Claiming the Opposite ✔

By Lserolf

6.2K 312 3

Humiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca... More

Synopsis
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
33
35
36
37
38
39
40
Epilogue

21

108 6 0
By Lserolf


Enjoy

BEING always invisible with the eyes of people is okay than being bullied. Honestly, nakakapanibago. I already experienced before of how bullying works. Pero iba ang ngayon. Ang lala.



Hindi lang ako makapaniwala na ang dating nakikita ko lang sa TV at YouTube na pambubully ay mararanasan ko rin pala. And it's been three days that I became a victim of bullying.



Kanina pagbukas ko ng pintuan sa room at sa pagpasok ko ay agad akong naligo ng itlog. May sumaboy kasi sa akin na may hawak na pitsel na kung saan ay puro itlog ang laman. I couldn't explain how frustrated I am already. Kaya habang may discussion ay nasa likuran lamang ako, medyo nanginginig sa lamig.



Inaaway ko ang gumawa no'n pero hindi ko na sinubukang magsumbong sa instructor namin at sa dean. Hindi ako bata na kailangan pang magsumbong nang magsumbong. I can defend myself anyhow so I don't need someone to help me defend myself from anyone.



"Okay ka lang?" nakipagpalit ng upuan si Geniel sa seatmate ko.



Tinaasan ko siya ng kilay.



"Sa tingin mo ba, okay ako ngayon? I don't have extra clothes right now!" giit ko.



"Oh, don't worry. I have some sa locker ko. Wala pa naman ang instructor natin ngayon sa sunod na klase. Samahan mo na lang muna ako sa locker room."



"Are you serious, Geniel? Maglalakad ako patungo do'n na amoy itlog? Didiretso na ako sa cr tapos hihintayin kita. Subukan mo lang na hindi ako siputin sa cr at yung boyfriend mo ang makakatikim ng galit ko," iritadong wika ko at agad na nakayukong nagmartsa.



Mabuti naman ay pinuntahan niya talaga ako pabalik.



"Salamat! Chupi! Bumalik ka na sa room at bahala na kung ma-late ako."



I texted Cyrill about what happened to me. He's to the rescue naman agad. Sinaway ko pa siya dahil magka-cutting class na lang daw siya para puntahan ako.



Agad kong nakita si Cyrill na nakasandal sa pader pagkalabas ko. Nagpapahid siya ng pawis sa noo gamit ang kulay blue na panyo. Ang gwapo niyang tingnan. I won't deny that Cyrill is very attractive. He's a moreno and very appealing to other girls. Mabuti na lang at may gwapo akong kaibigan.



"Why is this happening to you? Is Jauncy already aware about all of the mess he have cause?"



"Labas na siya dito. He has nothing to do with his fans."



"Oh yeah? Pero siya naman ang dahilan, hindi ba?"



"Ri..."



Ginulo niya ang kanyang buhok. Mataman niya akong tiningnan at nagulat na lamang ako nang bigla niya akong isinandal sa pader at siniil ng mapusok na halik. Nagpupumiglas ako pero agad namang nanghina ang tuhod ko nang makarinig ng tili ng babae. Someone caught us.



"Oh my, shems! Kayo pala?" gulat na sigaw ni Geniel sa aming dalawa.



"Tangina mo! Bakit ka nanghahalik?!" sigaw ko kay Cyrill. "At hoy Geniel, hindi kami, tanga ka lang!"



I just couldn't believe it. My ever best friend kissed me, especially inside the school. Anong ibig sabihin ng halik na 'yon? Parang gusto kong masuka. Sa sobrang pagkasira ng araw ko ay hindi na ako pumasok sa mga sumunod pa na klase.



Nag-text ako kay Jauncy na hindi na ako susunduin mamaya. Ibubulsa ko na sana ang cellphone nang makatanggap agad ng reply sa kanya.



Jauncy:

Why? Will you sneak again with that Cyrill?



Me:

Sneak mukha mo! Uuwi na kasi ako ngayon. Ang wild kasi ng fans mo at ako ang pinag-tripan. Anakan mo na lang kaya sila? Para naman mabawasan rin ang inggit ng nararamdaman nilang lahat.



Jauncy:

Ikaw? Gusto mo?



Napatigil ako. Tangina?



