Astrid Monteverde (Bitch Seri...

Por mis_shyghurl

1.1M 35.3K 5.5K

GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be a... Mais

NOTICE
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
EPILOGUE
NEXT IN LINE | SOON
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
SPECIAL CHAPTER III

CHAPTER 29

13.7K 478 25
Por mis_shyghurl

LORRAINE

Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa aking mukha na lumusot dito sa maliit kong bintana sa kwarto. Kinusot-kusot ko naman ang mata ko at babangon na sana nang may naramdaman akong mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko.

Tinignan ko naman ito at lumingon sa gilid kong saan natutulog na mayapa ang anghel sa buhay ko.

Ang aga-aga pero ang landi ko na joke. Pero sa totoo lang ang ganda niya po pag tulog oo pag tulog lang talaga kasi kapag gising ay mukha siyang dragon.

I caress her cheeks gently using my thumb at hinalikan ang noo niya while mumbling good morning, my love. Bago nagpasyahang bumangon. Nag stretch naman ako ng kamay ko at tinignan ang orasan na nasa gilid lang.

Nakita ko naman ito na alas 5:30 palang ng umaga. Eh? Ang aga ko naman yata nagising?

Tss hayaan na nga atleast makapagluto pa ako ng kakainin namin lalo na't nandito ang mangkukulam.

Tinali ko naman ang buhok ko pagkatapos ko kumutan ang katawan ni madam na hanggang ngayon nakadantay parin pala ang kamay niya sa tiyan ko. Dahan-dahan ko naman itong kinuha at agad pinalitan ng unan ang tabi niya at doon inilagay ang kanyang kamay. Napangiti naman ako nang makita ko ang itsura niyang parang kuting.

Pagkatapos ko siya halikan ulit sa noo ay agad naman akong lumabas sa kwarto at nagtungo sa kusina at naghilamos pagkatapos agad bumili nang lulutuin na ulam kina Aling Doray.

Malayo palang ako ay nakita ko na itong nagwawalis sa bakuran niya. Ngumiti naman agad ito ng makita ako.

"Magandang umaga Aling Doray." Masayang bati ko sa kanya.

"Magandang umaga rin Raine, oh ang aga mo yata nagising?" Napansin niya rin pala? Akala ko, kasi ako lang. Nagkamot naman ako sa batok ko bago siya sinagot.

"Ahh siguro po kasi ano maaga akong natulog kagabi kaya ganun hehe." Maaga o baka may katabi ka lang na diyosa?Saad ng isang bahagi ng isip ko na hindi ko nalang pinansin.

Nakita ko naman siyang umiling lang bago muling nagsalita, "Ikaw talaga. Oh, may bibilhin ka ba?" Oh muntik ko na tuloy makalimutan na bibili pala ako. Si Aling Doray kasi tsk.

"Ahh opo hehe pabili po ako nang Daing isang balot, limang itlog at isang pack nang hotdog po." Sabi ko sa kanya. Agad niya naman itong kinuha, habang ako ay naghintay lang sa labas ng tindahan.

Nakalimutan ko palang mag grocery kahapon huhu. Di bale baka mamaya mag gogrocery ako. "Ito na Raine, bale 180 lahat." Ibinigay ko naman sa kanya ang bayad at pagkatapos ko makuha ang sukli sa 200 ay nagpaalam na ako na babalik na sa bahay.

Pagkarating ko sa kusina ay agad ko naman itong inasikaso at nagpakulo muna nang mainit na tubig para mamaya sa gatas ni Lennie at kape ko narin. Ewan ko lang dun sa isa kung mahilig ba yun sa kape. Ilang sandali pa ay natapos naman ako sa pagluluto ng mga ulam at isinunod ko na agad ang kanin na mamaya-maya lang ay luto na rin.

Inihanda ko naman ito sa mesa lahat bago magpasya na umakyat sa taas para gisingin ang dalawang tulog pa ngayon sa magkabilang kwarto. Napatingin naman ako sa oras at nakitang mag-aalas 6:15 palang ng umaga.

Inuna ko naman puntahan ang kwarto ni Lennie at agad itong ginising na nakayakap pa sa teddy bear niyang si Pooh na regalo sa kanya ni mangkukulam nung minsan ay pumupunta siya dito. Niyugyog ko naman ito para magising.

"Lennie? Psst batang paslit bangon na." Marahan naman siyang gumalaw at magkusot-kusot ng mata bago dumilat. Napangiti naman ako sa sobrang cute ng kapatid ko dahilan para hilahin ko siya sa kamay at agad na kinarga habang hawak niya pa ang teddy bear niya.

"Inaantok pa ako Ate." Nakanguso niyang sabi dahilan para pisilin ko ang ilong niyang may kataasan din.

"Pasensya na bunsoy pero kailangan muna kasing gumising po dahil may pasok ka pa. Hala bilis maligo ka na don sa baba para pagkatapos mo ako naman. Gigisingin ko lang ang Ate Ganda mo sa kabila." Mahaba kong sabi sa kanya at ibinaba siya.

"Opo Ate." Humihikab niyang sabi na ikianiling ko nalang bago tinupi ang kumot na ginamit niya at inayos ang kanyang kama at agad na lumabas para magtungo sa kwarto ko.

Pagpasok ko nakita ko naman ang babaeng tulog na tulog parin sa kama kong maliit at nakayakap sa unan na akala mo ay tao. Jusko po. Parang mahaba-habang gising pa'to, ahh? Hays.

"Psst madam, madam gising na po." Yugyog ko sa balikat niya at marahan siyang hinaplos-haplos sa mukha ng makita ko ang buhok niya na nakaharang. Gumalaw naman siya, kaya kinuha ko na yun na pagkakataon bago muli siyang niyugyog.

