na ako ang dating si Kiera na tatawanan lang si Diana at tatalikuran siya bilang kaibigan nito.

Huminga ako nang malalim at lumunok saka determinadong naglakad papunta sa kinatatayuan ni Diana.

Dare-daretsyo akong pumasok sa sayaw nila na kadahilanan para mabangga ko sila ay mapatigil sila sa pagsayaw paikot kay Diana.

"Girl sabi ko sayo doon ka lang sa pwesto na'tin eh at dapat hindi ako ang gumagawa nito sayo pero sige na nga," reklamo ko sabay kuha ng dalawang dulo ng aking gown at bahagyang tinupi ang isang tuhod saka naman pinowesto ang aking isang paa paurong.

"Can I have this dance lady Diana?" Tanong ko sa kaniya at para siyang naluluha na tumango sa'kin.

Yumuko rin siya sa harap ko at nagbigay galang katulad ng ginawa ko.

"My pleasure lady Kiera," sagot niya at sabay kaming na tawa saka sumabay sa musika na nagdulot samin ng saya.

Sumayaw kami ng parehong pyesa pang babae ang gamit naming mga steps, para kaming dalawang batang naglalaro paikot sa dance floor at masayang sumasayaw sa musika.

Hindi namin iniisip ang mga matang nakatingin sa'min dalawa at buti na lang talaga at tanda pa ng katawan na 'to ang pagsayaw ni Kiera kaya hindi ko pinoporblema ang ano mang hakbang ang ginagawa ko ngayon.

Parang malaki bulaklak ang mga gown namin tuwing gagawa kami ng mabibilis na ikot, rinig din naming nagpapalakpakan ang ibang bisita na nanonood.

Parang solo na namin ang buong dance floor at nang tumigil na ang masayang musika ay sabay kaming nagbigay galang sa isa't isa at tumungo.

Hinihingal man ay sabay kaming napangiti sa bawat isa.

"Ang ganda, para akong nanonood ng dalawang bulaklak na sumasayaw sa ere."

"Hindi ko akalain na makikita kong ngumiti nang ganoong si lady Kiera,"

"Si lady Kiera 'yung pinanood ko 'di ba? Ang basura sa Ducal house ng Romulus?"

"Parang isang noble si Diana," iyan ang mga bulungan sa loob ng banquet ngunit na tahimik ang lahat nang may malakas na pumalakpak mula sa taas ng hagdan.

Napalingon kaming lahat at pansin kong nagulat sila sa pagdating ng emperor. Sabay-sabay kaming yumuko sa harap niya saka inanunsyo ang kaniyang pangalan.

"The great emperor of Lumire Empire, Emperor Francis Atticus Aziel Eckheart, ay nais kayong batiin sa pagtitipon na 'to, mabuhay ang Lumire at ang mga bagong nagtapos sa Lumire Academy," malakas na sabi ng kanang kamay ng Emperor at sabay-sabay naman namin siyang binati.

"Greetings your majesty, the shining sun of the empire."

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 183 52
The best stories! (3.22.22) Running out of stories? Well this is for you then! DISCLAIMER: Each stories have their own Author so read at your own r...
48.1K 3.2K 24
Matapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na w...
86.7K 2.6K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
2K 238 28
Title: Sweet Treats Author: katanascytheslash29 Genre: Scifi, Mystery/Thriller, Action Things are getting bittersweet as the time flies. A parasite...