Me:

Kadiriiiiii!!



Jauncy:

What? I said, gusto mo bang sunduin na lang kita diyan? May meeting ang mga instructors namin dito kaya pa-exit na rin ako. Never mind. Maghintay ka na lang diyan at susunduin kita hihi :)



Napataas ako ng kilay. Okay bahala siya. Pagka-park ng sasakyan niya ay agad kong binuksan ang pintuan ng passenger seat. Naiinis kong ibinaba ang cellophane na may lamang damit ko na medyo nangangamoy na talaga.



"What's that smell?" nagtatakang tanong ni Jauncy.



"My clothes. Your die hard fans did it to me. Ang daming nasayang na itlog."



"What?" his brows furrowed.



Naiinis na nilingon ko siya.



"Oh yes, Onse. I've been bullied for three days with your obsessed fans!"



"Do you know their names? Even one of them?" seryoso niyang tugon.



"Hindi ko close ang mga 'yon kaya paano ko naman makikilala?"



Agad akong naligo pagdating namin. Binanlawan ko na rin ang damit kong malagkit. Nakatapis ako ng tuwalya at biglang napasigaw nang makita si Jauncy na prenteng nakaupo sa kama ko.



Hindi pa siya nahihiyang titigan ang katawan ko. Kaya ako na ang nag-adjust at inalis ang tuwalya sa katawan. Pero syempre may suot na akong shorts at sando.



"Nasa baba ang Mommy mo..."



"Okay. Mauna ka nang bumaba. Mag-aayos pa ako."



He slowly nodded and stood up.



Naglagay muna ako ng lip balm. Nakaka-moisturize kasi ng lips. Sa dami ba naman kasing binili na beauty products at cosmetics sa akin ni Jauncy ay paminsan-minsan ay sinusubukan ko ang iba out of boredom.



Pagbaba ko ay nakita kong seryosong nag-uusap si Mommy at Jauncy. Natigil lamang sila nang mamataan ako. I blinked when I saw the dull eyes of Jauncy. Malapit na ring mag-iisang linya ang kilay niya.



"Anong pinag-uusapan niyo?" naiilang kong tanong at nilagyan ang bakanteng baso ng tea na nasa glass table malapit sa sofa na inuupuan namin.



Nasa gitna namin si Mommy.



"I just wanna clear out things, Xierl. Akala ko ba okay kayo ni Jauncy?" seryosong tanong ni Mommy.



"We're good, Tita. I just don't know with Xierl if she have other plans," agap ni Jauncy.



"Ano na naman ba ang tungkol sa akin?" naguguluhan kong tanong.



"May narinig ako tungkol sa'yo. I'm so disappointed, Xierl. It's not appropriate to have a fling when you're already engaged."



Nagtatakang napatingin naman ako kay Jauncy. Pero ang galit niyang mukha lamang ang sumalubong sa akin. Anong fling ang pinagsasabi ni Mommy?



"Ano bang kasinungalingan ang sinabi mo kay Mommy, Onse?"



"I didn't. She's the one who told me about what you did."



"Edi ano nga?!" hindi ko na maiwasan ang magtaas ng boses.



"You're caught kissing your friend," malamig ang boses na pagkakasabi ni Jauncy.



Agad akong napatampal sa noo nang maalala ang paghalik sa akin ni Cyrill. Oh, shit!



"Sino namang nagsabi sa'yo, Mom?"



"It's not important. The important thing is to explain why you did that. Actually, Aida told me about it. Pinapahiya mo lang ang sarili mo sa mga magulang ni Jauncy. Hindi kita pinalaki para maging manloloko. I'm so tired with your bullshits. And being a cheater is not tolerable at all. Galit sa'yo ang daddy mo."



My heart ripped painfully. Kasalanan ko bang bigla na lang akong hinalikan ni Cyrill? Hindi ko nga alam na mangyayari 'yon. After all, they're right. I'm always a fruit of disappointment to them.



"H'wag niyo nga akong sisihin. Bakit? Ako ba ang nanghalik? Ako ba? I didn't even expect that to happen."



"Then, avoid that guy from now on! He's just a bad influence for you. Kung ano-ano na lang ang nilalason sa utak mo. Ang mga katulad ng lalaking 'yon ay mga walang kwenta."



