Love You, Sunset

De pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... Mais

Chapter 1: Collision
Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 9: Kuya
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 16: Mommy
Chapter 17: Sister
Chapter 18: Message
Chapter 19: Dream
Chapter 20: Artwork
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Fear
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 26: Reverse
Chapter 27: Missed
Chapter 28: Back?
Chapter 29: Again
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 12: Unit

72 6 2
De pink_opal_27

Ken's POV


Nandito na kami sa may tapat ng building ng condo ni Mia. Pinark ko muna ang sasakyan sa harapan nito na intended yata sa mga guests lang ng residents dito. Paglingon ko kay Mia ay himbing na himbing pa rin ang tulog nito. Lumabas ako ng sasakyan at binuksan ang likod para gisingin siya.


"Hmmm" ungol niya.


"Mia, uy halika na. Andito na tayo sa condo mo. Gising ka na." tinatapik-tapik ko ang balikat niya. Dumilat naman siya nang panandalian pero pumikit ulit at inayos pa lalo ang pagkakahiga sa backseat ko.


"Mia" pilit ko pa din siya gingising pero wala na yatang pag-asa.


"Sorry Mia. Ayaw mo magising. Wala akong choice, kailangan kitang maiakyat sa unit mo."


Maingat ko siyang kinuha sa backseat at inilagay ko sa likod ko. Pewww amoy na amoy ko pa rin yung beer. Mia talaga.


"Good evening po Sir. Saang unit po sila?" animo'y sinisilip-silip niya kung sino ang babaeng nasa likod ko. Nang maaninag nila ang mukha...


"Si Ma'am Mia po pala 'yan? Ay ano pong nangyari?"


"Naheartbroken sa boyfriend niya. Ayan nagpakalasing."


Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ay akala ko po Sir kayo po ang boyfriend niya. Wala pa po kasi nadadalang kahit sinong lalaki si Ma'am Mia po dito bukod kay Sir Mark eh."


Sir Mark? Eh diba si Bruno ang boyfriend nito?


"Sino po ba kayo Sir? Pasensya na po di po kasi nagpapaakyat ng bisita nang di namin kinukuhanan ng impormasyon. Para na rin po sa kaligtasan ng mga residents. Kamag-anak din po ba kayo? Pahingi na lang po ng valid ID"


Paano ba? Sapat ba ang kaibigan lang? Baka di ako papasukin. Uhmm....uhmmm...


"Boyfriend!"


"Sir? Akala ko po ba hindi kayo ang boyfriend niya?"


"Sa akin. Sa akin siya naheartbroken kaya siya nagpakalasing." Ken Chan, papasok ba ang pagpapalusot mo, jusmiyo ka. Please Miss maniwala ka naman oh. Ang bigat bigat na nitong pasan-pasan ko.


"Sir?" tagal pa mag-isip ni Miss. "May picture po ba kayo together?"


Patay tayo dyan wala akong picture man lang. Bago pa lang naman kaming magkaibigan. Paano na 'to. Isip isip Ken Chan.


"Miss... wala kasi kaming photo together pa. Mag-iisang buwan pa lang naman kami nito ni Mia. Magpipicture daw kami together sa 1st monthsary namin eh. Paano po ba 'yan Miss?" inosente kong pagkasabi para maawa na siya sa akin HAHA


"Uhmm naku Sir ha. Boyfriend ba talaga kayo ni Ma'am?"


"Yes... Uhmm actually ako nga 'yung kasama niyang uminom sa rooftop kanina."


Kumunot ang noo ng babae sa reception. Ano ba huhu



"Kennnnn" nagulat ako at biglang umungol si Mia sa likuran ko. 


"Kennnn nasa condo na ba tayo? Sabi mo iuuwi mo na ako, tara naaaa" hindi masyado malinaw ang pagkakasabi pero sapat nang maintindihan ng babae ang sinasabi ni Mia.


Salamat Mia kahit tulog ka tinutulungan mo ako.



"Sir, ito na po ID niyo. Iuwi niyo na daw po si Ma'am" nakangiting sabi sa akin ng receptionist. "Bagay po kayo Sir, in fairness naman. Swerte ni Ma'am sa'yo." pahabol pa niya.


Andito na kami sa elevator. Totoo ba, penthouse talaga ang unit nitong si Mia?


Penthouse.



"Arayyy ang bigat mo Mia. Saan ba ang kwarto mo dito?


