My Five Boy Friends: Season 2...

By Lebayn

7.6K 469 38

Everything happens for a reason, people come and go... But what if the reason that your looking for doesn't m... More

Prologue
MFBF: Sixty-five
MFBF: Sixty-six
MFBF: Sixty-eight
MFBF: Sixty-nine
MFBF: Seventy
MFBF: Sixty-seven
MFBF: Seventy-one
MFBF: Seventy-two
MFBF: Seventy-Three
MFBF: Seventy-Four
MFBF: Seventy-Five
MFBF: Seventy-six
MFBF: Seventy-seven
MFBF: Seventy- eight
MFBF: Seventy- nine
MFBF: Eighty
MFBF: Eighty-one
MFBF : Eighty-Two
MFBF: Eighty- three
MFBF: Eighty-four
MFBF: Eighty-Five
MFBF: Eighty-seven
MFBF: Eighty-eight
MFBF: Eighty- nine
MFBF: Ninety
MFBF: Ninety-one
MFBF: Ninety-two
MFBF: Ninety-three
MFBF: Ninety- Four
MFBF: Ninety-Five
MFBF: EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

MFBF: Eighty-six

178 12 0
By Lebayn




Chip



Lezili's POV

Nagising ako sa isang madilim na lugar, akmang hahawakan ko na sana ang ulo ko nang mapansing nakatali na ang magkabilang kamay ko sa isang poste





Asan ako? Anong nangyari?...si Nya?!





Naalala ko habang papunta pa lang kami sa simbahan ay biglang huminto ang kotse. Nakita pa naming nagsilabasan ang mga gwardya pati si Tito Wil na nakikipagbarilan na. Agad naman akong hinila ni Nya palabas nang kotse para tumakas, kinaladkad nya ko sa isang masukal na gubat pero may biglang tumama sa ulo ko at nagising na lang akong nandito nako



"Lez...L-Lez..."agad akong napahinto sa pagkakalas nang tali nang marinig ang boses ni Nya,agad kong nilibot ang paningin sa madilim na gusali nang may maaninag na babae

Naningkit pa ang mata ko at pinilit lumapit para makita sya nang klaro. Hindi naman ako nabigo nang  bumukas ang ilaw, nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si Nya na nanghihinang nakatali ang magkabilang kamay sa magkabilang poste. Puno nang mga galos ang pasa ang mga braso't binti nya,sira sira na din ang kaninang mahaba at maganda nyang bistida


"N-Nya! A-anong nangyari? Asan tayo? A-anong nangyari sayo?" Sunod sunod kong tanong nang may isang matandang lalaki na may dala dalang baston ang biglang dumating, kasama ang lima pang armadong mga lalaki

Agad syang lumapit sakin kaya dali dali akong nagpumiglas, marahan nyang inangat ang baba ko para iharap sa kanya. Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtanto kung sino sya


'RX Corp. Welcome their new investor Mr. Hilbert Morasaki'


Sya yung Hilberyong sinasabi nila Shawn. Sya ang tatay ni Nya...Sya ang nagtraydor kanila Dad at ang pasimuno nang lahat ng kaguluhang ito.


"Lexie! Long time no see iha..." Nakangiting bati nya, agad ko naman syang tinignan nang masama

"Walang hiya ka! Ikaw palang matanda ka Ang may pasimuno nang lahat nang to!" Inis kong sigaw sa kanya,napatayo naman sya bago tumingala at tumawa

"My, my, my. Fiesty...like you're mother" saad nya sabay tingin sakin na sya namang ipinagtaka ko "You both exactly look alike ,sayang nga lang at...napunta sya sa maling tao"



Agad na namuo ang galit at lungkot nang maalala ko lahat nang masalimuot na nangyari samin...lahat nang yun dahil lang sa kanya


"Ano pa bang kailangan mo ha?! Kinuha mo na lahat diba?! Inubos mo na ang pamilya ko! Marami ka nang dinamay sa kag*guhan mo! Ano pa ba?! Ano pang kailangan mo ha?!" Buong pwersa kong sigaw kasabay nang unti unting pagpatak nang luha ko,pero kahit anong sigaw at galit ang ilabas ko ay wala lang sa kanya. Dinadaan nya lang sa tawa na para bang natutuwa pa sya sa nakikita

"You know what I want Lex..."agad na sumeryoso ang mukha nya habang nakatingin sakin "I want every last breath of your generation,even your's. I want all of you to feel what I felt when you're grandfather betrayed us and kill my only son! The only family that I have left!..." Unti unti na ring pumatak ang mga luha mula sa kulubot nyang mga mata, napakunot naman ako sa naririnig

Panong...pero si Nya...si Nya ang anak nya diba?