Nalaglag ang panga ko. Kahit may kasalanan pa sa akin si Cyrill pero hindi naman tama ang pagsabihan siyang walang kwenta. God! Hindi ko na alam kung paano turuan si Mommy na itigil ang pang-iinsulto niya.



"I hate you!" sigaw ko kay Mommy na nakapagpagulat sa kanilang dalawa. "Kayong dalawa ni Daddy ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon. I became rebellious because the two of you is very perfectionist. Isang pagkakamali lang ay big deal na agad!"



"'Yan! 'Yan ang natutunan mo sa lalaking palamunin na 'yon! Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Shouting to your mother is bad, Xierl! How could you disrespect me?"



I was holding the tears that formed in the edge of my eyes. Ayokong umiyak. Ayoko, ayoko. 'Yon nga lang ay bigla kong naramdaman ang mga maiinit na patak ng luha na dumadaloy sa pisngi ko.



Patakbo akong nagtungo sa kwarto at malakas na isinara ang pinto. For all I know, parents is the best teacher. Pero bakit ganito? They just keep feeding me nocuous words and even taught me how to be wise and practical in a meaner way.



Ilang minuto akong nagtalukbong ng kumot. Tumigil lamang ako sa pag-iyak nang marinig ang pagbukas ng pintuan.



"Hey..."



Hindi ako nagsalita at gumalaw.



"Your mother left already. Don't be mad at me. Pwede ka namang makipagkita sa kaibigan mo. H'wag lang magpahalik. Don't avoid him, okay? After all, he's been by your side since then..."



Hindi na ako nag-abala pang magpunas ng luha. Our eyes met. Napakurap ako nang pinahiran niya ang ilalim ng mata ko gamit ang kanyang hinlalaki.



Biglang sumeryoso ang kanyang mukha.



"You knew that I like you, right?"



Kahit naiilang ay dahan-dahan akong napatango. Gustong-gusto ko talaga siyang tanungin kung anong nagustuhan niya sa akin. Kasi 'di ba, ang boyish ko tapos minsan ang baduy pa tingnan.



"That's why I want you to be open with me always..."



"I don't understand you. Hindi dapat kita magustuhan sabi mo no'ng una, 'di ba? And look at you, saying that you like me. Kung kasinungalingan lang din naman 'yan, mas okay siguro kung itigil mo na lang 'yang kasinungalingang pinapakain mo sa utak ko, Onse. Who would have like me? Siguro kung bisexual katulad ni Ayen ay maniniwala pa ako..."



He chuckled and messed my hair.



"I hate liars, Xierl. I don't even know why I like you. Tumayo ka nga," utos niya.



"Bakit naman?" kahit nagtataka ay tumayo pa rin ako.



He held my hand and crashed our lips. Gustong pumalag ng isip ko pero ayaw naman ng katawan ko. I'm already hypnotized with his kiss. He even pulled me closer to deepen more the kiss.



Inilayo niya na ang kanyang mukha sa akin. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Why the fuck I responded to his every kisses?!



He smirked.



"Cyrill kissed you but did you respond?"



I shook my head while still shaking a bit.



"Well then. At least nag-enjoy ka sa halik ko kaysa sa kanya. And that's very okay."

Continue Reading

You'll Also Like

157K 12K 37
unicode x zawgyi အိုး အန်တီ ဟာ သိပ်ဆိုးတယ်။ X အိုး အန္တီ ဟာ သိပ္ဆိုးတယ္။
52.5K 3.4K 45
Cassandra Lyr Levister is a student of architecture who loves to be free once in a while. With her traumatic past bugging her from time to time, she...
133K 5.9K 55
ငယ်ငယ်ကတည်းကတစ်ယောက်နှင့်တစ်ယောက်မတည့်တဲ့ကောင်လေးနှစ်ယောက်ကအလှလေးတစ်ယောက်ကိုအပြိုင်အဆိုင်လိုက်ကြရာက မိဘတွေရဲ့အတင်းအကြပ်စီစဉ်ပေးမှုကြောင့်တစ်ယောက်အပေါ...
3.6K 66 9
*FemDeku* Izuku got abused at home by her sister and father who is the number 1 hero All Might. Izuku's mom tried to keep Izuku happy, until Izuku an...