May isang bukod tanging pintuan sa may dulo na iba ang kulay compared sa ibang pintuan na andito sa loob ng penthouse unit niya.



"Fingerprint scan?"


Ang sosyal naman talaga pala nito ni Mia. Kaso ang sosyal nga, lasinggera naman. Tsss


Inilapat ko ang hinlalaki niya sa scanner sa pintuan. Kaso may password pa. Grabe naman 'to. Napakahigh profile ba ni Mia para doble-doble pa ang security ng pintuan.


Nagtry akong pumindot. Inihiga ko muna si Mia sa couch sa labas lang ng kwarto. Nagtry akong pumindot. 0915. Halaaaa! Ang galing ko, pumasok agad. Hindi ko alam bakit yun ang una kong naisip na combination.


Binuhat ko ulit si Mia paloob ng kwarto. Inihiga siya sa kama, tinanggalan ng sapatos, at binuksan ang aircon kasi alam ko 'yung init na binibigay ng beer sa katawan. Tinanggal ko rin ang coat kong pinasuot ko muna sa kanya kanina. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa kama.


Sobrang laki ng penthouse na 'to, at sobrang laki ng kwarto niya. Pati CR di biro ang laki. Grabe.


Kumuha ako ng bimpo roon. Pinaghalo ko ang malamig at mainit na tubig mula sa gripo. Buti na lang may hot and cold itong gripo niya, di na ako nahirapang magpakulo pa ng tubig sa kusina.


Nang macheck ko na okay na ang temperature ay nilublob ko na ang bimpo tsaka ipinunas sa mga kamay at binti ni Mia. Matapos yun ay nilabhan at sinampay ko ang bimpo sa CR.


Mahimbing pa rin ang pagkakatulog niya.


Lumabas muna ako ng kwarto at gumala panandalian sa unit na 'to habang hinahanap ko kung nasaan ang kusina.


A mix of whites and oranges ang buong unit. Medyo dimlight lang ang mga ilaw dito pero sapat na ang liwanag para mailawan ang daan sa hallways. May napakalaking bintana sa may sala, parang isang buong wall na yata ang laki ng bintana nito. Light orange and white din ang kurtina sa bintanang ito.


Lahat ng pintuan dito ay kulay puti pero ang kwarto lang ni Mia ang may mix of orange. Kaya mabilis kong nahulaan ko alin dito ang kwarto niya. Marami ring indoor plants sa may sala.


Sobra-sobra ang space sa dining area. Paano ba naman, napakalaking area pero two-seater lang ang table. Ganoon pa rin ang theme sa dining area and kitchen, parang sunset vibes lang. Di ko alam pero parang ang sarap tumira dito. Parang feel kong at-home ako.


May isang sliding door sa may dining area. Pinihit ko nang dahan-dahan ang pintuan at isang olympic-sized-swimming pool ang bumungad sa akin. Aba kumpleto pa nga ng showers at tanning beds. Pero pansin ko lahat ng andito ay pangdalawahan lang. Intimate lang sa kanila ni Bruno? Hmmm pero sabi ng receptionist sa baba, wala daw ibang dinala dito si Mia pwera yung si Sir Mark?


Bumalik ako sa loob at tumungo na sa kusina. Ano ba naman ito wala man lang kalaman-laman ang kusina niya. Binuksan ko ang pintuan ng pantry pero ni isang pagkain na stock ay wala itong laman.


Balak ko pa naman siyang paglutuan ng mainit na sabaw. Sigurado ako gutom yun pagkagising.


Hmmm... Kung bababa kaya ako, makakabalik pa naman siguro ako no? Sige na makababa nga muna.

Continue lendo

Você também vai gostar

20.2K 46 22
This is the second instalment to my 3 Part series of Books about a Young Blonde Teen Girl who suddenly starts to loose control of her bladder and bow...
THE WAY YOU LOOK AT ME De J

Ficção Adolescente

288 50 14
Two different people. Two different feelings. Two different ways of loving. Two different hearts. Start: August 03, 2023 End: --
6.1K 231 8
sana magustuhan po HEHE
14.2K 1.4K 86
" දන්නවද අභී..! එයා හරියට වැස්සක් වගේ...!" " වැස්සක් !?...'' '' ඔව් වැස්සක්...එයාගෙ ආදරෙත් හරියට වැස්සක් වගේ...කාලයක් මාව ඒ වැස්සෙන් තෙම්මලා....එයා ය...