"Anong ibig mong sabihin? Si Nya--"

"Ampon ko lang sya...inampon ko sya para tulungan ako sa mga plano kong mapabagsak kayo nang pamilya mo! Pero wala, Kay lang din sya nang kuya mo walang silbi!" Sigaw nya saka agad na hinampas si Nya nang baston sa binti nya dahilan para bumigay ito at bumitin ang dalawang kamay nyang nakatali sa magkabilang poste

"Tamaaaaa naaaa!" Sigaw ko "Hindi ka ba naaawa?! Kahit kailan ba hindi mo sya tinuring na anak?!"

"Anak? Wala akong anak na traydor!" Sigaw nya uli saka muling pinaghahampas ang nanginginig at nanghihinang katawan ni Nya

"Tama na t*ng*na!" Napatayo na ko habang sumisigaw dahil sa awa sa kalagayan ni Nya

"H-huh!...y-yun ay dahil...hindi mo..talaga 'ko a-nak...k-kahit kailan...hindi mo..ko ti-nuring n-na anak----aahhh!" Daing ni Nya nang balewalain nito ang mga sinabi nya at binanatan pa uli nang Isa pang hampas

"Hindi ko sinakripisyo ang lahat nang meron ako para lang mauwi sa wala! Hindi ako nagtiis nang ganun ka tagal para lang magpadala sa inyong mga mahihina! Hindi kita anak at kahit kailan hinding hindi kita ituturing na anak!" Sagot pa nito






*Bang!






Agad akong napayuko nang maring ang isang putok nang baril,unti unti kong dinilat ang mga mata ko nang makitang nasa sahig na ang baston ni Hilberyo habang seryosong nakatingin sa taong bumaril sa baston nya. Agad ko naman akong napatingin sa direksyon nang tinitignan nya at laking gulat nang makita kung kanino galing ang putok na iyon




Louie!




"May kasunduan tayo,hindi mo sya sasaktan kapag dinala ko sya dito" seryosong saad ni Louie habang patuloy pa ding nakatutok ang baril kay Hilberyo

Napakunot naman ako nang may sumulpot na dalawang lalaking nakamaskara sa likod nya, hawak ang isang lalaking may itim na tela sa ulo. Agad nilang tinulak ang lalaki dahilan para mapadapa ito sa sahig,tinangka pa nitong bumangon pero agad na hinawakan nang isang lalaking nakamaskara ang pareho nitong kamay sa likod para hindi ito makapalag. Kasabay naman nito ang pagtanggal nang isa pang lalaki sa itim na telang nakabalot sa ulo nya na syang kinagulat ko nang husto

"X-Xynon" hindi makapaniwalang bangit ko sa pangalan nya

Pinilit nyang magpumiglas pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kanya nang mga lalaki, agad namang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang mga tingin namin. Pero lahat nang tuwa ay madaling nabalot nang galit at awa nang makita kong puro sugat at pasa ang mukha nya

"Bakit nyo pa sya dinala dito?! Akala ko ba ako Lang Ang kailangan nyo?!" Bulyaw ko sa bwiset na matandang yun

"We just want take sure that you're going to tell us the truth Lex... Baka kasi...lokohin mo lang din kami tulad nang nanay mo" baling nya sakin

"Ano bang pinagsasabi mo ha?!" Naguguluhan kong tanong sa kanya

Kanina pa nya binabanggit si mommy, ano bang pinagsasabi nya??