"Baby?Psst, wakey wakey pusa meow meow!" Pinalambing ko naman ang boses ko at tinawag siyang pusa dahilan para magmulat siya ng mata at masama akong tinignan.

Napalunok naman ako ng wala sa oras sa klase nang stares niya este-tingin pala. Jusko Raine ke aga-aga yang bunganga mo. Pangangaral ko sa sarili ko bago nasalita.

"Bangon ka na diyan at kakain na tayo. Maliligo lang muna ako." Diretso kong sabi sa kanya at hindi na siya hinintay pang sumagot at kumuha nalang ng uniform ko sa maliit kong kabinet. Kumuha naman ako na bale dalawa nang maalala ko na wala palang damit ang babaeng to tsk.

Muntik ko na makalimutan hmpf.

Tinignan ko naman ang babeng mangkukulam na hanggang ngayon ay nakahiga parin, pero ang kaibahan nga lang ay nakatingin pa rin siya sa akin ng masama. Taka ko naman siyang tinignan bago nagsalita.

Ano bang nagawa ko at ganito nalang siya kung makatingin?

"B-bakit ganyan ka makatingin?" She suddenly glared at me, which caused me to gasp in surprise at dahan-dahang lumunok.

"You forgot something, Nerdy." Ehh? Ano naman kaya yun? At teka daw Nerdy? At kailan pa naging Nerdy ang isang Lorraine? Tumingin naman ako sa kanya bago dahan-dahang naglakad papalapit.

"Hmm, meron ba? Ano?" I tap my chin using my forefinger at bahagyang tumingala sa taas na parang genius na nag-iisip. Ilang sandali pa ay narinig ko naman ang katabi kong napaismid na ikinagulat ko.

"Are you that dumb? Of course you forgot to greet me good morning and a good morning kiss, my ghad!!" She exclaimed, which surprised me and made me look at her in disbelief.

Wth?! At kailan pa akong natutong magmura? Pero ano daw—good morning kiss? Anak ka ng kagang naman, ohh. Tumingin naman ako sa kanya bago muling nagsalita.

"H-huy relax ka lang p-pero teka required pa ba yun?I me-" Hindi paman ako tapos sa pagsasalita ng pinutol na niya agad ang sinasabi ko.

"Of course you arg-" And I didn't let her finish what she said at agad siyang hinalikan sa labi at bago siya hawakan sa mukha na ikinagulat niya. Bago paman siya makaganti ng halik ay kumalas na ako at pinisil ang ilong niyang matangos bago ngumiti ng matamis sa kanya.

"Good morning to my beautiful soon-to-be girlfriend." I sweetly said to her, Na ikinapula niya bago napakagat sa labi at umiwas ng tingin.

"Good morning too, ahm, sorry about earlier.." I put my index finger to her lips, causing her to stop talking.

"It's alright, and besides, kasalanan ko rin naman kasi hindi ko alam na may ganun pala." Seryoso kong sabi sa kanya at napayuko. Totoo naman kasi, pero ano bang alam ko sa ganyan? First time ko kaya hmpf.

"It's okay, baby, I understand." So ngayon balik baby na? Grabe tong babaeng to nahalikan lang naging maamong pusa na. Bulong ko sa sarili ko bago tumayo at nagsalita.

"Maligo ka muna bago ka bumaba. Siya nga pala ito yung extra kong uniform para masuot mo kasi alam ko namang wala kang dala." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya bago ako nginitian.

"Thank you by." Nagpaalam naman ako agad para makaligo na siya at para makakain narin. Panigurado malamig na yung pagkain na niluto ko.

Yung babaeng kasi yun antagal paamuhin jusko. Palagi nalang may mood swings hmpf.

Nagbihis nalang ako at pagkatapos nang ilang minuto ay agad naman akong natapos bago lumabas sa kwarto na nakabihis na at agad pinasunod si mangkukulam na walang imik na naligo.

Tumungo naman ako sa hapag kaagad at ilang saglit lang ay sabay-sabay narin kaming kumain at pumasok sa skwelahan kasama ang kapatid ko para ihatid ito sa kanyang room.

Pagpasok namin sa loob ng classroom matapos ihatid ang kapatid ko ay nagulat naman kami ng makita ang eksena sa loob at napasinghap sa nasaksihan pati narin itong katabi ko na agad sumigaw.

"What the fuck is happening here?!"

The whole classroom turned silent ng marinig nila ang sumigaw na yun at dahan-dahang lumingon sa gawi namin na parang mga takot.

Patay. Saad ko sa isip ko at napapikit nalang.

Continuar a ler

Também vai Gostar

248K 6.9K 32
"Time passes by as we drift, but strings seems to find ways for me to go back to you." Freen, a rich CEO had to face her ex-bestfriend in college Bec...
157K 7K 59
ခွန်းသမိုးညို × သစ္စာမှိုင်းလွန် အရေးအသားမကောင်းခြင်း၊[+]အခန်းများမြောက်များစွာပါဝင်ပြီး ကိုယ့်အတွက်ဘာအကျိုးမှရမည်မဟုတ်တဲ့စာဖြစ်သည်နှင့်အညီ မကြိုက်လျ...
KALBE SAPLANAN OK Por Ebru

Ficção Adolescente

16.9M 652K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
16.8K 487 5
𝐬𝐲𝐧𝐨𝐩𝐬𝐢𝐬. 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡 𝐀𝐥𝐨𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐭𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐦𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐃𝐚𝐞𝐦𝐨𝐧 𝐓𝐚𝐫𝐠𝐚𝐫𝐲𝐞𝐧.