"Let's just say...Ang mommy mo Ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko...nang dahil sa kanila nang daddy mo. Kung hindi lang umatras ang mommy mo sa kasal at kung hindi lang sya kinuha nang daddy mo hindi sana mangyayari to...Hindi Sana mawawala Ang anak ko, at sana hanggang ngayon maayos pa din ang lahat" bakas sa mata nya ang galit at lungkot sa bawat salitang binibigkas nya, na para bang bumabalik ang lahat sa kanya

Pero Wala na... nangyari,hindi nya na maibabalik ang buhay nang anak nya kahit na anong higanti nya. Mas lalo nya lang pinapagulo ang lahat! Marami na syang naagrabyado

Agad na napawi ang tensyon nang marinig ko naman ang mahinang tawa ni Xynon. Agad kaming napatingin sa kanya na patuloy pa ring nakadapa sa sahig habang hawak hawak nang dalawang lalaking nakamaskara



"At sa tingin mo maaayos mo lahat ng yun sa pagpatay nang ibang Tao?" Nangunot ang noo ni Hilberyo sa sinabi nito "Kukunin mo ang chip, papatayin mo kaming lahat...tapos? Sa tingin mo ba mabubuhay uli ang anak mo pagtapos nito?" Tawa nya habang matalim na nakatingin kay Hilberyo "Makukulong ka lang" dugtong nya pa

"Hah! At sa tingin mo magpapahuli ako sa mga gung gung na Yun? 'E ni hindi nga nila mahuli huli ang mga ilegal na negosyo ko eh. Ako pa kaya mismo?" Pagmamayabang nya saka lumuhod sa harap ni Xynon at hinila ang buhok niyo papunta sa likod para iharap sa kanya "Marami ka pang hindi alam, ni hindi mo nga alam na gustong gusto ka na din patayin nang sarili mong nanay eh" pangaasar nya rito dahilan para manlaki ang mata ko


Pinapatay sya ni Tita? I-imposible... teka...ibig sabihin...magkasabwat sila?!


Padabog nyang binitawan si Xynon at binaling naman sakin ang tingin

"Now let's have a deal...ibibigay mo sakin ang chip, at papalabasin ko silang lahat dito...Kung magmamatigas ka,hindi ako magdadalawang isip na gumamit nang dahas" nakangiti nyang banta saka binaling ang tingin kay Xynon na ikinakaba ko nang husto "At sisimulan ko sa kanya" dugtong nya pa

"Hayup ka talaga!" Sigaw ko kasabay nang unti unting pagpatak nang mga luha ko

Hindi ko pweding isuko na lang basta basta ang chip na to...marami nang buhay ang nasawi para lang protektahan ako...ito. Sila mom at dad..si tita Kiana...si Shawn. Kahit ang mga buhay nila Tito Wil, Tita Erra...lahat nang malalapit sakin...lahat nang to nakasalalay sakin. Kung ano mang meron ang chip na to,Alam kong hindi iyon makabubuti lalo na pag napasakamay nang gahamang matandang ito...


Pero....



Tyak na mamamtay din sila, lalo na si Xynon pag hindi ko ito binigay...kahit anong piliin ko...ako pa rin ang talo...at ang buhay namin ang magiging kabayaran

"Hoy!" Nagising ako sa realidad at agad na inangat Ang tingin ko kay Xynon "Wag mong sabihing nagdadalawang isip ka? Alam mo kung ano Ang dapat mong gawin, kaya wag kang magpakatanga...dahil hindi mo ko prayoridad" seryoso nyang saad sakin habang nakatingin mismo sa mga mata ko, dahilan naman para mas lalong bumuhos ang mga luha ko


"Do what you need to do..."

"We'll end this..."


"Let's break up..."



Napapikit ako sa inis kasabay nang isang mabigat na desisyon

Hindi ako nagiisa...nagtitiwala akong ililigtas kami nila Wyde. Kailangan ko lang nang konting panahon...hindi ko pweding isuko ang lahat para lang sa isang tao... sorry Xynon...pero hindi ko to pweding isuko,buhay mo kapalit nang buhay nila Ang nakataya dito...kung kaya nilang isakripisyo ang sarili at mga taong mahal nila para lang hindi makuha ni Hilberyo Ang gusto nya...dapat ganun din ako...

"Huh...patayin mo na Lang ako,pero hinding hindi mo na makikita Ang hinahanap mo"matapang kong sagot sa kanya na sya namang kinataas nang isang kilay nya

"Sigurado ka ba Jan?" Tanong nya saka buong pwersang sinipa si Xynon  sa mukha dahilan para mapaatras si Louie at ang dalawang lalaking nakamaskara. Napapikit naman ako nang makita ang pagtalsik nang dugo sa mukha nya

Nanginginig ang buong kalamnan ko tuwing naririnig ang daing ni Xynon habang patuloy syang pinagsisispa ni Hilberyo. Kahit na nakapikit nako ay patuloy pa din sa pagpatak ang mga maiinit kong luha...

Hindi ko na kaya...hindi ko na kayang marinig na nahihirapan pa sya....tama nga si Nya...mahina ako...masyado akong mahina


Sorry dad... pero hindi ko na kaya to


"Makiusap ka na kasi, kaya ka namang iligtas nang babae mo kung makikiusap ka lang" dinig kong kumbinsi nya kay Xynon, unti unti ko namang minulat ang mata ko kasabay nang isang nakapanlulumong pangyayari

Puno na nang pasa at dugo ang mukha at katawan nya,nakapikit na din ang isang mata nyang nangingitim dahil sa pambubugbog na natamo


"Ayaw mo talagang magsalita?" Tanong nya saka unti unting inapakan Ang kaliwang kamay ni Xynon dahilan naman para mapasigaw ito sa sakit

"Aaarrrgggghhhh!" Napapikit uli ako nang mariin nang marinig ang mga malutong na pagtunog nang mga buto nito, sa huli ay nanaig pa din sakin ang awa at panghihina


"Taammmaaa naaaa!" Nanginginig kong sigaw dahilan para matuon sakin ang atensyon nang lahat, pansin ko pa ang tagumpay na ngiti ni Hilberyo dahilan para inis ko syang tinignan

"Nasakin ang chip kaya hayaan nyo na sya!" Buong lakas kong sigaw


"Finally...pinapagod mo pa ko, magsasalita ka rin pala" nakangiti nyang saad habang papalapit sakin "Dala mo ba?" Tanong nya pa, napapikit na lang ako saka marahang tumango

"Y-you...idiot!" Dinig ko pang sigaw sakin ni Xynon,pero imbis na mainis ay napangiti na lang ako


"Manahimik ka!" Sigaw pa sa kanya ni Hilberyo bago muling humarap sakin "Nasan? Akin na!" Utos nya agad naman akong napangiti sa narinig

"Nasa loob ng tagiliran ko...kaya mo bang kunin?" Panghahamon ko na ikinagulat naman nilang lahat maliban kay Nya


"Ha-haha-hahahahaha! ANTALINO!" Inis na tawa ni Hilberyo " antalino talaga! Talagang iplinanta nya sayo para Hindi ko talaga makuha. Na para pag namatay ka masasama na din yan sa hukay mo! Ang galing! HAHAHAHA"

"Pero mas matalino pa din ako" saad nya mismo sa mukha ko at agad na sumipol na ikinakunot ko



Sa isang iglap lang ay dinig ko ang maingay na pagbukas nang lumang bakal kasabay nito ang pagsipip nang nakakasilaw na liwanag mula sa labas. Nagulat naman ako nang dumating ang napakaraming mga lalaking naka itim na maskara tulad nang dalawang kasama ni Louie kanina. Lahat sila ay may dalang samu't saring mabibigat na armas.


"Ihanda nyo Ang operating table ko...may ooperahan tayo"  saad ni Hilberyo sa mga tauhan nya habang nanlilisik ang matang nakatingin sakin,na sya namang ikinalaki nang mata ko

"H-hindi...L-Lez..." Dinig ko pa ang mahinang daing ni Xynon habang pinipilit na bumangon pero mas nanlaki ang mata ko sa sunod na inutos ni Hilberyo kay Louie



"Kill him" turo nya kay Xynon "...and both of you will be free" pagtutukoy nya kay Louie at Nya


_________________________

Sorry ngayons Lang,busy talaga eh tas ngayon lang nagkaload hehehe. Bawi bawi naman ngayon, nyapii reading!!! 😘✨ 💓

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
4.8M 149K 88
Book 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. B...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
44.7K 1.4K 13
Piper is a shy girl opposite of her best friend Zac - who is outgoing and popular. They are best friends for almost 4 years. And oddly enough, whene...